watch now

Author Topic: Fortune Teller/Psychic Thread 4  (Read 119699 times)

simpleemie

  • Guest
Re: Fortune Teller/Psychic Thread 4
« Reply #120 on: March 24, 2015, 10:28:05 pm »
As of now 4 na po yung interested sa group reading with ms. emma. Pag umabot ng 10, push na. March 30 mga sis, anyone interested? Cubao, qc

babyboo.0326

  • Guest
Re: Fortune Teller/Psychic Thread 4
« Reply #121 on: March 24, 2015, 11:48:30 pm »
^sayang! nakabakasyon kasi ako ng 30th and 31st  :(

simpleemie

  • Guest
Re: Fortune Teller/Psychic Thread 4
« Reply #122 on: March 25, 2015, 12:10:03 pm »
Hi sisses!!!!
Nasagot ko na po yung mga nag pm sakin pati yung slot nyo po. 5 na po tayo.
Pag umabot ng 7 baka pede na natin pakiusapan si ms. emma. Kindly pm na rin po yung mga contact #s nyo para mas madali ang communication.

Anyone interested? March 30, cubao. Looking for #6-10 slot. Pm me your confirmation and contact numbers.

Sakurablossom

  • Guest
Re: Fortune Teller/Psychic Thread 4
« Reply #123 on: March 25, 2015, 04:23:54 pm »
Nagkakaiba kaya nahuhula ni Emma pag Viber and in person?

kinkytinch

  • Guest
Re: Fortune Teller/Psychic Thread 4
« Reply #124 on: March 26, 2015, 01:50:48 am »
Ako din sinabihan ni ms. Emma na magbabalik si ex this march. So far, i dont think it's happening any time soon. Haha
But the thing is, yun din sabi sakin ni ms. Mabel. Parehas silang sasablay :)

simpleemie

  • Guest
Re: Fortune Teller/Psychic Thread 4
« Reply #125 on: March 27, 2015, 10:13:26 am »
Wala na bang hahabol for march 30 group session with ms emma, cubao area.  3 pa lang ang confirm. Last call na po friday na kasi.

angeldave

  • Guest
Re: Fortune Teller/Psychic Thread 4
« Reply #126 on: March 27, 2015, 09:36:37 pm »
 :-[ sablay mga sinabi sa akin mi ms. mabel.... may naka-try na po ba kay Tata of Cavite? any feedbacks? any FT na ok sm/trinoma area? TIA!

Yamski

  • Guest
Re: Fortune Teller/Psychic Thread 4
« Reply #127 on: March 27, 2015, 11:28:12 pm »
Sis Sakurablossom, in my case, majority of the things she saw are the same (viber and personal reading with Ms. Emma). Nagkaiba lang sa love life maybe because numerology lang yata basis sa viber unlike siguro pag personal reading, based sa tarot cards na pinili mo. Pwede rin advantage talaga yung nakikita niya yung hinuhulaan personally.

Sakurablossom

  • Guest
Re: Fortune Teller/Psychic Thread 4
« Reply #128 on: March 28, 2015, 12:00:42 pm »
Ganun ba... Saan kaya walang sablay na FT.alam nyo naman feeling mga sis... :) Feeling exhausted
« Last Edit: March 28, 2015, 12:03:06 pm by Sakurablossom »

castelli

  • Guest
Re: Fortune Teller/Psychic Thread 4
« Reply #129 on: April 01, 2015, 10:54:18 am »
Hi sis april na ngayon soooo sablay ba talaga dahil di natupad yung hula nila for the month of march?

Sakurablossom

  • Guest
Re: Fortune Teller/Psychic Thread 4
« Reply #130 on: April 01, 2015, 12:09:05 pm »
Hi sis april na ngayon soooo sablay ba talaga dahil di natupad yung hula nila for the month of march?

Sis pwede naman magkamali sa dates at nangyayari pa rin. At dapat talaga ay huwag umasa sa hula but  we cant help it diba... ;)
« Last Edit: April 01, 2015, 12:13:05 pm by Sakurablossom »

snowshadow125

  • Guest
Re: Fortune Teller/Psychic Thread 4
« Reply #131 on: April 05, 2015, 05:57:03 pm »
Mga Sis! alam nyo po ba saan nagpapareading c Bro Eddie?  or kung pano magpa-reading sa kanya..... gusto ko sana magpareading sa kanya...

killbill

  • Guest
Re: Fortune Teller/Psychic Thread 4
« Reply #132 on: April 09, 2015, 11:11:41 pm »
Starting next week nasa BGC area lang si Ms. Emma, anyone interested for a group reading session?

justanotherwideeyedgirl

  • Guest
Re: Fortune Teller/Psychic Thread 4
« Reply #133 on: April 11, 2015, 01:29:46 am »
^ Hi! Interested ako sa group reading session with emma. Sana matuloy. :)

veronicadecides2

  • Guest
Re: Fortune Teller/Psychic Thread 4
« Reply #134 on: April 11, 2015, 09:47:27 am »
I waited for my next consultation with Master Hanz before I wrote this para sure.

Punctuality: 5/5 on time. I think overall, maayos naman magpaschedule sa kanya at walang matagal na hintayan.

Venue: 5/5 Mall... Very easy to find at nakapamasyal pa ko after. Okay naman ang stall niya, comfortable naman ako at may privacy pa rin.

Length of session: 5/5 A little over an hour. Nacover lahat.

Price: 4/5 2000... Because aside from kilala na siya, he studies abroad for this. Sabi niya, to improve his craft and to give the best to his clients... Not just yung mga Lilian Too pero pati na rin sa Psychology/Psychiatry kase nasa medical field rin ang course niya. Binigyan ko siya ng 4/5 kase I've also been to older and famous and nonfamous FTs who charge over a thousand pesos... Minsan, mali pa yung sinasabi nila or kung totoo man... Judgemental, mayabang, nagmamadali, masungit, mambobola at doomsayer.

Reading:

Past: May mga sinabi siya about the past pero ang napansin ko, pag panget, ayaw na nya mag dwell into that. He doesn't want his clients to be stuck in a rut. Kahit dati pa na first meeting pa lang namin, pinaalalahanan niya ako na as much as possible, kalimutan na ang lahat ng mga di magandang nangyari and the people who have hurt me.

Present: 5/5... Although medyo okay na ako ngayon, may konting effort ako na magproject pa na okay na ako kase gusto ko naman makita niya na may malaking  improvement naman ako since last consultation. Mabigat kase last namin pagkikita. But still, he saw through me... Pains and weaknesses... At pati na rin ang present living conditions ko and how I should correct them because it affects my situation talaga. Pero hinilight at pinaalala rin niya ang aking mga strengths and abilities na KINALIMUTAN ko na at ayaw ko nang paniwalaan. Medyo naiyak ako sa part na yan at hindi ko talaga expect na mapapansin at babanggitin pa niya yan. Akala ko  kase dahil mas sikat na siya ngayon, commercial na siya, hindi na niya kaya bumaba sa level ng emotions ng clients niya at basta basta na lang siya magreread - katulad ng iba kong napuntahan. But I was wrong!!! Talagang pinagtuunan pa rin niya ng pansin kung paano pa niya ako mauuplift at mabooboost ang aking morale. Hindi ko naman naramdaman na gusto niyang sabihin na napakakawawa ko at may sumpa sa life. Mas naging down to earth pa siya ngayon.

Future forecast: 4.75/5 Nagkatotoo lahat ng sinabi niya sa akin last year. Hindi ko na mention kase masakit talaga. :(  And this was as early as mga 2 months before mangyari - sa first consultation ko pa lang. Pati yung month kung kelan mangyayari, nakuha din niya. (yung iba kase FT, nangyari na nung finally ay nakita na nila, yung isa, nangyayari na pala while we were doing the reading, mali pa rin!) Sa first card pa lang na binuksan niya, tinapat na niya ako na ito na talaga ang mangyayari, na nangyari nga.

Mas mabilis siya magintuitive reading ngayon compared last year. What a difference a year makes! Hindi ko napigil at nasabi ko sa kanya na ibang iba siya from before. Ang bilis niya maginterpret at specific events/details with timing. Pag bukas pa lang niya ng card, ang dami na niya agad nasasabi. Like sasabihin niya ganito ang mangyayari at mangyayari ito mga ganitong buwan... May mga specific warnings rin siya.

Insight: 5/5 Ang dami niya talagang sinabi to improve my present condition and to push me na it's not the end... It's not too late... Marami pa siyang nakikitang magagandang mangyayari at gusto talaga niyang umasenso pa ako. He doesn't only give readings. He motivates his clients as well.

Concern for client: 5/5 Ang tagal ko na naghahanap ng magaling at accurate na FT na hindi  after ng pera at concerned talaga sa client. Hindi lang siya basta basta reading. Gusto niya bumangon at umasenso rin ang clients niya. Kahit may Feng Shui store siya, hindi siya nag alok ng charms, rituals... Hindi siya nanakot or "nangakit" ng mga cures. He even gave me a lucky charm as a gift. Hindi ko naramdaman na gusto niya akong pagkakitaan. Isa yan sa gauge ko for sincerity ng FT.

Authenticity: 5/5 ... Based na rin ito sa mga intuitative readings niya sa akin last year na nagkatotoo. Yung ibang FT, binola ako or paligoyligoy, magulo. Siya lang ang iba ang sinabi, prangka, direct to the point at nangyari talaga.

Recommendation: 5/5 Dahil ang tagal ko na nagpupunta sa mga FT... May mga nanloko na sa akin. Pinaasa para magpabalikbalik sa kanila...*so embarrassed!* May mga sincere rin naman pero iba ang approach ni MH. I think ito na rin ang benefit at edge ng nagaaral pa, may goal sa profession niya at hindi para lang kumita. It's not just "para masabi lang na may certificate siya..." Or hindi inaaral ang pagiging FT because "being an FT is a gift..." Ang dami dami ko na napuntahan, pero si Master Hanz lang ang naringgan ko ng "I have to continuously learn and improve myself so I can give the best to my clients." Lahat ng napuntahan ko ay kampante at kuntento na. At yung iba, mayayabang pa sa status nila with no goal in mind for their clients. Puro pera lang. Walang finesse, walang proper at individualized approach. Ang pinaghuhusayan nilang approach ay kung paano pa mapeperahan ang client.

To sum up, ang mga pinakaimportanteng hanapin sa isang matinong FT na ang tagal tagal ko nang hinahanap at nakita ko lang lahat sa kanya: SINCERITY, INTEGRITY, COMPASSION, PASSION, WITH A MISSION AND VISION, STRAIGHTFORWARD, ACCURATE.

Wala talaga akong masabing hindi maganda especially nitong last reading namin. Ang pinakaimportante pa, hindi ko naramdaman na naloko ako at naliwanagan talaga ako-walang confusion. Sulit na sulit ang oras, pagod at bayad! I highly recommend!
« Last Edit: April 11, 2015, 10:09:55 am by veronicadecides2 »

Cluelesschx

  • Guest
Re: Fortune Teller/Psychic Thread 4
« Reply #135 on: April 11, 2015, 11:17:37 am »
na engganyo ako sa review mo sis ah, pa sched nga ako uli sa kanya. iisang beses pa lang ako nagparead sa kanya, binigyan pa nya ako ng charm, pero hindi ko nagustuhan reading nya kasi napaka general as in! this was two years ago pa naman, siguro nga nahone na ang gift niya. anong araw ka nagparead sis?

veronicadecides2

  • Guest
Re: Fortune Teller/Psychic Thread 4
« Reply #136 on: April 11, 2015, 02:36:47 pm »
Wednesday sis.

Sakurablossom

  • Guest
Re: Fortune Teller/Psychic Thread 4
« Reply #137 on: April 11, 2015, 09:26:28 pm »
Nice review sis veronicadecides2! I agree na ganyan dapat! sya nga ang next gusto ko puntahhan!

Lexiepom... Pareho tayo ng nafeel! Ganyan din nafeel ko Kay ms Emma. Please update kung same ang Viber at personal reading mo. :) Thanks!

purple.strawberry

  • Guest
Re: Fortune Teller/Psychic Thread 4
« Reply #138 on: April 13, 2015, 10:17:59 am »
Hi sis veronica thank you for that detailed review. :) Parang gusto ko tuloy puntahan si master hanz cua. Dati kasi medyo mixed ang reviews sa kanya pero baka nga malaki na naimprove niya. Yes sis meron talagang mga gifted sa reading pero naeenhance pa rin naman yun basta willing ang reader.

castelli

  • Guest
Re: Fortune Teller/Psychic Thread 4
« Reply #139 on: April 13, 2015, 08:53:10 pm »
Hi sis, any comments or reviews about jade martin? Okay ba siya like her readings ba nagyayari talaga? Thank you for those who will share :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close