watch now

Author Topic: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2  (Read 57362 times)

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #380 on: November 26, 2014, 11:04:12 am »
@Adam1025: Sis, yung friend ko na nanganak last week (37weeks siya) sabi niya pagka-37th week niya, start na siya magwalking, akyat baba sa hagdan tapos kain ng pinya :) Ayun 37w3d nanganak na siya. Pero hindi siya sure kung effective ba talaga or talagang time na ni baby lumabas hehe.

@mslcgrey: Akin din sis di nagpprotrude pa ang mga siko at paa hehe! Excited na din ako!

We did some squatting positions for labour last night sa birthing class...haha kelangan ng practice nun kasi kagabi unang squat ko medyo mahirap :P So pwede nakasquat pero nakasandal para mas madali. Just make sure wala daw pressure sa pelvis. Meron din naka-kneel tapos open wide ang legs tapos naka lean forward ka sa couch/bed. Para mas madali may pillow between feet and butt. Tapos during contractions pinakita din sa husbands paano at saan ippress down for pressure (sa tailbone saka yung sa baba ng bandang pwesto ng dimples above the bum -- pero sasabihin naman daw natin yun kung san masakit when that time comes). Mas makakatulong daw ang pag press down kesa circular motion during contractions -- pag daw in between contractions, ok daw ang massage :)

We also talked about pain relief during labour, Entonox (laughing gas), Epidural and Pethidine (similar drug to morphine and heroin). Parang nakakatakot naman ang Pethidine kasi it could affect the baby na baka maging sleepy din daw ang baby at di makapaglatch kasi sleepy. Tapos nakakatakot din epidural lalo na sa complications. Yung friend ko who gave birth 13 years ago, gas daw ang binigay sakanya eh :) OK naman daw.


Adam1025

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #381 on: November 26, 2014, 12:53:54 pm »
Sis mslcgrey sometimes I'm doing kegel exercise although di ko alam if gaanu katagal ang dapat. Then since nasa house lang ako, short walk lang din ako around the house and yun nga kapag gumagala din kami during weekend. Problem ko lang lately sobrang dalas ko mag-pee kaya pag nasa mall ang dalas ko sa toilet, and naiinis ako sa ibang mall na di well-maintained ang cleanliness ng toilet  :-\

Sis preggygielian wow galing naman ng friend mo 37W3D lang nanganak na sya? Normal delivery sya sis? I'll take note of the pinya baka makatulong nga hehe. Parang enjoy din ang birthing class mo sis dami mo matututunan. Kanina morning naood lang ako ng simple zumba sa youtube and sinabayan ko din pero 15mins pa lang yata hinihingal na ako grabe hays.

My baby's movement is not the super violent na umaalon sometimes more of tumutukod na nga sya madalas yung paa malapit sa ribs di naman sobrang sakit.

bonnysolace

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #382 on: November 26, 2014, 01:08:32 pm »
Meron po ba ditong mga may anterior placenta? I am 29 weeks preggy (based sa UTz pero 28 weeks based sa LMP) and required to count kicks pero pang 2 days na ngayong hindi ko masyadong maramdaman si lo na active talaga. No bleeding, no contraction pero do I have to be worried na 2 days nang hindi masyadong active si lo? This isn't the first time na hindi siya masyado nagpaparamdam. Before, I'm not worried kasi anterior nga ako pero now that I am required to count kicks, dapat ba? Sa mga may anterior placenta, kelan kayo nag-start mag-count ng kicks? Sa Saturday ko pa makikita ulit si OB...

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #383 on: November 26, 2014, 01:41:01 pm »
@Adam1025: Yes sis masaya siya kasi madami nalalaman eheh pero hindi fun fun :P haha...medyo hirap asawa ko intindihin yung midwife minsan kasi French accent ang English haha! pero saakin ang sarap sarap niya pakinggan..nakakarelax :D Yes sis, NSD yung friend ko na nanganak nung 37w3d. Naku sis, easy ka lang sa exercises...lalo na kung hindi ka naman nageexercise dati. Don't start new exercises daw pag preggy (based sa mga nabasa ko). Ako ngayon mabilis padin maglakad sa umaga (hahaha kasi malelate na ako -- to think na 10mins walk lang ako from the office!) di pa naman hinihingal pero may times talaga na after magpee para bang may naipit sa singit tapos masakit maglakad - twice na nangyare to sakin.

@bonnysolace: Anterior placenta din ako...Sis have you tried resting tapos magcount? Kasi pansin ko din ako minsan throughout the day parang di ko siya ramdam...tapos pag uwi ko...minsan wala pa din pero once umupo na ako sa sofa or humiga sa kama at talagang magfocus ako sa kicks, I could easily count 10 within 30 mins. Also, sa pregnancy book ko naman, sabi counting kicks daw could make mothers crazy...kaya alamin nalang ang pattern tapos iobserve siya. Ako naman ginagawa ko siya parehas. May pattern na kasi ang baby ko kaya pag nasipa siya sa oras na alam kong nasipa siya on other days, ok lang ako...pag minsan hindi (like pag di siya ang alarm clock ko sa umaga, where he usually is), saka ako nagcount. My OB here told me start pa ako mag count ng kicks ay 32 weeks pa daw eh. Haha weird lang kasi alam ko ang normal reco ng OBs eh 28 weeks ang start mag count.
« Last Edit: November 26, 2014, 01:43:50 pm by preggygielian »

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #384 on: November 26, 2014, 01:49:50 pm »
Sis Adam1025, ok na yang ginagawa mo at least may konting exercise ka pa rin. About kegel exercise, target is to be able to do it continuously for 10 minutes per day.

^^sis bonnysolace, pili ka ng time in a day na mas madalas mong napapansin na magalaw si baby. Dapat in 2 hours maka-10 movements siya. If wala pang-10, have a snack then lie down ka then count uli. If wala pa ring 20 movements in 2 hours, go directly sa hospital to have your baby checked for distress. Baka rin sis you are very busy lately kaya kahit gumagalaw si baby  hindi mo napapansin. Mas okay magcount if nakahiga or basta you are in a relax position. Take note also, may times din talaga na wala lang sa mood maglikot si baby.
« Last Edit: November 26, 2014, 01:54:20 pm by mslcgrey »

baby_peanut

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #385 on: November 26, 2014, 04:37:36 pm »
Sakin very obvious na ang movement ni baby as early as 28 weeks. Natutuwa nga ako kapag tumutukod yung siko or sakong nya e tapos kikilitiin ko heheh. Halos buong araw siyang active, kasi nakaupo lang naman ako dito sa office. Nawawala lang ako sa focus sa kanya kapag may niru rush lang akong trabaho heheh.

Mga sis, panong kick ba yung bibilangin? yung as in sipa lang ba o yung feeling na may nagsa somersault sa tummy natin?

Ako naman kapag napapasobra ng lakad, mas lalo akong minamanas. Diba sabi nila kapag minamanas, ilakad lang daw?

Saka ilang weeks ba dapat mag file ng ML? Due ko kasi Jan 25, 40w ko pala yun. Plano ko sana hanggat kaya ko pang ipasok e papasok pa din ako.

lakwatsa

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #386 on: November 26, 2014, 04:48:51 pm »
@abbmg, buy ka na lang sis ng konting 0-3 tapos more on 3-6 na lang. actually depende kasi yun sa size ni baby paglabas e. pag maliit lang si baby e useful sa kanya ng matagal tagal yun mga NB size pero kung malaki nakupo 3-6 na agad yan size nyan hehe.

@darcey_bebe, oo sis nawawala naman yun GDM pagkapanganak although sabi nila may risk ka for diabetes later on in life daw.

@ehlabart, wow ang galing naman sis! parang lahat ng tables may representative tayo dito sa thread ha. haha!  ;D

@baby_peanut, lahat ng klase ng galaw sis liban lang sa hiccups.

galing naman ako sa 3d/4d rescan ko kanina. ang cute na ni baby may laman na yun cheeks nya. 30w4d ako today. last week medyo payat pa e. at confirmed na carbon copy ng daddy nya kaya ayun tuwang tuwa yung isa hehe. andami lang cord na nakaharang sa mukha nya pero buti nakakuha na ng magandang angle si doc at di na shy si bebe nagpapakita na ng face. :D

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #387 on: November 26, 2014, 04:52:31 pm »
^basta gumalaw si baby counted whether parang sipa or parang nag-wave yung tummy.

Baka kulang ka sa water? Or too much salt sa diet? Or may preggy lang na prone sa manas.

Tom ko pa lang plan pumunta sa hr namin to ask about maternity leave requirements.

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #388 on: November 26, 2014, 05:15:33 pm »
@lakwatsa: Weeee! Nakakatuwa naman yun sis! Nakita mo na si baby at kamukang kamukha ng daddy niya :D Anterior placenta ka din ba? Ako naman ang 3d4d scan ko sa Dec 9 sa wedding anniv namin (29w2d) hehe pero dahil nasa harap ang placenta ko, best daw na earlier (like what sis Adam1025 said too). Na-excite ako lalo dahil sa kwento mo. :) Nga pala sis! Nabili nadin namin ang Graco Playard kagabi hahaha..nashock ang asawa ko at bibili na kami kagabi after birthing class. Laughtrip pa ang toys r us na branch, nasa central na kami...nagpunta pa kami causewaybay kasi dun kami huling nakakita at ang may stock na branch ay sa central pala! Toinks! Pagod haha salamat ulit sa pagsabi sakin na sale! :D
« Last Edit: November 26, 2014, 05:21:37 pm by preggygielian »

baby_peanut

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #389 on: November 26, 2014, 05:23:21 pm »
Thanks sis lakwatsa and mslcgrey  :)

Sis mslcgrey, halos bandehado na ang naiinom kong tubig sis. Pero baka dahil too much salt sa diet hehe. Sa ngayon di naman siya manas manas, sa gabi habang massage ni hubby yung paa ko, pinaglalaruan nya, pinipindot pindot nya tapos tuwang tuwang kasi bumabaon yung bakat. Loko at masaya pa siya hehe.

Nung nagfetal biometry kami last Monday, nagpasabay ako ng 3d shots kay baby. May promo kasi ang The Womb na 1500php, tapos may B/W and colored pictures na kasama aside sa OB Report. Ask ko sila when is the best time to have 4D, sabi 32 weeks kapag later na kasi mahirap na dahil malaki na daw ang tyan. E since nakita na namin si baby ng 31w plus may 3d pictures na din kami, di na kami magpapa 4d.

Adam1025

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #390 on: November 26, 2014, 06:32:32 pm »
Sis bonnysolace I'm anterior placenta din and dati din meron time na feeling ko less active si baby, tama advises ng mga sis natin try to lie down or seat sa couch normally dun mo mas mafe-feel movements ni baby, basta have a quiet time twice a day then count the kicks. I think normal naman na minsan sobrang active si baby then may days na medyo behave sya basta meron atleast 10movements within 2hours then you are ok pero sis pag feeling mo as in sobrang dalang check with your OB na din to be sure. :)

Sis preggygielian ang galing naman ng friend mo NSD tapos 37W3D, sana ganyan din ako and tayo lahat hehe. Nung second trimester ko sis nag zumba na din ako for preggy, pero ngayon talaga grabe sandali pa lang super hingal na although like you mabilis naman din ako maglakad until now.


lakwatsa

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #391 on: November 27, 2014, 09:11:48 am »
@preggygielian, oo sis anterior placenta din ako. sabi nga dun sa hospital 28-32wks daw ang 3d/4d. pinasched ko yun sa kin una 29w4d kaso lang di gaano makita si baby. natatakpan ng cord na nasa harap nya tapos pag nasisilip e nagtatakip naman ng kamay. kaya yun biometry+biophysical na lang ang ginawa. at that time 3lbs 4oz na sya. tapos free rescan naman kaya pinabalik ako after 1 week so 30w4d ako kahapon. ayun ang laki ng diff! ang taba na ni baby compared sa last wk. ambilis pala talaga lumaki ng mga baby pag 3rd tri na :D tinanong ko nga yun sono kung gano na kaya kabigat kaso di na daw kasama sa rescan yun pagcheck nun. hehe

ayan! buti nakahabol ka sa sale nung playard! sayang din ang discount. pambili ng more items for baby na yun haha!  ;D kami inaabangan pa kung magkakaron uli sa s&r e.

basta mga sis pag magpapa 3d/4d kayo, ang tip nun sono e uminom daw na maraming maraming tubig before the procedure. as in mga 1 liter. para maging malinaw yun scan. yun unang punta ko kasi tinipid tipid ko pa yun tubig na dala ko kasi ayoko mawiwi during procedure tapos ayun pala kelangan bonggang dami ang ininom ko hehe. kaya ayun kahapon kinarir ko talaga pag inom ng tubig. :D

@baby_peanut, ako din minsan namamanas yun paa. ang ginagawa ko pag matutulog e ineelevate ko yun paa ko. dapat daw kasi mas mataas sya sa heart. ayun pag umaga wala na manas. tapos ayun nga bonggang dami ng tubig na lang at less salt intake.

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #392 on: November 27, 2014, 09:36:50 am »
@Adam1025: Buti sis kahit malaki na si baby sa tyan mo hindi ka padin hirap maglakad. Madami kasi na pagkalagpas nila ng 32weeks nagwawaddle na daw sila! :) Nakakaexcite..lapit mo na!!!

@lakwatsa: Totoo sis! Sabi nung nurse nung Nov 1 nag pa ultrasound sa OB ko...minsan kasi nag3D din siya basta maganda ang pwesto..kaso hirap talaga makita. Nasabihan ako ng nurse na napansin niya ilang beses ako nagwiwi habang nag-aantay ng appointment ko hehe...pero grabe ah! masakit din kasi magpigil haha! Gawin ko yan sis, kakaririn ko ang paginom ng tubig pag magpa-3d4d na kami. Ang laki na ng baby niyo! 3lb mahigit na! :) Amazing talaga! Sana magkaron na ng stock sa S&R yung hinahanap mo para makampante ka din sa seller. :)

Mga sis, nakaabang na ako sa target, carters and amazon. Hehe..kanina pagkacheck ko sa Amazon akala ko meron nanaman nag-out of stock kasi nabawasan ng almost US$60 yung cart ko -- yun pala yung LeSportSac na diaper bag na gusto ko nagsale! Kaya ayun bili na agad. Never pa kasi bumaba ng 138 yun sa ilang buwan kong inaabangan kaya kanina nung nag 88 nalang siya, di ko na papalampasin yun. Lahat ng savings kelangan na kelangan natin hehe lalo na sa first time moms na talagang ang dami daming bibilhin. :)

tiggerlily

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #393 on: November 27, 2014, 03:57:27 pm »
naku. kailangan ko pala mamili rin baka mahuli sa sale. pwede bang humingi ng copy ng excel file nyo of list of what the baby needs? ang hirap matandaan kung ano ang mga kinailangan ko noon e.

we have the following ordered or on hand na from my first born:

-bodysuits (I prefer this over the tie sides)
-thermometer
-sterilizer
-car seat
-babywearing wrap
-diaper bag
-freestyle breastpump
-5oz feeding bottle 3pcs
-9oz feeding bottle 3pcs

ano pa ba? help!!!

*panic buying mode*

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #394 on: November 27, 2014, 04:15:35 pm »
Hi sis tiggerlily, here's my list: https://www.dropbox.com/s/yggt7vvhxcvjogi/Baby%20stuff.xlsx?dl=0 :-)

Other mommies, kung may list kayo..pashare din please! :D TIA! Madami dyan sa mga nabasa ko online, sa 4th Qtr na thread and mga pinost natin dito sa thread natin a few weeks back.

Adam1025

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #395 on: November 27, 2014, 04:28:59 pm »
^sis nakakatuwa ang list mo, very organized 👏👏👏

Ako malabo na maka-order sa US because of port congestion sa pinas yung mga pinadala daw ng September probably January na makakarating ngeeekk. Yup sis di pa naman ako mukang penguin kung maglakad hehe pero napapansin ko lately nagkakaron na ng pressure sa pelvic area ko. Sobrang bigat na yung feeling kaya naka-alalay na ulit yung kamay or pag naglalakad or kahit uupo lang.

Sa mga sis natin nagte-take ng Iron naka-experience ba kayo ng comstipation? Since yesterday grabe constipated na naman ako ang hirap grabe, nag-start lang ulit etoh nung nag-take na ako ng new sets of vitamins.

sofiameredith

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #396 on: November 27, 2014, 04:36:39 pm »
^constipated din ako sis, kaya nag request ako sa OB ko kung ano magandang brand ng Iron ang itake..she suggested Trihemic kasi may pampalambot daw yung ng poop...so yung ang tinetake ko so far ok naman...

Adam1025

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #397 on: November 27, 2014, 04:45:55 pm »
^thanks sis sa feedback. Sakin kasi ang nireseta Trev Iron plus once a day then may calcium pa na twice a day naman. I'll ask my OB na lang siguro next visit if pwede palitan kasi ang hirap talaga ayaw ko naman sumobrangire baka si baby ang lumabas hehe  ;)

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #398 on: November 27, 2014, 04:49:12 pm »
@Adam1025: Buti sis di pa naman penguin hehe! Nung huling ultrasound mo ba head down na si baby? :) Baka pababa na siya dun kaya may pressure na? Haha! salamat! oo kelangan maging organised...yung copy ko actually color coded pa...kung ano ang bibilhin sa HK, alin ang nabili na or complete na at kung ano pa ang super di pa nabili at alin ang meron na konti. HAHA! May OCD lang! Nga pala, paano na pala ang going home outfit na inorder mo? Yung saakin nadeliver na sa US address ko kaso inaabangan ko pa makumpleto lahat ng bibilhin namin sa US bago ipadala dito...mga mid dec siguro kami magpapaship to HK. Excited na ako makita yung outfit!!! :D

Constipated din ako this week, nakakaloka...buti meron na ako hemorrhoid cream at di pa nagbbleed ulit habang nagpapass ng stool. This saturday I'll ask OB kung ok ba ang stool softener at bibigyan ba niya ba ako ng more Iron. Napansin ko kasi Multivitamin (Materna) everyday and Caltrate every other day lang ang iniinom ko, mababa ang Iron intake ko (from meds).

Adam1025

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #399 on: November 27, 2014, 05:27:37 pm »
^yes sis naka-pwesto na daw si baby kaya nga siguro sumasakit na malapitsa vajayjay ko hehe. Dumating na kahapon yung order ko na going home outfit sa etsy kaya lalo tuloy ako na-excite yun lang order ko from US pikit mata na lang sa shipping fee hehe.

Buti sis di na nagreklamo si hubby mo muka ang dami orders haha, gamitin ko sis yung list mo ha ako kasi wala excel file sa notes lang kaya madalas bigla nade-delete.

May hemorrhoid na din ako buti na lang wala naman bleeding, pero sobrang hirap talaga pag constipated.  :-\

 

Latest Stories

Load More Stories
Close