Hi mga sisters, (baka po masyadong mahaba)
Thank you sa mga responses niyo ha. I just took the test, the link given for self-test and I scored 25 out of 27. Depression nga ba ito? Minsan kasi before, nung hindi pa ako annulled, na-depress ako and I was helped by our co-girltalker Aquacharly and I met Ms. Rose Yenko. The session helped me pero paguwi ko non and kinuwento ko kay husband (bf ko pa siya non), his response dun is "alam mo naman talaga yung sagot sa mga problema mo eh, hindi mo na kailangan ng ganon." Kahit sa mga marriage counselling, same ang response niya about it. Hindi daw kasi siya naniniwala sa ganon. Even my son, nung pina-psych therapy ko siya kasi he was having a hard time focusing sa studies niya and nag-repeat yung son ko, ang response ng husband ko doon eh pera-pera lang naman daw yun.
Isa-isahin ko mga mga sis yung mga responses niyo sa akin ha:
Sis
@FayeP, I'm a bit better. Nakalabas ako ang nagpunta sa UN Day ng son ko. Small school lang kasi yung pinag enrol ko sa son ko. Dumating ang parents ko, nag self-pity ng konti kasi I felt na hindi ako proud sa school na pinag-enrollan ko sa son ko kasi napag aral ako sa exclusive school ng parents ko. I shrugged that feeling off naman agad. Masaya ako kasi nakapag attend ako ng event sa school ng son ko, which usually hindi ako nakakapunta dala ng pagod sa work.
Sis
@maiandra, sa pag align ng budget, ayan kanina sinimulan ko na isulat sa papel. Para ma discuss ko sa kanya lahat paano ba namin aayusin yung finances namin na fair naman sa akin. Sa totoo lang, yung pera dati, ang sabi niya iaabot na lang niya sa akin then ako na bahala. Pero in the long run, pa onti ng pa onti na lang yung binibigay niya. Kaya naman nung birthday ko, when he asked me what gift do I want? Sa totoo lang, refrigerator sana na mas malaki kasi napakaliit lang ng refrigerator namin. Pero naisip ko, kaya ko naman mabuhay ng maliit ang refrigerator. So inisip ko pa din siya. Ang gusto niya magkaron ng bagong laptop. Kaya sinabi ko laptop ang gusto ko, para may magamit siya sa bahay.
Sis, sa ngayon naiisip ko - ang mga babae pala parang walang time pala dapat ma depress.

Kaya ngayon, habang nag ttype ako iniisip ko kakayanin ko lahat. Mas okay na ako kaysa sa kahapon. I will try to fix this with my husband kahit na feeling ko depressed pa din ako. Hindi kasi pwedeng ma-depress. Lalong lalo na, nakita ko na hindi pa na-approve yung sickleave ko and SSS sickleave ko. Wala tuloy akong sweldo. Heto ang kinahinatnan ng pagka-depress ko.
Sis
@Girltalker2, minsan lang magtaas ng boses pag nag uusap kami, usually ang response namin ay sarcastic ang dating. Ang nangyayari kasi pag nag aargue kami sis, we stop it agad. We don't talk. Ayaw namin siguro mag full blown na away? Kaya biglang magsstop na lang ako magsalita at siya rin tapos hindi na magpapansinan kahit na may gusto pa kaming sabihin sa isa't-isa.
The truth is, tama ka nga sa kinakatakot mo. I am guilty na mas focused ako sa husband ko kesa sa son ko.

Matagal ko nang napansin ito and I feel so bad about it. That's why until now I am working on it. Pag wala yung husband ko, I make sure na magkasama kami sa bed ng son ko or we go out. Sis, nakuha mo lahat. Sa totoo lang, I hate to admit it but minsan nafefee/naiisipl ko sana hindi na lang ako nag-asawa ulit. Mas okay kasi kami ng son ko nung kami na lang dalawa. Pero nung dumating yung annulment papers, nagpropose na si husband. One month after, kinasal na ulit ako. I don't want to think about it pero I admit, pumasok sa isip ko na ganon nga. Mas lalong lumaki kasi expenses ko.

Sis
@langley, thank you. As in, thank you for the prayer. Naiyak ako sobra. Tama ka naman sa mga sinabi mo, sa sinabi niyong lahat. Thank you. Nagprpray ako everyday, nasa tabi ko lang ang bible, we go to Church as one family. Gusto ko ma overcome ko na ito talaga. And I do wish you can pray for me on Monday for the courage to get back to work again.
Sis
@glamorosa_09 and
khaleesiCersei, yes I feel that I am really depressed. Ang hirap ng ganitong pakiramdam. Ang hirap bumangon ulit. I wish I can seek professional help pero the truth is... wala talaga. P95.00 ang laman ng atm ko, after two months of medicines, expenses, monthly amortization, condo dues, water, electric, tuition, yaya, school service, food. Hindi naman covered ng card namin ang psych doctors.
Right now inaantay ko ang response ng husband ko regarding not getting any from my salary.
But I know God will provide. Kaya ko na ito. Kakayanin ko ito.