Author Topic: Duterte for 2016  (Read 45532 times)

geekgurl

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 203
Re: Duterte for 2016
« Reply #20 on: April 27, 2015, 11:29:19 am »
pag tumakbo si duterte, iboboto ko talaga siya. Bisaya na pod!
"Travel light, live light, spread the light, and be the light

like_bree

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 63
Re: Duterte for 2016
« Reply #21 on: April 27, 2015, 08:05:00 pm »

Feeling ko before Duterte is the better choice but i listened to his speech on a convention that i attended, i am not voting for him for 2016.  My impression is that he treats women as a second class citizen and grabe siya magsalita ng PI.  I kept on frowning during his speech kasi sobrang dalas nya mag-PI.  turn off ako.  based on his speech, he's definitely running. 

mooncake and leaves

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2768
    • Clickity
Re: Duterte for 2016
« Reply #22 on: April 27, 2015, 11:47:39 pm »
Siya ba yung nanapak?

may12

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 330
Re: Duterte for 2016
« Reply #23 on: April 28, 2015, 09:41:30 am »
shobe17, matagal-tagal na yang tv ad na yan. Sabi ni Duterte ang corny daw at itigil na daw yung ad ba yun. Kasi dun sa ad para daw sya lang talaga pag-asa ng bayan, e hindi naman daw iisang tao lang ang makakapag-angat sa bansa.

^anak niya yung nanapak, though sumuporta siya sa ginawang yun ng anak niya.


What I like most about Duterte is yung mga tao sa Davao, pag sinabing Duterte, may respect talaga sila. Kunwari, may isang jeepney driver na pasaway, bibiruin siya ng "Lagot ka talaga kay Duterte pag nahuli ka" (in a tone na nirerespect talaga si Duterte).
What we need now kasi is discipline talaga. Lahat ng mauunlad na bansa, disiplinado talaga mga tao.


What I don't like about Duterte naman, may nakapagsabi sa akin na nag guest siya sa isang event at namimigay siya ng prizes. Namigay siya ng relo, pero ibibigay niya lang sa girl na iki-kiss siya sa lips (kwento lang to sa akin so di ko sure kung gaano katotoo).
2nd, may project na malaking structure yung dating mayor. Nung na-elect ulit si Duterte, di niya tinapos yung project so nasayang lang. Nasimulan na daw kasi sana. Again, may nakapagsabi lang sa akin nito.

iloveshimmer

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 88
Re: Duterte for 2016
« Reply #24 on: April 28, 2015, 10:31:50 am »
Lahat naman nangungurakot. What we should consider is that unique trait na makakapagpaangat sa bansa natin. And that is DISCIPLINE. Mababawasan din mga masasamang loob. Kasi sa ugali ng mga Pinoy ngayon, yun ang kailangan eh. So for me, thumbs up kay Duterte.

Leven

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 790
Re: Duterte for 2016
« Reply #25 on: April 29, 2015, 03:30:59 am »
for senator pa siguro..iboboto ko pa siya..mas maganda siguro sa senado muna para magkaalaman muna ng baho. but for president..no way.

tischarmedlife

  • Super Mommy
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1350
  • a warrior and a survivor
    • TisCharmedLife
Re: Duterte for 2016
« Reply #26 on: April 29, 2015, 07:20:44 am »
If Duterte would run for 2016, kahit anong national post, I'll vote for him. Wala naman politiko ang hindi corrupt. Ang titingnan ko na lang is kung sino yung may nagawa at may magagawa. Sino ang may disiplina at hindi puro daldal. Just saying..  ;)
"I think, therefore I am"

http://tischarmedlife.wordpress.com/

imyourangel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1340
Re: Duterte for 2016
« Reply #27 on: May 01, 2015, 09:53:07 pm »
Merong viral pic niya diba na may ka-kiss siya sa lips na girl? Then nag-defend ang side ni Duterte, na it was a contest lang naman, etc. Mas nakakahiya pa nga na sa contest yun ginawa. Ginawang parang high 5 lang ang kiss. Lol where's the values in that. Medyo nakakaturn-off lang din talaga.

Miss Taken

  • His one & only
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1905
Re: Duterte for 2016
« Reply #28 on: June 04, 2015, 10:45:55 pm »
I will vote for Duterte. Ang ganda ng nagawa niya sa Davao and it's even number 9 as the safest city in the world. Our country needs someone like him lalo na sa panahon ngayon na ang mga criminal eh wala nang kinakatakutan. I just hope na priority din niya na mawala pati corruption sa gobyerno.

Isa pa na gusto ko eh yung kumikita ng P25,00 below walang income tax.
"Kiss me, and you will see how important I am."

gleek

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 249
  • I'm not spoiled,just well loved.
Re: Duterte for 2016
« Reply #29 on: June 04, 2015, 11:14:14 pm »
depende siguro kung sino kalaban niya.

yes if vs Mar Roxas - kasi asawa niya si Korina. jk
yes if vs Binay - sa Makati ako lumaki, studied at public elem where almost everything was free, and even attended High school in Makati Science (the old one) where students have stipend, but I never voted for him.

hell yes vs Erap - may narinig kasi ako tatakbo daw sya uli  >:(
sino pa ba daw tatakbo for president?
"When I shop the world gets better, the world is better; and then it's not anymore and I have to do it again." - girl in the green scarf

super bratinella

  • I am officially a HomeOwner;queen of the house; a non stop
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2443
  • To God be the Glory!!!
    • Blog
Re: Duterte for 2016
« Reply #30 on: June 05, 2015, 12:30:27 am »
I like Duterte para maiba naman, wala naman perfect na leader pero baka mas fit siya.
I am nobody.

Nobody is PERFECT.

Therefore, I am PERFECT!.

http://superbratinella.blogspot.com/

ayi21

  • Be yourself, but always your better self.
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 331
  • Be yourself, but always your better self.
    • For all your IT needs!
Re: Duterte for 2016
« Reply #31 on: June 05, 2015, 01:32:13 am »
Magrerehistro talaga ako para maiboto si Duterte! Alarming na yung mga news ngayon. Parang wala ng takot karamihan gumawa ng masama. Baka kailangan talaga ng kamay na bakal para matauhan at matakot gumawa ng masama.
"Life always offers you a second chance. It's called Tomorrow. " | http://itworxmanila.com/

Miss Taken

  • His one & only
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1905
Re: Duterte for 2016
« Reply #32 on: June 05, 2015, 01:51:43 am »
^ Tama sis grabe na talaga yung mga krimen ngayon. Unlike sa Davao na magdadalawang isip ang mga tao na gumawa ng kalokohan dahil alam nila yung parusa pag nahuli sila ng pulis. Sabi nga ng mga friends ko na nakatira sa Davao, ang may ayaw lang naman sa kanya eh yung mga taong may ginagawang kalokohan.

Yung interview sa kanya ni Jessica Soho, sabi ni Duterte na malakas ang support sa kanya ng Chinese community dahil sila nga naman yung madalas victim ng kidnap for ransom.
"Kiss me, and you will see how important I am."

Maxim04

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 606
  • My attitude is based on how you treat me.
Re: Duterte for 2016
« Reply #33 on: June 05, 2015, 02:50:41 am »
naalala ko  yung sinabi niya sa tv patrol nung isang gabi. wala pa daw siyang final say kung tatakbo siya pero ang mga gagawin nia :

1) ang batas sa Davao, ipapatupad sa buong pilipinas.
2) Magkakaron ng population control kahit tutol ang simbahan.
3) Ipapatupad muli ang death penalty

Yung una, strict siya at firm. which is what we need in Pinas. Kaunti nalang ang may disiplina. ultimo pagtatapon ng balat ng kendi, yosi, sa kalsada at bintana pa ng sasakyan, smoke belchers, jaywalking,  at madami pang iba!

yung pangalawa, Yung RH bill nga nabinbin ng matagal at d agad naging positive. Lalo sa simbahan natin. malaking issue yan at baka dahil dun, hindi siya iboto ng mga 'taga-simbahan'.

at mas nakakatakot yung pangatlo. Kung may kamag anak akong nakapatay na nakakulong ngaun sa bilibid, kung tatakbo si D at mananalo, alam kong papatawan ng Death penalty ang kapamilya ko, so bakit ko iboboto si D? Maraming nasa bilibid, mga drug pushers na malayang nakaka puslit ng droga, mga sauna, etc. Lahat yun malamang masawata kung mauupo si D, pero ang tanong, majority kaya iboboto siya? Majority ng pinas Class c or mas 'mababa' pa . Yung mga 8 ang anak, yung mga kawatan ang magulang, yung mga nanlilimos sa kalsada.. At madami pang iba.. iboto kaya siya?

Just saying mga ka - sis..
If there's a will, there's a way.

super bratinella

  • I am officially a HomeOwner;queen of the house; a non stop
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2443
  • To God be the Glory!!!
    • Blog
Re: Duterte for 2016
« Reply #34 on: June 05, 2015, 03:52:26 am »
Sa mga class C malamang hindi talaga siya iboboto kasi hindi siya artista, ang alam lang naman iboto ng mga class C or below is mga artista...

Pero for what it's worth baka nga ganito ang Pilipinas kasi maraming walang disiplina na tao ang takot mapalo if needed..
I am nobody.

Nobody is PERFECT.

Therefore, I am PERFECT!.

http://superbratinella.blogspot.com/

geekgurl

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 203
Re: Duterte for 2016
« Reply #35 on: June 05, 2015, 09:46:36 am »

kung hindi man siya iboto ng Class C.. iboboto ko pa rin siya dahil sa tingin ko yun ang tama at naniniwala ako sa liderato niya. Kahit sabihin naten na maliit yung chance niya na manalo.

Ang boto ay hindi naaayon sa  popularity at survey.

Sang-ayon ako sa mungkahi niya na population control at death penalty. Kailangan na talaga ng bansa naten ng disiplina.

Kung nakakaturn off man sa iba yung viral pic niya, pano na lang si binay na corrupt, may babae at anak nasa US na, si erap na madameng babae at anak din?

Anong pinagkaiba ni duterte? Punta kayo sa davao. ;D
"Travel light, live light, spread the light, and be the light

thisxx

  • Newbie
  • *
  • Posts: 34
Re: Duterte for 2016
« Reply #36 on: June 05, 2015, 10:34:44 am »
SUPPORT! Discipline ang kailangan ng mga tao ngayon dito sa bansa at feeling ko kaya nya ipa implement yun given the chance. :) Dami kasing pasaway na pinoy dahil wala namang consequences ang actions nila. Simpleng pila sa MRT di masunod may sisingit padin haaaay. Kaya lalong natagal haha. Wala kasing pangil ang gobyerno eh, kaya bet ko sya. :)

Leven

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 790
Re: Duterte for 2016
« Reply #37 on: June 06, 2015, 02:50:22 pm »
Amazing at halos lahat ng susuporta kay Duterte ay taga-Luzon..hehe..Come to think of it, He's a Pro BBL, right? Alam ng mga taga Davao yan, pati mga Muslim community na si Duterte ay Pro Muslim at Pro Rebellion. Tausug yata ang napangasawa ng isa sa mga anak niyang babae. I have nothing against Muslim, My mom is a tausug too..but i'm so against the rebellion..May mga usap usapan sa Davao na rebelde ang Death Squad ni Duterte, namely the MILF and the BFF..they can freely walk around the city with no threat..Sooner kung magiging president si Duterte, ito din ang mangyayari sa lahat ng siyudad sa Pilipinas. We were so fascinated when the Pope visited our Country, and yet we're aiming for an Evil President..A president na ang only choice is Death Squad. How can we be sure that it'll be fair for everyone? Mostly, ang mga magnanakaw ngayon sa Manila e mga kabataan. Sana naman, pag isipan muna natin ang lahat bago magdesisyon.

may12

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 330
Re: Duterte for 2016
« Reply #38 on: June 06, 2015, 03:55:52 pm »
^So you'd rather let those kids grow up to be criminals?
I never heard the Death Squad killing magnanakaw. They're after drug pushers.
I personally know someone who was a target of the death squad. He fled to Manila, but after a couple of years, he went back.
He's now a successful legal businessman. Wala na naghahabol sa kanya kasi alam naman na ng lahat na nagbago na siya.

Leven

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 790
Re: Duterte for 2016
« Reply #39 on: June 06, 2015, 05:14:54 pm »
^So you'd rather let those kids grow up to be criminals?
I never heard the Death Squad killing magnanakaw. They're after drug pushers.
I personally know someone who was a target of the death squad. He fled to Manila, but after a couple of years, he went back.
He's now a successful legal businessman. Wala na naghahabol sa kanya kasi alam naman na ng lahat na nagbago na siya.

Of course not, and I don't want them killed either...I have kids too..Rehabilitation kailangan nila...Or mga parents nila ang dapat ikulong. Got this from google, http://en.wikipedia.org/wiki/Davao_death_squads

 According to a 2009 report by Human Rights Watch the victims were selected because they were suspected of being drug dealers, petty criminals and street children aged as young as 14.

PETTY CRIMINALS, hindi lang drug dealers.

For those criminals, like rapist, murderers, drug dealers, I so agree with death penalty, pag napatunayan..Go, tsugihin na yan, at nagsisiksikan na ang mga tao sa bilangguan, only if napatunayang guilty agad..but plueasse hindi naman yung mga minors..I wonder bakit marami paring nagsisimba while at the back of their minds, they agree with death squad..This is what I learned from Tagle during his homily which was aired last week, maraming umiyak iyak daw ng dumating si Santo Papa, tapos ngayon maraming gustong iboto si Duterte kasi pumapatay, ok lang kasi kriminal naman. Pag si Duterte ang mananalo for sure kokonti mga tao sa Manila, specifically Quezon City... and we'll never know, biro dito sa amin, baka Davao na ang bagong Capital ng Pinas at maghahari harian na ang BFF at MILF, mas madali nang makalabas pasok ang mga terorista..

What I totally like at Davao, e yung no fireworks every Christmas at New year..Yun..but other than that..ala na..

 


Latest Stories

Load More Stories
Close