@tintin19, salamat sa info and tips, sis! Laking tulong.

Yup, mukhang dun nga galing yung discount, try ko ulit mamaya pero sa Megamall naman. Mukhang sulit yung hooded towel sa St. Patrick e.

@chaylyn, yup! Nagrereklamo na nanay ko saken, ang tamad tamad ko nga daw sobra! Pero kating kati na ako mag ayos ng kwarto at labhan mga pinamili ko. Pinigilan lang ako kasi hindi pa nga daw kumpleto. Sayang ang effort mag laba! Haha!

@arragalang, yes! Kakainip maghintay pero sa bilis ng oras, grabe parang onting kembot na lang papasok na tayo sa 3rd trimester!

May water birthing facility na dito, pero ang alam ko sa St. Lukes Global pa lang. And yes, usually ibang hospitals pumapayag if kasama sa birthing plan mo ang doula.

E diba inaadvise talaga na you have to be strict with your birthing plan, since ikaw naman ang manganganak. Yung SIL ko, walang birthing plan, ayun, emergency CS kahit hindi naman inelaborate sa kanila why kailangan i-CS na hindi muna itry kung kakayanin ba mag NSD. Personally, ang gusto ko talaga NSD, para maranasan ko rin hirap ng nanay ko sa amin. Haha! Si bf lang gusto ng CS. Sabi ko sa kanya, mahal ang CS kaya hanggat kaya at magagawan ng paraan, NSD kami ni baby.
Try ko na rin mag apply sa OPD ng Makati Med, ang alam ko package nila for NSD dun is 20k, CS is 35k. Pero di pa ata kasama bills ni baby diyan. Kung maayos ayos lang service ng Ospital ng Makati, aba, bakit naman hindi ako dun. Libre manganak dun e, kung may bayaran man, parang 200Php lang. Maganda naman facilities tas tatlong tumbling lang mula sa bahay namin, pero service nila nganga.
Nag iisip ako kung magpapa baby shower pa ba ako or hindi na lang. Para kasing wala naman akong maisip na gamit ni baby bukod sa supply ng disposable diapers hanggang sa ma establish ang pupu at wiwi niya para sa clothing diapers na, toiletries, wrap/sling, tsaka damit. So, anong ililist ko sa baby registry if ever? hehe Yung list na kasama pag nag nag apply ng Mom Card bang haba, nung nakita ko napatanong talaga ako sa nanay ko: 'Kailangan ba to lahat ng bata, Ma? Parang mas marami pa yung gamit niya kesa saken pag nagkataon.' hahaha!