Hello mommies! I never got to attend the baby shower

Sunday morning pa lang kasi ay nagpapasaway na si baby. Tumitigas ang tyan ko. Pati nung bandang hapon. kaya nag-self bed rest na lang ako. Last Friday kasi umalis kami at napagod ako. And then checkup ko pa ng Monday so most probably mapapagod ako ulit dahil basta lumabas kami, from morning til night yun. Hindi kasi kami palagi lumalabas. Kaya madaming errands na isinasabay once nagkaroon ng schedule para hindi sayang sa gas. Inggit much sa lahat ng nakapunta, lalo na at nakikita ko ang pictures nyo sa FB page ng smart parenting.
*joie*: swerte naman sis kung madami mamamana si baby mo. ganyan din panganay ko noon. puro carter's and other branded baby items from a friend. nakatikim pa yan ng timberland's na shoes at burberry na sweater. puros galing ng italy. kaya madaming sweater kaso likas na pawisin, kahit magtagaytay kami, di rin halos magamit.
naisip ko lang. maganda siguro magkaroon ng swap meet dito sa GT. para makatipid sa damit at gamit ni baby. yung mga nakalakihan na, pwede pang maibenta or swap for something else.
mslcgrey: paalala ko lang sa manual pump, baka kasi ma-stress ka sa pagpump. medyo nakakapagod kasi yun. although maganda rin sya kasi kontrolado mo ang pag-pump. pwede mo tagalan or bilisan - most electric pumps can't do that. ganito kasi yun, while waiting for the let-down, ang pag-stimulate mabilis na pump. kapag andyan na ang milk, pwede mo na i-press ng matagal para mas madami ang lumabas. yun naman ang advantage ng manual.
para malaman mo kung magagamit mo talaga o hindi ang isang bagay, it depends on your lifestyle. kapag masyadong mahal, I always, try to find product reviews over the internet. they usually, help me decide.
if you will be doing baby led weaning, walang gadgets na kailangan dito. just your usual meals.
Adam1025: sarap kalbuhin nyan HH nyo ha. kaasar talaga sila. minsan padadalhan mo pa yan ng pamasahe para lang makarating sa inyo tapos pagdating dito e lalayasan ka lang. amp!
there are times na at 7 months naglileak na ang breastmilk ng preggy mommies. but that doesn't mean na walang lalabas sa inyo after you give birth. husband's cousin told me wala daw syang gatas nun pinisil nya yung dodo nya after giving birth. kasi daw kaunti lang ang lumabas. ang sabi ko sa kanya, yun lang kasi ang kailangan ng baby. konting konti lang. so please do not be discouraged and never say na walang milk. attend seminars or do extensive research.
about philhealth, 3 months yun before delivery. Like kung January ka, alam ko dapat yung oct-dec ay bayad ka and dadalhin mo ang receipts nun sa hospital. di ko lang sure kung meron pang ibang dapat dalhing requirements. better ask the hospital na lang para maiprepare na sa hospital bag.
chocnats: praying for your baby sis. pwede pa naman yan magbago before you deliver.
LGV: about the avent pump. parang may nabasa ako before na meron silang repair shop sa bambang. parang doon din yata ang service center kapag binili mo yung avent pump from the mall. sorry I didn't take note of it kasi wala naman ako avent. pakisearch na lang.
archimom: how are you na sis?
iamABreal: ganyan din ako. palaging naghahanap ng pwesto. kapag hindi kumportable si baby. hindi rin sya papayag na maging kumportable ako. may sasakit at sasakit. naaawa na nga ako sa panganay ko at palagi ko napapagalitan. palagi kasi nakasiksik sa akin yan. gusto nakadikit ng nakadikit. e ang hirap kumilos kapag masikip.
_AiaH_: hoping you and baby get to your due date sis. just listen to doctor na lang. are you staying at home? madalas din tumigas ang tyan ko and when that happens, humihiga ako agad at nagtataas ng paa. I drink lots of water also. parehas pala tayo. sabi ng ob sono na nag-u/s sa akin noon e meron ako myometrial contractions at the time na nag-scan kami. and besides that nonstop ang kalikutan ni baby sa loob before 4 months pa yan ha. as in talagang feel na feel ko ang paggalaw nya. nun nagpa-CAS naman kami, hirap na hirap yung ob sono dahil sa likot. hindi pa yata nagpalipas ito ng 1 day na walang likot. e mas ok naman daw yun kaysa walang likot. happy birthday pala!
yung sa baby shower pala, hinayang na hinayang ako at nakita ko dun sa fb smart parenting pictures
na may vacant mats pa for the prenatal yoga. di bale, baka maghanap na lang ako ng malapit dito sa amin. LOL
dapat yata si smart parenting e nagsetup ng isang table for girltalkers para nagkita kita kayong lahat. next time, suggest natin. hahaha! may isa pa ba? nagutom ako sa kwento nyong masarap ang food doon.
oh yeah, I'd be on diet na pala. kasi ang laki ko na. 3 kilos ang na-gain ko in a month. pero since nabuntis naman ako e nagpa-fluctuate ang weight ko. kaso yung fundal height e malaki talaga. yung dating chinky winky booblets ko ay malaki na at nararamdaman ko na sya tumatama sa malaki ring tyan ko. nakita ko pa yung pinsan ko sa FB na 7 months na at kasinglaki ko sya at 5 months lang ako!!!

kaya bawas kanin ako ngayon. baka hindi magkasya sa balakang ko si baby at mahiwa ako. although matangkad ako, petite kasi ang built ko. pero bakit ganun, ang laki ko pero tama naman ang size ni baby from CAS?

kahapon rin nga pala namin na-confirm na girl na talaga si baby. hindi mahiyain ang baby ko bumukaka agad-agad! pero ang weird kasi di ko pa rin feel magbibili ng mga pink items. basta baby stuff lang. hindi talaga pink. in fairness, ang dami kong kakikayan lately. nag-aaral pa ako matutong mag-makeup ngayon. ako ba talaga ito?
darcey_bebe: kailangan ko rin kaya ng congenital down syndrome screening? 35 na rin ako e. but then what else can I do besides preparing for it? hindi ba napipick up ito ng newborn screening?
at 23 weeks I feel shortness of breath, backaches, hirap kumilos, uncomfortable in bed and pain around the jaw line.
praying for all mommies here to have a safe and healthy delivery!
*sorry for the long post. matagal na kasi ako hindi nakapag-update e.