I waited for my next consultation with Master Hanz before I wrote this para sure.
Punctuality: 5/5 on time. I think overall, maayos naman magpaschedule sa kanya at walang matagal na hintayan.
Venue: 5/5 Mall... Very easy to find at nakapamasyal pa ko after. Okay naman ang stall niya, comfortable naman ako at may privacy pa rin.
Length of session: 5/5 A little over an hour. Nacover lahat.
Price: 4/5 2000... Because aside from kilala na siya, he studies abroad for this. Sabi niya, to improve his craft and to give the best to his clients... Not just yung mga Lilian Too pero pati na rin sa Psychology/Psychiatry kase nasa medical field rin ang course niya. Binigyan ko siya ng 4/5 kase I've also been to older and famous and nonfamous FTs who charge over a thousand pesos... Minsan, mali pa yung sinasabi nila or kung totoo man... Judgemental, mayabang, nagmamadali, masungit, mambobola at doomsayer.
Reading:
Past: May mga sinabi siya about the past pero ang napansin ko, pag panget, ayaw na nya mag dwell into that. He doesn't want his clients to be stuck in a rut. Kahit dati pa na first meeting pa lang namin, pinaalalahanan niya ako na as much as possible, kalimutan na ang lahat ng mga di magandang nangyari and the people who have hurt me.
Present: 5/5... Although medyo okay na ako ngayon, may konting effort ako na magproject pa na okay na ako kase gusto ko naman makita niya na may malaking improvement naman ako since last consultation. Mabigat kase last namin pagkikita. But still, he saw through me... Pains and weaknesses... At pati na rin ang present living conditions ko and how I should correct them because it affects my situation talaga. Pero hinilight at pinaalala rin niya ang aking mga strengths and abilities na KINALIMUTAN ko na at ayaw ko nang paniwalaan. Medyo naiyak ako sa part na yan at hindi ko talaga expect na mapapansin at babanggitin pa niya yan. Akala ko kase dahil mas sikat na siya ngayon, commercial na siya, hindi na niya kaya bumaba sa level ng emotions ng clients niya at basta basta na lang siya magreread - katulad ng iba kong napuntahan. But I was wrong!!! Talagang pinagtuunan pa rin niya ng pansin kung paano pa niya ako mauuplift at mabooboost ang aking morale. Hindi ko naman naramdaman na gusto niyang sabihin na napakakawawa ko at may sumpa sa life. Mas naging down to earth pa siya ngayon.
Future forecast: 4.75/5 Nagkatotoo lahat ng sinabi niya sa akin last year. Hindi ko na mention kase masakit talaga.

And this was as early as mga 2 months before mangyari - sa first consultation ko pa lang. Pati yung month kung kelan mangyayari, nakuha din niya. (yung iba kase FT, nangyari na nung finally ay nakita na nila, yung isa, nangyayari na pala while we were doing the reading, mali pa rin!) Sa first card pa lang na binuksan niya, tinapat na niya ako na ito na talaga ang mangyayari, na nangyari nga.
Mas mabilis siya magintuitive reading ngayon compared last year. What a difference a year makes! Hindi ko napigil at nasabi ko sa kanya na ibang iba siya from before. Ang bilis niya maginterpret at specific events/details with timing. Pag bukas pa lang niya ng card, ang dami na niya agad nasasabi. Like sasabihin niya ganito ang mangyayari at mangyayari ito mga ganitong buwan... May mga specific warnings rin siya.
Insight: 5/5 Ang dami niya talagang sinabi to improve my present condition and to push me na it's not the end... It's not too late... Marami pa siyang nakikitang magagandang mangyayari at gusto talaga niyang umasenso pa ako. He doesn't only give readings. He motivates his clients as well.
Concern for client: 5/5 Ang tagal ko na naghahanap ng magaling at accurate na FT na hindi after ng pera at concerned talaga sa client. Hindi lang siya basta basta reading. Gusto niya bumangon at umasenso rin ang clients niya. Kahit may Feng Shui store siya, hindi siya nag alok ng charms, rituals... Hindi siya nanakot or "nangakit" ng mga cures. He even gave me a lucky charm as a gift. Hindi ko naramdaman na gusto niya akong pagkakitaan. Isa yan sa gauge ko for sincerity ng FT.
Authenticity: 5/5 ... Based na rin ito sa mga intuitative readings niya sa akin last year na nagkatotoo. Yung ibang FT, binola ako or paligoyligoy, magulo. Siya lang ang iba ang sinabi, prangka, direct to the point at nangyari talaga.
Recommendation: 5/5 Dahil ang tagal ko na nagpupunta sa mga FT... May mga nanloko na sa akin. Pinaasa para magpabalikbalik sa kanila...*so embarrassed!* May mga sincere rin naman pero iba ang approach ni MH. I think ito na rin ang benefit at edge ng nagaaral pa, may goal sa profession niya at hindi para lang kumita. It's not just "para masabi lang na may certificate siya..." Or hindi inaaral ang pagiging FT because "being an FT is a gift..." Ang dami dami ko na napuntahan, pero si Master Hanz lang ang naringgan ko ng "I have to continuously learn and improve myself so I can give the best to my clients." Lahat ng napuntahan ko ay kampante at kuntento na. At yung iba, mayayabang pa sa status nila with no goal in mind for their clients. Puro pera lang. Walang finesse, walang proper at individualized approach. Ang pinaghuhusayan nilang approach ay kung paano pa mapeperahan ang client.
To sum up, ang mga pinakaimportanteng hanapin sa isang matinong FT na ang tagal tagal ko nang hinahanap at nakita ko lang lahat sa kanya: SINCERITY, INTEGRITY, COMPASSION, PASSION, WITH A MISSION AND VISION, STRAIGHTFORWARD, ACCURATE.
Wala talaga akong masabing hindi maganda especially nitong last reading namin. Ang pinakaimportante pa, hindi ko naramdaman na naloko ako at naliwanagan talaga ako-walang confusion. Sulit na sulit ang oras, pagod at bayad! I highly recommend!