watch now

Author Topic: Ugaling Pinoy na di mo gusto.  (Read 96077 times)

megamabushii

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #60 on: July 23, 2015, 08:19:01 am »
Ughhh daming mga cocky know-it-alls hindi lang sa totoong buhay, dami rin sa cyberspace.

pinklilac

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #61 on: July 23, 2015, 08:19:36 am »
^true! Isa sa hindi ko gusto ...
kahit sa mga pics sa fb mag comment na "tumaba ka"
Eh di ansama ng pakiramdam nong tao.

Pati yung "pumayat ka"?
Maganda sabihin yan sa taong  alam mo na nagda diet.baka  sa sobrang tuwa eh mahalikan pati puwet mo lol
pero sa taong hindi ka aware na may sakit pala kaya namayat.that will be depressing..
nakita ko yan sa tatay ko.
gusto ko sampalin yung taong nag ask sa tatay ko.as in yung expression talaga eh nakaka alarma na namayat si tatay at mukhang.mati tegi na (RIP tatay).
Ang tatay naman panay tingin tuloy sa salamin ..

May friend ako nagbakasyon noon galing US at hindi masyado lumalabas or nakikipag meet up. Later on nalaman ko reason,  unang bungad daw kase sa kanya ng mga kakilala pag makita sya ay "antaba mo!!??"
Kaya daw nagulat sya sa akin na hindi ko pinuna katawan nya .
of course napansin ko na tumaba sya. Pero  alam ko na hindi tama sabihin..
better sarilin na lang.

ataypool

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #62 on: July 23, 2015, 11:08:00 am »
People assuming agad na tomboy/bakla/sira ulo ka kung wala ka pa asawa. Pag may asawa ka pero walang anak pipilitin kang magka-anak.

Isang party there was this old man who laughed at me when I was overweight, sabi 'buntis ka?"
Tinignan ko nang masama sabi ko mataba lang ako. Hindi huminto tingin ko sa kanya until he apologised.

Every vacation in Manila I hate it when guys leer at me. Pag babae naman tumitingin mula ulo hanggang paa with a smirk. I don't wear skimpy, short, tight clothing but my clothes aren't the usual Manila style of jeans and tshirt.

Ang dami din hilig magparinig or pagtawanan someone behind their backs. This girl sa likod ko sabi niya sa BF niya hindi siya pupunta ng mall na nakapantulog. I was wearing loose pants that time na parang pyjama. Gusto ko sana balikan sabihin sa kanya na iyong pants ko suweldo mo ng dalawang linggo (di naman niya alam sale sa Bershka only bought it for 500 pesos) pero nagpakalma na lang ako. Early 90's vacation ko in Manila I was at Duty free shop paying at the counter and this girl behind me saw my Philippine passport then said to her BF, 'Ay hindi pa siya citizen'. Tinignan ko na lang siya with a smirk nang isang item lang pala binili niya na mura pa. There was also another customer that time Filipino with an African GF and these two Filipinas were laughing pointing at them saying na ang itim-itim and pangit.

pret_ty68

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #63 on: July 23, 2015, 12:34:13 pm »
People assuming agad na tomboy/bakla/sira ulo ka kung wala ka pa asawa. Pag may asawa ka pero walang anak pipilitin kang magka-anak.

Aside sa tumaba or pumayat na intro pag alam na single ang usual na unang sasabihin:

"uy kumusta lovelife?"" Kailan ka magaasawa?" Tapos salita na nang salita kung bakit pangit maging single

Pag alam naman nila na may asawa pero wala pang anak .

"o ano nakabuo na ba?" Tapos salita na nang salita kung bakit pangit ang walang anak

Ewan ko ba parang common yata sa maraming Pinoy na i highlight ang flaws nang kausap nila
« Last Edit: July 23, 2015, 12:36:15 pm by pret_ty68 »

sugardrop

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #64 on: July 23, 2015, 12:59:45 pm »
True yung pag-aasawa and anak. Thrice in a day my mom and I came across 3 of her friends and lahat ba naman pinag-aasawa na ako para magka-apo na mom ko. The third time, nairita na ako and said "wait lang po, mangingitlog muna ako" with a smile. Parang manok lang. ;D

Vans

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #65 on: July 23, 2015, 06:09:25 pm »
@ataypool, racists talaga karamihan ng pinoys. Yung iba nakapunta na sa ibang bansa ganon pa rin magisip.

@pret_ty68, nung di pa kami nagkakababy ng mister ko, nahiritan kami ng "ang hina nyo naman" kasi di pa kami makabuo.

@sugardrop, nanay ko dati laging nangungulit kelan ako magaasawa, nasagot ko sya:"bukas, imbetado nga pala kayo".

ataypool

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #66 on: July 23, 2015, 09:54:10 pm »
One of fhe reasons too why I stopped going to parties with Filipino hosts. Napagod na akong magsabi na 'hindi kasi ako suwerte like you nakapag-asawa'. Of course I was being sarcastic nakagalitan na nga ako ng parents ko noon rude daw ako. Sabi ko sila bastos hindi ako. hehe!

Sa mga parties na iyan, iyong nakakabwisit na may mga bisita pang darating pero nagtatago or nagbabalot na ng pagkain pang-uwi iyong mga nakarating na. Meron pa noon bisita kami hinihingi na ang isang ulo ng lechon kakarating pa lang. Tinanggihan ng parents ko buti na lang. Hindi naman mahihirap itong mga bisita na iyan.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #67 on: July 23, 2015, 10:15:18 pm »
What I really, really hate is the comment "uy tumaba/pumayat ka"


Super hate ko din yan. I really find it offensive, insulting and insensitive. I even cried one time because of that. Sabihan ba naman ako ng "hala super payat mo naman!!!" na as if its a mortal sin to be skinny. During that time nagi-stress eating na ko because I was so desperate to gain some weight dahil nakakairita na yang banat about my weight. My friends would tell me that I'm lucky since I don't gain weight easily kaso some people made me feel na parang wala akong pambili ng food kaya ang payat ko. Kung alam lang nila kung paano ako kumain.

pret_ty68

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #68 on: July 23, 2015, 10:33:33 pm »
^^
Mahilig talaga ang mga pinoy dyan sa balot balot na yan. Usually hindi pa nagsisimula na ka allocate na yung mga food. Kahit nga minsan sa mga office parties may nagtatago nang food. Ang isa pang nakakaloka minsan kumakain ka pa may nagsasabi nang ibigay mo sa kanya yung mga buto nang kinainan mo pakatapos dahil ibibigay nya sa mga alaga nyang dogs.

Yung comment sa mga single kahit minsan sa fb mapansin mo pag nag post nang picture yung single minsan wala namang relevance sa post may mga mangungumusta pa nang lovelife at may mga comment like:

         Uy kelan na ba kami maiimbita?
         ano pa ba ang hinihintay?
         bilisan mo na. 
       

mikaelavhan

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #69 on: July 23, 2015, 10:40:03 pm »
Nung di pa ako kasal.ang tanong nila..uy ang tagal tagal na ninyo wala ba kau balak magpakasal?ano hinihintay ninyo?(maalam pa sila sa amin )
Now naman bakit wala pa kayo baby?(hindi pa makapgantay,as if  oorder lang kami sa kanto.(nakakapressure lang tuloy lalo)

Pansin ko may tao talaga na insensitive ..basta nalng makapuna ..ayaw muna isipin mabuti ang bibitawan salita.kung makakasakit ba o hindi sa kapwa nila.

seamans.girl

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #70 on: July 24, 2015, 12:19:51 pm »
Yung kung mag patugtog ng radyo/music eh hindi iniisip ang kapitbahay. Naka max ang volume. Parang binge.

Cher_Y

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #71 on: July 25, 2015, 01:58:01 am »
Ang ayoko eh yung mga girls na palalabasin na nag mamayabang ka kahit wala ka namang ipinag yayabang sa Forums maraming ganyan which is kinda idiotic kaya nga disscussion board eh para mag share ka ng mga kuwento mo kaka loka mga insecure hindi ko malaman kung na iingit ba or what.


akthung

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #72 on: July 25, 2015, 12:45:04 pm »
^ balat sibuyas lang siguro.

quinone

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #73 on: July 27, 2015, 10:42:44 am »
hindi kami mayaman, pero kung paanong hindi maganda ang matapobre, nakaka turn off rin yung ugaling anti-rich. may mga mayayaman naman na honest at talagang masipag lang o na-bless sa buhay.

tapos yung mga galit sa maarte, mahilig magpaganda, magsalita, at manamit. yung malaswa manamit maintindihan kong masakit sa mata pero yung ibang bagay, parang hindi tamang i-judge kasi wala namang sinasaktang ibang tao.

parang ang source lang kasi ng hatred na ito is insecurity or inggit which most pinoys are guilty of.

mrsBuens

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #74 on: July 27, 2015, 11:53:39 am »

^ #1 talaga yang pumayat, tumaba na comment.

#2 for me is, yung magbf/gf ka na..tanda ka na....mag-aasawa ka na....then next step..kelan kayo magkakaanak?

#3 competitive ang mga pinoy sa work...miski sa ibang bansa, dalang dala nila yun...hindi ba pwede kapag bago, makikihalo muna sa culture...napapansin ko sa mga dumarating dito, malakas kagad ang dating, merong superiority complex. although most of the time it's true naman, mga bigatin nga kaya na hire sa ibang bansa, pero di ba wala ka pa naman napatunayan sa new work po..sana wag naman magbuhat ng banko kagad.

mjcaluag

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #75 on: July 27, 2015, 12:59:16 pm »
the one I really hate the most is being SELFISH. they don't even care kung ano pinag dadaanan mo. they only of their selves. as long as masaya sila, ok sila wala na sila pakealam pa sa iba. even nga yung mga mag papamilya nag dadamutan eh what more pa kaya kung hindi kaano ano.

red_yesha

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #76 on: July 27, 2015, 07:41:12 pm »
kulang sa disiplina!

TysLolakins

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #77 on: July 28, 2015, 01:09:03 am »
- always trying to one up each other (ok fine, ikaw na ang pinakamagaling sa lahat ng bagay)
- very curious to know other people's salaries and personal wealth
- level of respect given is based on how perceivedly rich the other person is (related to above)
- either too embarrased or too proud (to be Pinoy)
- overly-critical of other Pinoys .  This, we're all guilty of.   ;)

megamabushii

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #78 on: August 04, 2015, 10:45:01 pm »
Kinukuha nila ang mga gamit na naiwan sa isang lugar tapos instead na itago ihahalo nila sa mga bagong bagay. ):< Walang sense of honesty pati delicadeza. Typical PINOY talaga, sarap i-harrass. >:(

ataypool

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #79 on: August 09, 2015, 07:31:22 pm »
Aside from 'tumaba/pumayat/buntis ka ba' meron din iyong 'gumanda ka' na comment after matagal hindi magkita.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close