Author Topic: Need advice:Wife as a breadwinner  (Read 7046 times)

janachen

  • Guest
Need advice:Wife as a breadwinner
« on: May 21, 2015, 10:13:09 am »
Hi everyone,
I shared my experience sa isang thread dito pero I decided to create nalang para mapansin.

2012 nagsama kami ng hubby ko at nagkaroon ng anak Ever since ako na ang naging breadwinner. Wala syang work, ex-OFW siya. Nagtayo ng biz but he failed. Since ako ang may work lahat ng gastos sa bahay, bayad ng amortization, rent sa house as in lahat lahat ako.  Sa 3 years na yun wala man lang siyang pagkukusa para maghanap ng work dito sa Pinas.  Mag aabroad daw siya ulit(ewan ko lang).

Kinausap ko siya 1 time sa mga plans nya, ang sabi hindi kami maiwan. Sige hindi nya kami maiwan, ang siste ngayun since ganun ang sabi siya dapat ang gagawa ng gawaing bahay. ANg problema  pagluluto lang at konting walis, laba ng konti ang ginagawa.

Recently nafrufrustrate ako sa kanya, tatambay kasama ang mga kaibigan hanggang 12midnight habang nagwowork ako. Minsan ako pa nag aalaga ng baby namin habang nagwowork. Tapos pagka-umaga late siyang magising, sinasabayan yung anak namin sa paggising or minsan mas mauna pa ang baby namin magising. So ang end ako magpapakain sa anak namin at mag aalalaga. Eh paano naman ako na nagwowork tapos mag-aalaga pa ng bata.  Kinausap ko sya ng madaming beses at paulit ulit ko ng sinabi na sana dapat sya ang gumawa sa mga ganun kasi hindi pwedeng nakatengga ang work ko. Mga 5-7 days diretso nasusunod yung sinabi ko..Pagdating ng ibang araw, balik sa dating gawi.

Yung iba siguro sasabihin habaan ng pasensya for the sake of your anak, pero kung andito kayo siguro sa situation na to maiistress kayo.
What to do guys? :-(
« Last Edit: May 21, 2015, 10:21:17 am by janachen »

momentum

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #1 on: May 21, 2015, 10:39:54 am »
^ sis, if I were in your shoes, I would give him an ultimatum..and also myself a deadline.
Give him an ultimatum na kapag hindi siya nakahanap ng work or do something to earn and share in the bills, maghiwalay nalang kyo or go back nalang siya sa family niya. Sasabihin ko na hindi ko na kaya yung ganyan na situation, na after siya kausapin eh mag-eeffort lang ng 5-7 days then back to normal na uli. Sasabihin ko na nahihirapan na ako and that it is unfair already..3 years is more than enough na iniintindi ko siya

Kapag nagpromise na magbabago,I will set myself a deadline until when lang ako mag-aantay na abangan pagbabago niya. 1-2months lang siguro or maybe 3. In the meantime, I will prepare na myself for the worse case scenario, either mag-mamakaawa siya sakin pero desidido parin ako hiwalayan siya, or magagalit siya sakin for separating na with him. I would also talk to my family, ask for advice. I will also start to find a yaya to take care of my kid, or better yet a willing relative that I can pay nalang.

Sis I think 3 years is more than enough time na puro ikaw nalang lahat. That clearly states something about him and his commitment in the relationship. Looks like hindi pa siya handa sa family life. I'd rather live alone nalang then have a partner na walang plano at walang effort sa buhay. I'm sure you love him kaya matagal ka na nagtiis..pero kasi love is not enough eh.

God luck sis and pray for clarity of mind to make the right decision.

janachen

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #2 on: May 21, 2015, 05:37:19 pm »
Super thanks at napakalaking bagay sa akin yan sis. Pinagtatakpan ko na nga sa pamilya ko yung ganyang nangyayari sa amin. Pagka tinatanong sa akin, anung ginagawa nya... sasabihin kong nagwowork naman.. Malayo kasi ang relatives ko kaya hindi sila aware sa mga nangyayari.

Hindi naman kami nag aaway, pero ako kasi hindi nagsasalita pagka nababadtrip ako.. pero deep inside dami dami ko ng iniisip.. Nasasagad ako sa totoo lang.

May time na mas importante pa kaibigan at inuuna kaysa sa amin. Hinding hindi ko talaga makalimutan yung nanganak ako sa lying inn, mag isa lang ako.. Buti nalang yung katabi kong kama sobrang bait yung nanay. Siya taga asikaso ko.. eh first time mom ako.. wala akong alam. Di ako makakain, kasi walang mag aabot. Samantalang siya, nasa bahay nakatambay lang pala kasama mga kaibigan eh kailangan na kailangan ko siya. Pagka naiisip ko yung naiiyak ako.

PinKisH_23

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #3 on: May 21, 2015, 06:35:50 pm »
Hi sis! I'm in the same boat. Pero siguro ang difference lang, wala syang maraming friends. As in asa bahay lang sya, yan ang pinagpapasalamat ko. We've been married for almost 10 years and ever since ako na ang bread winner, wala kaming kids kaya ok lang din siguro. Natutunan ko ng tanggapin.

In your case, ikaw lang ang makakapagsabi when enough is enough. I had my enough moment almost 2 years ago, we separated and he went abroad, that's a different story since naging worst ang situation. Pero ito, we are trying to work it out. Ako parin ang breadwinner since he came from working abroad last November tanggap ko na, as long as tapos na ang lokohan days nya. Mag iipon nalang ako ng pang business at makatulong sya sa akin.

Kung darating man ang enough moment mo, ang dami mong isasaalang alang, pag isipan mo, ipagpray mo.

momentum

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #4 on: May 21, 2015, 09:21:48 pm »
May time na mas importante pa kaibigan at inuuna kaysa sa amin. Hinding hindi ko talaga makalimutan yung nanganak ako sa lying inn, mag isa lang ako.. Buti nalang yung katabi kong kama sobrang bait yung nanay. Siya taga asikaso ko.. eh first time mom ako.. wala akong alam. Di ako makakain, kasi walang mag aabot. Samantalang siya, nasa bahay nakatambay lang pala kasama mga kaibigan eh kailangan na kailangan ko siya. Pagka naiisip ko yung naiiyak ako.

Dito palang sis, sana natauhan ka na what kind of a person he is. Sis I think he is just using you.. May free meal ticket sya sayo at free roof over his head since tanggap mo na for 3yrs na ganyan ang situation ninyo. He gets away with not having to work and commit to you and the family...

Please wake up sis, you don't deserve someone like that. I'd rather be a single mom (Actually I am one hehe)  than magkaroon ng asawa na palamunin at useless, wlang commitment. Sorry sis but I am just trying to put myself in your shoes based on sa mga kinuwento mo.

You will find a better man who will commit to you and your kid 100%.. You don't have to settle with that kind of person. Plan ahead na sis, I tell you, one day mapupuno ka na talaga. I just hope hindi aabot ng 10yrs or more bago ka mapuno sis... Who knows? Mamaya bukod sa mabarkada siya eh baka nagloloko narin siya.. Sorry if baka maparanoid ka pero that is a big possibility lalo na't kinuwento mo na inuumaga na siya ng uwi..

God bless sis and I hope you will make the right decision..

Girltalker2

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #5 on: May 21, 2015, 09:30:06 pm »
TS sorry about your predicament. San sya kumukuha ng panggastos with his friends? Baka kung di mo bigyan ng pera, matuto magbanat ng buto.

Di ko talaga maintindihan bakit kaya nila kapalan mukha nila by just living off from the wife's paycheck at di man lang tumulong. Or at least get a job! Kahit mababa pay, at least may dignidad.

janachen

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #6 on: May 21, 2015, 10:01:34 pm »
^^ Good question sis.. Sa akin pa talaga galing yung pang gastos nya.

May pupuntahan kasama ang mga kaibigan, dudukot sa wallet ko to think na nakabudget ang pera. mababa na 300 paglalabas taz last time na lumabas kasama kaibigan, sabi sa akin kumuha ako ng pera sa wallet... yung 100 pinambayad ko sa kinuha kay ganito, yung 200 pinambili ko ng kakainin ko..tapos yung 200 pinangkain namin.... Ako reaction ko, whatt??? samantalang ako ang nagwowork, nagbubudget. Grabe mga sis, as in  dito ako napuno.

At kanina talagang hindi ko na kinakausap hanggang ngayon. Talagang nanlamig nako sa kanya.. Mamaya kakausapin ko tungkol sa arrangement na namin. Sobrang laking tulong tong mga payo ninyo mga sis, talagang wala akong lakas ng loob komprontahin pero sa nababasa kong comment nyo nagkakaroon ako ng lakas ng loob.

janachen

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #7 on: May 21, 2015, 10:55:11 pm »
At eto pa sis, binigyan ko ng trabaho kasi sabi nga nya ayaw na daw nyang umalis. Hindi daw kami maiwan.. Ang ending ako ang sumalo sa trabaho na dapat sa kanya kasi nga daw mahirap.  Feeling ko tuloy ang hindi nya maiwan yung mga bisyo nya dito(barkada, pagtatambay).

Wala naman siguro akong pagkukulang kasi sinalo ko na lahat. hayss!

argento

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #8 on: May 22, 2015, 03:58:47 am »
uso naman yan eh houseband  :D

Girltalker2

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #9 on: May 22, 2015, 06:32:15 am »
^ buti sana kung nakakatulong sa bahay o sa pag budget. Para kang nag alaga pa ng isang anak na pasaway. Worse, di mo pa ka ano-ano.

TS, siguro dati when I was struggling with my marriage, ipapayo ko na try mo iyan i-workout. But now that I've left my marriage and have been single for several years now, I would suggest otherwise. Why?

1. di ko ma explain ang kapayapaan at happiness or bliss na never ko naramdaman when I was married. Kaya once may mangyari ulit sakin ang di katanggap tanggap na situation, hindi nako takot ano mangyari sa future kasi I've been through the worst, wala nang sasama pa ang situation pero mas maraming ikagaganda.

2. Natuto narin ako to take care of myself. Because if not, walang gagawa nyan sayo.
I believe that most men are selfish at oras na napakasalan mo ay isang sakit ng ulo, dala mo iyan pang habang buhay.
Why would you want to have a life like that?

3. Ayaw ko lumaki ang anak ko na tularan sya. Worse if girl anak namin, she might think it is OKAY. Paglaki nya, ok lang din tratuhin sya ng ganyan ng magiging asawa nya.

4. Lastly, I've learned na in marriage, dalawa kayo dapat mag effort. Kung isa lang, it will never work.
« Last Edit: May 22, 2015, 06:47:14 am by Girltalker2 »

momentum

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #10 on: May 22, 2015, 07:27:18 am »
At eto pa sis, binigyan ko ng trabaho kasi sabi nga nya ayaw na daw nyang umalis. Hindi daw kami maiwan..

Ayaw niya umalis kasi nga free board and lodging siya sayo, free pocket money for gimmicks and free sex. Not because he loves you and your kid. If he really does love you kasi, he won't even have the nerve to steal money from you pang gimmick niya and leave you to take care of your kid after you come home from work while siya puro pasarap lang. Wala na siya konsensya, ang kapal pa ng mukha (sorry)

Wake up sis. USER ASAWA MO.

h_mische

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #11 on: May 22, 2015, 07:27:10 pm »
I can relate.. only difference is.. nagwowork naman sya peri hindi nagseshare. Ako lahat. Ang gwapo diba. Almost four years ng ganito ang set up. Kakapagod. Hindi man lang makitaan ng effort na tumaas ang sahod.

Buti sana kung nakakabawi sa ibang bagay. Wala ng ginawa kundi pagdudahan ako maghapon magdamag habang nagbabanat ako ng buto.

Sa ngayon, hiwalay na kami and i just learned todaythat i am pregnant with our second child. I will let hin know as its his right peri hindi ko kailangan ng stress at liability sa lagay ko ngayon. Okay naman salary ko at may naitatabi kahit pano. Kapusin man ako minsan, may peace of mind naman at nandito naman pamilya ko to help me out. :)

janachen

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #12 on: May 22, 2015, 08:21:45 pm »
Salamat sa mga nagreply. Nag usap kami kanina, I told him na hindi ko na kaya at sagad sagad na pasensya ko. Sabi ko either siya ang aalis or kami. No comment siya, pero kakausapin ko mama nya.

Hi mische,
Nilayasan mo ba sis? or siya ang umalis?

Kakafrustrate yung mga ganyang lalaki. Mabait lang pagka manligaw, totoo na saka mo lang makikilala ang tao pagka nasa iisang bubong na kayo.

h_mische

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #13 on: May 22, 2015, 09:14:29 pm »
Sya ang umalis. Almost 1 month na kami walang communication.

Ang totoo nyan, tinext ko sya na positive yung result ng pt.. at kailangan namin mag usap para mafinalize ang set up namin. Aba wala akong nakuhang reply. Tigas ng mukha. Kaya ngayon, mamamatay muna ako bago ako makipag ayos or makipag usap man lang sa kanya. Grrrr. Kakagigil.

janachen

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #14 on: May 22, 2015, 10:53:18 pm »
Swerte mo sis wala kang problema na isesettle. Haha kung ako layasan magpapakain pako.

Hayaan mo na basta kaya ng bulsa mo yung mga bata.

funky f

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #15 on: May 30, 2015, 09:55:01 am »
Kamust na, sis? It's been a week since your last post. Hoping may positive result last pag uusap nyo.

ellababy

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #16 on: May 30, 2015, 03:31:07 pm »
parang ganyan na ganyan asawa ko, ako na nag wowork pagdating sa bahay bibigay sakin bata sabay lalabas kasama barkada. Ganun gawain nya hanggang sa lumalala nagka bisyo na, abusive pa. Ngayon hiwalay na kami pero 3 days pa lang, may protection order kami ni baby valid until June 13.

momentum

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #17 on: May 30, 2015, 03:47:10 pm »
^im so happy for you sis na nagawa mo na yan pati yung protection order!! :D update mo thread mo sis kwento mo paano mo nagawa para yung mga nasa similar na position kagaya mo is magka lakas loob :)

snowberry

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #18 on: May 30, 2015, 07:57:45 pm »
Hay , bakit kaya ang dami ng lalaking ganyan ngayon. Nakaaasa sa asawa.  And I know of some guys na target talaga yung stable or galing sa mayamang pamilya ang girl. Ang kakapal at oprtunista!

Ganyan din nangyari sa akin. Sa umpisa may work naman pero nung nawalan ng job , hindi na naghanap. Umasa na lang  Nagbisyo pa, puro barkada and kumuha pa ng kabit.  Libre na board and lodging, pakotse pa na ginamit pa pang date sa kabit. I can tolerate sana kung maasahan sa bahay at magpakatino eh.  .Just imagine ang sarap ng buhay nya ganung ako nagpapakahirap. I tried to give him a business pero pinabayaan din.   Kaya talagang goodbye! Very liberating ang pakiramdam nung nawala siya sa buhay namin.

ellababy

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #19 on: May 30, 2015, 11:45:17 pm »
Thanks to you sis momentum, talagang wala akong lakas sabihin sa family ko nung una, buti na lang nang hingi ako ng advice dito kundi malamang nagtitiis pa din ako. sana tuloy tuloy na ito. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close