watch now

Author Topic: Getting a Housing Loan (Thread 4)  (Read 126489 times)

rasee16

  • Guest
Re: Getting a Housing Loan (Thread 4)
« Reply #260 on: July 05, 2016, 05:36:56 pm »
^if sa asawa mo sis, automatic co-borrower ka kasi conjugal ang real estate property eh.

jhack

  • Guest
Re: Getting a Housing Loan (Thread 4)
« Reply #261 on: July 05, 2016, 08:41:46 pm »
Sis ang problema nga di naman sya nagloloan parang kapangalan lang nya yun nag loan

rasee16

  • Guest
Re: Getting a Housing Loan (Thread 4)
« Reply #262 on: July 05, 2016, 08:59:09 pm »
Hala sana hindi naman identity theft yan sis. Sana nga kapangalan lang

jhack

  • Guest
Re: Getting a Housing Loan (Thread 4)
« Reply #263 on: July 06, 2016, 04:07:17 pm »
Actually sis na confirme na ng bank na hindi sa amin yun loan na un thru email ang problema is hindi sila mag bbigay ng clearance dahil wala daw kami account sa kanila

robinemz

  • Guest
Re: Getting a Housing Loan (Thread 4)
« Reply #264 on: July 07, 2016, 12:52:43 pm »
update ko lang mga sis yung kaganapan sa issue ng loan ko with Metrobank. finally pumayag na sila sa terms na nirequest ko. kasalanan kasi nila na di inupdate yung address namin where in face nabigay ko na yun before nagtake effect yung bagong payment plan.


kaso lang may nakita akong issue sa system nila. nung humingi ako ng statement of account, napansin ko yung isang buwan hindi nakareflect yung payment. Thank God na naitabi ko yung OR nung buwan na yun kaya confirmed na may payment kami na wala sa system nila. i'll be emailing that and let's see kung bakit may discrepancy sa system nila.

gel_rev

  • Guest
Re: Getting a Housing Loan (Thread 4)
« Reply #265 on: July 07, 2016, 05:56:04 pm »
I just want to share my experience din. I'm an online freelancer and my hubby is an agency contractor. First quarter ng 2015 when we decided to scout for a house and lot dito sa hometown nya where we relocated. We've been living with my in-laws since we got married and we both agreed na gusto namin bumukod in the future. Hehe. Anyway, so as you can imagine, since I'm an online freelancer, may issue ako sa income requirements. Yun yung una kong apprehension na baka di ako ma-approve for a housing loan, pero sabi naman ng agent na nakausap namin, may mga online freelancers na raw na naunasa aking kumuha ng housing loan sa RCBC and na-approve naman so she said I should give it a shot. So, dahil sa matinding kagustuhan naming magkaroon ng sariling house, we took the leap of faith.

We paid the 20k reservation fee ng April 2015. Kaya rin kami na-encourage na kumuha, kase may promo that time. DP is supposed to be 20% of the TCP. 8 months yung term for the 10% DP then they'll waive the remaining 10% (almost 100K) if our housing loan gets approved by the bank before our DP ends. Otherwise, we'll have to pay for the 100K and in-house financing and bagsak namin pag di kami na-approve on time.

Come May 2015, start na kami prepare ng documents and all, while paying for our DP which was at 16k per month. At first, super kinakabahan kase nga di ba may banks na super strict and all. Natatakot ako magbayad ng 100k. Wala ako pagkukunan ng ganoon kalaki. Good thing that RCBC Savings was accredited by Camella Homes, so mas convenient na rin makipag-transact sa kanila. Also, isang malaking difference is di na need ng appraisal. Kung ano yung TCP ni Developer, 80% of that amount ang ipo-provide nila. Anyway, ayun, I submitted all my requirements na sa RCBC at nag-pray kay God na ma-approve ang application. (I didn't apply na sa ibang banks.)

By the grace of God, conditionally approved na kami by July. Ito yung terms:

"Your loanable amount is 1,743,795.00 payable in 20 years. Interest rate is
5.75% fixed for 1 year only. Meaning, every anniversary date, your interest
rate is subject for re-pricing. Monthly amortization is 14,242.90."


Initially, gusto ko sana fixed term for 5 years. Kaso choosy pa ba ako. Buti nga na-approve yung loan. Sabi nung loan officer, valid daw yung offer for 6 months. By October, nag-decide na kami to pay in full yung downpayment para mag-start na yung construction ng house. Then, I completed submitting my loan requirements. Nag-pay na rin ng bank processing fees which was around 38K. So ayun, by November, nakapagpirmahan na and setteled na rin ang DP and na-process na yung housing loan. Para akong nabunutan ng tinik. December nag-start yung house construction, natapos sya last April. Turned over na sa amin last May. We haven't move in yet. Pero we'll get there.

Praying lang na retain ang interest rate. Kase sa November, repricing na. Haaaay. Sa mga mommies, na annual repricing ang loans, pwede ba makipag-haggle? Hehe.

Ayun lang story ko. Sorry, napahaba. :)

chubbsky

  • Guest
Re: Getting a Housing Loan (Thread 4)
« Reply #266 on: July 09, 2016, 10:51:33 am »
Mga sis ask ko lang, after ma-approve ang loan, na-sign ang loan contract, at na-submit na lahat ng papers (TCT, etc), how long usually bago i-release ang 1st amount ng loan?

crzysxycl

  • Guest
Re: Getting a Housing Loan (Thread 4)
« Reply #267 on: July 09, 2016, 05:23:54 pm »
Hi sisses! Question lang, what if approved na ang loan pero hindi pa narerelease yung money sa developer, pwede pa ba ako mag back out? Nakakawalang gana kasi, my agent/broker told me mamove ng 2018 ang turnover ng condo ko instead of next year. The nerve pa sabihin sa akin hindi daw ba ako makakapaghintay! I told her nakalagay sa CTS na 2017 tapos biglang ganon, at dapat ako pa talaga mag adjust sa kanila? She also gave me an option na lumipat sa tower 1 since tower 2 yung unit ko, kaso naman panibagong asikasuhin nanaman yun. Eh bingo na nga sila sa akin dahil mula sa reservation, CTS hanggang turnover puro stress binigay nila sa akin. I'm thinking na huwag nalang ituloy at bawiin nalang kung ano man naibayad ko, alam ko mababawasan yun pero baka ok na yun kesa ituloy ko pa makipag deal with them, baka sa susunod another problem nanaman, tsk!

sky_butterfly17

  • Guest
Re: Getting a Housing Loan (Thread 4)
« Reply #268 on: July 10, 2016, 11:26:32 am »
Hi,
Anyone applied to RCBC & BPI Family Savings. Halos same rate lang ba sila? saan sa 2 pwede mag nego ng repricing rate na mas lower?

Thanks

yannuh

  • Guest
Re: Getting a Housing Loan (Thread 4)
« Reply #269 on: July 11, 2016, 07:20:21 am »
Mga sis gaano ba katagal naapprove ang bank loan? Kasi may nakita kaming townhouse ni hubby, 1.85M yung TCP niya. medyo maliit yung house pero good sya for small family since me 2 bedroom naman sa taas and ok na ok sya for us. kaya lang 11% sya pag in house financing, parang tumatakbong 19500/month. If kukunin na namin yung townhouse, gaano katagal iapprove ni bank yung loan namin? habang naghihintay ba kami ng approval nila e 19500 every month ang need namin bayaran sa developer ng townhouse? And also paano sya idededuct sa TCP? TIA. Pasensya sobrang noob ako pagdating dito. TIA!!

jhack

  • Guest
Re: Getting a Housing Loan (Thread 4)
« Reply #270 on: July 11, 2016, 08:23:47 pm »
Sis pag wala problema name mo 5 working days lang yan

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Getting a Housing Loan (Thread 4)
« Reply #271 on: July 11, 2016, 08:43:32 pm »
Sis yannuh, saang area yang townhouse na yan?

yannuh

  • Guest
Re: Getting a Housing Loan (Thread 4)
« Reply #272 on: July 12, 2016, 07:44:05 am »
Sis pag wala problema name mo 5 working days lang yan

Ah mabilis lang pala. Thank you sis!:)

Sis yannuh, saang area yang townhouse na yan?

sis Pasig area sya :D

dismembered

  • Guest
Re: Getting a Housing Loan (Thread 4)
« Reply #273 on: July 12, 2016, 02:55:07 pm »
Medyo hindi ko gets yung sinasabing repricing period sa banks.

Pag sinabing fixed for 5 years yung interest rate, ibig sabihin, for example, 6% for the 1st five years, after that ba, magbabago ang interest rate pero fixed ulit for 5 years or magiging yearly na ang repricing ng interest? Hindi ko gets actually.

MedChic

  • Guest
Re: Getting a Housing Loan (Thread 4)
« Reply #274 on: July 12, 2016, 06:49:18 pm »
Medyo hindi ko gets yung sinasabing repricing period sa banks.

Pag sinabing fixed for 5 years yung interest rate, ibig sabihin, for example, 6% for the 1st five years, after that ba, magbabago ang interest rate pero fixed ulit for 5 years or magiging yearly na ang repricing ng interest? Hindi ko gets actually.

Fixed for 5 years sis tama ka, for the first 5 years yan na ang monthly amortization mo.

Yung succeeding years, lets say 10 years or 15 years or 20 years ang loan term mo, depende sa bank kung alin ang iaapply after the fifth year. May ibang banks yearly na. Some banks another 5 years uli.

dismembered

  • Guest
Re: Getting a Housing Loan (Thread 4)
« Reply #275 on: July 13, 2016, 01:04:01 am »
^ i see. Medyo misleading sila mag advertise. Iba iba din pala ang policies ng banks dito. Im choosing which bank and interest rate for my loan. Kailangan ma verify pala.

sky_butterfly17

  • Guest
Re: Getting a Housing Loan (Thread 4)
« Reply #276 on: July 20, 2016, 08:29:15 am »
as per our developer, approved na kami sa BPI family savings (15yrs) and Robinsons Bank (20yrs). Na declined daw kami sa RCBC. and waiting for PNB's approval. Which is okay BPI or Robinsons Bank?

dismembered

  • Guest
Re: Getting a Housing Loan (Thread 4)
« Reply #277 on: July 25, 2016, 03:26:28 pm »
Medyo bothered ako sa magiging decision ko.

Worth 2M na house, ang nag offer sa akin is si Metrobank at si BDO. Next month na yung last downpayment ko, hindi pa rin ako maka decide.

Metrobank 6.5% fixed for 5 years
BDO 6.88% fixed for 5 years

Sana mabigyan nyo ako ng recommendations kung sino ang dapat kong piliin sa dalawang yan. Hindi ko alam yung mga charges na incurred pa upon accepting the loan pa. Gusto ko ng mas makakatipid currently at in the long run. Natatakot ako sa mas mababang interest rate ng metrobank kasi baka babawian naman ako kapag tapos na yung fixed na years. Hindi ko alam if may protection ba tayo sa mataas na pag increase ng interest rate ng mga banks. Sa BDO naman, medyo may bad experience ako sa kanila. Parang lahat yata may ways sila para i-charge ka. Hindi na ako nag try sa BPI, though dun ang payroll account ko at savings ko, pero dahil hindi sila accredited baka mas mahirap mag asikaso at baka mas mataas ang fees na incur sa akin. Based sa research ko hindi rin naman nalalayo ang interest rate nila sa dalawang bank na nagbigay sa akin ng offer. Ano kaya ang pipiliin ko sa dalawang ito?

prettygretchen

  • Guest
Re: Getting a Housing Loan (Thread 4)
« Reply #278 on: July 25, 2016, 11:11:51 pm »
I recently bought a house. 2.8M at 142.5 sqm here in lower Antipolo. Old structure but ni renovate ng owner then we made a lil renovating as well so good buy for the value of lot.

anyway, we pay 900,000 in cash as a downpayment and 1.9M was loaned in BPI.
They have charges I issue a check to them as far as I remember 33k, plus 3,500 blah blah blah.

6.88% for 5 years

(then we plan to pay it for 5 years na. like if we get a lot of money around 200-300k deretcho na namin para hindi kami mababaon sa utang. plus we can move on to another investment)

my experience with BPI home loan, ang daming hinihingi. plus madami sila mag pre approved yes then collect all the requirements needed. i-cocollect lang yun pero hindi naman iccheck ng husto mga 1month pa bago i scrutinize ng nag chcheck aa kanya for pending o may silip or what so ever sa papers. and as per my seller pinahahirapan daw siya kunin yun loan money. please hindi mo masyado matawagan sa phone puro email email ang labanan.

mag start ako ng first payment this July27 nasa online banking ko naman nakalagay ang ibabawas sa CA ko :)


shinies

  • Guest
Re: Getting a Housing Loan (Thread 4)
« Reply #279 on: July 26, 2016, 01:25:58 pm »
Medyo bothered ako sa magiging decision ko.

Worth 2M na house, ang nag offer sa akin is si Metrobank at si BDO. Next month na yung last downpayment ko, hindi pa rin ako maka decide.

Metrobank 6.5% fixed for 5 years
BDO 6.88% fixed for 5 years

Sana mabigyan nyo ako ng recommendations kung sino ang dapat kong piliin sa dalawang yan. Hindi ko alam yung mga charges na incurred pa upon accepting the loan pa. Gusto ko ng mas makakatipid currently at in the long run. Natatakot ako sa mas mababang interest rate ng metrobank kasi baka babawian naman ako kapag tapos na yung fixed na years. Hindi ko alam if may protection ba tayo sa mataas na pag increase ng interest rate ng mga banks. Sa BDO naman, medyo may bad experience ako sa kanila. Parang lahat yata may ways sila para i-charge ka. Hindi na ako nag try sa BPI, though dun ang payroll account ko at savings ko, pero dahil hindi sila accredited baka mas mahirap mag asikaso at baka mas mataas ang fees na incur sa akin. Based sa research ko hindi rin naman nalalayo ang interest rate nila sa dalawang bank na nagbigay sa akin ng offer. Ano kaya ang pipiliin ko sa dalawang ito?

Ano yung iba pang accredited na bangko? Ayaw mo na tignan?

Kung yan lang talaga ang pagpipiliian, dun ka na sa Metrobank. Maayos sila 2 na loan namin sa kanila.

BDO, iiiiiih :-X Totoo yang sinasabi mo brutal sila makahanap ng paraan na kumita sa mga kliyente nila. SM kasi may-ari.

Yung sa interest rate, nakadepende yan sa industry rate kaya di din ganun kalayo mga rate ng mga bangko. Malas kung pag tapos ng 5 years eh tumaas pero swerte naman kung bumaba. Wala control dun para siyang stock market.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close