This is going against the grain but I am not voting for Duterte.
Sis darkjuliet, hope mag visit ka pa ulit sa thread na ito at mabasa mo ito. I am glad kasi kahit papano you gave a look to Duterte. At kahit papano you do research kung sino ang i-vote mo. I may not answer all of your questions like you want pero I would like to share what I know.
Malakas yung dating nya kasi pa-cool sya sumagot, mabiro, tapos uy nagmumura astig--and sadly, we fall for these. Pero tingnan nyo lang, nung debate, when asked how he plans to eradicate drugs in 3-6 months as he promises, wala naman syang concrete na sinagot. Tapos mukhang wala rin syang maayos na platform; in fact, sya na rin nag-admit na mangongopya na lang sya sa ibang candidates. Pero wala eh, "kakaiba" kasi yung dating ni Duterte. He looks like the alternative option. Unfortunately, we tend to make the mistake of equating the "alternative option" to "progress."
Yes malakas talaga ang dating nya. Kung isa ka sa mga ordinaryong Filipino na sawang sawa na sa araw araw na nararanasan ang mga pasakit at pahirap ng gobyerno, matutuwa ka talaga na merong unconventional politician na tatakbo. Ilang taon na rin ang nakalilipas pero parang lahat naman ng politicians same lang ang mga impact sa amin. Naalala ko tuloy ng mga panahon na tumakbo si Eddie Gil, out of no choice, muntik ko ng iboto si Eddie Gil para lang may mabago kasi nakakaumay na ang mga pangyayari na paulit ulit sa bansa. Maraming issuena dapat nairesolba, naisabatas or naisakatuparan pero super bagal mangyari kaya walang nagagawa. Kaya for the sake na magkaroon ng nararamdamang "changes" mabenta ang unorthodox na candidate. 3-6 months hindi mo talaga mauubos ang crime. Pero he has this mindset na kailangan lang talaga ng political will at ng orderly at efficient way na ma-enforce ang batas then the rest will follow. Ang sakit kasi ng bansa, dahil sa justice system at the same time lame na law enforcement, paulit ulit lang ang krimen na nagaganap. Mga holdaper at snatcher, if ever mahuli man, makukulong lang sandali kapag hindi nagsampa ng kaso ang biktima, makakalabas at uulit lang ulit sa kriment nila. Kung nag research ka din, yung mga minor na criminals, hindi nakukulong kaya free sila ulit ulitin ang gawain nila kaya plan din nya i-abolish yun. Maraming butas sa batas natin ngayon, na hindi pinagtutuunan ng mga nakaraan presidente. Mga simpleng bagay na may malaking impact pero dahil simple nga lang, hindi na napapansin ng ibang kandidato. Si Duterte simple lang ang approach nya, hindi na kailangan maging complicated. Sabi nya nga sa mga criminals, mostly mga repeating, sa Davao, if gagawin nyo yan, either umalis kayo ng City or papatayin kayo. Simple lang. Ginagawa nya ang warning nya kaya takot ang tao gawin. Malamang ganun din ang plan nya within 3-6 months. Higpitan ang law enforcement at gawing efficient sa pagiging proactive hindi reactive lang na kapag may krimen na naganap dun lang maglalabasan ang mga pulis. Malamang mararamdaman natin ang pagbabago jan.
But that's just the tip of the ice berg.
He's so proud admitting he's killed criminals, as if killing is the best way to combat crimes. Pero who are these ba? Mga petty criminals na ano? Nag nakaw ng bag? Nang-snatch ng cellphone? Jeskelerd. Bibilib sana ako kung may napatay sya na big shot criminal. Pero wala. Kasi selective rin yung kamay na bakal nya. Tsaka bakit ganun, kating-kati sya pumatay ng kriminal? Sana isipin muna nya bakit may kriminal in the first place. Kumbaga, get the root of the problem first before going on a killing spree. One cannot make a good man out of a dead person. I still believe lahat ng tao ay may redeeming value.
For now I could say best way sya to minimize crime. Katulad ng sabi ko above, hindi na takot ang criminals sa law at justice system natin. Kapag may nasampolan, tignan natin kung hindi sila magbago. And wait... hindi lang petty criminals ang nadadali sa Davao. Kundi repeating criminals po. Bago ka mapatay dun, meron kang warning letter either you go out of Davao or you'll die. If taga davao ka, you'll know. Kaya I think misinformed ka rin sa way ng pag execute ng criminals which is ganyan din ang propaganda ng ibang candidate against duterte. Regarding big shot criminals, katulad ng sabi nya kay Roxas during debate, we don't know a thing. Hindi nya naman aaminin yun in a way na incriminate nya ang sarili nya. Pero ang rule lang is, you go out of Davao or be killed. Hindi na nila gustohin pang mamatay so probably umalis na lang ng Davao. I think na-misunderstood mo din si Duterte na as if gusto nya lang pumatay. Mali ka ng pagkakaintindi. He is just projecting himself na hindi big deal sa kanya gawin ang mga bagay na ito if kinakailangan dahil sa sitwasyon. Alam nya ang ginagawa nya at hindi sya yung akala mong hindi nagiisip na politician. Strategist sya so kung ganun kababaw ang pagkakaintindi mo, need mo pa mag research unless naniniwala ka lang din sa mga sabi sabi

Yung reasons kung bakit may crimes... sinabi nya naman yun kung ano yun. one of them is drugs. kaya sincere talaga sya na eliminate ang drugs. Some would say na kahirapan ang root ng crimes. Eh? Dati pang issue yan me nangyari na ba? Don't worry,dadating din tayo dun.
Okay siguro sya to lead a city; pero leading a country is a whole new dimension. Okay siguro sya to be a PDEA chief or something, bilang parang yun naman yung bukambibig nya--drugs. Pero president? Nah.
Eh? Sino ang ilalagay mo dun sa position? Meron ba? Kahit isa isahin natin, halos wala naman talagang fit sa position. I chose duterte because sya na lang ang least na nakita ko nung tnry ko i-eliminate ang mga negatives ng ibang presidente. Si Binay na corrupt. Si Poe na inexperience, Si Mar na incompetent kahit saang position pa ilagay, si Mirriam na may health issues at si Duterte na may kamay na bakal at babaero at palamura?
At least may city sya na dinadala na example ng kaya nyang gawin. Why don't we give him a chance? 6 years! Isugal na natin ang 6 years para sa pagbabago. Same lang naman lagi ang nangyayari. Unless kuntento ka na or hindi ka nahihirapan sa sitwasyon ng bansa ngayon, malamang wala sayo ang necessity na mag vote ng katulad nyang leader.
Tangentially speaking, very, very alarming ang marami sa supporters ni Duterte. Nagiging fanatics na sila. Blinded patronage, kumbaga. Ang tingin kay Duterte ay isang Messiah. Hay. But I have to admit, minsan gusto ko manalo na rin nga yan si Duterte, para after 3-6 months masabi ko, "I told you so." Also, ang dali natin ma-fall sa mga anecdotal "shares" ng mga tao on social media. As if that's the end-all be-all of everything. I cringe.
Sana nga manalo sya. We would be glad to be proven wrong! Kung ibang candidate yan, wala pa rin naman yung 3-6months di ba? At magkaka effort pa ba pag sa iba? At least dito alam mong may deadline. If he fails at least merong deadline na hinahabol na gagawin ang lahat ng makakaya instead sa ibang politican na ipag wawalang bahala na lang

Hindi ko masisisi yung ibang fanatics. Me fanatics nga si Justin bieber eh! May fanatics din si Mar at si Binay na pikit mata sa flaws din nila so pareparehas lang yan. BTW, you should do more research pa kay Duterte kasi pansin ko, kabilang ka din dun sa mga nadadala sa sabi sabi ng propaganda. Google mo na lang, madaming facts about Duterte at wag ka na rin umasa sa mainstream media na ilalabas to.
I have to admit, opposer talaga ako ni Duterte dati. Super ang kontra ko sa mga pamamaraan nya before. Pero sa panahon ngayon, you can't just be neutral. May 5 lang na presidentiables tayo and you really have to choose and stand for it. Whether may piliin ka man o wala, may mananalo at mananalo pa rin and you have to bear the consequences. Kaya out of eliminating the undesirables, si Duterte yung nahuli sa akin. So ayun sya na lang ang support ko. He is not perfect pero sa ngayon, I believe sya ang kailangan ng bansa natin. Transitional period kumbaga.