watch now

Author Topic: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)  (Read 72320 times)

sweet_chloe

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #440 on: March 24, 2015, 09:39:31 am »
By the way I'm 23 pala. May nabasa pala ako sa isang blog like 1 month na workshop about everything na dapat malaman about sa panganganak and exercises na we can do kaso nag aalangan ako to enroll kasi sabi naman nila balewala lahat ng yun pag naglabor kana. At sa mga aattend ng babypalooza as well as baby fair sa may 2-3 see you! 😊

ashleycole

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #441 on: March 24, 2015, 09:53:28 am »
me, im 36  ;D and first baby namin to..buti at nakabuo kami agad sa honeymoon namin last dec. 2014 hehe..hoping na nsd din but c ob na lang ang bahala basta magiging ok lang kaming dalawa ni baby.

itsnikimendoza

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #442 on: March 24, 2015, 10:09:09 am »
@anne01 yehey may classmate na ako dito sa thread!:) pag alisan nilang lahat tayo nalang halos maiiwan haha. :) EDD ko sept 6, pero wala pa ako request ng CAS eh, sa totoo lang minsan inaatake ako ng low eq, baka magpa CAS nako ng 20 weeks! haha. (kasi naman nasa isip ko talaga 20 weeks, tapos biglang sinabi ng OB, 24 weeks daw! hintay pa ulit ng 4 weeks!) Gusto ko na kasi matapos yung kaba ko, kahit ano pa gender nya, basta normal and healthy si baby. Pwede ba kong magpa CAS ng walang request? Lol low eq talaga hahaha.

Relate much ako don sa walang boobs tapos nagkaron! haha. masikip na din bras ko, since flat chested ako, sabi ni hubby, baka daw pwede maiwan yung boobs pag lumabas na si baby! Init na init din ako, lalo pag gabi, kaya dati naka pajama ako matulog, ngayon maluwag na sando and panty nalang!

16 weeks na ko ngayon at nafeel ko nang sumikip na mga pants ko sakin. :( nasusuot pa naman pero naiipit na tyan ko. :( excited narin ako mafeel si baby! ano bang feeling pag gumagalaw sya? no idea since first time mom. :)

sweet_chloe

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #443 on: March 24, 2015, 10:25:04 am »
16 weeks na ko ngayon at nafeel ko nang sumikip na mga pants ko sakin. :( nasusuot pa naman pero naiipit na tyan ko. :( excited narin ako mafeel si baby! ano bang feeling pag gumagalaw sya? no idea since first time mom. :)

Ako din sis pero at 16 weeks nakakapag pants pa ako kaso hindi na ako inadvice ng daddy ni baby binilhan nya nalang ako ng leggings since ayko talaga magdress very boyish parin ako til now. About sa gumagalaw si baby sakin is sobrang likot specially pag gabi pag after ko sa work ko ang matutulog na ako dun sya maglilikot at sisipa ng sobra. First time mommy din ako around 20 weeks ko sya nafeel yung una akala ko may mali akong nakain na parang bakit parang ganun yung dating sa may puson area akala ko nga napano n si aby yun na pala yun. As in sometimes mabibigla ka nalang out of the blue sisipa sya pag morning din ganun yung feeling parang may gumagapang sa loob ng tummy mo pero nakakatuwa kaso ngayon kasi medyo lumalakas na talaga sipa and minsan natatawa kami ng daddy nya specially pag binibisita kami parang nagpapakitang gilas or nagyayabang sa daddy nya pero ewan ko if it's true or talagang sadyang malikot lang si baby pero promise ang saya na mafifeel mo si baby galaw ng galaw kahit minsan magugulat ka sa movements nya. Like one time kumain ako ng maanghang after an hour yata nagwala sya ikot ng ikot sipa ng sipa then nakalimutan ko nakakalasa na sya so yun hehe.

Share ko lang din kasi may application ako sa phone name nya is "What to expect" sobrang helpful saming 2 ng daddy nya since first time parents everyday namin chinecheck and also may video pa like ano ichura ng baby sa loob every week at expected na mafi feel mo on that week.

tintin19

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #444 on: March 24, 2015, 10:36:03 am »
Wow ang active natin mga sissies today, dami agad replies hehe

28yo ako, unplanned pregnancy namin ni bf. Irregular mens ako before, tuwing medical exam nagugulat mga docs sakin at lagi nila sinasabi "mahihirapan ka magbuntis!". Confident pa ako na never nga ako mabubuntis, and it never bothered me. Anyare sakin ngayon?! Now I feel very blessed, kala ko di na ako magkaka-anak ever, and I'm super happy and grateful I was given the chance to experience pregnancy. ;D

Regarding masikip na bra, bibili na talaga ako ng bra extender mamaya! Hindi na ako makahinga! :D Saka na lang ako bili ng mas malaking bra pag lumaki na talaga cup size ko hahaha. Lumapad din areola ko at umitim.. pati kilikili ko umitim! Buti na lang naitatago hahaha  ;D

Dra. Manio OB ko, ob-sono-perinat sya, mabait (pwede mo itext anytime) at mura sya maningil. Feeling namin ni bf naka-jackpot kame sa kanya. Laguna area nga lang sya, pero alam ko affialiated sya sa isang ospi sa Manila. Let me know lang if may interested sa kanya.

Andami ko pang di alam sa BF. Actually dami ko pa talaga hindi alam kahit sa pregnancy pa lang. hehe

@itsnikimendoza sis bili ka na maternity pants! yung mga may belly pouch, super comfy :) ang feeling e parang may nag-fofootball sa loob, may nag-popoke sayo at gumagalaw mag-isa tyan mo hehe!

@chrntngrn penge ng boobs sis hahaha! I will try my best to BF sis. Di talaga ako muna bili bottles.

@ellabear congrats sis and welcome sa thread! Wag mo na lang alalahanin masyado if di ka nakatake ng meds. Nung unang panahon naman naka-survive parents/lolas natin ng wala nyan. Common yung pagsusuka, pagiging anemic and even UTI so don't worry about it din. Pero I suggest talk to your OB para bigyan ka nya other options. :) And for now, bawiin mo na lang healthy eating. Goodluck sis! :)

sweet_chloe

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #445 on: March 24, 2015, 10:50:24 am »
Wow ang active natin mga sissies today, dami agad replies hehe

28yo ako, unplanned pregnancy namin ni bf. Irregular mens ako before, tuwing medical exam nagugulat mga docs sakin at lagi nila sinasabi "mahihirapan ka magbuntis!". Confident pa ako na never nga ako mabubuntis, and it never bothered me. Anyare sakin ngayon?! Now I feel very blessed, kala ko di na ako magkaka-anak ever, and I'm super happy and grateful I was given the chance to experience pregnancy. ;D

Regarding masikip na bra, bibili na talaga ako ng bra extender mamaya! Hindi na ako makahinga! :D Saka na lang ako bili ng mas malaking bra pag lumaki na talaga cup size ko hahaha. Lumapad din areola ko at umitim.. pati kilikili ko umitim! Buti na lang naitatago hahaha  ;D

Dra. Manio OB ko, ob-sono-perinat sya, mabait (pwede mo itext anytime) at mura sya maningil. Feeling namin ni bf naka-jackpot kame sa kanya. Laguna area nga lang sya, pero alam ko affialiated sya sa isang ospi sa Manila. Let me know lang if may interested sa kanya.


Sis pwede malaman contact number ng OB mo ganyan hanap namin eh nasa qc kasi ako ayaw na bumalik ng daddy ni baby dun sa ob ko kasi gusto nya business hours ko lang sya makakausap eh syempre praning mommy parin ako until now gusto nya sana kasi minsan or madalas talaga pag konting pain lang natataranta ako, hindi ako makatulog kung ano ano iniisip ko so yun want nya yung maco contact nya din in case na someday wala sya sa check up ko. Ako rin sis irregular at sya naman akala nya baog sya payat nya kasi and all eh kaso napuruhan sabi nga namin 1 time big shot si baby since a month lang talaga na may nangyari samin the next month preggy na ko hehe. Hirap ng unplanned specially if both hindi pa ready like kami dati akala ko magtatago na sya ng tuluyan kasi nagalit sya nabuntis ako pero he never said na ipalaglag and all parang nag isip isip muna then later on nung nakita nya ultrasound ni baby suddenly nag iba lahat from galit turned into super protective and ako na lagi pinapagalitan kasi daw baka mapano si baby which is a good thing.

itsnikimendoza

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #446 on: March 24, 2015, 10:57:23 am »


Share ko lang din kasi may application ako sa phone name nya is "What to expect" sobrang helpful saming 2 ng daddy nya since first time parents everyday namin chinecheck and also may video pa like ano ichura ng baby sa loob every week at expected na mafi feel mo on that week.

Ay meron din ako nyan sis, tapos meron kung anong size na ni baby. :) dami kong dinownload na apps before, yan nalang ginagamit ko kasi for me yan yung very useful. magaalert pa pag new week mo na. :)
kelan ba nakakalasa na si baby? Mahilig kasi talaga ako sa spicy, nakakaexcite naman yung ganyang feeling!:)

@tintin19 san nakakabili nun sis? haha. puro dress nalang kasi ako ngayon, pero mas comfortable parin kasi pag leggings. sa totoo lang ayoko din ng pants kasi naiinitan ako.:P

sweet_chloe

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #447 on: March 24, 2015, 11:09:42 am »
Ay meron din ako nyan sis, tapos meron kung anong size na ni baby. :) dami kong dinownload na apps before, yan nalang ginagamit ko kasi for me yan yung very useful. magaalert pa pag new week mo na. :)
kelan ba nakakalasa na si baby? Mahilig kasi talaga ako sa spicy, nakakaexcite naman yung ganyang feeling!:)


Oo sis nakakatuwa yung app saka ilang weeks nalang at days til due date mo nakalagay. Sabi dun sa app at 22 weeks nakakalasa na sya which is kailangan na daw kung ayaw daw nating magkababy na picky-eater dapat daw sanayin na natin si baby na kumain ng any food so dapat mag start na to eat right. Ako naman gutom lang talaga ako eh kaso favorite ko yung siomai nakalimutan ko patanggal yung chili sauce ayun nagwala akala ko nga napano kasi ang lalakas na ng sipa nya ikot ng ikot then sabi nga dun sa What to Expect ganun daw talaga tapos di ko pa natatry yung patulugin sya using music nakakarinig na daw kasi yung babies at ngayon nakakakita na (23 weeks) pero light lang nakikita nya parang aninag lang then practice na sya ng breathing pero hindi pa matured lungs ni baby ang cute nga nung mga videos dun nakakaaliw.

sweet_chloe

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #448 on: March 24, 2015, 11:28:22 am »
Wala namang dapat ikahiya sa breastfeeding in public.
Kung makakaya natin mag suot ng 2-piece, short shorts, spaghetti tops etc ano pa kaya ang pagpapasuso, di ba?


Kasama na sa katawan natin yan. Package wika nga. Supposed to be kung  natuloy ang pagbubuntis ko mag tandem feeding sana ako sa aking 4 years old. Pero pwede pa naman makahabol sa next pregnancy ko.

Oo nga sis saka alam ko meron na ngayon parang malong lang para atleast hindi naman ganun kabulgar ang pag breastfeed (I forgot the name) pero meron non si Jolina Magdangal and proud advocate sya ng pagbe breastfeed until now. Saka mahihiya ka paba kung yung baby mo gutom na mas pipiliin pa ba hiya kesa sa pagfi feed ng baby

tintin19

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #449 on: March 24, 2015, 12:00:53 pm »
2 na pregnancy apps gamit ko, Pregnancy Today by Baby Center at I'm Pregnant. Try ko nga rin yang What to Expect. ;D

Mahilig din ako sa spicy food at sumisipa si baby pag kumakain ako nun. Di ko alam kung naaanghangan din ba sya! Di ko alam kung maaawa ako o matutuwa. Anyway, tina-try ko na din iwasang kumain ng maanghang dahil sa heartburn.

@sweet_chloe sis pm ko sayo maya pagkauwi ko ng bahay yung mga affiliations nya at contact number nya, andun kasi sa reseta.

@itsnikimendoza sa mga maternity wear section ng dept stores sis. Kahit hindi pants, meron ding mga slacks, leggings, capri, etc. na may belly pouch. Napabili kasi ako nun dahil need ko for work. May leggings din kasi ako sis pero medyo tight na sakin @23weeks at bumabagsak sa pwetan, hindi tulad ng mga may belly pouch naka-yakap talaga sa tyan at may adjustable garter. :)
« Last Edit: March 24, 2015, 12:07:31 pm by tintin19 »

sweet_chloe

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #450 on: March 24, 2015, 12:24:55 pm »
2 na pregnancy apps gamit ko, Pregnancy Today by Baby Center at I'm Pregnant. Try ko nga rin yang What to Expect. ;D

Mahilig din ako sa spicy food at sumisipa si baby pag kumakain ako nun. Di ko alam kung naaanghangan din ba sya! Di ko alam kung maaawa ako o matutuwa. Anyway, tina-try ko na din iwasang kumain ng maanghang dahil sa heartburn.

@sweet_chloe sis pm ko sayo maya pagkauwi ko ng bahay yung mga affiliations nya at contact number nya, andun kasi sa reseta.

Thanks sis! ;D
Yes sis try mo sya nakakaaliw hehe. Oo sabi dun sa What to Expect pag 21 weeks pala daw nakakalasa na sya so if gusto mo maglilikot sya spicy foods at malamig na beverages gagalaw sya ng gagalaw. Then they take a nap for 14 hours tapos yung sense of touch nila sensitive na at week 22 tapos yung mga experience ng other mommies as well as mga tips daily sya meron :)

Tiana

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #451 on: March 24, 2015, 12:28:19 pm »
Hello mommies  pa join po, Im 15 weeks preggy na EDD Sept 12. Ask ko lang po kung meron dito balak manganak sa Commonwealth hospital tabi ng SM Fairview, baka may mairerecommend kayo sa akin na ok na OB na sure na makakapalagayan ng loob & yung hindi mahal maningil.. Balak ko magpalit ng OB, ok naman yung OB ko magaling naman kaya lang hindi ko maintindihan parang hindi parin ako palagay.

anne01

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #452 on: March 24, 2015, 12:54:07 pm »
@sweet_chloe yung ob ko sonologist din sya Dr Alexandra Mallari.. mura lang yung consultation fee 400 sa capitol medical center ako nagpapa check-up.. wala syang sariling machine sa capitol ako nagpapa us.. tvs is 1670 si dra din ang mag US yung pelvic di ko lam eh.. kasi free US nya sakin.. and she allowed hubby to video it pa... hehe!!! and baka meron nung sinasabi na parang malong sa baby expo or sa babypalooza... need to put that on my list!!!

got married at 25.. got pregnant last year at 32.. yeah.. it took us 7 yrs... i had pcos and cushings syndrome.. so blessing talaga si baby samin....

@itsnikimendoza grabe ako rin sumusikip na damit ko.. para ngang itong week na to biglang laki ng tummy ko... nahahalata na sya... my edd is sept 3.. halos sabay talaga tayo...

about sa bra size.. im using my sports bra.. kasi walang wire.. medyo mas malaki sya ngyon though meron talag naman akong boobs ehh.. not that big not small either... pero ngayon it's bigger... may bra extension naman n nabibili eh.. mura lang sa sm.. sogo yung brand... may mas maganda di ko matandaan yung brand eh.. may garter pa yung extender...

@ellabear and @tiana welcome to the thread!!! feel free to share and ask questions.. so we could learn from  another!!!

well since i am a first time mom and matagal pa talaga yung edd ko ... pero kasi by next month meron ng mga bazaars and baby expo... actually i am making a list kung ano ba talaga yung mga newborn essentials... para ma priority what i need to buy and what i want to buy.. since like me i still have around 5 months to save diba for delivery and for the baby needs...  Thanks sissies!!

anne01

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #453 on: March 24, 2015, 12:59:03 pm »
Hello mommies  pa join po, Im 15 weeks preggy na EDD Sept 12. Ask ko lang po kung meron dito balak manganak sa Commonwealth hospital tabi ng SM Fairview, baka may mairerecommend kayo sa akin na ok na OB na sure na makakapalagayan ng loob & yung hindi mahal maningil.. Balak ko magpalit ng OB, ok naman yung OB ko magaling naman kaya lang hindi ko maintindihan parang hindi parin ako palagay.

sis merong thread dito sa gt about commonweath hospital and check mo rin dun sa thread na magkano binayaran mo s panganganak.. meron silang recommendations kung sino ob and how much it costs them nun delivery nila... balak ko rin sana din kaya lang ang kayo ehh... traffic pa..

budzwhiz

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #454 on: March 24, 2015, 01:41:05 pm »
@arragalang yung batok mo hindi naman nangitim sis? :D

I'm 21. Hubby and I got married last year lang, and buntis agad. Haha! It was unplanned, gusto ko sana mga 3 years muna, kaso loko loko tong si hubby e... Kaya lungkut-lungkutan pa ko nung una.

Muka pa rin daw akong highschool.. So I guess pag nakikita ako ng mga tao feeling nila buntis akong katorse. Wahaha. :P

Ako man hindi yata comfortable magBF sa labas.. siguro magbabaon nalang or sa BFing station.. bahala na. Di rin naman kasi ako nagsspaghetti or short shorts.. What more BFing in public. Kahit may cover pa yan. Hehe. :)

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #455 on: March 24, 2015, 02:17:24 pm »
Graaaabeee ang dami agad reply!! :))

Unahin ko na sis na gusto manganak sa Commonwealth Hosp :) ako din dun!

@Tiana: hello and welcome and congrats! :) sa Commonwealth Hosp din ako manganganak. My OB is Dra. Rowena Vega. She's very nice, pretty too! clean and all. Madali sya hagilapin and ibibigay nya number nya sayo agad for emergencies. Nirefer lang din sya sakin and finally sakanya na ko nag settle. P400/checkup ang singil samin, mura ng 100 kasi 500 ang regular checkup sa CHMC. Ang rate nya samin for NSD ay 40-50k, CS syempre doble. Ang schedule nya isa MWF 9am-12pm. This coming friday ang balik ko sakanya. Mention kita you want?

@budzwhiz: hindi sis, as in kilikili lang :)). Sana wala nang umitim pa. Haha nakakainis kasi.

@tintin19 & @sweet_chloe: meron din ako nyan! Hehe nakakatuwa lang pero minsan weird yung comparison ng size ni baby sa app nila. Last week ang sabi ng app sakin "Your baby is about the same size of a Spaghetti Squash" 0.0 anoo yoon?! Haha! Cute! Mero din ako nung fetal doppler na app. :)

@ashleycole: same kayo ng age ng tita ko na kasabay ko preggy. Kaso lang super highrisk nya, tinahi panga yung cervix nya para masave yung baby kasi may one time super lapit na nya malaglag. Thank god naman okay na sila ngayon and manganganak na si tita sa May. :) ingat ingat ka din lagi.

Ngapala mommies, sale sa Lazada ngayon hehe. Bumili lang ako ng FisherPrice Digital Thermometer (125), FisherPrice Washable breast pads (150) tsaka yung Mamy Poko na naka promo for Newborn 56pcs with free medium size pack 20pcs (250) :) ayan hehe Cash on Delivery. Tapos kanina nag grocery ako, bumili lang ako ng parang organizer dun sa Japan Store. Lalagyan ng mga kung ano ano ni baby.
« Last Edit: March 24, 2015, 03:24:43 pm by arragalang »

chrntngrn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #456 on: March 24, 2015, 03:54:54 pm »
@anne01, gusto ko na rin mamili kahit hindi ko pa alam sex ni baby tas nakaka tempt pa mga sale ngayon. Pero hintayin ko na lang Babypalooza sa May. Sana para rin siyang grand baby fair!  ;D

@arragalang and @tintin19, lalaki pa daw ang boobs after manganak, lalo na kung magtutuloy tuloy mag breastfeed.  ;D May mga nursing bras na parang tube top, sa mga online seller ko nakita yun e. Meron din yung parang sports bra lang pero may latch access. Nakaka intimidate talaga yung mga size ng nursing bras, ang lalaki talaga ng mga cups, pati band size pero nasurprise talaga ako may nagkasya, ang sikip pa! E ang size ng bra ko bago nabuntis 32b lang. Mukha lang talagang malaki boobs ko kasi nga ang liit ng katawan ko. Naku sana lang talaga totoo yung sinabi ng GP namin na kaya may mga bukol ako sa breasts dati e dahil sa malaki ang mga glands ko, marami daw mastore na breastmilk if ever.

Wala na ring saysay bumili ng bra extender kasi mga yung mga bralettes ko yung mga garter na lang, pero kahit lacy siya, hindi siya makati. Yun nga lang kung hindi inverted/semi inverted and nips mo, wag na wag isuot pag lalabas ng bahay dahil for sure nips showcase galore!  ;D Nung first trimester ako naiirita sa boobs ko, sobrang sensitive at masakit. Sanay ako mag bra pero hindi talaga ako nagsusuot ng bra nung mga time na yun lalo na pag nasa bahay.

Nakaka frustrate lang for me mamili sa maternity section ng SM pati Landmark, pano kasi ang hanap ko talaga shorts, e yung pinaka maliit sobrang laki. And hindi rin ako pwede mag leggings kasi magmumukha akong naglalakad na kawayan  ;D so talagang dresses lang. Madalas na nabili ko e puro maxi dress, para pwede pa maisuot kahit after na manganak.

28 na ako, pero palaging napapagkamalang teenager kasi nga ang payat ko, kaya si boyfriend minsan naaalangan pag lumalabas kami, kasi feeling niya mukha daw kaming mag ama.  ;D Sa totoo lang never ko nakita sarili ko na mabubuntis at 28, feeling ko kase either tatanda akong dalaga at magkocross stitch at mag aalaga ng lang nga mga pusa habang buhay or magkaka pamilya pag nasa 30s na. E kaso 'tong si boyfriend gusto manigurado, ayun, may matres pala ako at gumagana!  ;D

« Last Edit: March 24, 2015, 04:04:15 pm by chrntngrn »

kymmiiee

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #457 on: March 24, 2015, 05:29:58 pm »
@arragalang Sis lumaki mata ko sa offer ng Mamy Poko sa Lazada. Haha. Kaya lang sinearch ko wala na ata. Sobra mura nun. Pero kung meron man parang alangan pa rin ako lasi 5 weeks na baby ko, di ko alam kung kasya pa newborn. :D Will check Lazada na lagi.

loranth

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #458 on: March 24, 2015, 07:42:39 pm »
Weeeeee daming information and stories na sobrang nakakatuwa!!!! :)  Inisa-isa ko lahat...

sa mga nanghihingi ng boobs madamj po ako...hahaha madami na nagsasabi sobrang laki na ng boobies ko, currently at 27 weeks. 36C na bra sa Triumph masikip na sakin. Planning to buy new ones and a friend suggested na yung mga mura lang since pagka panganak eh baka di na magamit,sayang. Pre pregnancy 34C lang ako , hirap na huminga minsannpag naka bra teehee :) sobrang laki at itim na din areolas ko...


sa preggy clothes naman since jeans eh sobrang hindi na kasya, maxi dresses and garterised skirts aside sa leggings mga binili ko para pag nanganak magagamit pa din hehe ayaw ko kasi yung mga maternity clothes na typical..dapat kahit preggy fashionista pa din.pampalubag loob sa mga naglalakihang parte ng katawan...

when it comes to darkening of some areas, sa singit talaga problema ko...armpits hindi masyado nanaig ang kadiliman kasi 1st trimester until now kalamansi lang gamit sa UA, iwas chemicals pero since magsusummer hindi na ata kakayanin......hahaha namamawis na minsan...

sa pag backread ko or sa other forums...before delivery like sa last tri, nagtetake na ng vitamins to increase milk supply and malunggay helps alot. Nakita ko FB page ng babymamaph at may mga mommies na nagseshare ng stash of milk nila..sana ganon din tayo lahat para healthy si baby..


sino sa mga mommies dito may stretchmarks and do you use creams or lotions, according kasi sa nabasa ko hindi daw talaga maiwasan kahit anong pahid mo... anyone experiencing early signs of manas na din? :)


sa amin ni baby daddy unexpected din but it was happily accepted kasi we are both 28 years old na din. Di ko rin iniexpect since matagal na ako TTC normal menstruation but ngayon lang najackpot...tanda ko nga date eh haha TMI sorry


good luck sa atin lahat :)





arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #459 on: March 24, 2015, 08:11:21 pm »
@chrntngrn: haha so may pagasa pa itong lumaki! :)) cup b kana bago kapa mapreggy jusko hiyang hiya naman talaga ako :)) ako A lang :))

@kymmiiee: oh diba bongga! Hindi pala sya newborn size, Small na, tapos yung Power Slim, ang dami kasing good reviews kahit sa mga forum and friends ko mas nagustuhan nila. Soldout na agad? Grabe! :)) swerte ko. Mag tingin ka lang lagi dun, ang daming sale :)

@loranth: ang saya kasi pag active yung thread lalo pa at halos magkakasabay manganganak dito :) sis mag backread kapa ng onti regarding sa stretchmark, nirecommend ko na kasi yung Argan Oil, research ka. Si mommy o9kristin palang ang nakaka order sakin. For me no stretchmarks since day 1. You can look din ibang brands ng Argan Oil then research. Pero if type mo pwede sakin mag order kaso na soldout na yung 30ml namin, puro 10ml nalang natira. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close