@chaylyn, nung may UTI ako mas marami yung discharge. Panty liner na lang kung medyo uncomfortable pero dahil nakaka cause din yun ng infection, mula nung nag gamot na ako wala na ring liner, pagka aalis na lang then every wiwi, wash and wipe sabay palit na rin ng liner. Pero kung sa bahay lang, wash and wipe. Normal lang naman daw discharge as long as walang amoy at color.

@ellabear, depende ata yan sa clinic na magscan. Like ako, 22 weeks pa lang kami bukas pero si OB binigyan na ako ng go signal na magpa CAS sa ibang clinic, tinanong din naman ako sa In My Womb nung nag inquire at pa appointment ako kung ilang weeks na at hindi naman sila nasabi na hindi pa pwede. Tapos baka sa 24th week namin magpa scan ulit, pero sa preferred clinic na ni OB, dun kasi mahigpit, dapat 24 weeks para sa CAS.
@tintin19, wow! Super good news yan for me! Medyo nadisappoint ako nung una, kala ko talaga hindi na ako makaka avail ng benefit kahit kalahati man lang. Buti na lang din may SSS office na sa SM Aura, kaya madali na lang. May prio lane naman for preggers no (grabe ang tamad ko lang haha

)
Yung sa sale, I think it's because sa Baby Company ko binili yung items. Kasi may 2nd transaction ako (same floor kasi yung SM Home and Baby Company sa SM Aura), pero walang discount dun since items from SM Home. Cotton Stuff yung nabili kong basic whites, yung mga tig 3 pieces per set lang muna, baka kasi biglang maging Mamanster si mama, sabihin ang aga pa e kinukumpleto ko na gamit hehe. Sa St. Patrick's mittens ang nabili ko dun kasi walang avail na white mitten sa Cotton Stuff, e ayoko ng may kulay. Hanggat maari yellow and gray lang, yung nabili ko sa St. Patrick's ang cute kasi white and gray.

Tapos super soft.

@arragalang, nakakatuwa pag yung OB ganyan no, maski si OB ayaw niya rin sa In My Womb ako magpa CAS kasi nga ang mahal, e yung sa lab na pinag refer-an niya 700 lang. Arte ko lang talaga. Chos! Pero as long as normal naman si baby, okay lang yan, medyo nakakainip lang talaga yung pag titiis.

Nag order din pala ako nun MamyPoko sa Lazada, kanina lang dumating. Tas nagulat ako kay kuya courier, sabi 1k plus ang bill ko. E naalala ko, diapers lang yung tinuloy ko hanggang checkout. E syempre medyo sabaw sabaw pa dahil kakagaling ko lang sa gising from work, muntik ko pang nabayaran yung 1k

. Buti na lang nagkaroon ako ng wisyo, nakita ko yung email address, hindi akin pero same shipping address. Yun pala para sa boarder sa compound yung isang item. Yung boarder na yun nanalo din ng diaper supply plus cash sa Lazada dahil diba nga nag anniversary sila. Hindi ko na natanong paano siya nanalo or kung may contest ba siyang sinalihan or frequent shopper ba siya dun kaya siya nanalo. Yung free na medium size na diaper binigay ko sa niece ko, galing nga nagkasya pa sa kanya, e XL siya sa EQ at Huggies.
Gusto ko na magkulong sa loob ng ref, hindi ako masyado reklamador pag mainit pero wow, lahat na ata ng tao dito sa bahay inaway ko every time matatakpan lang nila kahit saglit yung electric fan.