Hello mga sis! Share ko lang yung nangyari sa ocular namin last week...
Venues that we checked:
Sonya's GardenAffordable ang rates nila.
Nagustuhan ng mom ko yung place kasi para daw "vintage".
Hindi sila one event per day. Pero kung hindi naman big deal sa inyo yun, ok yung place.
Ang hindi ko lang masyado gusto is yung menu nila, parang masyado simple. Pero may pagpipilian naman.

Saka medyo malayo-layo siya sa church namin, baka pag traffic malate yung ibang bisita.
Mahogany PlaceMaganda yung place, one event per day kahit 3 yung venues nila.
Medyo pricey.
Booked na sila sa wedding date namin.
The GlensMy fiance and I had a "this-is-it" feeling nung makita namin yung loob ng place.
Yung sa labas hindi pa masyadong okay dahil dinedevelop pa nila. Tapos yung ibang place din sa loob dinedevelop pa din.
What caught our attention is the pavillion, malaki siya for our 150 guests, pero pag madami kang balak na "props" or additional booths or bars sa wedding mo, ok na ok yung place.
Hindi lang kami nagbook muna kasi may wedding expo nga ngayong weekend. Ang ginawa namin, kinuha muna namin yung accredited caterers para makapag "bargain" pa kami sa wedding expo.
Villa IbarraKung gusto mo ng view ng taal, Villa Ibarra is one of the venues to check.
Hindi lang namin nagustuhan is medyo mababa yung ceiling nila, ewan ko pero parang ayaw ni h2b, haha!
TaalenaAlso One of the venues where you can view taal.
Hindi namin siya nagustuhan kasi hindi ayos yung parking (lubak-lubak), tapos yung mismong venue parang hindi maayos, may sirang washing machine pa sa tabi XD I know naman na tatanggalin nila yun on the event day pero parang naturn off kami kasi diba dapat laging presentable yung place?

Hindi na namin chineck yung mga hotels kasi mataas daw yung corkage fees.
Yung fernwood hindi na rin kasi andami kong nababasang feedback na mainit daw

Share ko na lang yung details about sa booked naming venue on my next post
