i guess some people are just into their election bets, not really into their country.
i remember when gordon lost last election, naging bitter din ako. sobra hahaha! but well, as posted before, i had to suck it all up and hope for the best. though i express my dislike on the current admin, which i believe is reasonable naman, never kong inisip na ma-impeach sya or naisip na sana pumalpak sya. but to be honest, i have lost my hope for a better philippines. i am an ofw and for the past 6 years, ilang beses na akong nakauwi kasi almost 3x a year ako nagbabakasyon pero talaga mga sisses, everytime umuuwi ako, the situation in our country is getting worse. sa airport palang, grabe na. at karamihan sa lugar sa pilipinas, mas dumami mga tambay, batang adik. mas marami na ring mga manloloko sa labas ng airport. hinde naman to haka2x ko lang. naririnig ko sa mga balita or kwento ng mga kapwa ko ofw. and grabe, ang mga daan laging inaayos. promise, sa ilang beses akong umuwi, hinde ko pa nasubokan na walang inaayos na daan. yung inaayos nung pagbalik ko sa abroad, yun pa din inaayos sa next uwi ko hahaha. walang katapusan!
kaya nung tumakbo si duterte, gosh nag-post brigade kami sa fb na mag register lahat ng ofw's sa absentee voting. yung mga kakilala ko dito talagang inencourage ko magregister. it's time for a real change na talaga. nakakaiyak na po talaga ang sitwasyon sa pilipinas. ang mas nakakalungkot pa is parang hinde aware ang mga tao sa pilipinas. simpleng example lang is yung pag nasa mall ka tapos gagamit ka ng washroom, omg kadalasan walang tissue or tubig. yung makikita mo sa kalsada, lubak2x na daan. yung mga wires na hinde mo alam kung gaano na katagal yung mga poste nila eh matutumba na yata. at yung pag may narinig akong kwento ng mga ofw's dito na nawalan ng work or what pero hinde makauwi kasi walang trabaho sa pilipinas. grabe kaya talaga nakakalungkot maging pilipino. ang hirap humugot ng lakas ng loob. tapos yung pagnagta travel ka sa gabi, ang dilim kasi walang ilaw yung mga poste dahil ninakaw or what. yung mga road signs, kawayan lang or ordinaryong pintura ginagamit. bakit ganun? ang laki ng budget every year, saan napupunta ang pera ng pilipinas?
but now i am feeling so hopeful. yung dumami ang sumuporta kay duterte, i realized that the filipinos are all craving for change. wala lang talaga tayong matinong leader. i know change should start with each one of us but we need a strong leader. nakakaiyak yung mga rallies ni duterte na yung mga simpleng tao sumusuporta sa kanya, yung mahihirap, naluluha habang naghihintay sa kanya. naiiyak ako kasi naiisip ko, gaano na ba ka-hopeless ang sitwasyon nila na napapaiyak sila sa rally ni duterte?
kaya let's continue to pray for our country and for duterte and for all of us. we need all the prayers. i know kaya natin to. kinaya nga natin yung mga anti-duterte campaigns and propaganda. im so excited lalo na ngayon pa lang. nararamdaman ko this is it na talaga. change is here!