Author Topic: Annullment thread 4  (Read 17208 times)

rochelle1025

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 120
  • Believer of second chances and God's winks
Annullment thread 4
« on: November 19, 2015, 12:10:06 pm »
Sarado na yung thread 3 so dito na lang.

Dinelete din ng admin yung reply ko kasi blog advertising daw kahit related naman yung shinare kong blog posts (1 is a link sa isang legal blog and the 2nd link is my personal blog na dedicated sa annulment process).

Just to reiterate again. "Main reason sa amin is one day hindi na nya ako mahal at wala daw kameng bahay (material things) then later on may babae na pala siya" is not grounds for annulment. You would have to go for the psychological incapacity grounds but this is not easy to prove. You have to show the court that this has been consistently displayed by either party whether single pa sila or married na.

Expenses on the civil annulment process depends on the kind of lawyer and psychologist you'll get. Ang logic ko dyan, pag nagbayad ka ng mura, wag ka mag-expect ng high quality service. You pay for peanuts, you attract monkeys.

In my case, dahil I did my homework, I spent 450K for everything. Mura na ito relatively kasi my former boss spent more than 1M for his son's annulment. Sabagay, mas complicated yung case ng anak nya kasi may properties at kids involved.

Ako naman, we don't have kids and hindi ko na din hinabol yung property namin.

believer of second chances, God's winks and #thankyoumoreplease

Girltalker2

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3228
Re: Annullment thread 4
« Reply #1 on: November 19, 2015, 11:07:09 pm »

^ what is short cut annulment?

Mine took mga 4 years din. Around 250k. Ni refer ng I sang acquaintance yung lawyer. She went through annulment at ok naman experience nya kaya I hired the same lawyer. As I've said before, di ko masa sabi stellar perfect ang pag handle ng case ko, but overall, nagawa nya and di sya tulad ng iba na nawawala ng parang bula.

May friend ako, sa law firm pa nya ni-file. Spent more than a million and has several case appearances. And yet her case was dismissed. Now she has to file again from scratch.

rochelle1025

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 120
  • Believer of second chances and God's winks
Re: Annullment thread 4
« Reply #2 on: November 20, 2015, 09:22:23 am »
^Shortcut annulment. You pay corrupt judges.

Delikado yang corrupt judges kasi alam ng OSG yung mga courts/judges na may reputation of accepting bribes. And pag nakita ng OSG na yung decision comes from those RTCs/judges, they appeal the decision at inaakyat sa CA.

My lawyer always tells me na wag paaabutin sa CA yung annulment kasi mas mahirap at mas magastos. Kung sa RTC daw, 50-50 ang chances of getting an annulment, sa CA nagiging mas maliit ang chance.
believer of second chances, God's winks and #thankyoumoreplease

Girltalker2

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3228
Re: Annullment thread 4
« Reply #3 on: November 20, 2015, 11:01:31 pm »

^ mga 6-8 months din. Matagal din sakin, mamumuti talaga mata mo. Sakin nga Yung certificate of nullity halos 1 year din.

Sis I hope you don't mind me asking... Di ka pa ba natuto - you still want to get married, sa pinas pa ulit? Sorry I've lost faith in marriage na kasi because of my experience. Sabi ko sa sarili ko, if ever I will get married, never sa pinas. For my kids, I would also advice them - never ever ever sa pinas.

rochelle1025

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 120
  • Believer of second chances and God's winks
Re: Annullment thread 4
« Reply #4 on: November 22, 2015, 01:05:33 pm »
^Agree. I still believe in marriage and happy endings.

It's all a matter of perspective, eh. Kung maniniwala ka na masama ang mundo, ano gagawin mo? Magkukulong ka na lang sa bahay? The moment we were born, we're sure to die. Does this mean you won't live your life at all?

There are people who are not really built for marriage pero madami din namang fit for marriage.
believer of second chances, God's winks and #thankyoumoreplease

lovemeagain30

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 704
Re: Annullment thread 4
« Reply #5 on: November 22, 2015, 08:33:50 pm »
Excuse for the sisters who went through the process of annulment,, ang sakit pala sa bangs eto ano?? dapat pala talaga pag isipan mabuti bago magpakasal. as in madaming pag iiisip ang kailangan!  ;D

rochelle1025

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 120
  • Believer of second chances and God's winks
Re: Annullment thread 4
« Reply #6 on: November 22, 2015, 08:53:52 pm »
^Oo, masakit din sa bulsa. When I got married in 2005, we spent 150K for everything because it was an intimate small wedding. 10 years later, I spent 450K for my annulment. 3x the amount shelled out when we got married. Hay!!! Hahahaha!

Pero, pero, pero. That's really a small price to pay for freedom. :)
believer of second chances, God's winks and #thankyoumoreplease

lovemeagain30

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 704
Re: Annullment thread 4
« Reply #7 on: November 22, 2015, 09:26:55 pm »
^150,000 sis for a small intimate wedding?? wow sino mag aakala it will not last forever. buhay nga naman. kunsabagay, sugal din talaga ang pag aasawa. sugal na kailangan pag isipan mabuti ng pasirku sirku! :)

good for you sis you've done it. what is 450K to a lifetime ika nga. hay pag aasawa hindi talaga biro.
thanks sis for sharing.

lovemeagain30

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 704
Re: Annullment thread 4
« Reply #8 on: November 22, 2015, 09:55:45 pm »
^^Sis Chili1113 meron talaga audience sa courtroom once nag file ka ng annulment case?? as in?? yikes! akala ko kakausapin lang kayo parehong partido with lawyers sa small room ng judge. Yung mga ganun court room drama eh para sa mga ibang kaso and not about annulment. ganun din pala yun. Now i Know. :)

lovemeagain30

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 704
Re: Annullment thread 4
« Reply #9 on: November 23, 2015, 01:27:33 pm »
ganun ba.. thanks for sharing your experience sis lalo na sa mga katulad kong walang alam sa ganyang procedure.. not that ipapa annul ko yung kasal ko ah (haha!) pero atleast malinaw sakin hindi biro talaga ang pagpapakasal bukod sa magastos pa eto, mabusisi ang proseso ng paghihiwalay. pano nalang kung wala kang datung di ba?? kailangan talaga pag isipan mabuti if this really it lalo na sa mga taong nabibigla lang sa desisyon.

Girltalker2

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3228
Re: Annullment thread 4
« Reply #10 on: November 25, 2015, 05:49:34 am »
@Chili1113, napansin ko kulang pala yung phrase 'I've lost faith in marriage'. Siguro partly true, pero mas nananaig sakin yung belief na don't ever get married in the Philippines!!! Hindi lang dahil walang divorce, but also napakabagal umusad ng mga kaso, lahat pahirapan when it comes to these matters as the law and justice system are just so screwed.

Sis, pa share naman ng church annulment. What are the grounds for them to grant you the annulment? May na r-reject din ba? Where do you start? What if you're staying abroad, puede ba mag file sa ibang church or dapat sa church na kinasal kayo ?

@lovemeagain30, ko madaming tao sa courtroom kasi. I'm not sure if all courtrooms look the same, pero sobrang pathetic Yung courtroom na napuntahan ko.

Una una mainit, masikip at overflowing ng iba't ibang tao. These are the people who are waiting for their cases to be heard. or kamag anak ng convicted or ng complainant, may lawyers, may witnesses, merong usi lang din siguro, at higit sa lahat yung mga police at mga nakaposas na suspects waiting for their trial andun din. In 1 day kasi, may mga nakahain na cases for the judge to hear. minsan pa the judge will come in late kaya lahat ng cases minsan moved back ang sched, worse, postponed to another date (buwan lang naman ang aantayin mo - again). Isa pa, the way they schedule these hearings, eh by the day. Walang oras. So if your schedule is say nov 30 Monday, punta ka maaga coz you don't know what time turn mo. Or Kung mabilis/bagal usad ng cases for that day.

So once you take the stand, lahat ng mga taong iyan andyan. Sabi ng lawyer ko, puede mo naman daw I-request paalisin sila sa courtroom while it is your turn, kaso you are literally talking about at least 100 people in a very confined space na papalabasin mo sa mainit na masikip na corridor so malamang iba have to stay under the sun kc dami talaga ng tao. Naalala ko pala may aircon sa courtroom pero not enough to cool the room.
« Last Edit: November 25, 2015, 05:52:41 am by Girltalker2 »

rochelle1025

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 120
  • Believer of second chances and God's winks
Re: Annullment thread 4
« Reply #11 on: November 26, 2015, 11:19:40 am »
Madaming tao when I testified in court pero wala akong paki kasi 1) hindi ko naman sila kilala and 2) hindi ko naman na sila makikita uli after the hearing. Hahahaha!

Ninerbyos ako sa pag-testify ko kasi yung judge ang kausap ko, eh. I mean, sya ang magdedecide ng future ko. Hindi naman ako sinabihan ng lawyer ko na umiyak sa court (hindi din ako iyakin) so sabi nya basta be humble lang. Ang weird lang kasi after I testified ang sabi ng lawyer ko, mukha daw akong naiiyak while giving my testimony. Pero hindi talaga ako naiiyak all throughout the testimony. :D
believer of second chances, God's winks and #thankyoumoreplease

rochelle1025

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 120
  • Believer of second chances and God's winks
Re: Annullment thread 4
« Reply #12 on: November 26, 2015, 04:18:44 pm »
^Sama mo na Quezon City sa tribunals under Good Shepherd Cathedral sa Fairview. Dun ako nagfile, eh. :D

Katatawag ko lang sa Good Shepherd kanina para makibalita. Grabe, 1 year and 3 months na since I filed the papers. Ang sabi ng kausap ko ngayon, kakatapos lang nung last na hinearing nila. Ako na daw yung susunod. Ang haba kasi ng pila sa amin. Nung nagfile ako, 9 pa daw yung nakapila. Sus.

Yung isang witness na nilagay (dad ni ex), namatay na nga, eh. Kaloka! Chilli113, paano kung walang lumitaw sa mga witnesses na cited ko?
believer of second chances, God's winks and #thankyoumoreplease

Girltalker2

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3228
Re: Annullment thread 4
« Reply #13 on: November 27, 2015, 06:55:56 am »
Thanks mga sis for sharing your experiences sa church annulment.  I'm staying abroad kasi.

Actually wala nga namang need na magfile ako. Pero naisip ko lang, mas ok sana if malinis papers/docs ko on this.

Does your legal annulment have any bearing or gagamitin to pursue your church annulment?
« Last Edit: November 27, 2015, 06:58:17 am by Girltalker2 »

rochelle1025

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 120
  • Believer of second chances and God's winks
Re: Annullment thread 4
« Reply #14 on: November 27, 2015, 08:49:09 am »
^Sis, hindi ako nirequire ng tribunal namin na magbigay ng written statements from witnesses. For interviews lang sila lahat. Wala din binanggit kahapon about psychological exam. Ang sabi ng coordinator, for the hearing na yung schedule na ibibigay sa akin. Baka after the hearing pa yung psych evaluation.

Napaisip tuloy ako kung medyo iba-iba ba ang process per tribunal.
believer of second chances, God's winks and #thankyoumoreplease

rochelle1025

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 120
  • Believer of second chances and God's winks
Re: Annullment thread 4
« Reply #15 on: November 27, 2015, 09:52:22 am »
^Thanks sa inputs, sis. Walang sinabi yung coordinator re written testimonies of witness. For interviews lang daw sila lahat. Ang sabi ng coordinator, bibigyan na ako ng sked for hearing.

Yes, I submitted a case history when I filed all the papers for the petition. I wrote it myself kasi I'm a writer by profession naman. I'll ask the coordinator kung ano pa yung ibang process. Baka may hindi sya nasabi.
believer of second chances, God's winks and #thankyoumoreplease

lovemeagain30

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 704
Re: Annullment thread 4
« Reply #16 on: November 29, 2015, 01:45:38 pm »
Mga sis I hope you don't mind sa pagiging atribida/chismosa ko,, curious lang po ako since you're talking about witnesses, ano ba usually ang sinasabi ng mga witnesses? Why the marriage failed? Diyan ba pumapasok ang role ng mga ninong at ninang sa kasal?

Girltalker2

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3228
Re: Annullment thread 4
« Reply #17 on: November 29, 2015, 02:36:36 pm »

^ it is actually a valid point. Ideally you should choose your witnesses that can make your annulment case stronger.

puede mo naman ata sila sabihan and you can suggest what they should say?

rochelle1025

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 120
  • Believer of second chances and God's winks
Re: Annullment thread 4
« Reply #18 on: November 29, 2015, 08:01:22 pm »
^^Witnesses should be people who witnessed what happened in the marriage. Pwede ang ninong at ninang kung aware sila sa mga naging problema ng mag-asawa. May mga ninong/ninang kasi na once a year lang nakikita ng mag-asawa.

Ideal witnesses are household help, common friends, relatives. Puwede ding anak ng mag-asawa but this can be traumatic for the kid, especially kung bata pa. But the testimony of the kid is very powerful, especially kung abandoned yung family.

In my case, tatlo ang naging witnesses ko sa court: ako, our household help, and the psychologist. Sa written petition, my dad was included in the witnesses pero I didn't ask him to go to court na kasi obvious na biased kasi tatay ko.

In the end, malakas yung naging testimony ng psychologist ko kasi nagparticipate si ex sa psych evaluations. The testimony and the psychological report didn't appear to be biased kasi nakausap ng psychologist si ex so fair yung lumabas sa report.
believer of second chances, God's winks and #thankyoumoreplease

lovemeagain30

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 704
Re: Annullment thread 4
« Reply #19 on: November 29, 2015, 09:46:40 pm »
Ah okay, mabuti pumayag mga witnesses niyo to stand in the court. hindi ba kayo nahirapan to convince them? Saka kailangan din ba ng witness dun sa kabilang partido?

Saka one more question pala , totoo din ba na kung sino ang nag file ng annulment eh siya din ang magbabayad ng whole proceedings? tama ba ko? pano kung alang pera si ateng, patay!  :-\

 


Latest Stories

Load More Stories
Close