@anne01, gusto ko na rin mamili kahit hindi ko pa alam sex ni baby tas nakaka tempt pa mga sale ngayon. Pero hintayin ko na lang Babypalooza sa May. Sana para rin siyang grand baby fair!

@arragalang and @tintin19, lalaki pa daw ang boobs after manganak, lalo na kung magtutuloy tuloy mag breastfeed.

May mga nursing bras na parang tube top, sa mga online seller ko nakita yun e. Meron din yung parang sports bra lang pero may latch access. Nakaka intimidate talaga yung mga size ng nursing bras, ang lalaki talaga ng mga cups, pati band size pero nasurprise talaga ako may nagkasya, ang sikip pa! E ang size ng bra ko bago nabuntis 32b lang. Mukha lang talagang malaki boobs ko kasi nga ang liit ng katawan ko. Naku sana lang talaga totoo yung sinabi ng GP namin na kaya may mga bukol ako sa breasts dati e dahil sa malaki ang mga glands ko, marami daw mastore na breastmilk if ever.
Wala na ring saysay bumili ng bra extender kasi mga yung mga bralettes ko yung mga garter na lang, pero kahit lacy siya, hindi siya makati. Yun nga lang kung hindi inverted/semi inverted and nips mo, wag na wag isuot pag lalabas ng bahay dahil for sure nips showcase galore!

Nung first trimester ako naiirita sa boobs ko, sobrang sensitive at masakit. Sanay ako mag bra pero hindi talaga ako nagsusuot ng bra nung mga time na yun lalo na pag nasa bahay.
Nakaka frustrate lang for me mamili sa maternity section ng SM pati Landmark, pano kasi ang hanap ko talaga shorts, e yung pinaka maliit sobrang laki. And hindi rin ako pwede mag leggings kasi magmumukha akong naglalakad na kawayan

so talagang dresses lang. Madalas na nabili ko e puro maxi dress, para pwede pa maisuot kahit after na manganak.
28 na ako, pero palaging napapagkamalang teenager kasi nga ang payat ko, kaya si boyfriend minsan naaalangan pag lumalabas kami, kasi feeling niya mukha daw kaming mag ama.

Sa totoo lang never ko nakita sarili ko na mabubuntis at 28, feeling ko kase either tatanda akong dalaga at magkocross stitch at mag aalaga ng lang nga mga pusa habang buhay or magkaka pamilya pag nasa 30s na. E kaso 'tong si boyfriend gusto manigurado, ayun, may matres pala ako at gumagana!
