hello mga sissies!! matagal tagal din ang last post ko dito.. kamusta ang mga buntis?

as me, last friday nagpa check up ako sa BF Las Pinas kay Tita OB. At 22weeks, hindi pa namin nakita ang gender ni baby

malikot sya sa ultrasound and biglang tumalikod nung chine check na namin ang gender nya

wala pa rin akong sipang malakas nararamdaman, mga parang pitik pitik pa lang ang nararamdaman ko. then kapag gabi, tinatapat ni hubby ang tenga nya sa tummy ko, naririnig daw nya na malikot si baby kaya iniisip ko mukhang daddy's baby ang magiging anak ko hahahaha

hindi pa ako nagpapa OGTT. request lang sa akin ngayon is ultrasound with congenital down syndrome screening. kailangan ko daw yun kasi 35yrs old na akong nagbuntis (late bloomer hahahaha) nag inquire na ako sa malapit na hospitals dito sa calamba, so far ang pinaka murang napagtanungan ko is
[textspeak!] St John or PAMANA, 3D na sya 1800 pero sa body lang at kasama na ang consultation tapos ang maganda OB-SONO ang titingin

then sa face naman may laguna diagnostic center, 4D naman 1500 ang bayad may CD.
Buti na lang talaga libre si Tita OB, hahaha halos lahat napupunta sa mga vitamins, gamot at mga laboratories ko
andi16 hello sis! ako din minsan nakaka experience ng shortness of breath especially kapag nakakatulog akong on my back
Adam1025 kamusta sis? nakakita ka ng OB? ang bigat na ni Baby, 4lbs!! Si baby ko hindi ko pa rin nararamdaman though meron akong nararamdaman na parang pitik pitik pa lang

Sa Mayapa ka pala, kilala mo ba si Dra. Garcia? magaling na doctor, sya ang doctor ng hipag ko dati. CS sya then nanganak sya sa JP pero private room kasi CS.
_AiaH_ hi sis, kamusta? Bagong vitamins ko for second trimester are trev-iron tapos caltrate plus
preggygielian how are you na sis? do u still experience
[textspeak!] sharp pain bandang left side? minsan ako nakakaranas ng konting pain lang naman minsan kapag umiihi ako.
mslcgrey malapit lang din sa amin ni sis Adam1025

mganda din sa st.john or PAMANA na tawag sa kanya ngayon.
jell-00 hello sis, congrats!! Buti ka pa alam mo na ang gender ng baby mo, sa akin mahiyain pa hahaha.
bonnysolace hello sis, kamusta? Anong OGTT, para saan yun? Kailangan ba tlaga ang lab na ganun sa mga preggy?
chocnats hello sis, swerte mo hahaha

ako mataba nung nagbuntis, pero ngayon halos paunti unti lang na-ge-gain ko. Recently lang ako nag-gain ng weight ng bongga, hahahaha
baby_peanut hello sis, wow 30weeks na, konting sipa na lang at lalabas na si baby
lakwatsa sis para saan ang OGTT? Kasi before nagpa lipid profile ako at FBS, normal naman ang sugar level ko. Problem ko lang talaga ang Triglycerides & Cholesterol, kaya tumataas ang BP ko
Ms.Mafi hello sis, kamusta?
tiggerlily kamusta sis? kamusta ang yoga?

take care mga sissies, God bless us all
