Author Topic: Duterte for 2016  (Read 47317 times)

thisxx

  • Newbie
  • *
  • Posts: 34
Re: Duterte for 2016
« Reply #40 on: June 06, 2015, 11:29:29 pm »
Ako naman, kita ko yung side sa loob eh yung mga inmates na di napoprove pa na guilty. Makakalaya sila after a few months and then babalik nanaman sila minsan wala pang two months. Yung iba naman na nakakulong, di pa nakakalaya nagpaplot na kung paano nanakawan yung dating amo. :/ kaya di ko din talaga masabi kung kawawa ba talaga yung mga petty na criminals or yung mga taong naghihirap magkapera galing sa legal na paraan.

Hinahanap ko talagang pulitiko, yung mag eend ng power abuse ng mga pulis! Kahit naglalakad ka lang pwede ka kasuhan ng kahit ano. Ganto kami sa makati hehe

may12

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 330
Re: Duterte for 2016
« Reply #41 on: June 07, 2015, 06:11:24 am »
I don't know... sa paglagi-lagi ko sa Davao, never heard of such thing as teens getting killed by DDS. Lalo na sa place ng family ko na garapalan ng mukha ng mga bata. They sell drugs kahit sa streets.
And so far, sa 3 napatay na drug dealers malapit sa amin, they are all proven guilty. Ilang beses na labas-pasok sa kulungan hanggang sa nagtatago na.
Hindi naman trip killing lang ang mga DDS. They don't just kill anyone (as far as we have seen and heard mismo in our place). Otherwise, wala na sana marami nakakulong sa Davao. At ubos na sana drug dealers sa lugar namin noon pa.
But sa napansin ko, drug dealers are getting younger and younger lalo na nung nawala na DDS (siguro dahil nga sa kakareklamo ng human rights).
So last year, when I went to Davao, advice na e wag maglakad-lakad pag malalim na gabi.

Criminals are free to roam the streets, tapos yung innocent, hindi? That's  not the life I want for my children.

And I don't know about that BBF thing. Is that even proven? Kasi as far as I know first hand in Davao, walang naghahari-harian na rebelde. So what made you think that would be the case if naging president si Duterte?

He's a politician. He's friendly to everyone.
He's close din sa isang Christian leader doon.

His statement about the BBF and the BBL were so misinterpreted. Sadya na rin ng press para mas mabenta.
But if you read the whole interview,.it was actually not pro-rebelde.

mebpa

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 198
Re: Duterte for 2016
« Reply #42 on: June 07, 2015, 08:33:33 am »
I think mas madali naman talaga linisin or ayusin if city lang ang hawak compared sa kung isang bansa. isang city kase (generally speaking, I'm not pertaining to Davao only) kung nakita ng mga tao na nagsisibli talaga and dapat talaga i-respeto yun namumuno, madali naman sumunod and if pinapatupad talaga yun mga parusa siyempre matatakot ka talaga hindi sumunod. kung talagang dyan kayo nakatira sa lugar nyo, syempre gusto nyo umayos yung lugar nyo so mas madaling pasunuring yung mga tao.

Kung isang bansa kase, iba-iba na isip ng tao. marami nang dapat i-consider hindi lang peace and order ang usapan. ekonomiya ng bansa, relasyon sa ibang bansa, marami pa. may kokontra at kokontra sayo at walang katapusang welga.

But, given the choice between Duterte and Binay. Duterte nalang ako.
"If you can't handle me at my worst, then you don't deserve me at my best.”

geekgurl

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 203
Re: Duterte for 2016
« Reply #43 on: June 07, 2015, 02:11:37 pm »

Ang batas ay BATAS!

Sana ihiwalay din po naten ang religion.
Hindi naman po lahat ng pilipino ay Kristiyano.

Majority nga kristiyano, hindi naman sumusunod sa batas ng Diyos. Wag na po tayo maging ipokrito.

Kamay na bakal. Duterte for President! lol ;D
"Travel light, live light, spread the light, and be the light

Leven

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 790
Re: Duterte for 2016
« Reply #44 on: June 10, 2015, 10:59:37 am »
What I totally like at Davao, e yung no fireworks every Christmas at New year..Yun..but other than that..ala na.

What an idiot.

nahiya naman ako sa talino mo tis.
« Last Edit: June 10, 2015, 11:01:43 am by Leven »

imyourangel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1340
Re: Duterte for 2016
« Reply #45 on: June 20, 2015, 10:47:12 am »
^May I know why that's the only thing you like in Davao?

geekgurl

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 203
Re: Duterte for 2016
« Reply #46 on: June 20, 2015, 11:22:15 am »

Pangatlo na sa rating  si Duterete sa SWS, pulse asia survey... sana tumaas pa..
NO to BINAY!!! >:(
"Travel light, live light, spread the light, and be the light

Leven

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 790
Re: Duterte for 2016
« Reply #47 on: June 20, 2015, 06:45:19 pm »
^May I know why that's the only thing you like in Davao?

I'm in a place wherein walang fireworks tuwing Christmas at new Year..We just go to a common place para manuod ng fireworks display..iwas disgrasya at masaya naman. Masaya kung may Fireworks sana, kaya lang nalimutan siguro ng ibang matatalino dito na bawal fireworks sa davao tuwing Christmas at New Year.

tischarmedlife

  • Super Mommy
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1350
  • a warrior and a survivor
    • TisCharmedLife
Re: Duterte for 2016
« Reply #48 on: June 22, 2015, 07:13:27 am »
Yun lang ang ayaw ko kay Duterte. Baka pag nanalo sya, ipa-ban ang fireworks/ firecrackers sa buong Pinas. Haha. Business pa naman namin yun!  :P
"I think, therefore I am"

http://tischarmedlife.wordpress.com/

kookai88

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 279
  • O LORD, be gracious to us; we long for you.
Re: Duterte for 2016
« Reply #49 on: June 22, 2015, 09:43:03 am »
I will vote for Duterte if he run in presidency position in 2016. ;D ;D ;D

Queen Chokolah

  • An inquisitive
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 405
  • A woman with terrible mood swings!
Re: Duterte for 2016
« Reply #50 on: June 24, 2015, 04:10:00 pm »
If I may, hindi ko alam kung anong connect ni Duterte sa mga rebelde? This is the first time I've heard of it. Maybe he's not against BBL (for whatever reason he has, I have not read/watched the interview) but does that mean he's friends or allies with the rebelde? I'm pretty sure walang rebelde na palakad lakad sa Davao.

Regarding the kissing issue, well he's not the only one. And I'm sure hindi naman sya proud sa values niya (with the killing and all?).

And I agree with a sis here, na hindi naman power killing lang si Duterte. My father and his partner have businesses in Davao and sabi ni papa, hindi basta basta pumapatay lang si Duterte. There will be warnings to those criminals na umalis ng Davao. If they chose to stay, they die. And these criminals are GUILTY.

Hindi pa ba kayo pagod sa mga taong lahat ng lugar ginagawang smoking area? Ni walang pakialam kung may buntis o bata?

Hindi pa ba kayo nagsasawa sa mga balita na 2 y.o na bata, ni rape ng 3 lalaki. Matanda, pinatay ng ganito, sinalvage si ganito, ninakawan si ganito, yung batang namatay kasi binuhusan ng kumukulong tubig? Masyado na tayong naging miserable for the past years. Hindi natin kelangan ng "mapagmahal" o mabait na leader. Kelangan na natin ng kamay na bakal para ma disiplina naman tayo.

And agree, iba ang isang city sa isang bansa. Duterte may not be able to fix everything in just 6 years pero at least mababawasan di ba? And besides, napakalaki ng Davao, hindi lang sya basta city. I'm sure madami ding willing naman maging peaceful ang buhay sa Pilipinas so madami din makikipag cooperate.

You might wanna venture into another business sis if manalo si Duterte. hehe gusto ko naman yun kasi pag christmas season halos ayoko na lumabas kasi natatakot ako sa mga paputok. At least pag wala na, mas makakagawa pa ng ibang fun activities
Don't ever mistake my silence for ignorance, my calmness for acceptance or my kindness for weakness.

kookai88

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 279
  • O LORD, be gracious to us; we long for you.
Re: Duterte for 2016
« Reply #51 on: June 26, 2015, 02:19:19 pm »
Final answer, hndi na daw sya tatakbo for president 2016. So sad  :( :'( :(

yelle

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 513
Re: Duterte for 2016
« Reply #52 on: June 27, 2015, 01:52:50 am »
I was born and raised in Davao, and the past 10 years residing in Manila. Sa totoo lang ayaw ko talaga siyang tumakbo, gusto ko siya sa Davao lang mamahala but for the sake of greater good - if he finally decides to run, he'll have my support.

This is just my humble opinion and sentiments I would like to share with you.

I witnessed how Mayor Rody Duterte changed Davao City from a murder capital to a progressive and peaceful city. Ang Davao City kasi noong early 1980's sobrang gulo. One of my first memory as a child, I was around 5-6 years old then. I saw group of armed men in a basketball court/gym dragging with them male civilians. Sa murang edad ko noon nakita ko talaga yung tension and fear sa mukha ng mga taong nakapaligid. Napatago pa nga ako sa likod ng papa ko. The leader/commander shouted to us to gather around. I saw how they physically maltreated those captured civilians that I wouldn't want to elaborate here. Yung memory na yun daladala ko hanggang ngayon. 

I was traumatised. During my teen years, I took courage to ask my mom about that incident. What happened then? She told me those armed men were NPA. Naging pugad po ang Davao City ng NPA, kaliwa't kanan ang patayan dati nag mistulang ghost town ang lugar namin because of terror. Yung mga mayayaman nagsi-alisan naiwan ang mga kapos sa pera. The masses were left to deal with notorious insurgency. Dahil dito nagkaroon ng Alsa Masa(uprising of the masses) against the rebel group. The hunters(NPA) became the hunted. And the rest is history.

Duterte became the appointed vice mayor of Davao city in 1986 then he ran as mayor two years after. He led a city that once gripped with fear and hunger and now became 5th on world's safest and liveable city. Isn't that something to be proud of? If he really tolerated terrorism or sided with terrorist groups. I don't think Davao will reach the status to where it is now. Can we just say he's pro Filipino and anti-war?

For us Davaoeños, he is not just a leader who's know to ban firecrakers, imposed speed limits etc. etc. He made us, whether what ethnicity or religion you're in, a safe and harmonious place. He's the leader that transformed our character.

He is not your typical politician who's just all talk and no action. He is an incorruptible leader, a public servant who's just doing what he's supposed to do.






« Last Edit: June 27, 2015, 02:22:30 am by yelle »

Leven

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 790
Re: Duterte for 2016
« Reply #53 on: June 27, 2015, 04:41:26 pm »
The answer for that sis, e, ito..
http://davaotoday.com/main/politics/new-peoples-army/npa-taxation-a-reality-just-pay-them-says-duterte/

mas maganda kasi kung url o link ang ipost natin para hindi naman sabihin nang iba jan na gawa gawa lang yung mga basehan nang karamihan kung bakit maraming takot kung siya ang gawing presidente AGAD. galing mismo kay Duterte yan ha, speech niya yan at hindi speech ko. gusto niya ng revolutionary tax. kung magbabayad daw tayo sa BIR e dapat meron din para sa mga NPA..ang saya di ba, nagkakanda hirap na nga tayo sa pagtatrabaho e mapupunta lang din pala sa mga rebelde..

as per Duterte..
“Crimes I can deal with it. But with the revolutionary (groups), I give it to the (national) government, but here, I advised government not to make arrests of revolutionaries” he said.

As to the NPAs asking taxes he said “I cannot put it to a stop. So factor that in your investments. If you pay to the BIR (Bureau of Internal Revenue), you prepare also for the NPA.” Some participants giggled and smiled on this remark.

Isn't it odd sis kung bakit Davao City lang sa Mindanao ang hindi masyado ginagambala ng mga rebelde? Kung bakit sang ayon si Duterte sa BBL or federalism. Sino ba naman ang ayaw ng peace? pero kung ang katahimikan naman e ang kapalit ay ang nagpapakain tayo ng mga rebelde or pinapataba natin ang mga rebeldeng to, e wag nalang.

Davao is not really a peaceful place. check this site.

https://en.wikipedia.org/wiki/Terrorism_in_the_Philippines

on this site malalaman niyo kung ilang beses narin may binomba sa lugar. Remember the Valentines day Bombing(2003), di ba isa ang Davao noon, The Davao International Airport bombing at marami pang iba. Yes, Davao can filter petty crimes but not rebellion. Cebu, Bacolod and Iloilo are still the safest place to live.

yelle

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 513
Re: Duterte for 2016
« Reply #54 on: June 28, 2015, 12:45:00 am »
I read the link you posted sis and I encourage others to read it as well.

The way I understand it is that Duterte is just being wise and realistic when dealing with these groups (NPA and the likes). Totoo naman hindi ba? 'He can't stop it.' Paano niya mapipigilan ito through blood bath? These groups are blood thirsty. Inahon niya ang Davao para sirain lang ng mga rebelde na 'to? Do you think Davao City has the power to suppress these groups? Ano nalang kaya ang mangyayari sa siyudad ng Davao kung ganoon? Can you picture it? Davao City is a first class city in Mindanao and an ideal target of these rebels. That's the hard truth. Pinoprotektahan niya lang ang kangyang nasasakupan.

He said, “I can talk, but I can’t talk them out of their ideology. You have to realize the Communist Party is entering its 45th year here. You have to admit there’s been historical injustice committed on the people.”

Duterte said the national government should deal with the revolutionary groups by talking peace.

Crimes I can deal with it. But with the revolutionary (groups), I give it to the (national) government, but here, I advised government not to make arrests of revolutionaries”

Remember when former president Estrada declared all-out-war in 2000 and again former PGMA in 2006, what about Zamboanga siege? Nawala ba ang terorrism and rebellion? Mas lalo lang pong lumala. During that time Davao City was not spared tapos sasabihin mo sis "kung bakit Davao City lang sa Mindanao ang hindi masyado ginagambala ng mga rebelde?" Katakot takot na gambala po ang nangyari marami ang namatay. That's contradicting to your statement.

That's why Duterte is pushing for Federalism. We are a nation with several subcultures. Para magkaroon ng pagkakataon ang ibang rehiyon na mamahala sa kanilang nasasakupan,  gamitin ang kanilang sariling pera o pondo para paunlarin ang kani-kaniyang rehiyon. Sa nangyayari kasi on our current form of government, the NCR gets the bulk of the budget. In a Federal state responsibility ng bawat rehiyon kung ano ang magiging estado ng economiya nila. Through this, may end insurgency. Kasi aminin na natin hindi kaya ng government natin mapenetrate yung ibang areas in Mindanao. Why not give them the freedom para pamahalaan ang lugar nila.


Davao is not really a peaceful place. check this site.

https://en.wikipedia.org/wiki/Terrorism_in_the_Philippines

on this site malalaman niyo kung ilang beses narin may binomba sa lugar. Remember the Valentines day Bombing(2003), di ba isa ang Davao noon, The Davao International Airport bombing at marami pang iba. Yes, Davao can filter petty crimes but not rebellion. Cebu, Bacolod and Iloilo are still the safest place to live.


But that was a decade ago... Ang importante ay kung paano nakabangon ang Davao City despite what happened the past years. Responsibilidad ng National Government ang issues with rebellion or terrorism. Hindi po hawak ng LGU yan. Wala pong kakayanan ang LGU para ma eradicate yan.

Please provide an evidence to that of Cebu, Bacolod and Iloilo. I am not putting these cities down I have relatives and friends there, our clan is originally from Cebu. But since you are asking for links, it's here:

Davao City improves to 5th in ranking of world’s safest cities

http://globalnation.inquirer.net/125132/davao-city-improves-to-5th-in-ranking-of-worlds-safest-cities

Please read the Philippines Graphic Magazine interview with Mayor Duterte:

PHILIPPINES GRAPHIC: Metro Manila does not know you as well your constituents in Davao. So when you say “revolutionary government,” it might come off as another form of strong-arm tactics. At one point you’ve been rumored as the head of the Davao death squad. So, how will you explain your idea of a revolutionary government to people in Metro Manila?
DUTERTE: “If you’re into drug pushing, extortion, kidnapping, whether you’re part of the police or military, I don’t care. These are serious crimes and you might want to think it over. But as for law-abiding citizens, you have nothing to fear. They once said I was a candidate for the communists. Do you see any communist running loose around Davao?”
PHILIPPINES GRAPHIC: So you really believe what you have accomplished in Davao can be done on a national scale?


https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=10153051749711768&id=151450926767&substory_index=0
« Last Edit: June 28, 2015, 01:23:11 am by yelle »

roxykarlo

  • mom of miguel and a certified
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 551
  • God is good all the time.
Re: Duterte for 2016
« Reply #55 on: June 28, 2015, 03:54:33 am »
Ditto sis Yelle. I am born and raised in Davao City. 5 years Lang ako nanirahan sa Manila to finish my college studies there. All I can say is Mayor Duterte is a good leader. He transformed Davao City. Yes, he may have lapses but one thing is true - you can be assured of the safety and security of the place. If he runs for President, I don't think so. Managing a city is different from managing a country. I don't think the people are ready for that type of change. A lot of citizens will not agree on him. Madami siyang makakaaway na politicians. And isa pa he is sickly. One cannot manage running a country if he is not in tip-top condition. I think it's time na magpahinga na siya from politics. Let others (whether it's his son/daughter) manage Davao City. I think that governing Davao City has proven his effectiveness as a leader and as a citizen.
bones strikes back!

Leven

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 790
Re: Duterte for 2016
« Reply #56 on: June 28, 2015, 10:49:02 am »
Exactly my point sis Yelle. It was coming from his mouth,  He can't stop it and his only way to stop it is REVOLUTIONARY TAX?! REVOLUTIONARY TAX sis, so crystal clear..What more if he'll be the president? Anong mga benepisyo pa ba ang ibibigay niya sa mga rebelde?

Regarding the Valentine's Day Bombing, Yes that was a decade ago, but that's just ONE OF THE notorious incidents that happened at Davao sis, The most recent one was last September 17, 2013 sis, 2 YEARS AGO.

The mall was subjected to one of the two terrorist bombings that occurred in 17 September 2013,[193] with their both abandoning shopping malls attacked at Gaisano Mall of Davao firstly, and lastly would be SM City Davao during their both blast sites. It happened during the time of armed crisis in Zamboanga City, which involved elements of the Moro National Liberation Front (MNLF); however, the MNLF Davao Regional Command denied that they were behind the bombings, at least five people were taken to the hospital after their both blast sites.

If only the people from Luzon could just realize how the Dutertes filter the news at Davao or gaano katakot ang mga media sa mga Duterte, You'll somehow know din na maraming tinatagong baho ang Davao sis. Far different from other place here in the Philippines, may naririnig ka bang mga bombing incident sa Cebu sis? Media People at Cebu can freely state what's in their mind and they can freely ride a jeepney or any public vehicle...A suspected Australian Jihadist( MALAKING TERORISTA) nabbed in Cebu.

http://globalnation.inquirer.net/107793/suspected-australian-terrorist-arrested-in-cebu


Bank robbery or Carnapping suspects were caught in Cebu sis. Saan ba ang mga insidenteng ito? mostly sa Manila.  ilang beses na pinarangalan ang mga PULIS sa Cebu dahil sa mga malalaking isda na nahuhuli nila sis, at hindi MAYOR ang nakikinabang sa publicity na ito, kundi mga pulis. Bakit kaya? Walang siga na pulitiko na nananalo sa Cebu dahil na rin sa media. Baho ng mga pulitiko nilaladlad. Walang Pulitiko nanampal sa Cebu kasi for sure kinabukasan kalaban mo na lahat ng Cebuano, hindi ka na mananalo sa susunod na election. Petty Crimes, yes meron din ang cebu..Baha, yes. Traffic, yes pero hindi kasing lala ng ibang lugar especially sa Mindanao at Manila.

http://globalnation.inquirer.net/107793/suspected-australian-terrorist-arrested-in-cebu
http://www.gmanetwork.com/news/story/175928/news/regions/suspects-in-greenbelt-5-robbery-killed-in-cebu
http://globalnation.inquirer.net/cebudailynews/news/view/20080707-146943/Robbery-ring-leader-nabbed

I'm somehow familiar with Cebu kasi hometown siya ng husband ko. Noong una hindi ko siya maintindihan kung bakit gusto niya after his retirement doon na kami manirahan sa Cebu. Palagi niyang sinasabi sa akin, there's no place like home.  At iba parin daw ang Cebu. He is familiar with the crime thingy sa Cebu at Davao kasi nasa militar siya na kabase ngayon sa Davao.

top livable city in the Philippines ang Cebu pumangalawa lang ang Makati at pang anim ang Davao.

http://www.gmanetwork.com/news/story/319645/newstv/angpinaka/ang-pinaka-livable-cities-in-the-philippines
http://www.topten.ph/2014/05/06/top-10-livable-cities-philippines/
http://www.glbrain.com/index.php?r=tool/view&id=2162&toolType=1
http://vigattintourism.com/tourism/articles/Top-Ten-Most-Livable-Cities-in-the-Philippines
http://www.thetoptens.com/top-cities-philippines/

Anyways sis, mababa naman ang rating ni Duterte ngayon for presidential. Yes, umaakyat siya pero malayo parin kay Poe. I really want him to run in the Senate kasi sabi nga raw nila galit siya sa kapwa corrupt, este corrupt. I also can't wait for the moment na magkakaharap sila ni Miriam Santiago sa Senate, for sure he'll be the next toy ni madam sa Senate. and palaban.
« Last Edit: June 28, 2015, 11:20:20 am by Leven »

Tatrix

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 51
Re: Duterte for 2016
« Reply #57 on: June 28, 2015, 11:43:56 am »
I lived in Davao during my formative years. I was already in Davao when De Guzman became a Mayor. And sobrang laki ng difference nila ni Duterte. Sobrang dumi ng Davao, nakakatakot at andaming krimen. Ano bang pinagmalaki ni De Guzman, yung inumpisahan niyang sabungan? It was a very expensive piece of %&$# using taxpayers money. Buti nga hindi na pinatapos ni Duterte kundi mas malaking gastos pa yun.

But still, I don't want Duterte to run. Mahina na siya. Masakitin na. I prefer he rest in davao nalang. After all, hindi na mababago ang Pilipinas. Why? Because change will not just come from him. Nabago niya ang Davao because Davaweños wanted the change, wanted the better life. pero kung buong Pilipinas na ang paguusapan, people are okay with what they have now. Sanay na sila sa krimen. They don't want to change anything. Naging comfort zone na nila kung anong meron sila ngayon eh. sanay na sila sa dumi, krimen, corruption, at sanay na silang nakakakita ng mga bata sa lansangan na nagrurugby. Kung ang pilipino mismo ang ayaw sa pagbabago, wala ring magagawa si Duterte dun. Itatago lang yan ng mga tao ang mga krimen, kukunsintihin ang mga kriminal.
« Last Edit: June 28, 2015, 12:28:37 pm by Tatrix »

yelle

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 513
Re: Duterte for 2016
« Reply #58 on: June 28, 2015, 01:07:19 pm »
^^ @sis Leven You are too quick to judge. He did not oblige these businesses to pay revolutionary tax. Sinabi niya lang ito dahil ito na ngayayari matagal na, since the 1980's as far as I know. The bottomline, the national government cannot solve the NPA issue. He's just a mayor with limited powers, Nililimitahan niyang ang damage nitong NPA on his constituents.. Kung may solution lang sana itong government natin wala sanang ngyayaring ganito.

Do you think petty crimes lang na solve ni Duterte? Dig further sis. What about Davidson Bangayan, the big time rice smuggler? What about the kidnapping incident, big time drug syndicates and overlords?

Here's a statement from Sen. Miriam Santiago.

If Senator Miriam Defensor will push through with her plan to run for President in 2016, her first choice for her running mate will be Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Sen. Miriam said, "He (Duterte) will make an excellent Vice President for enforcement," she said in a press conference on Wednesday.


More from: http://www.gmanetwork.com/news/story/378506/news/nation/duterte-is-miriam-santiago-s-first-pick-for-vp-if-she-runs-for-president-in-2016

"If only the people from Luzon could just realize how the Dutertes filter the news at Davao or gaano katakot ang mga media sa mga Duterte, You'll somehow know din na maraming tinatagong baho ang Davao sis."

Sis post your evidence. Kahit sang sulok ng mundo naman siguro may bahaong tinatago. Post mo dito para malaman ng lahat. Wag ka namang mag speculate na wala kang ebidensiya. Sabi mo dati hindi progressing ang Davao then post your evidence na hindi talaga. Ang dali lang kasi mag speculate eh.  Punto por punto. Sabi mo kurap si Duterte then prove it. He said he's willing to be jailed when proven guilty. Hindi ko ipinagpipilitan si Duterte dito kaya wag kang mag alala sis. Hindi naman lahat ng constituents na gusto siyang tumakbo. Kasi nga matanda at sakitin na rin siya. I'm just basing my opinion on my personal experience. Nanirahan ka na ba ng matagal sa Davao?

My mom is a retired DOJ employee and she can attest kung gaano bumaba ang crimes. May uncle whos a Sr. Insp. a chief detective and a case tracker of Davao City police who worked closely with Duterte can attest to his leadership and how hands on he is.


^^ @sis roxykarlo. I agree. Kahit man ako nagmumuni muni sa pagtakbo niya. Kaya nga sabi ko sa isang thread didto na 'are you ready for change' pag si Duterte naging presidente kasi hindi siya magpapacute sa malacanang. He said if ever siya ang president he will give 6-1 yr para sa reporma, if not he will not waste his time. Ewan ko ba kay sis Leven na ipinagpipilitan talaga na magulo ang davao. ??? Hindi naman santo itong si duterte, may mga pagkakamali din naman siguro siya.

                             
« Last Edit: June 28, 2015, 02:06:07 pm by yelle »

Leven

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 790
Re: Duterte for 2016
« Reply #59 on: June 28, 2015, 02:10:19 pm »
ang puso sis, kalma lang. forum naman to, hindi boxing ring. or blog page mo. Let's talk about facts here. Wag naman masyadong exagg.hehe. Mabuti nga tong ganito kasi at least we're talking some sense, hindi puro showbiz..Pinagpipilitan ko bang magulo ang Davao sis? kaya nga nagpost ako ng link di ba para hindi puro imbento. Those were documented incidents of bombing or possible terrorist attacks sis, na hindi  or NEVER nangyayari sa ibang part ng Pilipinas and Si Duterte na ang mayor noon hah. Sinabi ko bang walang baho ang ibang lugar? That's just so misleading. you're putting words in my mouth.

kaya nga nagpost ng link, para hindi lalabas na judgemental. I don't need to stay in Davao to prove the worth of your Mayor, the internet says it all. kuntento na ako sa lugar namin. May curfew, may konting traffic, may konting baha, hindi prone sa drugs and yet so far wala naman akong naririnig na may sumabog pa na bomba and most of all progressive. and are we not ready for that BIG CHANGE? anong big change ba yan? Bakit nakaya ng ibang siyudad ang maging progressive na wala namang patayan masyado? na wala namang masyadong nangyayayaring krimen? anong lugar ba dito sa pinas na oras oras ang patayan, tumataba ang mga druglord, diba Manila?

Kaya nga may link diba. and here we go again running around the Mulberry Bush about this Revolutionary TAX, hehe..Did I say na inooblige niya? what a strong word?! maka CTR +find nga,hehe..ala naman akong sinabi na inooblige ah..This was just his suggestion to the government dear.  and of course I know hanggang suggestion lang muna siya kasi Mayor pa siya.  As I've mentioned, What IF kung siya ang magiging presidente? Yes, kung Mindanao ang pag uusapan, mas progressive nga ang Davao. but please don't be offended, Let's talk about Philippines, Anyway presidentiable naman siya. Is Davao the most progressive place here in the Philippines? I've been to Davao once, and yes, it was more like a province to me compared to Manila, Makati and Cebu. Let's not talk about big time or small time syndicate pagdating sa pangkalahatan (PINAS) kasi mahabahabang link na naman ang ipopost natin yan. kung may petty crime ang Davao, meron din notorious unsolved Crime. ;D

BTW, oo naman siyempre his constituents would say na dapat na talaga siya magpahinga nalang kasi sakitin, sabihin lang nila kung ano talaga ang tunay na reason at nang hindi na sila sisikatan ng araw kinabukasan..
« Last Edit: June 28, 2015, 02:59:52 pm by Leven »

 


Latest Stories

Load More Stories
Close