We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
Nakattend na din ako few times ng kasal sa batangas since madami ako relatives dun.Yung last na naattendan ko wedding ng cousin ko, sa Batangas City (the house is very near SM) hinde baryo, the reception sa bahay ng bride (my cousin).I was with my sis & cousins bale yung 1 cousin ko proxy siya ng kapatid nya na nasa abroad who's 1 of the principal sponsors, dala namin of course yung cash gift ni cousin siyempre sakto na yun diba. wala kami kasamang oldies. Ayun nawitness namin yung inaannouce yung amount ng bigay ng bawat ninong ninang tapos parang auction ang dating, nagpapataasan, grabe din kasi yung host mangbuyo, mappressure ka talaga kung principal sponsor ka, eh kami sakto dala namin so in the end yung cousin ko abroad ang pinakamababa ang bigay kasi wala naman kami pangdagdag, alangan naman itawag pa namin sa pinsan ko abroad if ok siyang magdadag hahaha. Paulit ulit yung host sa pangalan ng Ninang/ninong & how much. Ganito pa pag announce. From Ninang _________ (name of my cousin) from __________ (country where my cousing lives) ____ pesos !Meron nakapagbigay na tapos magbibigay ulit, ayaw papatalo. Lalo na yung mga taga doon talaga kasi kakilala sila ng mga tao, payabangan!we stayed overnight after the wedding so nakachikahan namin si cousin na kinasal, well according to her yung mga P/V, cake, flowers, sinagot na daw ng mga Ninong/Ninang niya. halos food lang nagastusan nila (sagot pa ng family ni groom). But still yung mga nagsagot na ng gastos sa kasal nagbigay pa din ng cash gift, kasali din dun sa pataasan ng bigay, Imagine doble gastos.My cousin was honest na kumita sila sa wedding nila. Well, kaclose naman daw niya mga principal sponsors niya & they were willing to spend.Ayoko na magcomment sa food, basta hinde kami nakakain ng maayos, sa loob kami ng car kumain kasi wala ng table tapos inantay pa namin maluto yung food kasi naubusan kami, nagkatay pa ulit ng baboy hehe.