watch now

Author Topic: Ugaling Pinoy na di mo gusto.  (Read 95929 times)

huggykaye

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #40 on: June 26, 2015, 04:25:21 pm »
yung wala ka na ngang pera, pero mangungutang lang para makapaghanda... hindi naman dapat ganito... tapos magrereklamo pag nabaon sa utang...

rally ng rally pero pag nainterview naman yung mga nagrarally hindi alam yung ipinaglalaban nila, halatang bayaran...

yung ikaw na nga nagpautang, ikaw pa mahihiya maningil :(

Mañana habit...

sa mrt, yung ibang mga nakatayo, typically hawak mga cp, naka earphones sabay nagbbrowse, hindi kumakapit sa hand rails, pag nagstop ang train sabay ma oout balance!

tapon ng tapon kahit saan, nagbabara drainage dahil din sa basura, ang resulta baha... hindi na natuto mga pinoy...

lahat isisisi sa gobyerno...

lonelymiss28

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #41 on: June 27, 2015, 03:51:51 pm »
-walang kamatayang quotes sa fb.
-i dunno kung ano twag dito pero, last na nagka yolanda and earthquake sa pinas, nagbigay ako ng tulong sa kamag-anak at kaibigan ko, and within that year din both sila nangutang ng pang business (di sila magkakilala), nung di ko pinautang because i don't see why i should di na nila ako kinibo. i mean what the heck!!!

mikaelavhan

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #42 on: June 28, 2015, 10:35:17 am »
yung di matanggap na talo..dami pa sinasabi ...hindi sports.hehe
tapos judgemental yung iba.
late ..sisisihin yung traffic.hehe
puro sisi sa government hehe

brandi

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #43 on: June 30, 2015, 05:56:33 pm »
Judgmental.
Social climber.
Lagi nagmamadali at akala mo kung sino sa kalye. Pedestrian lane bumubusina? Di ata nila alam, sa ibang bansa bawal yun.
Tamad. When you're able to work in other countries, you'll compare how's it like to work here. Pinapasa work, tamad, procrastinating.
Puro reklamo, wala naman ginagawa sa buhay para umasenso.

gwyne21

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #44 on: July 01, 2015, 11:28:43 am »
- mga PUV drivers (especially jeep) na di marunong tumabi ng maayos kapag magbababa o magsasakay ng pasahero
- motorcycle drivers na pasaway
- utang na loob na kahit ano ang gawin ay di mabayad-bayaran (at may sumbat factor pa)
- asa sa nakaaangat na kamag-anak kahit basic needs ng pamilya i-a-asa
- mangungutang para lang may pam-fiesta, pam-birthday party etc.
- magulang na ginagawang retirement plan ang mga anak
« Last Edit: July 01, 2015, 01:35:07 pm by gwyne21 »

pret_ty68

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #45 on: July 01, 2015, 01:27:33 pm »
1. Hindi marunong tumanggap nang pagkatalo palagi na lang sinabing nadadaya pag natalo
2. Hindi marunong pumila
3. Walang disiplina lalo na sa kalye ang mga motorsiklo lusot nang lusot
4. Maikli ang pasensya
5. Hirap umintindi nang mga taong hindi nila kapareho  magisip pag iba ang opinyon mo tingin nila may mali sayo

three8one

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #46 on: July 01, 2015, 01:50:59 pm »
1. yung pag nagtanong ka, wala sa ayos ang sagot... halimbawa,
Q. Kumain ka na ba?
A. busog pa ko...
Q. Saan ka na banda?
A. Malapit na.

2. yung mapang mata ng kapwa, akala mo kung sino.
3. walang paki sa iba basta sya maginhawa.
4. ginagawang dahilan ang kahirapan baka gumawa ng masama sa kapwa.
5. inggetera/ro at chismosa/so

angelzero

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #47 on: July 01, 2015, 02:10:38 pm »
-crab mentality
-one-day millionaires
-lacking discipline
-short-term memory (electing erring politicians to office over and over again)
-selfish drivers
-"me" first attitude - no sense of community
-gaya-gaya/no originality

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #48 on: July 20, 2015, 01:39:02 am »
Sa ugali:
*close/extended family ties na maski may sarili ng family sa magulang pa nakatira. Sa isang house 3 families na sila nagsisiksikan and worst may instances pa na yung mga lolo at lola nagsusupport sa needs nilang lahat.

*Mareklamo but they don't do anything naman to change their current situation

*Padrino system

*Hilig magpa-party pag may birthdays kahit mangutang lang ng panghanda (extreme asar ako sa ganito)

Sa everyday life:
*yung may suklay sa bulsa ng jeans, kababaeng tao pa naman

*babaeng long hair na walang paki kung yung buhok niya nakakain na ng katabi sa jeep


tischarmedlife

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #49 on: July 20, 2015, 06:05:49 am »
I also hate those who would borrow money para lang may pang-handa sa birthday, binyag or fiesta.. di makabayad ng utang pero lakas ng loob mag-party!

And those na ang gaganda ng gadgets, kahit pa umutang or ubusin ang life savings (kung meron man) para lang mai-porma. di yata nila alam ang value ng pagse-save or invest. haist.

kaya walang asenso ang Pinas. sad.

sugardrop

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #50 on: July 20, 2015, 01:35:02 pm »

*babaeng long hair na walang paki kung yung buhok niya nakakain na ng katabi sa jeep



Or yung if-flip yung hair kahit nasaan tapos walang pakialam kung may matamaan. This happened to me sa mall and my eyes were hit. Nahawakan ko yung part ng hair nya na tumama sa mukha ko and let go only after I gave her a piece of my mind and told her wala sya sa shampoo commercial at pwede nya hawiin ng kamay nya yung buhok nya. Ang sakit kaya matamaan sa mata. ;D

prettydefined

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #51 on: July 20, 2015, 01:43:22 pm »
Mapanghusga kahit hindi pa nila nakikilala ang tao may nasasabi na agad at hinuhusgahan na agad nila.

Pintasera, napakadali para sa kanila mamintas agad. Hindi muna tingnan ang sarili.


[-c-h-a-]

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #52 on: July 20, 2015, 01:49:04 pm »
What I really, really hate is the comment "uy tumaba/pumayat ka"

Really? We haven't seen each other in x months or years, and that's the first thing you say? ??? No how are you? Just tumaba/pumayat ka?

If payat, hindi bagay.. masyadong payat :P
If nag gain weight, well, that's it isn't it? Gaining weight is always bad ??? unless of course they tell you you're too skinny and you should gain weight, and after so and so months you did gain weight... THEN that's fine! *sarcasm*

prettydefined

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #53 on: July 20, 2015, 01:55:17 pm »
One ugali pa ng pinoy na hindi ko gusto. Meron iba mangungutang para lang sa luho. Tsk!

lady gwenhwyfar

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #54 on: July 20, 2015, 05:52:20 pm »
@sugardrop minsan natetempt din ako gawin yan kaso natatakot akong masapak at maging viral vidoe pa ko. minsan gusto ko duraan yung buhok niya para madala...

sugardrop

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #55 on: July 20, 2015, 06:02:38 pm »
^
Once lang naman yan nangyari. Then after nun, doon ko naisip yung mga what ifs na yun. Nagluluha din yung eyes ko nun sa tama ng hair kaya di sya siguro umalma. Di rin naman mahigpit hawak ko. ;D

mysterioza_me

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #56 on: July 20, 2015, 09:31:53 pm »
Maganda at sunod sa uso ang cellphone pero hindi naman nagre-reply kasi laging WALANG LOAD, for status symbol lang ang silbi ng cellphone. Sobrang asar ako sa ganyan. May friend (or ex-friend na kami) na ganyan, napuno na talaga ako sa kanya, dahil pinag-antay ako ng 1hr sa usapan tapos di darating. Kesyo nagmessage daw siya sa fb ko (di ako naka-online) at di niya narereceive text ko kasi naka-off daw cp niya nun time na yun grrr talaga. Super makayabang ng iphone niya hindi niya naman maloadan, buti pa yung jurassic phone ko.

Lauren_GT

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #57 on: July 20, 2015, 09:47:09 pm »
Yung --- 'Uy kamusta? Tumaba ka...' - I 've lived abroad for a while now and only Filipinos feel it appropriate to comment about a person's weight as part of their 'greeting' or pangungumusta.

prettydefined

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #58 on: July 23, 2015, 06:58:52 am »
Inggitera

akthung

  • Guest
Re: Ugaling Pinoy na di mo gusto.
« Reply #59 on: July 23, 2015, 07:36:20 am »
Yung --- 'Uy kamusta? Tumaba ka...' - I 've lived abroad for a while now and only Filipinos feel it appropriate to comment about a person's weight as part of their 'greeting' or pangungumusta.

Tumpak ka diyan sis. and true, people have it differently abroad.

 if they have concern over one's weight people usually say, "you know, its not my place, but as a person (or friend) i feel concerned about you, if you don't mind me saying it is my opinion that you should lose some weight"  ---- sila pa nahihiya!!

kakaiba talaga mag isip ang pinoy, imbes na sabihin nila na mimisss nila old days, or this and that quality of yours....ang puna lagi ay weight. magmumukhang shallow.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close