watch now

Author Topic: Ugaling Pinoy na di mo gusto.  (Read 96016 times)

thisxx

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #20 on: June 15, 2015, 01:12:59 pm »
WALANG DISIPLINA! Yung simpleng pagpila lang di masunod sunod, dami padin sumisingit at gumagawa ng sariling pila.
MAYABANG. Lalakas magyabang sa mga social media sites ng mga kung ano anong binibili, kinabukasan wala naman na makain.

Dami pa eh haha isip pa ko iba

lady gwenhwyfar

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #21 on: June 16, 2015, 06:00:43 pm »
Men peeing on the streets and women combing their hair in public especialy sa FX. ugggh!!!

chelsea1212

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #22 on: June 16, 2015, 06:19:10 pm »
^natawa ako sa women combing hair in FX, akala ko kasi ako lang ang nbbwiset sa ganyan. haha

sugardrop

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #23 on: June 16, 2015, 06:25:44 pm »
^
What more if they do their makeup sa fx? Minsan sa jeep meron pa. Kaya hindi pantay yung eyeshadow and sobrang kapal ng blush tuloy. ;D

It irks me when I see someone spit in public.

cutemama

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #24 on: June 16, 2015, 06:26:05 pm »
1. Dura ng dura kahit saan.. eewww

2. Picking nose in public.. ito talaga sobrang ayaw ko.. kahit sa house ayoko nakakakita nito..pinagsasabihan ko talaga

3. Tsismoso
4. Ingitero
5. Anak ng anak wala na ngang makain..
6. 1 day millionaire habit
7. Palakasan system.. lalo na sa mga govt agencies/offices.

chelsea1212

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #25 on: June 16, 2015, 06:38:09 pm »
^
What more if they do their makeup sa fx? Minsan sa jeep meron pa. Kaya hindi pantay yung eyeshadow and sobrang kapal ng blush tuloy. ;D

It irks me when I see someone spit in public.

Lols, i hear you. kaasar diba. Proud pa minsan kapag halatang naiinis ka na  :-X

akthung

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #26 on: June 19, 2015, 06:09:00 am »
dati, dahil nakapag travel ako ng madalas noong bata ako, marami ako nakikita na hindi ko gusto sa pinoy...

lalong dumami noong nakaalis na ako ng bansa.

balat lang naman pinag kaiba natin sa ibang lahi. pareho lang na iisa utak, 2 kamay at paa...

so kung may mag tuturo lang at SUSUNDIN... malayo mararating ng pinoy.

as of typing this eto lang naaalala ko.

1. marami sa kapwa natin ay mukhang pera. at hanggat hindi sila nakakatikim ng libre, bigay, abot, pasalubong, maraming purchases, hindi nila iisipin na, at the very least, you can afford. dikit dikit sa mayaman. pag ikaw naman nangailangan...karamihan mag didisapir.

2. lagi may kilalang mayaman na pinag mamayabang sa iba. (related also to number 1). kaya siguro may joke na pagalingan ng lolo. ganun talaga. kung hindi pera...something else na mas magaling from a "kilala"

3. hindi marunong pumila at hindi marunong mag drive ng matino.

4. mainggay sa sinehan. hindi marunong lumabas para kumuha ng importanteng tawag or i silent ang telepono. wala rin pakundangan pag dating sa pag text sa loob ng sinehan (kita ilaw).

5. lahat alam. siya na pinaka magaling. at wala na pinaka magaling na bansa.

6. sobra paghahalaga sa pakikisama. minsan mali na nga makikisama pa.

7. lagi may pretense. hindi malawak mag isip.

8. pabongga attitude.

9. dito sa ibang bansa, utang ng utang para lang makauwi at para may maipakita na may pera sa kamag anak at kaibigan. pagka uwi galing pinas, unti unti babayaran ang utang. minsan HINDI na.

10. mabilis ma dala sa mga hype.

11. laging late.

12.  hilig mag emote.

13. pag dating sa pag uusap ng issue, lagi na lang nagswasway away sa topic...kesa raw kung ganito lang sana nangyari.....or kesa kung ganun na lang daw....iba't ibang angulo na pinapasok...

before you know it, isang oras na lumiplas. pero yung facts of the matter hindi napaguusapan. kaya ang nangyayari, lalong gumugulo. dahil yung issue, kung ano ano nang kulay ang nailagay.

tapos historical pa -- mga nangyari nung nakaraan sinasama pa. ultimong WWII na issue isinasama pa.

14. BLAMERS. hilig mag turo.


15. mahilig maniwala sa mga kwentong gawa raw sa pinas or naimbento raw sa pinas yung isang bagay.  example lang yung Armalite na baril.  gawa raw ni Armando Lite. susmio.  nagkaroon lang tayo noong araw ng license to produce...inangkin na. by the way, we lost the license na.

16. hindi marunong mag kaisa. paano. lahat magaling eh.

17. can be OC at an*l at times. parang marami sa atin may narcissistic personality disorder lalo na sa older generation.

18. walang wastong disiplina.

madami pa...

« Last Edit: June 19, 2015, 06:12:14 am by akthung »

izabelle

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #27 on: June 20, 2015, 12:21:59 am »
crab mentality.. and yung mga ipokrita. Sorry for the term. Galit na galit sa mga comments na racist pero huwag ka sila mismo e racist din.
« Last Edit: June 20, 2015, 06:06:14 am by izabelle »

akthung

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #28 on: June 20, 2015, 01:09:13 am »
Racist talaga pinoy hindi lang nila alam.

Vans

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #29 on: June 20, 2015, 06:04:16 am »
^totoo yan at bigots rin. Kaya madalas ibang lahi ang gusto kong kasama kasi madalas yung mga pinoy na nakakasalamuha ko ay makikitid ang mga utak.

akthung

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #30 on: June 20, 2015, 06:08:29 am »
^totoo yan at bigots rin. Kaya madalas ibang lahi ang gusto kong kasama kasi madalas yung mga pinoy na nakakasalamuha ko ay makikitid ang mga utak.


when i was in High School, my dad had been living and working abroad for 20 years at least, and he'd always say many pinoys are uto uto. nasasaktan ako lagi noon. pero now that i'm living abroad, i could understand why and now have the same inclination for the majority. i have met some exceptions and felt truly blessed to have found them but i wish there would be more


islander mentality kasi. tapos third world pa. medyo wala sa lugar mag brag na da best in the world -- we're not even close to the US in terms of creativity, business and the number of brilliant minds and exceptional athletes.
« Last Edit: June 20, 2015, 06:10:49 am by akthung »

izabelle

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #31 on: June 20, 2015, 06:08:56 am »
^^^ yung iba alam nila pero ayaw nila aminin lol

Also yung ugali na sour graping. Example may bet silang manalo sa isang laban pero hindi nanalo, imbes na tanggapin na talo sila, hay naku sangkatutak na panlalait ang sasabihin.

akthung

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #32 on: June 20, 2015, 10:05:47 am »
Example may bet silang manalo sa isang laban pero hindi nanalo, imbes na tanggapin na talo sila, hay naku sangkatutak na panlalait ang sasabihin.

many pinoys kasi have low EQ.

here we ignore people like that. pag nag drama na etc..  ignore na. then later matututo sila. kasi mapapansin nila lagi sila iniiwasan or iniiba ang topic agad. worse case scenario mapapa away sila.

can't do that sa pinas kasi mag sasama sama sila at palalabasin nila na mali ka (blame).

mebpa

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #33 on: June 20, 2015, 11:24:43 am »

3. hindi marunong pumila at hindi marunong mag drive ng matino.

4. mainggay sa sinehan. hindi marunong lumabas para kumuha ng importanteng tawag or i silent ang telepono. wala rin pakundangan pag dating sa pag text sa loob ng sinehan (kita ilaw).


lalo na mga motor, walang pakialam, singit ng singit kahit alam na may lumiliko, lahat nakatigil na singit pa den. pag nabanga sila pa maangas.

nakakainis talaga yan sa sinehan (we seldom watch sa sinehan, once or twice a year lang talaga). yun maglalabas ng phone na parang pinapakita pa yun phone sa lahat ng nasa paligiid (in the middle of the movie ha), masakit kaya sa mata. kung importante talaga sana mag-CR nalang muna sila. nakakadistract talaga yun ilaw, kung pwede lang batukan.

hisana

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #34 on: June 22, 2015, 11:39:04 am »

Filipino time is still alive and kicking. They think they're just being "fashionably late" by being ready or showing up an hour or so later.  Pa-importante at disrespectful lang talaga sila. Unfortunately, sobrang dami kong kakilala na ganito, at minsan ako pa yung masama if I say something about it.

Yung umaasa sa mayayaman na kamag-anak. Or kahit hindi nga yung mayaman talaga, basta nakaka-angat lang. Meron lagi nang-hihiram ng pang-tuition, pang-hospital, whatever. Tapos makikita mo mamayang konti, nakabili naman pala iphone, nakapag-boracay, shopping ng kung ano ano, etc. Yung iba, hindi na binabayaran yung utang. Magkakamag-anak naman daw kayo, so dapat lang daw na nagtutulungan.

Lack of adequate customer service in a lot of establishments. Hindi ko na nga sinabing good, kahit adequate man lang. Globe, for example...terrible service.

Hindi makapila ng maayos, noise pollution (videoke, may construction sa bahay ng madaling araw, party hanggang umaga, etc), no respect for other people's personal space, nagkakalat, little concern for the environment.

I agree regarding the palakasan system. So prevalent.

sugardrop

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #35 on: June 22, 2015, 12:02:46 pm »
If a relative works for you, lagi dinadaan sa pagiging kamag-anak. Pag napag-sabihan dahil mali talaga nagawa, sila pa ang sasama ang loob. Hindi maihiwalay ang work sa pagiging magkamag-anak.

toria

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #36 on: June 22, 2015, 12:20:37 pm »
1. Late
2. Magcoconfirm then at the last minute magbaback-out

tomatostellar

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #37 on: June 22, 2015, 12:32:33 pm »
Discriminatory sa kapwa Pinoy tapos ambabaw ng admiration nila towards other races.
^this

-lack of discipline
-sanay sa "pwede na yan"

eilegna

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #38 on: June 23, 2015, 02:51:19 pm »
Not sure kung applicable pero ang pinaka ayoko sa lahat'

Mga Jeepney Passengers na pilit umuurong at umupo sa may entrance ng Jeep!

hay grabe.. kahit ako ang bababa sa pinakamalapit, ayun.. andun ako sa sulok' sa likod ng driver  >:(
kahit mga bata ngayon ganyan ginagawa'

ano yun? ayaw mag-abot ng pamasahe? tsk

lady gwenhwyfar

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #39 on: June 26, 2015, 03:57:14 pm »
hayy naku speaking of.. ganyan din sa mga fx or van. nakikipag unahan umupo sa gitna ayaw naman magabot ng pamasahe..

and yes yung pagiging late lagi! uggh! ako kahit alam kong late darating yung mga kaibigan ko sa oras na magmimeet kami dumadating pa din ako sa saktong oras. kasi what good is my word kung sasabihin ko na daraing ako ng 9 eh 10 naman talaga ako dadating.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close