Author Topic: Need advice:Wife as a breadwinner  (Read 7055 times)

quennna

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #40 on: June 08, 2015, 02:25:37 pm »
Tell him sis.. kaya mong alagaan anak nyo. Financial support kamo kailangan nyong mag iina hehe

Obachan

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #41 on: June 08, 2015, 03:17:10 pm »
^ agree ako kay sis quennna
iba pa rin pag me katuwang ka financially from your husband sis.

janachen

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #42 on: June 08, 2015, 04:32:44 pm »
Ano na pangako nya sa 'yo, sis? Like ano na plans nya?

You think he will REALLY change?  And if he does, will you take him back?

Wala sis.. As in, sabi ng mama nya madalas nakatambay. Kahit papanu naman inaalam ko kung anung pinag gagawa nya sa buhay baka sakaling tumino..Honest naman ang mama nya, sabi ng mama ganun daw talaga sya na kung hindi mo popokpokin, hindi yun gagalaw. Which is true, kasi nung andito sya, 100 beses na ata kong sinabi na kailangan gawin nya yung isang bagay na pinapagawa ko, hindi talaga kumikilos.


Halimbawa yung bahay ng aso ko. Mahal na mahal ko kasi yung aso ko, diba last year bumagyo tapos nanginginig sa labas. Pinapasok ko yung aso kaso sa sobrang laki at takbo ng takbo sa house hindi sya pwedeng sa loob.Pagkatapos ng bagyo sabi ko gawan ng bahay yung aso. First week ng July 2014 yun, hanggang ngayun wala pa rin. Haha  ilang beses ko ng inulit ulit sinabi po yun. Sakit sa ulo.

quennna Naku sis, sarili nga nya hindi nya mapakain. Kita mo ultimo pangkape si  Mama nya ang nagbibigay. Yung pangyosi nya malamang kinukupit. Eto pa naglagay ako ng barya barya sa alkansya ng baby ko, may tig-10, 5, piso.. pero hiwa hiwalay.. Aba pagtingin ko sa bote ng coke na binutasan ko eh ubos na yung 10 at 5 pesos.

momentum

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #43 on: June 08, 2015, 04:50:39 pm »
^talagang good riddance talaga yung lalakeng yun. Kung ako nanay niya nakakahiya diba? Nag aanak anak tapos di kaya buhayin at literal na isinauli na ng asawa sa nanay.. Talagang kahihiyan yun

quennna

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #44 on: June 08, 2015, 10:33:42 pm »
nakapang gigil talaga yang kupitan ka ng para sa baby nyo..,. SUPER G.R.R.

cruxito

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #45 on: June 09, 2015, 09:30:44 am »
walang mapagka abalahan husband mo :D
bandang huli ikaw pa din ang dehado ;( too bad, you have to live like that ;((

funky f

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #46 on: June 09, 2015, 09:11:41 pm »
Curious lang, sis. Aside from being batugan, mabait naman ba asawa mo or hindi rin?

janachen

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #47 on: June 10, 2015, 03:11:32 pm »
mabait naman in a way na hindi ako sinaktan or pinagbuhatan pa ng kamay sis tsaka mapagmahal sa anak. Maaasahan sa pagluluto pero hanggang dyan lang.


super bratinella

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #48 on: June 10, 2015, 03:37:59 pm »
^Sis I know na talaga nag hold on ka sa relationship ninyo it is just that ngayon natauhan ka na talaga at mas nagmature na ang view mo sa love and relationship at hindi kayo nag meet sa pag mature mo at your partner was left behind. 

anyway since separate ways na kayo just still help him out to mature one way nga is sa pakikipag hiwalay mo sa kanya, just pray na this will teach him a lesson at least may sense ang paghihiwalay ninyo. Kahit in the end hindi na talaga kayo magkatuluyan at least naging magkabuluhan ang pag hihiwalay ninyo.

janachen

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #49 on: June 11, 2015, 09:23:28 pm »
^^ salamat sis at salamat sa mga nandito. As in past few weeks/months talagang hindi ako nakapag isip ng tama kasi nagtatalo yung isip ko.

Nakikibalita pa rin naman ako sa kanya, pero yung pupunta dito para makipagbalikan hayy utang na loob ayoko muna syang makita. Siguro may tamang panahon para maging ok din kami para sa baby namin.

aquacharly

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #50 on: June 24, 2015, 04:03:48 am »
Good job, good riddance.

So, maasahan  magluto?  Eh yun  pala puede nya pagkitahan.  Pag usapan nyo ng mom nya at baka  he can start a small food business to break his mindset of dependency & lack of initiative.  Kahit hindi na sya maka babalik sa inyo eh dapat lang  mag contribute sya sa gastos ng anak nyo para hindi naman walang cuenta or dead beat tingin ng anak nyo sa tatay nya pag laki.   

janachen

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #51 on: June 24, 2015, 09:03:51 pm »
Naku, malulugi agad gurl. panu naman gigising tanghali na. Good luck naman sa mga kakain.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close