Author Topic: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?  (Read 88424 times)

daisy_duck

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #120 on: April 12, 2015, 10:23:11 am »
My worst manyak experience happened years ago. I was still in college and every Friday umuuwi ako sa tita ko sa QC (I was living in a dorm kasi taga province talaga kami). Sumakay ako sa fx and sa likod ako naupo. Yung mama sa harap ko, kiskis nang kiskis nang legs niya sa legs ko (skirt kasi uniform namin). Kala ko nasisikipan lang. Sa me bandang Pantranco, I felt something sa legs ko na medyo basa and napareact ako na "ano to?!" and when I felt it, it was glue like consistency. Tapos mabilis na bumaba yung mama. Kadiri lang kasi hinawakan ko pa.  >:(

Queen Chokolah

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #121 on: April 13, 2015, 01:45:40 pm »
^Eww sis! that's really disgusting! He's sick!

pedropenduko

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #122 on: May 16, 2015, 02:05:20 pm »
wanna hear the other side?

check this out.

http://www.symbianize.com/showthread.php?t=600941


funky f

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #123 on: May 16, 2015, 08:25:27 pm »
I had 3 manyakis encounters:

1. I was in college. Rode the jeep to Katipunan and it was super siksikan. Nakaforward ako tapos may nafeel ako parang humihipo sa gilid ng boobs ko. Kala ko di sadya so umayos ako. Mas lalong humipo pero pasimple. So i crossed my arms para di nya matouch. Guy was older than me and di ako sure nun kung sadya but looking back, sure ako sadya.

2. First job ko. Papunta ako sa EDSA 2 nun, was waiting for my BF na daanan ako sa daan na hintayan din ng jeep. Suddenly, a guy came up to me and whispered something. Di ko naintindihan so deadma lang ako tapos lakad lang ako ng konti. Sumunod pala sya sa kin. Then, bumulong uli pero mas clear. Sabi pala nya "ang ganda mo ah...ang sarap mo siguro k*ntu*in. Sobra ako nagulat at natakot. Lumayo and called my BF who was fortunately e malapit na pala nun. The guy was decent ha? Naka-barong. Grabe.

3. Last, along Katipunan. Was about to cross the street when this car stopped infront of me and nagbaba ng window. Kala ko magtatanong ng direction so sumilip ako. Pagsilip ko, there was this 50+ man playing with his thingy!!! Then, bigla humarurot yung car nya paalis. Grabe, masuka-suka talaga ako that time. Yuck talaga!

ikaela

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #124 on: May 19, 2015, 08:58:00 pm »
I find that getting into a harrasser's personal space stops them from continuing with the harrassment.

If someone is looking at you like they are stripping you naked with their eyes, stare right back. Most avert their eyes and look somewhere else. There are those bold ones that give you that eyebrow wiggle or that head nod, but it's usually so comedic that you end up snort-laughing.

If you suspect that someone wants to touch you, beat them to it and get into their personal space. Sit with your knees towards the person, put your belongings right next to their body (essentially enclosing the person), or even drape your arm on the back of their seat. I've observed that they least expect this reverse dominance, and they end up hunkering down not knowing what to do.

05149S2

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #125 on: May 27, 2015, 01:01:51 pm »
^ Yes to this! If they can do it, so can we. Give them a taste of their own medicine.

grace.kelly

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #126 on: May 27, 2015, 04:25:40 pm »
When I told the story to my officemates, wala lang, natawa lang sila. Nag-joke pa na baka gwapo kasi yung guy kaya hindi ako nagsalita. I felt humiliated and sexually harassed at ganun lang ang reaction nila. Gusto kong sabihin sa kanila na hindi niyo alam yung feeling kapag nasa ganung situation na kayo kaya don't take it lightly pero futile naman sabihan eh. :|

Nako sis, I feel you. Minsan masnakakainis pa ang reaction ng ibang tao kapag kinuwento mo sa kanila para kasing wala lang o kaya ikaw pa ang may kasalanan. Nakakalungkot lang, pero siguro ang hirap para sa iba ang initindihin ang situation kung hindi pa nila naranasan.

^^I tried that staring back. Kapal ng mukha lalo pa atang na-ecnourage ang loko.

andreil_19

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #127 on: May 27, 2015, 06:13:27 pm »
Happened to me when I was in college syempre just like most of you sa jeep ang eksena. Pauwi na kami ng friend ko and mas nauna kaming nakaupo sa jeep then this guy biglang sumiksik na lang sa tabi ko until mapuno ang jeep, so hindi na ko nakaiwas kahit na sa isip ko parang meron gagawing di kanais-nais yung mama.And true enough habang sa biyahe he put his bag on his lap hiding his hand while trying to touch me so i put my bag on my side kaya di ko alam if manyakis or magnanakaw ba kasi ang galaw talaga ng kamay nya. I told my friend if pwede palit kami ng pwesto kaso she's thinking baka gawin din sa kanya. Medyo matagal din yung agony ko about my situation until nagsabi ako sa katapat ko na lalaki if pwede switch kami ng upuan, buti na lang pumayag then i saw the manyakis na umayos ang upo.Honestly, deep inside gusto ko syang sigawan para manahimik yung kamay nya but i don't have enough guts do to it. Ako pa ang di makatingin sa kanya dahil sa sama ng loob ko. Teary eyes ako nung bumaba na kami at nanginginig sa galit. Kaya simula nun hanggang maari iiwas ako tumabi sa mga lalaki kapag sasakay ng jeep lalo na kapag punuan. One thing pa sa mga guys, yung elbow nila kung saan-saan nakakarating lalo na kapag may dinudukot from their pocket may chance na matamaan ang boobs or tagiliran mo kaya minsan pag may bitbit ako yun ang ginagawa kong pangharang. I don't know rin kasi if sinasadya ba talagang masiko ka or ayaw ko lang ng may skin to skin contact sa male strangers.

05149S2

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #128 on: May 28, 2015, 07:20:48 pm »
@ grace.kelly - Yes sis! Kaya when I found this thread super relate talaga ako at naintindihan ko yung naging experience ng iba. Feeling ko nakahanap ako ng kakampi hahaha. Pero totoo, mahirap talagang maintindihan yung isang bagay until maranasan mo na. In a way, gets ko naman yung nararamdaman nung mga napagkwentuhan ko na. I pray lang na hindi rin mangyari sa kanila.

@ andreil_19 - Ganito talaga most girls. Yung tayo pa yung nahihiya at hindi maka-galaw ng maayos dahil sa asta ng iba. Grabe. So sorry to hear this. Nangyari sa akin lately lang, tulog or "nagpapanggap na tulog" yung mama habang yung right hand niya nakabalandra lang sa space between us, tapos maya-maya, ramdam ko papalapit sa butt ko yung kamay. WTF. Ganyan kasi laging scenario: "tulog-tulugan", "may kamay", "may elbow", "may discomfort bigla", "uulit-ulitin".

Siguro ang advice ko lang to us girls, if you feel uncomfortable kesyo alam mong namamanyak ka o sadyang hindi lang marunong magbigay ng space ang guy (pati na rin girl) sa isang public transpo, piliting wag maipit sa ganung sitwasyon. Kung biglang sumikip, take control and act like you needed a space. After all, you are a paying passenger. That way, makikita na we're in control of ourselves at hind basta-basta na lang nila magaganito. It's difficult totoo, especially kapag andun na sa sitwasyon and wala tayong magawa either because of shock or hiya. Pero base na rin sa na-experience ko, maigi na yung may ginawa ako to prevent it from snowballing. Ang unfair nga nito eh. Tayo pa nagpapaubaya.

Sana pwede baliktad. The next time I feel hot in public, baka I can also steal a few feels and touch from the guy next to me ::)

heartfortress

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #129 on: May 29, 2015, 08:31:31 am »
Ang di ko makalimutan na manyakis encounter ay nung high school pa. May classmate ako na CAT officer na nababalitaan kong nanghihipo daw. Computer class non at di ko alam kung pano ko sya nakatabi tapos bigla na lang may naramdaman ako sa side ng boobs ko, gumagawa sya ng mga movements para yung braso nya dumikit saken. di rin ako nakareact nun, ginawa ko na lang lumayo ako konti para di na sya makadikit at di na rin ako pumayag na makatabi ko sya.

bakit ba kasi kelangan mangmanyak ano? Tsk tsk. Mga walang magawa at wala sa katinuan ang mga taong to.

Miss Taken

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #130 on: May 29, 2015, 08:49:53 am »
Happened last week habang nasa jeep ako papunta sa office. Punuan kasi kaya medyo masikip talaga at nagkataon pa na may pagkakaskasero yung driver so kumapit ako dun sa metal na hawakan ng jeep para hindi ako maoff balance. Etong katabi kong lalake eh napansin ko na na sinasadya yang tumama yung braso niya sa boobs ko kaya nung pangatlong beses sinabi ko talaga na "isa pang dapo ng braso mo sisikuhin na talaga kita! bastos!" Ayun natigilan yung lalake at biglang pumara.

Akala ata nung lalake eh hindi ako iimik >:( Ang hirap talaga pag commute dahil ang daming nagkalat na manyak.

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #131 on: May 29, 2015, 03:54:47 pm »
@Andreil 19, sobrang nakakarelate ako jan sa siko na yan, grrrr! Nakakainis yung alam ng may katext sya at mayat maya kelangan yung cellphone talagang nilalagay pa sa bulsa ng pants instead sa bag nya na nasa lap lang naman, nakakainis nananadya talaga, liit na nga ng boobs eh napagsasamantalahan pa.

chelgeneroso

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #132 on: May 29, 2015, 04:31:51 pm »
College days - commute kami ng friend ko via bus Manila to Las Pinas. . Usually naglalabasan ang mgamanyak sa gabi. Yung siksikan na ang bu at pati gitna ay siksikan din. Nasa dalawahan kami na seat at friend ko at sya ang nasa aisle. yung lalaking nakatayo sa tapat namin, he keeps on rubbing his front sa balikat ng friend ko. tinitigan namin sya, tapos sya nakangiti lang. talagang napasalita kami ng ang kapal ng mukha, manyak numero uno talaga! tapos nagparinig na ako ng nasaan ba ang manong kundoktor, napababa si manyak sa baclaran. nakangiti pa rin.

Sa bus pa rin, freshman college, first time mag byahe manila to las pinas via ordinary bus (pa noon). This senior college guy, oo nga at pogi sya pero manyak pa rin sya. naramdaman ko nalang yung kamay nya sa puson ko. napausod ako sa friend ko ng husto at pinilit ko tumalikod sa lalaki. mabuti nalang hinatak na sya ng mga kasama nya.

Sa jeep naman, masturbating in-front of me. nung hinangin yung folder nya, nakita ko yung pototoy nya, bgala akong sigaw ng "para". 4 lang kami pasahero. 3 kaming magkaka-ibigan at yung manyak.

sa school library - 2 lang kami sa isang aisle ng books, magkatalikuran. meron akong naririnig na sound na hindi ako familiar, pag lingon ko, nakita ko sa kamay nya gooey white thingy. walk-out ako ng library. hindi na ako bumalik doon ng mag-isa.

frist job sa makati. uwian na. sa van second row from the back, tabi ako ng bintana. sabi ng katabi ko na lalaki, pabulong, miss . . . miss . . . hawakan mo t*t* ko! hindi ko alam gagawin ko, tingin ako sa likod, naghahanap ako ng kakampi.

sa lahat ng experience ko na ito (at iba pa na hindi ko na na-include) generally, ang feeling ko ay helpless and defenseless.

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #133 on: May 29, 2015, 04:55:04 pm »
Sana sinaksak mu ng ballpen yung ano nya! >:(

chelgeneroso

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #134 on: June 01, 2015, 07:56:43 am »
Sana sinaksak mu ng ballpen yung ano nya! >:(

Sis Ma.Jewel_1987 ewan ko ba, kapag nasa situation na ako, hindi na ako makagalaw, inuunahan na ako ng takot. hinid na ako makaisip ng pwede ko gawin sa kanya para ipagtanggol sarili ko.

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #135 on: June 01, 2015, 10:05:53 am »
^I understand sis pag ako ganyan din, nabibigla natatakot, parang mapapatanung ka ng, shucks what should I do? but then again you need to defend yourself.
 Mamaga sana ang ano ng lalaking yun!

chelgeneroso

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #136 on: June 01, 2015, 03:49:56 pm »
^I understand sis pag ako ganyan din, nabibigla natatakot, parang mapapatanung ka ng, shucks what should I do? but then again you need to defend yourself.
 Mamaga sana ang ano ng lalaking yun!

Kaya nga nung nag-start na ako magsuot ng company uniform, Napabili na ako ng pepper spray. Kapag nasa loob na ako ng van/bus at lalaki ang katabi ko,  hawak hawak ko na agad ang spray, ready for battle :D

Ma.Jewel_1987

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #137 on: June 01, 2015, 07:18:25 pm »
^check sis careful with that though lagyan mu ng bright color yung mouth ng spray para alam mung dun yung mouth baka kasi mataranta ka eh at least mas madali madistinguish. For me naman, ang sandata ko ay payong na folding, ipanghahambalos ko pag may loko-loko, pag mukhang hindi gagawa ng matino katabi ko nilalabas ko agad yan.

chelgeneroso

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #138 on: June 02, 2015, 07:16:10 am »
I did Sis Ma.Jewel_1987, super careful ako. fortunately hindi ko naman nagamit yun sa mga manyakis, hindi ko rin kasi alam kung ano mangyayari sa tao kapag ginamit ko yung pepper spray, hehe! Since lumipat na ako ng work, nagkaroon na ako ng carpool with officemates, i feel safe na. Eventually i got married, dumalang na ang manyakis encounters ko :) pero takot pa rin ako sasakay sa bus at jeep ng mag-isa. Parang nag-marka yung mga manyakis experience ko kaya tamang hinala ako parati sa mga makakatabi ko na lalaki.

donya_dyosa

  • Guest
Re: Manyakis Encounter | Ano ginawa niyo?
« Reply #139 on: June 14, 2015, 12:48:00 pm »
pinanganak yata akong bastusin...

at bastusin ng mga constru pa hahaha...

kasama ko mom at tita ko once, napadaan kami sa constru site naglalakad lang kami, sigawan mga constru na parang may artista, hahaha.. hi miss! mga ganun.. ayun nagwala mom ko at tita ko na mga senior citizen, mga walanghiyang to! ang babastos niyo! hehe..

sa bus naman, yung cleavage ko mejo nakalabas nakaupo ako yung katabi kong lalaki pasimpleng picture using his celfoncam... nahuli ko kasi nagflash. tiningnan ko nalang ng masama. di nako nageskandalo...
mrt siksikan, yun lalaki sa likod ko nakaspoon na sakin [textspeak!] ramdam ko talaga yung ano niya.. diring diri nako.. may nakapansin na lalaking gentleman.. humarang siyapara magkagap kami nung lalaking manyak. nung bumaba nako sa shaw. tiningnan ko si gentleman sabi ko salamat... ayun ngumiti siya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close