Author Topic: Need advice:Wife as a breadwinner  (Read 7010 times)

janachen

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #20 on: May 31, 2015, 09:09:17 pm »
Good news!! Single nako.. hahaha trineat ko pa sarili ko sa spa..

naka cloud 9 nako sa saya... Kung kakafrustrate ang partner ibasura na talaga.. As in wala man lang akong naramdaman na panghihinayang....

quennna

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #21 on: May 31, 2015, 09:54:39 pm »
wow, sis.. congrats..
lets have an e-celebration!! hehe...
kakayanin mo yan sis.. nakaya mo nga na feeling mag isa..

janachen

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #22 on: May 31, 2015, 10:32:30 pm »
hehe salamat sis.. bahala syang magmakaawa. Ginagamit pa ang bata para nagstay, kesyo daw kailangan sya ng bata... :P

Dapat noon pa inisip..

quennna

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #23 on: May 31, 2015, 10:57:58 pm »
sis, ikaw o kayo ang umalis ng house?

momentum

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #24 on: June 01, 2015, 04:20:19 am »
Im so happy for you janachen!! Buti hindi natagalan bago ka naging single.. Thank God wala na siya sa buhay mo! :D

So paano mo ginawa sis? Kwento! :) im sure yung feeling mo now is parang binunutan ka ng malaking tinik! Dapat talaga hindi tinotolerate yung mga ganyang lalake! Para di na sila dumami at nagkalat dito sa pinas :p

Girltalker2

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #25 on: June 01, 2015, 07:58:34 am »
Sis janachen, congrats!!! Di ba? Walang kasing saya? Hehe

cruxito

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #26 on: June 01, 2015, 09:18:15 am »
@TS

grabe sis ikaw ang pinapangarap ng mga kalalakihan.. :D basta tanggalin mo yung pag reklamo mo ha (para perfect na!)... martyr hehe

for me sis hindi tama na sinanay mo ng ganyan mister mo... pero kung yan talaga ang plano nya sa buhay aba aba sya na ang may masarap na buhay sa mundo... tambay pero nabubuhay... :D

janachen

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #27 on: June 01, 2015, 10:14:09 am »
Eto Let it go na... LOL

Let it go, let it go
And I'll rise like the break of dawn
Let it go, let it go
That perfect girl is gone
Here I stand
In the light of day
Let the storm rage on

Hay naku mga sis nasanay akong mag isa. Kaya parang wala lang sakin...mahaba pasensya ko talaga triny kong iworkout... kaso grabe nasagad ako lately.

@quennna
Sya sis, naku sinabi ko sa nanay nya.  Kako pag hindi umalis kami ang aalis. Eh kung hindi sya aalis sinung magbabayad sa bahay, wala naman siyang pera. LOL

@magno4
Sinabi mo pa sis. Lam mo yun kita nya yung kalat pero hindi nya pinupulot. Tapos ako pa maglalaba pagweekend tapos siya pa magrereklamo na mabaho kasi binababad ko. Kaya naman bumabaho kasi pinagsasampay ko sya, 2 days nakatengga. Eh di mabubulok talaga yun.

momentum

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #28 on: June 01, 2015, 10:32:01 am »
^so happy for you sis. sino na mag-alaga ng baby ninyo? at san na pala siya nakatira ngayon haha? malamang nahiya nanay niya sayo..nung kinuwento mo.

janachen

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #29 on: June 01, 2015, 08:27:55 pm »
@momentum kumuha ako ng kasama sa bahay sis. Binalik ko na sa magulang nya sis..Naku ganun din daw sa bahay nila. Uuwi ng 12midnight or 2am, tumatambay sa basketball court kasama nya mga kaibigan. Hello ilang taon na ba ya 35 na.

@Evolet027 naku sis, nagising ako sa mga payo dito sa forum sis.. laking pasalamat ko dito. kundi tatanga t**** na naman ako... Kung aantayin ko pa yung ilang years, pwede nakong patayuan ng rebulto.. BIGTI nalang.. hahaha

Happy talaga ako today... stress free..

momentum

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #30 on: June 01, 2015, 08:38:54 pm »
^nako sis ganun na pala siya nuon. Siguro laking pasalamat sayo magulang niya nung inako mo siya dahil nabunutan sila ng tinik.. Now balik nanaman sa kanila haha!

Good riddance talaga sis at di ka talaga maghihinayang sa ganyang klaseng lalake

cruxito

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #31 on: June 02, 2015, 08:34:20 am »
sis wag mu bigyan ng chance na makabalik pa sya... kung hindi nasa kanya pa din ang huling halakhak....


eto diskarte nyan...

manliligaw sa anak nyu yan... kunwari gusto mabisita, makumusta, makasama, maka bonding, etc...
tapos sa mga birthdays magbibigay ng gift yan... lalo na sayo bibigyan ka nyan flowers, chocolates... syempre ikaw naman papaloko (mararamdaman mu mahal mu pa sya :D) tapos mahuhuli kiliti mo until one day magigising ka ONE BIG HAPPY FAMILY na ulit kayo...

after a week or two... hehe alam na this... :D

momentum

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #32 on: June 02, 2015, 08:58:44 am »
^ agree ako diyan...style bulok nila yan  >:(

super bratinella

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #33 on: June 03, 2015, 01:53:54 am »
Happy for you sis janachen, we only live once para lang masayang ang nagiisang buhay sa isang situation na pwede naman natin baguhin, since it is within your control.  Healthy ito for you and for your kids.

Now you can do your thing be a mother, housekeeper without any stress!

Excited for the next life awaits for you along the way!!! God Bless.

cruxito

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #34 on: June 04, 2015, 08:52:48 am »
^ agree ako diyan...style bulok nila yan  >:(

effective yan sis...

pero pagdasal pa din natin yung husband nya na mamulat sa katotohanan

excerpt from greenday x-kid

Hey, little kid
did you wake up late one day?
You're not so young, but you're still dumb
and you're numb to your old glory,
but now it's gone.

chinkywinky

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #35 on: June 04, 2015, 12:10:42 pm »
That's the greatest decision girl! Hindi mo sya kawalan at di mo sya kailangan, bakit mo aalagaan di ba. Parang kumuha ka lang ng batong ipinukpok sa ulo mo. Salute to you I admire your courage.

quennna

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #36 on: June 04, 2015, 08:41:21 pm »
pag nagsawa nanay nun sa pinaggagawa nun..
sabihin nun.. umuwi ka na nga sa asawa mo hahaha..
belat nya... lol

janachen

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #37 on: June 07, 2015, 10:54:48 pm »
Mga sisssss.. haha eto ulit ako. Oo tama talaga nangungulit at kunwa kunwariang aalagaan ang baby ko...

Nung isang araw, nagtext pupunta daw siya kasi gusto nyang makita ang baby namin.. Sabi ko sige lang.. Pero lumayas kami..Haha nga nga sya kahihintay sa labas. (ang bad ko)

Hindi kami nahintay at umalis din. Wala na kasi siyang susi sa bahay. :P Masama na kung masama ako sis, grabe hindi ako tatantanan nun. Nanggugulo sa buhay ko.

funky f

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #38 on: June 08, 2015, 08:32:54 am »
Ano na pangako nya sa 'yo, sis? Like ano na plans nya?

You think he will REALLY change?  And if he does, will you take him back?

Evolet027

  • Guest
Re: Need advice:Wife as a breadwinner
« Reply #39 on: June 08, 2015, 10:08:04 am »
Haha, sabihin mo, ayaw mo ng tumanggap ng batugan at palamuning lalake. Hayaan mo masaktan sa mga words na sasabihin mo, eh totoo naman eh. Nang magising sya sa katotohanan na ang pagka lalaki nya eh walang silbi. Humanap na lang kamo sya ng bagong babae na willing magtrabaho at magpalamon sa kanya dahil kami hindi ikaw ang babaeng yun. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close