watch now

Author Topic: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)  (Read 72173 times)

itsnikimendoza

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #540 on: March 31, 2015, 12:48:08 pm »
commercial lang haha :P

Meron ba ditong fan ni patty laurel? I think July din ata due nia eh. ang sexy nya lang na buntis. haha.


tintin19

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #541 on: March 31, 2015, 04:29:41 pm »
@o9kristin aww. Pero pwede ka naman daw mag-NSD sabi ng OB mo? Hala nakakatakot naman bumuka yung tahi yikes! Pwede kaya humingi ng blanket? LOL!

^- congrats sis and goodluck satin! ;D

@arragalang sis pumunta na pala ako Uratex showroom kaso hindi naka-sale yung crib mattresses nila, tas cheapest e p2.1k :O parang hindi ko din mahanap yung nabili nyo. :s

Kumuha na pala ako ng Mom Card pero hindi pa nakakapag-shopping kasi gahol sa oras. Nakakatuwa naman yung discount coupons ;D

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #542 on: March 31, 2015, 05:40:08 pm »
@o9kristin: yes sis okay lang :) wag kana maglalabas masyado baka delikado hehe. Sis nung naexperience mo ba yung epid sa first baby mo? Haha ayoko talaga ng tinutusok tusok. Kamusta naman yung feeling?

@tintin19: sis anong itsura tsaka feeling ng manas? Ako naman bony din pero diko alam if nagmamanas na ba ko or hindi pa. Yun ba yung namamaga? Sis ang mahal naman nung crib mattress na yan. Anong kind? Check mo sis sa sm dept store, yung sa mga baby company wag ka bili basta basta ah. Teka pano ba mag send ng pic dito haha, pipicturan ko yung nabili ko para makita nyo.

@nekonekobe: congrats and welcome to the thread! :) good luck sa pregnancy mo hihi


o9kristin

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #543 on: March 31, 2015, 06:00:12 pm »
^epid yung ginamit sakin nung inoperahan ako. So mejo gising gising ng konti habang nasa OR pero super groggy. tapos nung tinatahi na nararamdaman ko na yung sakit.. :( iyak na lang ako ng iyak nun tapos kinakalma ako nung anesthesiologist ko. Di na sila pwedeng magdagdag ng anesth kasi makakasama na for baby..

Ang alam ko di pwede mag blanket kasi parang sagabal sa operation. Di ko lang sure kung pwede pag NSD pwede kasi diba sa pempem lang naman lalabas si baby..

sweet_chloe

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #544 on: March 31, 2015, 11:36:39 pm »
thanks sis tintin19 , arragalang , sweet_chloe super excited sana parepareho din tayo ng hospital! sa metropolitan ako mga sis may mga gender na ba kayo?

Aww still thinking saan ako manganganak I don't care kahit saan basta maganda service at okay naman si baby. Wala pa 2 months na ko nag missed ng check up ko but so far ang likooooooooooooooot nya sobra specially pag 2am hihintayin ko na magnap sya makatulog lang ako or else talagang parang nananadya magpapansin ikot ng ikot

sweet_chloe

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #545 on: March 31, 2015, 11:45:33 pm »
Hi Ladies. I'm a first time mom (hopefully) kasi I'm 14 weeks na today.

My concern is that I'm still losing weight. I'm overweight naman pero nakaka-bother lang kasi wala rin akong bump and I've lost 8 lbs since  getting pregnant. I didn't have any morning sickness as in sobrang walang pregnancy symptoms.

Dahil sa worry ko I bought a fetal doppler, naririnig ko naman yung heartbeat, very close to my pubic bone. I'm worried lang if baby is growing at a normal rate. Our next check up kasi is on April 18 pa and I'm not sure if there will be an ultrasound din (usually doppler lang). Although, I will surely mention that I want an ultrasound by that time.

Pero just for peace of mind, may mga ganito na bang experience ang ladies dito?

Thanks!

Ako sis ganyan! Honestly biglang lobo lang ako at 22nd week so recently lang talaga mukhang taba lang yung tummy ko but now medyo bumibilog na pero at 14 upto 19 weeks as in nagpapants pa ko at minsan akala sa mrt ine echos ko lang sila na buntis ako. Okay lang yan wag masyado mag worry nakakasama kay baby always claim positive na magiging mommy kana soon

sweet_chloe

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #546 on: March 31, 2015, 11:48:16 pm »
hi mga sis! it's a baby boy!!! ok naman ang ultrasound kaso sumisiksik daw si baby sa baba kaya pinagmaternity belt lang ako ni dra. ang sabi naman niya tumataas naman daw si baby.

Congrats sis! I wish boy din sana yung akin nainggit naman ako bigla sa mga alam na gender. Pero claiming na boy na and excited na ko kasi papacheck ko na next week just need to have a day off 😊

Ziamoshi

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #547 on: April 01, 2015, 02:34:02 pm »
join po ako. im 26 weeks na. its a boy. first baby, :D
taga fairview Q.C.
@leighnie
I experience the same thing sa first tri ko . last march 7 yung huling check up ko im only 40kg.
Sabi ng OB pilitin ko raw mag gain ng weight, so now kain ako ng kain, inom ng vitamins at milk. Hirap din akong mag gain ng weight, eversince talaga underweight ako. :(  Next week may check up kami sa kanya. Mag Blood typing, glocuse test, HBsAg test ako. Sana walang maging problema medyo nahihilig kasi ako sa matatamis ngayon. Ano ba yung HBsAg test hindi ko kasi naitanong sa OB? Yung glocuse test lang kasi sinabihan niya ko wag masyado sa matatamis baka magka Gestational Diabetes ako since may diabetes yung mga relatives ko.

Grabe medyo hirap na ko gumalaw, Hindi pa ko nakakabili ng gamit sabi kasi ng matatanda dapat pag mga 7months na mamili ng gamit. Marami ako nabasa dito sa thread kung san makakabili. Pero may nakakaalam ba sa inyo nung sa Bell Air ba yun? mura daw dun ehh. San pa ba maganda mamili ng maramihan. May nagsabi sa akin divisoria and baclaran kaya lang hindi ko alam kung san banda. Excited na kami mamili ng gamit ni baby.
 




o9kristin

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #548 on: April 01, 2015, 06:17:52 pm »
^welcome and congrats sis! For hepa B yung HBsAg..

For baby stuff, nag aabang lang ako ng sale sa mall and baby fairs. May post si sis arragalang dito. Back read ka lang ng konti. Meron this April yata sa may Ateneo then sa May naman sa Megatrade Hall.

Gusto ko din sana mag divi kaso baka di ko na kayanin yung lakad lakad..

BabyNiAgui

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #549 on: April 01, 2015, 07:57:24 pm »
CAS ako sa April 6 mga sis at 25wks. 3D naman daw at 27wks. Baby girl pala ang sa amin. 😍😊

Automatic CS daw ako sabi ni ob kasi nakitaan ako ng isang sintomas ng APAS. So kahit hindi ako APAS patient, they (ob and immunologist) have to consider me as one. Pwede naman daw ako mag NSD pero kakailangan pa din nila ako i-open to make sure na walang problema sa loob. Kaya recommended nilang CS na lang para isang bukasan lang daw. Nag heheparin shots din ako everyday sa tummy, nagsimula lang nung 23wks ako. 😥

@ziamoshi: nakita ko lang itong link https://honeyteodoro.wordpress.com/2014/07/26/bel-air-budget-baby-clothes/ nakapunta na rin ako dyan pero namimili ako dati para sa mga inaanak ko. Hindi pa ako nakakabalik ngayong magkakasariling baby na kami. 😅

ellabear

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #550 on: April 01, 2015, 10:19:02 pm »
Hello, Naeexperience nyo rin ba yung parang nagvvibrate sa belly nyo pag gumgalaw si baby? ok lang kaya yun?

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #551 on: April 01, 2015, 10:44:31 pm »
@ziamoshi: yay! Mabuhay ang mga taga Fairview haha! Sa commonwealth hosp ka din ba manganganak sis? :) taga fairview dun ako. Congrats! :) yung sinasabi mo sa Bell Air narinig ko na din yan. Mura nga daw dun pag madami ka bibilhin. Gusto ko din pumunta dun nung una kaso di sulit sa byahe eh ang layo. Yung sa Hepa B naman kasama sya sa nga first test na ginawa sakin nung first tri kasama pa ng iba pang bloodtest na nakakaloka sa dami.

Mga mommies kamusta na movements ni baby nyo? San nyo banda nararamdaman? Lately sakin yung litol alien ko eh all around the tummy. Before kasi laging sa left side lang, tapos biglang sa baba naman, tapos right... -.- baka nasisikipan na sya :)) nung last US ko ng 12weeks naka breech pa ko, sana mag settle na sya sa head down para naman mag normal ako.

BabyNiAgui

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #552 on: April 02, 2015, 08:38:00 am »
Ramdam ko si baby kung saan saan sa tummy ko. Malikot na siya. At gustong gusto ko pag sipa siya ng sipa. Mas kampante ako na okay siya.😂

@arragalang: APAS is a blood clotting disorder, mabilis magclot ang dugo. Actually, confused pa ako, kasi sabi before pag APAS, may topak ang immune system, hindi kinikilala ng katawan si baby so ang tendency, irereject niya. Hindi ko na masyado naintindihan basta alam ko pag APAS, may problema. Hehe. 2nd ob ko na siya sis. Nung first two pregnancies ko (back to back miscarriage), i was tested for APAS sa PGH, okay naman ang results, it was ruled out as a cause of my miscarriages. Sabi ni first ob, nagkataon lang daw yun so continue trying. Kaya ako napahanap ng bagong ob, parang hindi ako naconvince na walang problema. Okay naman sa umpisa yung mga lab tests ko with 2nd ob pero yung huli, dun ako bumagsak.. May isang symptom daw ako ng APAS kaya ayaw niya mag take ng risk. Mas maganda na daw na i-address na namin yung isang symptom na yun kaysa pagsisihan namin sa huli. Yun nga lang sis, grabe ang gastos sa lab tests at gamot. Pero okay na din, basta maging okay kami ni baby. Ayoko na din magpatumpik tumpik pa. Nakakatrauma at nakakadepress ang miscarriage. 😢

tintin19

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #553 on: April 02, 2015, 10:12:48 am »
@arragalang itsura ng manas sis e medyo matambok o malobo na, mukhang namamaga nga, pero pakiramdam ko still the same. Si bf unang nakapansin manas paa ko, at true nga. Quilted Crib Mattress 2.1k, Purifoam Crib mattress 3.3k at Safe N Clean Teflon Mattress 7.7k lang meron sa Uratex showroom.

@sweet_chloe sis ni-email ko na sayo deets ni OB ko. :)

@Ziamoshi Congrats sis! Chineck ko yung link ni sis @BabyNiAgui about Bel Air ang mura nga! Sa DV naman usually nagtatanong lang kame kung san, ituturo ka naman nila. Pero last time pumunta ako s DV para mag-shopping ng 'maternity' or loose clothes ko eh napagod agad ako at ayaw ko na bumalik.

@BabyNiAgui sis puro clothes lang ba meron dun sa Bel Air? meron crib & stroller? hope you have a smoother pregnancy this time sis. :)

Si baby ko din malikot. Dati sa left lang lagi, ngayon kahit saan na. Lakas sumipa at lagi umiikot, naiimagine ko nag-sswimming at nagbabackflip LOL! Minsan nakikiliti ako kasi napopoke nya pantog ko at sa bandang likod sa may pwetan lol. Pinapahawak ko lagi tummy ko kay Mama ko at bf pag naglilikot si baby, ramdam na nila at tuwang-tuwa sila. ;D

Hindi namin nabili yung naka-sale 5k na wooden crib sa SM Makati, hindi ko na nagustuhan dahil hindi standard crib size, papasadya pa ng mattress kung sakali... Kaya balak namin maya ni bf magtingin-tingin ng cribs sa mga furniture shops sa kanila, baka sakaling makamura na din. Nag-canvas ako sa Sulit, bnew cribs made from palochina price range 1.3k-2.5k, sana makahanap kame ng ganun today dito sa South. :)

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #554 on: April 02, 2015, 10:28:40 am »
@tintin19: yung Safe and Clean Teflon yung samin Premium Mattress. At baket OA ang price nyan? :)) sa sm dept store 1,800 lang, regular price 2k...anyare :))

anne01

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #555 on: April 02, 2015, 11:15:20 am »
wow!! haba ng back read ko kanina ahhh!!! kainis talaga tong net namin ng sky... minsan super bagal nakakailang on and off nako wala pa rin.... hhhaaayyy..

welcome sa thread  new mommies!!! grabe super dami na natin!!! and that's good kasi more info for us din!!!

ok yang seminar na yan ahh... ang layo and and traffic lang pag nagpunta ako dyan... ayaw pa naman ako pag drivin [textspeak!] hubby.... kaya feeling ko house arrest ako ehh...

sis bakit parang wala akong gana kumain??? as in minsan 1 cup a day lang ako... minsan less pa... gagalit na sakin si hubby kaya i need to eat at least skyflakes lang in between  kasi di nga ako kumakain... and up to now di ako makakain ng pork... diba usually at first tri lang yun... kaya nga pag minsan di nako nag-i-insulin i found out i have diabetes nung nag HB1AC ako... kasi kaninang mga 1240am 63 lang ang blood sugar level ko... pag bumaba pa yun baka mag hypoglycemia nako... na experience ko na kasi yung my blood sugar dropped at 49... grabe nahihilo ako... pawis ng malamig... blurred eyesight... tapos nanginig talaga kamay ko... kaya nung nag sugar test ako kanina... tapos 63 lang.. i drank orange juice.. para di masyado bumaba.. tapos kanina umaga di ako nag insulin... kawawa kasi si baby pag naghypo ako.. pati si baby nararamdaman din yun sabi ni doc.... plus di pa ko natutulog... like kanina... i woke up at 2am... til now 11am na di pa rin ako natutulog... maaga naman kami natulog around 10pm... pero more than 1 wk na to mga sis... hhhhaaaayyyy....

ayy ang oa naman ng mattress 7.7k... mas mahal pa sa ibang crib... hahahahaha!!!


tintin19

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #556 on: April 02, 2015, 12:28:07 pm »
^- Normal na symptoms yan ng hypo. Dami diabetic sa family namin, pag pinawisan na ng malamig eh pinapakain lang ng candy tas okay na ulit. Since may umaasa sayong baby, better consult mo yung eating problem sa OB mo sis.

^^- 4 x 28 x 52 pala yun sis. Mahal ata talaga yung Safe & Clean mattresses nila. Yung pang adult nga costs 11-16k. Premium pa sa premium. Pang mga alta LOL

http://postimg.org/image/8ythr19bz/

sa Uratex showroom Muntinlupa yan. Kung yan exactly nabili mo sis, naka-jackpot ka.  ;D
« Last Edit: April 02, 2015, 12:36:13 pm by tintin19 »

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #557 on: April 02, 2015, 05:51:59 pm »
Mga mommies quick question, how do you deal with the summer heat?! Seryoso nakakaloka yung init. Super hirap na ko huminga minsan pakiramdam ko ang kulog kulob at init, kahit naka tapat na ang fan at aircon minsan. Gusto ko nalang tumira sa ref :))

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #558 on: April 02, 2015, 06:14:43 pm »
@tintin19: oo nga sis! Yung size lang ng samin is 4x24x42 na 1,800 lang. Ang oa pero tataka naman ako bat kaya magkaiba eh dapat mas mura. Or baka dahil mas malaki? :))

Ziamoshi

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #559 on: April 03, 2015, 11:48:03 am »
Thank you sa mga replies sa question ko. Ang likot na ng baby ko lagi syang gising pag madaling araw minsan nakakapuyat tuloy,mas madalas na rin mafeel ni bf yung galaw niya ngayon :D Yung manas hindi ko alam kung yun ba yung nararamdaman ko lagi kasing parang masakit yung paa ko pinapamasahe ko lang kay bf para mareleif pero hindi naman siya namamaga, hindi kasi ako makatulog minsan.  Yung crib, ang hirap maghanap ng affordble at magandang cribs sa malls. Naghahanap pa rin kami ng mabibilhan. Isa pa naman yun sa must buy namin kasi hindi pede itabi si baby.

@arragalang Hindi po ako sa commonwealth hospital eh, may malapit kasi sa amin hospital yung Bernardino Gen Hospital kanto lang ng subd. namin, dun ako nagpapacheck-up so baka dun na rin manganak NSD is 15K CS is 30K less philhealth na yan. Malayo nga yung Bel air kaya gusto ko muna iresearch para di sayang yung punta, buti na lang meron mga mommies here to share infos. Ang dami nga po nung lab test apat ata yung gagawin kong test next check up. Bakasyon pa kasi yung OB ko kaya after holy week pa. Sana nga maging normal yung mga results.

@BabyNiAgui naku salamat sa site na shinare mo, nagka idea kami sa location at place pati na rin sa prices. I check other sites too magaganda yung mga baby apparels sa bel air, pinakita ko na rin sa dady ni baby yung sites okay naman sa kanya at mukhang dun na lang kami mamimili ng baby clothes, at other apparels good quality pero mura rin prices, yun kasi hanap ko.

@tintin19 familiar naman si bf sa divisoria kaya lang since preggy ako ayaw na namin mag ikot gusto nia alam na namin yung location ng mga nagtitinda ng baby items para hindi ako masyado mapagod. May nakapagsabi sa Juan Luna at Ylaya street daw yung maraming baby items tsaka meron din sa tutuban, Infant world ata yung name. Try nga namin puntahan nag aantay lang ng budget para isang puntahan :D


 

Latest Stories

Load More Stories
Close