watch now

Author Topic: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)  (Read 72328 times)

chrntngrn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #520 on: March 29, 2015, 01:24:56 am »
@tintin19, salamat sa info and tips, sis! Laking tulong.  ;) Yup, mukhang dun nga galing yung discount, try ko ulit mamaya pero sa Megamall naman. Mukhang sulit yung hooded towel sa St. Patrick e.  ;D

@chaylyn, yup! Nagrereklamo na nanay ko saken, ang tamad tamad ko nga daw sobra! Pero kating kati na ako mag ayos ng kwarto at labhan mga pinamili ko. Pinigilan lang ako kasi hindi pa nga daw kumpleto. Sayang ang effort mag laba! Haha!  ;D

@arragalang, yes! Kakainip maghintay pero sa bilis ng oras, grabe parang onting kembot na lang papasok na tayo sa 3rd trimester!  ;) May water birthing facility na dito, pero ang alam ko sa St. Lukes Global pa lang. And yes, usually ibang hospitals pumapayag if kasama sa birthing plan mo ang doula.  :D E diba inaadvise talaga na you have to be strict with your birthing plan, since ikaw naman ang manganganak. Yung SIL ko, walang birthing plan, ayun, emergency CS kahit hindi naman inelaborate sa kanila why kailangan i-CS na hindi muna itry kung kakayanin ba mag NSD. Personally, ang gusto ko talaga NSD, para maranasan ko rin hirap ng nanay ko sa amin. Haha! Si bf lang gusto ng CS. Sabi ko sa kanya, mahal ang CS kaya hanggat kaya at magagawan ng paraan, NSD kami ni baby.

Try ko na rin mag apply sa OPD ng Makati Med, ang alam ko package nila for NSD dun is 20k, CS is 35k. Pero di pa ata kasama bills ni baby diyan. Kung maayos ayos lang service ng Ospital ng Makati, aba, bakit naman hindi ako dun. Libre manganak dun e, kung may bayaran man, parang 200Php lang. Maganda naman facilities tas tatlong tumbling lang mula sa bahay namin, pero service nila nganga.


Nag iisip ako kung magpapa baby shower pa ba ako or hindi na lang. Para kasing wala naman akong maisip na gamit ni baby bukod sa supply ng disposable diapers hanggang sa ma establish ang pupu at wiwi niya para sa clothing diapers na, toiletries, wrap/sling, tsaka damit. So, anong ililist ko sa baby registry if ever? hehe Yung list na kasama pag nag nag apply ng Mom Card bang haba, nung nakita ko napatanong talaga ako sa nanay ko: 'Kailangan ba to lahat ng bata, Ma? Parang mas marami pa yung gamit niya kesa saken pag nagkataon.' hahaha!
« Last Edit: March 29, 2015, 01:27:08 am by chrntngrn »

blueberryalmond

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #521 on: March 29, 2015, 11:17:56 am »
Hi mga sis, i'm super happy kasi di na ako bedrest, nawala na din ang 2 hemorrhage ko at pati contractions.  :) ang bait ni lord dininig nya ang prayers namin. At 15 weeks based on lmp, nalaman na din namin ang gender ni baby :) it's a girl :)

Sis tintin19, saan ka nakakabili ng dove extra sensitive? Ang hirap kasi maghanap nito, wala sa mga usual supermarket Or dept store. Thanks.

chrntngrn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #522 on: March 29, 2015, 10:26:29 pm »
@blueberryalmond, Yay! Congrats!


Had our CAS kanina. And I'm having a bb grrrl! Yay! Sobrang thankful din na everything is normal. Kala ko gigive up na yung OB-Sono kanina kasi nung una nakadapa si baby, tas nung nagsimula na gumalaw, hindi na matigil, sobrang likot. Haha!  ;D

subtle sweet she

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #523 on: March 30, 2015, 12:04:05 am »
@subtle sweet she sis di ko din alam, pero gumagamit ako nung I'm Pregnant app na may weight tracker. Iinput mo lang initial weight mo and weight for every checkup. Sya na bahala mag-compute at mag-plot ng chart kung nasa tamang range ba ang weight mo for the number of weeks. try mo lang :)

Thanks sis! Will try this app out.

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #524 on: March 30, 2015, 08:35:56 am »
@titin19: san banda pala sis yung St.Patrick sa sm makati? Dept store ba? Ang onti kasi ng choices dito sa Fairview. Ehh may Express Bus na kaya baka mapadpad ako dun soon. Haha!

Oy, sino sino diti pupunta sa Embracing Motherhood tsaka dun sa Babypalooza? :)

chaylyn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #525 on: March 30, 2015, 09:41:00 am »
@tintin19: ako din gusto ko ng regular position and yung may benefits naman ako. haha And gusto ko na din ng ibang company para maiba naman ang aura. hehe Goodluck satin sis :)

@arragalang: tapos na ba registration nyan sis?

@chrntngrn: YUng feeling na gusto mo lang sa bahay at humiga, haha pero pag malapit na tayo manganak dapat magkikilos na tayo. Bawal na ang tamad. haha

@blueberryalmond: Congrats sis! :) God is good!

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #526 on: March 30, 2015, 11:01:08 am »
@chaylyn: hindi pa ata eh :) nakita ko sa website nila ang dami ng sponsors. Dati kasi wala pa.

Yung Babypalooza trip ko din puntahan kasoejo hassle puntahan galing Fairview and daming sakay. Unlike yung sa Embracing Motherhood isang bus lang ako pauwi at pabalik haha. Ang habol ko dun sa Babypalooza yung mga cloth diapers na mura eh tska freebies :))

May nakalimutan ako ishare mommies! :)) hindi na ako makapag patay gutom mode ngayon and super super sad. :( nung last checkup ko kasi additional 2kilos nanaman ako, all in all eh nasa 52kilos na ko, nag gain na ko ng 5 kilos mula 1st trimester and sabi ni OB kahit hindi halata na malaki ako, napupunta sa baby ang weight, baka daw mahirapan ako mag normal at lumaki masyado si baby ng more than sa ideal weight. kaya yung kain ko dahal dahan nalang, tapos milk every other 2 days nalang or kung kelan sipagin uminom. Nalulungkot ako kasi ang saya saya kumain! :(( yung kahit hindi ka gutom gusto mo lang kumain. Haha!

chrntngrn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #527 on: March 30, 2015, 01:41:39 pm »
@arragalang, meee! Pero sa Embracing Motherhood na lang para hindi hassle.  ;D Buti ka pa naggegain ng weight.

@chaylyn, true! Kaya din siguro panay sakit ng balakang ko kasi gusto ko na lang nakahiga palagi pag nasa bahay. Tas pag aalis naman madali mapagod. Dapat nga daw talaga active para mas madali manganak.  :)

itsnikimendoza

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #528 on: March 30, 2015, 03:50:57 pm »
hi mga sis, anyone experienced having swollen lymph nodes? Ako kasi meron sa baba ng jaw ko. nagpacheck up ako sa doctor and sabi because of colds nga daw. bothered lang ako kasi hanggang ngayon andito parin, although di naman sya masakit and lumiit na rin compared before. talaga bang nagkakaron nito pag after ng colds? thank you :)

leighnie

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #529 on: March 30, 2015, 04:19:47 pm »
Hi Ladies. I'm a first time mom (hopefully) kasi I'm 14 weeks na today.

My concern is that I'm still losing weight. I'm overweight naman pero nakaka-bother lang kasi wala rin akong bump and I've lost 8 lbs since  getting pregnant. I didn't have any morning sickness as in sobrang walang pregnancy symptoms.

Dahil sa worry ko I bought a fetal doppler, naririnig ko naman yung heartbeat, very close to my pubic bone. I'm worried lang if baby is growing at a normal rate. Our next check up kasi is on April 18 pa and I'm not sure if there will be an ultrasound din (usually doppler lang). Although, I will surely mention that I want an ultrasound by that time.

Pero just for peace of mind, may mga ganito na bang experience ang ladies dito?

Thanks!

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #530 on: March 30, 2015, 04:37:36 pm »
@itsnikimendoza: hhhmmm you mean ba yung kinakapa ng doctor sa jaw? Pag yun kasi normal na namamaga sya pag may sipon or lagnat, preggy or hindi. :)

@leighnei: hi sis! Congrats! And good luck sa pregnancy. Sabi mo sis overweight ka and not gaining any weight and no bumps? Hmm normal lang kasi na walang bump at early pregnancy kasi sa 2nd tri or 3rd tri pa sya lalaki, also if you are naturally big mas matagal lumabas yung bump :) wag masyado panik, :) normal lang yan. Nung 12 weeks ako nag panic din ako kasi nawala lahat ng pregnancy symptoms ko, i went to an ultrasound clinic jusy to ease my worries kahit na di naman sinabi ng doctor. i suggest you do the same if talagang worried ka. Good luck! :)

sdee

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #531 on: March 30, 2015, 04:53:46 pm »
hi mga sis! it's a baby boy!!! ok naman ang ultrasound kaso sumisiksik daw si baby sa baba kaya pinagmaternity belt lang ako ni dra. ang sabi naman niya tumataas naman daw si baby.

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #532 on: March 30, 2015, 05:12:48 pm »
^ yaaay! Congrats sis! :) you can start shopping na!

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #533 on: March 30, 2015, 05:56:13 pm »
Mommies! Especially to those who are really passionate about going all natural or NSD, i found a great support group in Facebook called Gentle Birth in Philippines, they were composed of pinay/foreign OBs and Doulas and moms who successfully breathe their babies out. :) I joined today and asked the group about my concerns and fears, they are really great. You do have to fill-out a form before they approve you first so check your "other inbox" when you join the group. :)

airwaterfire

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #534 on: March 30, 2015, 06:47:42 pm »
Wow. ang bilis umabot sa 28 pages.

Ako nag start nito months ago. hehe

Goodluck sa lahat. :)

o9kristin

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #535 on: March 30, 2015, 07:14:41 pm »
Wow! Napaka active ng thread na to. Dami kong hinabol na posts!  :) konti na lang thread 2 na tayo.

Sis arragalang, sorry di na kita nabalikan. Hindi ako makalabas ng bahay lately kaya binilhan na lang ako ni hubby ng argan oil sa mall.

Sis leighnie, I think normal lang yun mag loose ng weight during first tri. Ako dati mejo nag loose din ng weight and hindi naman ako nagkaron ng food aversion. Di ko rin alam na preggy ako nun kasi wala namang symptoms aside from cramps na usual kong nararamdaman bago magkaron. Irreg pa ako so hindi ko talaga alam na preggy na pala ko.

Congrats dun sa mga alam na gender ng babies nila! Pwede na magshopping galore.. :) Sana ma confirm na din namin gender ni baby para makapamili na ng mga gamit. Next month pa ko ipapa scan ng OB ko e.



o9kristin

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #536 on: March 30, 2015, 07:22:34 pm »
Inggit din ako sa inyo dahil may chance pa kayo manganak via NSD. Ako kasi CS na talaga..  :( gusto ko pa naman maranasan umire. Hehe! Btw, regarding epid, based on my experience di naman sya sobrang masakit. Parang same lang sila ng pain level pag kinakabitan ng dextrose. Mas masakit pa yung tinurok na pampa groggy sa arm ko (di ko lang sure kung anong gamot yun) tsaka yung skin test. Ang experience ko lang with epid is sobrang nangatog ako sa OR. Hindi naman ganun kalamig pero grabe yung nginig ko na parang ginaw na ginaw. Yun lang parang ang hirap umire pag naka epid kasi wala ka na talaga mararamdaman e. Pero  I'm sure tutulungan naman kayo para umire..

sdee

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #537 on: March 31, 2015, 10:02:52 am »
super excited na ako mga sis haha parang hindi ko alam ano uunahin kong bilhin haha

tintin19

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #538 on: March 31, 2015, 10:47:41 am »
Ngayon lang ulit ako nakapag-check. Congrats sa mga nagpa-CAS at alam na gender ng babies! ;D

Share ko lang, ngayon ko lang napansin manas na din mga paa ko. Payat kasi ako before at bony ang paa ko pero ngayon natatawa ako kasi ang tambok na hehe! ;D Normal lang naman yun mga sis diba? or should I do something about it?

@blueberryalmond Congrats sis! Nakabili ako ng Dove extra sensitive for p55 noon sa may kanto sa tapat ng PGH, parang store nila yun for Derma prescriptions.

@chrntngrn wow congrats sis! Same tayo bebe girl! ;D Buti ka pa natapos na CAS mo, akin din nakadapa at ayaw umikot kaya continuation pa sa next checkup. Di ko rin alam anong items ilalagay ko sa baby registry! Syempre we want the best for baby, pero nahihiya ako magspecify ng brands, isipin nila arte ko haha! hay.

@arragalang oo sis yun St. Patrick sa loob ng SM Makati dept store. :) pa-switch ka na lang sis from milk to calcium carbonate, para pwede ka pa din magkakakain he he :)

@chaylyn sis medyo nagbago na desisyon ko. Binigyan ako ng raise kahapon lang e for 3 years ko na inaantay yun. Kung tutuusin malaking tulong na rin to at dumating kung kelan ko need... baka mag-extend pa ako. Magpapaalam na lang ako 2 months for panganganak & recovery. Tas pagkabalik, dito muna ako til makahanap regular position. :) ikaw sis ano balak mo?

@o9kristin bakit CS ka sis? placenta previa? Isa pa yung lamig sa kinakatakutan ko, ginawin kasi ako sobra :( Naka-gown lang ba tayo during labor and delivery?
« Last Edit: March 31, 2015, 10:56:27 am by tintin19 »

o9kristin

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #539 on: March 31, 2015, 12:19:44 pm »
^kaka opera ko lang kasi last month (myomectomy). Kaya ayun, sa July another hiwa na naman.. I o-open ulit yung hiwa ko for CS :( Gusto nga ni hubby pilitin ko daw mag normal. E ako nanaman yung natatakot. Baka mamaya sa pag push ko or pag dinaganan yung chan ko habang umiire biglang bumuka yung tahi. Haha!

Yes naka gown lang sa DR/OR without undies. E diba ang nipis lang ng gown kaya parang ginaw na ginaw ako nun..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close