watch now

Author Topic: Duterte for 2016  (Read 78123 times)

may12

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #520 on: March 25, 2016, 12:57:36 pm »
^^^Yan din naisip ko sis. Na dati pa lang, kilala na niya mga big time drug lords. Di nga lang sakop ng Davao kaya hindi siya makakilos dati.

Since it's Holy Week, I urge our sisses din to take this time to pray for the elections. Super lapit na.

Sana God will guide us this time talaga. Iba-iba man tayo ng views, beliefs, and opinions, I'm sure lahat tayo ay iisa ang hangarin na umunlad na ang Pilipinas.

Nabasa niyo na rin ba yung article about the love story of Gen. Antonio Luna and Ysidra Cojuangco? Kung totoo nga yun, sana ma-verify. Tagal na nilang pinaglalaruan ang Pilipinas.

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #521 on: March 25, 2016, 02:13:02 pm »
Please let's not call someone "bobo" just because they have different views from us.
We do have different reasons for voting our preferred candidate. RESPETO na lang po.
As for me, I really think Duterte is the most suited candidate for Presidency, hindi sya plastik at trying hard ma-please ang madla and I believe kaya nyang bawasan ang krimen dito sa Pilipinas.

donya_dyosa

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #522 on: March 25, 2016, 04:38:50 pm »
^yeah sorry got carried away..
wasnt referring to someone here rin,
didnt back read that someone was not voting for duterte..

now, thats how i feel talaga in real life. i feel sorry that thats how i feel for them though,

i want duterte to win.. wala nako panahon to explain why..
i dont want others to win because there are so many reasons not to at kulang panahon to explain why.



angel..

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #523 on: March 25, 2016, 05:43:17 pm »
I really hope Duterte wins. Among all the candidates, he is the only one who has consistency. Dun pa lang pasok na pasok na siya. And he does seem sincere in making the Philippines a great country again. He is for the people.

LABYU

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #524 on: March 26, 2016, 02:13:23 am »
Sa akin naman, iboboto ko siya hindi dahil magaling siyang magsalita, hindi dahil sa kung anupaman, sabi ko nga dun sa ibang thread, alangan ako kay Duterte sa BBL pero desperado din ako sa pagbabago. Ginawa ko din naman yung research ko as voter at nakita kong may maganda namang nagawa si Duterte sa lugar nila at gusto ko din maranasan yun dito sa maynila, meron ako na-meet na foreigner noon tapos tinanong ko siya kung san yung feeling niya pinaka safe na lugar sa pilipinas sabi niya davao daw kaya dun nila mas pinipili mag bakasyon kesa sa ibang lugar sa pinas.

pretty empress

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #525 on: March 26, 2016, 10:31:40 am »
circulating now sa fb that steven seagal is supporting mayor digong on his candidacy. -it's a lie. i don't know if its black propaganda ng iba o supporter na di nag iisip ang nagpakalat nyan.. bawal yan e.

may12

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #526 on: March 26, 2016, 02:07:59 pm »
^True. Kung supporters ni Digong nagpapakalat nun, sana itigil na nila. Hindi nakakatuwa at hindi nakakatulong.

Kung supporters ng ibang candidates nagpapakalat nun para lang masira si Digong... haay... ewan ko nalang sa kanila.

Nagpost nga pala si Mocha Uson na may bomba na ipapasok daw sana kahapon sa Davao. Pero nahuli sa check point. Is it true?

catherine ann

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #527 on: March 26, 2016, 06:42:08 pm »
May news din sa Sunstar Davao na may nahulihan ng shabu sa loob ng prison.

pretty empress

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #528 on: March 26, 2016, 08:20:40 pm »
yes its true sis. nahulihan ng 2 ied. ano kaya motibo non at sino nag utos.

alexsy

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #529 on: March 27, 2016, 04:53:24 am »
fake daw yung testimony ng nurse na kumakalat sa facebook?

Leven

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #530 on: March 27, 2016, 07:33:49 am »
Iba iba siguro tayo ng pananaw but Si Du30 para sa akin ang may direct plan everytime na tinatanong siya..SIMPLE, SHORT AND DIRECT..Obviously, yung 3 to 6 months niya na ibig sabihin e, Vigilante group niya paiiralin mawala lang yang mga kriminal..sabi din niya ng iincrease niya salaries ng mga police at sundalo para naman magsigpag sa paghuli ng mga kriminal..bring back the DEATH PENALTY FOR DRUG TRAFFICKING, KIDNAPPING, RAPE, ROBBERY and HOMICIDE. Yung sagot niya sa debate about the farmers, di ba sabi niya gusto niya ng FREE IRRIGATION and subsidized fertilizer and seeds, reduce the cost of food by GETTING RID of unscrupulous middlemen and build MINDANAO railway.

hindi kagaya ng ibang candidate pa ikot ikot lang..parang nakinig lang ako kay Pnoy..Si Grace Poe ok lang yung sagot..may sense but her capability as a President is still questionable..Kung sa mangga pa e, hilaw pa..Sana tumakbo siyang VP, iboboto ko siya..

LASTLY, hindi na kailangang magpakitang gilas ni Duterte sa Debate...Davao is his PROOF. YES, I maybe desperate, but I'd rather vote for a MAN IN ACTION than a MAN WITH FLOWERY WORDS.

AnneMP

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #531 on: March 27, 2016, 08:41:19 am »
Even if there are supporters around who propagates false testimonies or who resorts to name-calling and bragging, I always keep in mind that I'm voting for Duterte and not his supporters.  I only listen to what comes out of his mouth and the testimonies of those who actually encountered his work first hand.  The Duterte fans probably cannot help themselves because they badly want Duterte to win (like I do). 

I don't believe that Duterte is a miracle worker but I believe that he is the only one with TRUE COMPASSION for the Filipino people.  I will vote for a leader who has the heart unlike that "lady" who claims that she has the heart for the Filipino people when she (as cited by BINAY - ulk! he's a scum but he said something true in the last debate) took oath of allegiance and really uttered the word "abjure".  And of course, that man who is the "apologist" of this administration made presidency included in his life goals. And Binay of course, is vying for that position to make more problems for this country. 

dismembered

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #532 on: March 28, 2016, 10:57:55 am »
This is going against the grain but I am not voting for Duterte.

Sis darkjuliet, hope mag visit ka pa ulit sa thread na ito at mabasa mo ito. I am glad kasi kahit papano you gave a look to Duterte. At kahit papano you do research kung sino ang i-vote mo. I may not answer all of your questions like you want pero I would like to share what I know.

Quote
Malakas yung dating nya kasi pa-cool sya sumagot, mabiro, tapos uy nagmumura astig--and sadly, we fall for these. Pero tingnan nyo lang, nung debate, when asked how he plans to eradicate drugs in 3-6 months as he promises, wala naman syang concrete na sinagot. Tapos mukhang wala rin syang maayos na platform; in fact, sya na rin nag-admit na mangongopya na lang sya sa ibang candidates. Pero wala eh, "kakaiba" kasi yung dating ni Duterte. He looks like the alternative option. Unfortunately, we tend to make the mistake of equating the "alternative option" to "progress."

Yes malakas talaga ang dating nya. Kung isa ka sa mga ordinaryong Filipino na sawang sawa na sa araw araw na nararanasan ang mga pasakit at pahirap ng gobyerno, matutuwa ka talaga na merong unconventional politician na tatakbo. Ilang taon na rin ang nakalilipas pero parang lahat naman ng politicians same lang ang mga impact sa amin. Naalala ko tuloy ng mga panahon na tumakbo si Eddie Gil, out of no choice, muntik ko ng iboto si Eddie Gil para lang may mabago kasi nakakaumay na ang mga pangyayari na paulit ulit sa bansa. Maraming issuena dapat nairesolba, naisabatas or naisakatuparan pero super bagal mangyari kaya walang nagagawa. Kaya for the sake na magkaroon ng nararamdamang "changes" mabenta ang unorthodox na candidate. 3-6 months hindi mo talaga mauubos ang crime. Pero he has this mindset na kailangan lang talaga ng political will at ng orderly at efficient way na ma-enforce ang batas then the rest will follow. Ang sakit kasi ng bansa, dahil sa justice system at the same time lame na law enforcement, paulit ulit lang ang krimen na nagaganap. Mga holdaper at snatcher, if ever mahuli man, makukulong lang sandali kapag hindi nagsampa ng kaso ang biktima, makakalabas at uulit lang ulit sa kriment nila. Kung nag research ka din, yung mga minor na criminals, hindi nakukulong kaya free sila ulit ulitin ang gawain nila kaya plan din nya i-abolish yun. Maraming butas sa batas natin ngayon, na hindi pinagtutuunan ng mga nakaraan presidente. Mga simpleng bagay na may malaking impact pero dahil simple nga lang, hindi na napapansin ng ibang kandidato. Si Duterte simple lang ang approach nya, hindi na kailangan maging complicated. Sabi nya nga sa mga criminals, mostly mga repeating, sa Davao, if gagawin nyo yan, either umalis kayo ng City or papatayin kayo. Simple lang. Ginagawa nya ang warning nya kaya takot ang tao gawin. Malamang ganun din ang plan nya within 3-6 months. Higpitan ang law enforcement at gawing efficient sa pagiging proactive hindi reactive lang na kapag may krimen na naganap dun lang maglalabasan ang mga pulis. Malamang mararamdaman natin ang pagbabago jan.

Quote
But that's just the tip of the ice berg.

He's so proud admitting he's killed criminals, as if killing is the best way to combat crimes. Pero who are these ba? Mga petty criminals na ano? Nag nakaw ng bag? Nang-snatch ng cellphone? Jeskelerd. Bibilib sana ako kung may napatay sya na big shot criminal. Pero wala. Kasi selective rin yung kamay na bakal nya. Tsaka bakit ganun, kating-kati sya pumatay ng kriminal? Sana isipin muna nya bakit may kriminal in the first place. Kumbaga, get the root of the problem first before going on a killing spree. One cannot make a good man out of a dead person. I still believe lahat ng tao ay may redeeming value.

For now I could say best way sya to minimize crime. Katulad ng sabi ko above, hindi na takot ang criminals sa law at justice system natin. Kapag may nasampolan, tignan natin kung hindi sila magbago. And wait... hindi lang petty criminals ang nadadali sa Davao. Kundi repeating criminals po. Bago ka mapatay dun, meron kang warning letter either you go out of Davao or you'll die. If taga davao ka, you'll know. Kaya I think misinformed ka rin sa way ng pag execute ng criminals which is ganyan din ang propaganda ng ibang candidate against duterte. Regarding big shot criminals, katulad ng sabi nya kay Roxas during debate, we don't know a thing. Hindi nya naman aaminin yun in a way na incriminate nya ang sarili nya. Pero ang rule lang is, you go out of Davao or be killed. Hindi na nila gustohin pang mamatay so probably umalis na lang ng Davao. I think na-misunderstood mo din si Duterte na as if gusto nya lang pumatay. Mali ka ng pagkakaintindi. He is just projecting himself na hindi big deal sa kanya gawin ang mga bagay na ito if kinakailangan dahil sa sitwasyon. Alam nya ang ginagawa nya at hindi sya yung akala mong hindi nagiisip na politician. Strategist sya so kung ganun kababaw ang pagkakaintindi mo, need mo pa mag research unless naniniwala ka lang din sa mga sabi sabi :)

Yung reasons kung bakit may crimes... sinabi nya naman yun kung ano yun. one of them is drugs. kaya sincere talaga sya na eliminate ang drugs. Some would say na kahirapan ang root ng crimes. Eh? Dati pang issue yan me nangyari na ba? Don't worry,dadating din tayo dun.


Quote
Okay siguro sya to lead a city; pero leading a country is a whole new dimension. Okay siguro sya to be a PDEA chief or something, bilang parang yun naman yung bukambibig nya--drugs. Pero president? Nah.

Eh? Sino ang ilalagay mo dun sa position? Meron ba? Kahit isa isahin natin, halos wala naman talagang fit sa position. I chose duterte because sya na lang ang least na nakita ko nung tnry ko i-eliminate ang mga negatives ng ibang presidente. Si Binay na corrupt. Si Poe na inexperience, Si Mar na incompetent kahit saang position pa ilagay, si Mirriam na may health issues at si Duterte na may kamay na bakal at babaero at palamura?

At least may city sya na dinadala na example ng kaya nyang gawin. Why don't we give him a chance? 6 years! Isugal na natin ang 6 years para sa pagbabago. Same lang naman lagi ang nangyayari. Unless kuntento ka na or hindi ka nahihirapan sa sitwasyon ng bansa ngayon, malamang wala sayo ang necessity na mag vote ng katulad nyang leader.

Quote
Tangentially speaking, very, very alarming ang marami sa supporters ni Duterte. Nagiging fanatics na sila. Blinded patronage, kumbaga. Ang tingin kay Duterte ay isang Messiah. Hay. But I have to admit, minsan gusto ko manalo na rin nga yan si Duterte, para after 3-6 months masabi ko, "I told you so." Also, ang dali natin ma-fall sa mga anecdotal "shares" ng mga tao on social media. As if that's the end-all be-all of everything. I cringe.

Sana nga manalo sya. We would be glad to be proven wrong! Kung ibang candidate yan, wala pa rin naman yung 3-6months di ba? At magkaka effort pa ba pag sa iba? At least dito alam mong may deadline. If he fails at least merong deadline na hinahabol na gagawin ang lahat ng makakaya instead sa ibang politican na ipag wawalang bahala na lang :)

Hindi ko masisisi yung ibang fanatics. Me fanatics nga si Justin bieber eh! May fanatics din si Mar at si Binay na pikit mata sa flaws din nila so pareparehas lang yan. BTW, you should do more research pa kay Duterte kasi pansin ko, kabilang ka din dun sa mga nadadala sa sabi sabi ng propaganda. Google mo na lang, madaming facts about Duterte at wag ka na rin umasa sa mainstream media na ilalabas to.

I have to admit, opposer talaga ako ni Duterte dati. Super ang kontra ko sa mga pamamaraan nya before. Pero sa panahon ngayon, you can't just be neutral. May 5 lang na presidentiables tayo and you really have to choose and stand for it. Whether may piliin ka man o wala, may mananalo at mananalo pa rin and you have to bear the consequences. Kaya out of eliminating the undesirables, si Duterte yung nahuli sa akin. So ayun sya na lang ang support ko. He is not perfect pero sa ngayon, I believe sya ang kailangan ng bansa natin. Transitional period kumbaga.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #533 on: March 28, 2016, 11:10:15 am »
Kahit ako ata, if the crime is very rampant and someone has the balls to say na papatayin ang mga criminal. Dun na rin ako boboto...LOL!

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #534 on: March 28, 2016, 03:16:13 pm »
^yeah sorry got carried away..
wasnt referring to someone here rin,
didnt back read that someone was not voting for duterte..

now, thats how i feel talaga in real life. i feel sorry that thats how i feel for them though,

i want duterte to win.. wala nako panahon to explain why..
i dont want others to win because there are so many reasons not to at kulang panahon to explain why.

No worries sis  :) I really wish Duterte will win as well, feeling ko sya lang pag asa natin. Ipagdadasal ko to ng todo.

im fine!

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #535 on: March 28, 2016, 04:22:59 pm »
Sana nga manalo si Duterte mga sis. Sa tindi ng nangyayari sa Pinas ngayon we need someone na walang takot. He's not perfect, babaero daw, palamura etc. Pero look at Davao, safe and progressive despite na ganon ang traits ng leader nila. I have a friend who now lives in Davao. They chose to live there kahit ok naman yung buhay nila dito sa Manila dati.
 I dont think din na kaya nya ayusin ang Pinas in 3-6 months. Sa tigas ng ulo ng mga Pinoy mahirap talagang gawin yun.  But atleast diba sya lang yung candidate na litaw yung progress ng city na pinamunuan nya.

chicafabulosa

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #536 on: March 28, 2016, 04:40:21 pm »
Yes i am excited na to vote for him this coming election. I remember taking this poll sa rappler kasi when you read something about any candidate may nag a appear na poll who would you vote if the election will take place today. So far out of two survey, laging leading si duterte. Last was yesterday he was like 73%, followed by mar 8% something so on and so forth.

I think its because most of the pinoys are so tired of same tune of songs our government is singing. We wanted change and for most of the pinoys, duterte can bring that change. It may not be on the spot change but at least in 3-6 months may nabago na. I dont mind being called desperate kung yun ba ang magbibigay ng inaantay kong change sa bansa natin eh. Nakakasad kasi rin for me and my family to move out of the country and bring our businesses elsewhere kung saan dapat mga kapwa pinoy na natin ang makikinabang sana sa mga trabaho na iooffer namin. Kaso if hindi rin lang magbabago ang government natin, we will take the risks na lang to start our new life in other country.


j.adore

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #537 on: March 28, 2016, 05:48:19 pm »
I don't trust the polls kasi di naman scattered sampling mga yan. The masa vote will still win and I do hope the masa has seen through different experiences (like Yolanda) na di lang popularity kailangan nila...

Pero natutuwa ako whenever I see na si Duterte nasa top ultimo mga cup sa 7-11 ::) It gives me hope baka nga the polls will be true!

imyourangel

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #538 on: March 28, 2016, 10:50:06 pm »
Even our pastors (Christian) endorse him.. I am for Du30!

chicafabulosa

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #539 on: March 28, 2016, 10:54:47 pm »
Me rin naman I dont trust polls lalo nanI used to work for two market research firms before dito sa atin so I know how it works. Kaso natutuwa lang ako na nagta top si Duterte. Sa 7-11 dito sa amin ubos yung Duterte cups eh

 

Latest Stories

Load More Stories
Close