hi kvandenhaak, is your post for me?
As I have said, nagulat lang ako when he did not reply at all. Siguro kasi ganon ako eh, pag baby na pinag-uusapan, I just can't ignore it na ganun ganun lang, just like the other guys here. But yeah, not all people are like me. So baka sanay na yung lalaking yun sa ganun. Lalo na nga it's just ONE NIGHT STAND, so wala na nga akong laban eh, matatanggap ko rin.
Not in any way na binastos ko siya or sinisi ko sya, or hindi ko siya nirespeto. Ang sinasabi kong BS eh yung ginawa niya, hindi siya mismo.
That's why I am dealing with all of these diba? I am taking all your judgments, advices, everything. And by the time na mapagdesisyunan kong ipaalam na sa lahat, again, hindi lang judgment niyo ang titiisin ko, kundi pati ng pamilya ko, ng anak ko, kaibigan, katrabaho or kahit sinong kakilala. Tapos siya ano? Tuloy lang sa mga pinagagawa niya, ONS dito, ONS dyan. Then pag may nagtext na naman, deadma na nman. Or if I decided na iabort tong baby, ako lang ang guilty, siya wala lang. Dedma eh. Kasi one night stand lang.
Anyway, none of my business na siguro yun. Nakakagulat lang na kaya ng konsensya niya. But I think di ko na rin dapat isipin. I did my part of letting him know kasi it's his right coz he's the father, pero I can't control na how he would react. And kung ako nga rin, naisip ko rin na iabort, so anong pagkakaiba ko sa kanya? Pareho lang kami walang pakialam sa baby, na kagagawan namin pareho. More burden lang on my part
Everyone would want na panagutan ka ng nakabuntis sayo or kahit i-acknowledge man lang. Sa kahit anong paraan pa nabuo, que gusto mo or hindi. Kasi parang tingin ko sa nangyayari, wala akong karapatan masaktan kasi nga ginusto ko naman na one night stand lang, malas lang may nabuo, tapos deadma, then bye na.