@clariego and @abbina, yup, palagi ko complain yang mga pains pains na yan. Ngayon naman sa left side na balakang, pero sabi ng mama ko, normal lang daw yun na magsasakit ang balakang.
@tintin19, sabi sa BFP, talagang tiyaga lang daw ang pag BF. Hindi porke sa umpisa e sa tingin mo walang milk na nalabas e give up ka na and mag resort na sa formula. Wala nga daw sa option ang formula milk e hehe kase ang bodies ng babae is designed to produce milk. Buti na lang din talaga marami rami na rin hospitals ang BF advocate, mas naexcite ako sa Unang Yakap e.

Sa BFP, may nagpost ng picture na blood yung lumabas sa kanya, medyo shokot! Pero maganda kasi talagang iniencourage ng mga mommies yung mga newbies na wag tumigil kahit anong hirap.
@arragalang, naku sobrang active ng mga mommies sa group na yun, sabog minsan notifs ko. Chos!
@budzwhiz, nag iba din kulay sa ken, pero onti lang, mas napansin ko kasi lumaki yung areolas ko.
Relate na relate sa boobs. Hahaha! May nakuha pa ngang magtanong sa akin kung nagpa boob job daw ba ako (kasi nga hindi ko pa inaannounce pregnancy ko). Bumili ako ng nursing bra, ako pa choosy kasi okay sa cup, kaso ang band size ang pinaka maliit is 34. So no choice, sabi ko siguro naman magkakasya rin. Sinukat ko pag uwi, hindi ko na nga mailock, umaapaw pa ang boobs ko sa cup hahahaha! Mas malaki pa nga ang mga boobs ko kesa sa tiyan ko.
Bumili din ako ng denim dress, ewan ko ba pero kinuha kong size e XS, naisip ko overrun kasi, and usually kahit overruns malaki pa rin sa kin kahit XS na. Ayun, hindi ko maisuot sa ulo, buti puro buttons yung harap kaya naisuot ko pa, kaso pumuputok na sa chest area. Mga hanggang next month ko na lang siguro masusuot yun. Wala na ako maisuot sa mga dati kong bra, sanay ako sa underwire pero mula nabuntis, yung mga bralettes ko ang pinagsusuot ko.