watch now

Author Topic: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2  (Read 57295 times)

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #360 on: November 25, 2014, 12:47:51 pm »
^yung niece ko sa table lang pinapaliguan...nakabatcha lang! :-) ang liit niya kasi nun...parang from hip to knee lang ng ate ko ang length niya. Yung bibilhin namin..tub na may mesh na net para pwede siya dun nakapatong. Takot ako buhat buhat isang kamay tapos yung kabila eh nagpupunas or buhos ng water. Nakakatuwa naman sis anh experience niyo sa SP baby shower! :-)
« Last Edit: November 25, 2014, 12:50:37 pm by preggygielian »

Adam1025

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #361 on: November 25, 2014, 01:28:14 pm »
Sis LGV bakit CS ka na agad? Reading some labor stories nga kinakabahan na din ako, ang alam ko kasi mahina pain tolerance ko. Iniisip ko na lang wala naman siguro namamatay sa tindi ng sakit during labor  ;D i'm praying na lang if mag-labor ako makaya ko talaga normal delivery and wag na yung bigla emergency CS.

Sis preggygielian same pala tayo hehe. Fave month ko ang December and before pa lang ng wedding namin ni hubby last January niloloko na nya ako agad na dapat December this year may baby na din kami  ;D anyway basta full term sana lumabas si baby and wag mag-overdue hopefully ok na ako dun.

Sis baby_peanut ilan pounds na si baby mo during your scan sa WOMB at how many weeks? Kasi ako din lagi naman ang comment normal ang size ni baby sa age nya (during scan) although di sya considered small baby, and nung sinukat ni OB yung bump ko tama din daw laki. Pero last Sat ang age ni baby based sa utz 35W1D instead na 34W based sa LMP, sabi ni OB need ko na daw mag-diet dahil masyado daw lumalaki si baby. But I'm not gaining weight naman na ang weird. I don't want to end up CS kasi kaya ayoko sumobrang laki baby boy namin.

Ako din takot humawak ng newborn what more magpaligo kasi basa and diba madulas baka bigla mahulog sa kamay ko whaaa. I bought bath tub yung mumurahin lang then separate ko binili yung parang stand para pwede naka-higa si baby dun while di pa sya nakakaupo. Sa naw-watch ko sa youtube nilulubog si baby sa tub nya parang ayoko i-practice yun kasi baka mapasukan ng water ears nya? Buti na lang kasama ko naman mother ko sanay na sanay na sya magpaligo ng baby :)

jell-00

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #362 on: November 25, 2014, 01:37:41 pm »
hello! na eexperience niyo ba yung may times na lakas ng heart beat mo. na ramdam na ramdam mo na. natatakot kasi ako, pero hinde ko naman lagi nararamdaman may times lang. lalo na kapag nakahiga, tas parang shortness of breath na din.

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #363 on: November 25, 2014, 01:43:10 pm »
@Adam1025: Newlyweds pala kayo! :) Super sarap maging married haha kaya eto 4 years na kami in 2 weeks saka palang kami magkakababy :-P First 2.5 years namin na kasal feeling namin ayaw pa namin i-share ang love namin sa iba haha! Favourite month ko din ang December sis, aside sa wedding anniv namin, bday ko...Christmas pa na super saya na season. Ganon sis? di ka na naggegain ng weight? kay baby na lahat napupunta? Tama yang thinking na yan hehe wala naman ata namamatay sa sobrang sakit ng labor hehe..meron lang talagang magrerequest na ng kahit anong pain killers hehe!

Mamaya 2nd session namin sa birthing class at excited na akong matuto ng mga bago. Kagabi ginawa namin ng asawa ko ang homework na 5 things na most worried about and 5 things na most looking forward to about labour and birth. Parang mas madami ka maiisip tungkol sa worries noh haha!
« Last Edit: November 25, 2014, 02:24:07 pm by preggygielian »

lakwatsa

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #364 on: November 25, 2014, 02:18:24 pm »
@mslcgrey, baby_peanut and abbmg, haha mga sis kalat kalat pala tayo ng tables sa SP baby shower!  ;D dapat talaga pala nag PM PM tayo beforehand para sabay sabay tayo nagregister para naging magkakatable tayo.

kami naman sa table 4 yun nanalo sa dress the mommy na contest. prize e yun monster stuff toy na maliit tapos hand sanitizer yun nakuha ko. messy baby yata yun sponsor nun forgot ko na brand. yun sa iba surface cleaner naman yun kasama sa pouch. tapos ayun nga nanalo din ako sa guess the baby bump size pero sa raffle di ako nanalo. kalabisan na daw haha!

@abbmg, wow ok pala yun babinski na raffle prize. at least may hooded blanket ka na. yan ang di ko pa nabibili.

@preggygielian, ay true parang mas marami talaga worries haha!

baby_peanut

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #365 on: November 25, 2014, 02:39:45 pm »
Sis abbmg, ako naman once a day lang ako sa calciumade sa umaga, tapos Hemarate FA plus fresh milk sa gabi.

Pinastop nya ko sa Obimin Plus, though she gave me 2 choices kasi I still have 10 pcs pa ng Obimin, its either ubusin ko muna si Obimin then saka ako inom ng Calciumade or stop ko si Obimin, inom agad ako ng Calciumade tapos inumin ko nalang daw ulit si Obimin once I gave birth. I chose to stop the Obimin and start the Calciumade right away. At this stage kasi mas kailangan daw natin ang calcium.

Sis Adam1025, our baby weighs 3lbs 15 oz. His gestational age based on LMP is 31w 1day but as per composite sonar age (BPD, HC, AC, and FL) its 31w and 5 days. Actually nung CAS namin, malaki siya ng 6 days, ngayon malaki na lang siya ng 4 days. Nakatulong siguro yung pagstop ko ng Anmum. Si OB naman nalakihan sa bump ko kaya pinag fetal biometry ako hehe.

tiggerlily

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #366 on: November 25, 2014, 03:58:20 pm »
Hello mommies! I never got to attend the baby shower  :(  Sunday morning pa lang kasi ay nagpapasaway na si baby. Tumitigas ang tyan ko. Pati nung bandang hapon. kaya nag-self bed rest na lang ako. Last Friday kasi umalis kami at napagod ako. And then checkup ko pa ng Monday so most probably mapapagod ako ulit dahil basta lumabas kami, from morning til night yun. Hindi kasi kami palagi lumalabas. Kaya madaming errands na isinasabay once nagkaroon ng schedule para hindi sayang sa gas. Inggit much sa lahat ng nakapunta, lalo na at nakikita ko ang pictures nyo sa FB page ng smart parenting.  :D

*joie*: swerte naman sis kung madami mamamana si baby mo. ganyan din panganay ko noon. puro carter's and other branded baby items from a friend. nakatikim pa yan ng timberland's na shoes at burberry na sweater. puros galing ng italy. kaya madaming sweater kaso likas na pawisin, kahit magtagaytay kami, di rin halos magamit.

naisip ko lang. maganda siguro magkaroon ng swap meet dito sa GT. para makatipid sa damit at gamit ni baby. yung mga nakalakihan na, pwede pang maibenta or swap for something else.

mslcgrey: paalala ko lang sa manual pump, baka kasi ma-stress ka sa pagpump. medyo nakakapagod kasi yun. although maganda rin sya kasi kontrolado mo ang pag-pump. pwede mo tagalan or bilisan - most electric pumps can't do that. ganito kasi yun, while waiting for the let-down, ang pag-stimulate mabilis na pump. kapag andyan na ang milk, pwede mo na i-press ng matagal para mas madami ang lumabas. yun naman ang advantage ng manual.

para malaman mo kung magagamit mo talaga o hindi ang isang bagay, it depends on your lifestyle. kapag masyadong mahal, I always, try to find product reviews over the internet. they usually, help me decide.

if you will be doing baby led weaning, walang gadgets na kailangan dito. just your usual meals.

Adam1025: sarap kalbuhin nyan HH nyo ha. kaasar talaga sila. minsan padadalhan mo pa yan ng pamasahe para lang makarating sa inyo tapos pagdating dito e lalayasan ka lang. amp!

there are times na at 7 months naglileak na ang breastmilk ng preggy mommies. but that doesn't mean na walang lalabas sa inyo after you give birth. husband's cousin told me wala daw syang gatas nun pinisil nya yung dodo nya after giving birth. kasi daw kaunti lang ang lumabas. ang sabi ko sa kanya, yun lang kasi ang kailangan ng baby. konting konti lang. so please do not be discouraged and never say na walang milk. attend seminars or do extensive research.

about philhealth, 3 months yun before delivery. Like kung January ka, alam ko dapat yung oct-dec ay bayad ka and dadalhin mo ang receipts nun sa hospital. di ko lang sure kung meron pang ibang dapat dalhing requirements. better ask the hospital na lang para maiprepare na sa hospital bag.

chocnats: praying for your baby sis. pwede pa naman yan magbago before you deliver.

LGV: about the avent pump. parang may nabasa ako before na meron silang repair shop sa bambang. parang doon din yata ang service center kapag binili mo yung avent pump from the mall. sorry I didn't take note of it kasi wala naman ako avent. pakisearch na lang.

archimom: how are you na sis?

iamABreal: ganyan din ako. palaging naghahanap ng pwesto. kapag hindi kumportable si baby. hindi rin sya papayag na maging kumportable ako. may sasakit at sasakit. naaawa na nga ako sa panganay ko at palagi ko napapagalitan. palagi kasi nakasiksik sa akin yan. gusto nakadikit ng nakadikit. e ang hirap kumilos kapag masikip.

_AiaH_: hoping you and baby get to your due date sis. just listen to doctor na lang. are you staying at home? madalas din tumigas ang tyan ko and when that happens, humihiga ako agad at nagtataas ng paa. I drink lots of water also. parehas pala tayo. sabi ng ob sono na nag-u/s sa akin noon e meron ako myometrial contractions at the time na nag-scan kami. and besides that nonstop ang kalikutan ni baby sa loob before 4 months pa yan ha. as in talagang feel na feel ko ang paggalaw nya. nun nagpa-CAS naman kami, hirap na hirap yung ob sono dahil sa likot. hindi pa yata nagpalipas ito ng 1 day na walang likot. e mas ok naman daw yun kaysa walang likot. happy birthday pala!

yung sa baby shower pala, hinayang na hinayang ako at nakita ko dun sa fb smart parenting pictures
na may vacant mats pa for the prenatal yoga. di bale, baka maghanap na lang ako ng malapit dito sa amin. LOL

dapat yata si smart parenting e nagsetup ng isang table for girltalkers para nagkita kita kayong lahat. next time, suggest natin. hahaha! may isa pa ba? nagutom ako sa kwento nyong masarap ang food doon.

oh yeah, I'd be on diet na pala. kasi ang laki ko na. 3 kilos ang na-gain ko in a month.  pero since nabuntis naman ako e nagpa-fluctuate ang weight ko. kaso yung fundal height e malaki talaga. yung dating chinky winky booblets ko ay malaki na at nararamdaman ko na sya tumatama sa malaki ring tyan ko. nakita ko pa yung pinsan ko sa FB na 7 months na at kasinglaki ko sya at 5 months lang ako!!!  :o :o :o

kaya bawas kanin ako ngayon. baka hindi magkasya sa balakang ko si baby at mahiwa ako. although matangkad ako, petite kasi ang built ko. pero bakit ganun, ang laki ko pero tama naman ang size ni baby from CAS?  :-\

kahapon rin nga pala namin na-confirm na girl na talaga si baby. hindi mahiyain ang baby ko bumukaka agad-agad! pero ang weird kasi di ko pa rin feel magbibili ng mga pink items. basta baby stuff lang. hindi talaga pink. in fairness, ang dami kong kakikayan lately. nag-aaral pa ako matutong mag-makeup ngayon. ako ba talaga ito?

darcey_bebe: kailangan ko rin kaya ng congenital down syndrome screening? 35 na rin ako e. but then what else can I do besides preparing for it? hindi ba napipick up ito ng newborn screening?

at 23 weeks I feel shortness of breath, backaches, hirap kumilos, uncomfortable in bed and pain around the jaw line.

praying for all mommies here to have a safe and healthy delivery!

*sorry for the long post. matagal na kasi ako hindi nakapag-update e.

tiggerlily

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #367 on: November 25, 2014, 04:02:10 pm »
I forgot to ask, pwede ba ako magpapasta? there's this chunk of dental filling na natanggal sa front teeth ko pa. sabi kasi ng dentist ko gagamit daw kami ng laser pero sa google naman ang tawag dun ay dental curing light which is just LED light. is it safe for pregnant women kaya?

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #368 on: November 25, 2014, 05:05:22 pm »
@jell-00: Sis naramdaman ko din yan isang beses na nag-nap ako sa gabi...pero 1st trimester palang ako nun. Nagrest lang ako...tapos kinabukasan wala naman na. Sobrang kakaiba talaga ang feeling nun. Hehe ang daming aches and pains sa pregnancy na "normal" lang daw...at madalas na remedy ay ang pahinga. Sus..minsan nakakakaba na talaga..tapos pag tawag sa doctor sasabihin normal lang!  :-[ But if you are really really worried, contact mo na si doc.

abbmg

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #369 on: November 25, 2014, 05:08:12 pm »
@baby peanut - sis bale hindi sabay ang obmin at calciumade mo? baka naman kasi patapos pa lang ako ng 2nd tri kaya ang daming pinapainom saken to think pareho pang twice a day yung hemarate at calciumade. hehe saken kasi sabay sabay ayun nga pagbalik ko next week for check up tatanungin ko kung may babaguhin ba. ang dami dami kasing iniinom na gamot eh.

@lakwatsa- ah oo kayo yung contestant number 1. hehe galing niyo ha malapit s sukat mga baby bumps niyo. ako last time i checked 38 inches na ang tiyan ko. wow :D yung hooded blanket nga is blue. based kasi sa last ultrasound mukhang girl ang baby namin pero di p maconfirm pero ok na rin yun magamit n rin kahit kulay blue pa yun... pati yung sa socks na kasama sa lootbags puro pang boys ang color. hehe

preggygielian & adam1025- may napanood ako video na lagyan din ng towel yung mismong baby bath tub bago lagyan ng tubig para daw di madulas si baby. ngayon nga iniisip ko sa table na lang din magpaligo para di nako bibili ng baby bath tub kelangan lang ng palanggana. :D

sa mga mommies na nakabili na ng baby clothes, ask ko lang kung anong size mga binili niyo? kasi i'm torn between 3-6 or 6-9 mos. kasi yung ibang bumibili ng NB at 0-3 mos eh isang linggo lang daw nila nagagamit. sayang naman. naisip ko bumili na lang ng malaking sizes pero tie sides at least pede pa higpitan.

darcey_bebe

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #370 on: November 25, 2014, 05:43:54 pm »
lakwatsa naku malapit ng lumabas si baby :D :D :D ganun pala ang GDM, buti na lang nag stop na ako ng ANMUM pero last week nahihiligan kong uminom ng MILO naman hahaha! as in ilang kutsara ilalagay ko sa tumbler ko tapos lalagyan ko pa ng yelo hahaha  :D akala ko pre-eclampsia lang kalaban ko.. pero according sa nabasa ko sa fb, ang GDM daw eh mawawala daw right after giving birth NOT unless kung gumamait ka na ng insulin kasi sobrang taas na daw ng sugar level mo nun.

Adam1025 finally!! hooray!! mahirap manganak ng hindi ka panatag kung sino ang sasalo or hihiwa syo hahahaha  :D yung southern luzon ba yan [textspeak!] sa may sta.rosa banda papuntang nuvali/paseo?  ;) uy congrats! :D newly weds na binigyan agad ng baby  ;)

mslcgrey buti ka pa nakadalo.. nakakatakot magpaligo ng NB..  ;)

preggygielian naku iwas iwas ang stress.. bad vibes yan sister  ;) basta dapat umaga pa lang positive aura na agad. dedmahin ang lahat ng problema, hayaan mo sila mamoblema. basta ikaw isipin mo lang si baby  :D :D

baby_peanut buti ka din nakadalo  ;) sa mga pamangkin ko, nakakarga ko sila pero kapag maliligo na, naku super scared!!  :-\ :-\ :-\

tiggerlily hello sis, naku pahinga pahinga at bawal ang stress sa ating mga pretty preggy  ;)
pwede mong ask ang OB mo sis. kasi dun sa CAS susukatin nila kung tama ang sukat ng kamay, ulo sa age ni baby. ako kasi may highblood at merong iniinom na aldomet 500mg every 6hrs. according sa pregnant medication, yung aldomet na iniinom ko eh nasa category B and ang maximum dosage nya dapat is 2000 mg per day. eh natatakot ako kasi 1st trimester ko pa lang nasa max dosage na ako kaya dapat ma-maintain ko un kasi kapag nagdagdag pa ako ng dosage ewan ko na lang  :'( :'( :'(

LGV my prayers are with you sis. don't worry, basta have faith lang. God bless!  ;)

abbmg lucky you at nakadalo ka din sa event  ;) naku lahat ata tayo may fear sa pagpapaligo ng NB  ;D ;D  [textspeak!] pamangkin ko, sa lapag ng cr namin pinapaliguan ng yaya nya.. malamig kasi kapag sa dirty kitchen eh..

jell-00 yes sis! naku kapag hindi malakas ang heartbeat ko, ako mismo ang kumakapa sa may gitna ng leeg ko kung doble pa ba ang pulso ko, hahahaha! praning ako dati nung 1st trimester ko.. ngayon nasa 22weeks na ako, medyo hirap din ako sa paghinga lalo kapag sa gabi at nakakatulog ako ng patihaya. dapat daw pala left side ang the best sleep position.

tiggerlily iwas ang bad vibes sis.. dapat good vibes lang sa mga magagandang preggy like us  ;) ask ur ob sis, pwede ka din naman magpa CAS lalo at 35yrs old ka na din. high risk na kasi tayo. then ako naman kasi may iniinom na aldomet, na nasa category B ng pregnant drugs book. and according dun sa book na yun, ang max dosage dapat ng aldomet hanggang 9mos na pagbubuntis eh 2000 mg eh nung 1st trimester pa lang ako nasa maximum dosage na ako eh. kaya kinakabahan ako na sana wag ng tumaas ang dosage.

God bless us all!!  ;)

Adam1025

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #371 on: November 25, 2014, 06:07:18 pm »
Wow four years in the making sis preggygielian :) kami naman wala kami plan mag-control pero di din naman kami nag-try hard para makabuo binigay lang agad ni God kaya super happy pareho na din kasi kami 29 ni hubby this year kaya tamang tama na din. :)

Sis tigerlilly naku tama ka, pinadalan pa namin ng pamasahe from Bicol-Manila and then sinundo pa namin sya sa Manila papunta dito Laguna kalurkey talaga, tapos second day nya samin binilhan pa namin ng mga personal things nya.

Nagkahiyaan pa yata mga sisses natinnakapunta sa baby shower last Sunday kaya di nakapag-EB hehe. I checked the pics tuloy sa FB parang ang saya nga, never pa ako naka-attend ng ganyan event and nakaka-aliw maka-kita ng group of pretty preggies. Sis lakwatsa nakita kita sa pic hihi :)

Na-wash na mga clothes ni baby kanina yeyyyy tom naman plantsahin ko na then start na ako mag-pack ng bag namin. Yay, getting more excited each day :)

darcey_bebe

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #372 on: November 25, 2014, 06:14:20 pm »
Naku pareho pala tayo sis preggygielian :D 4 years din si baby :D after ng miscarriage and ectopic pregnancy last 2011, sabi ko sa sarili ko hindi pa talaga time ni God for us to be parent. dapat maghintay kami and wag namin ipilit. nagulat na ako nung june delayed na ako pero wala pa sa isip ko na baka preggy ako hanggang nagpunta kami ng SG nung july delayed pa rin. august na ako nag-pt hahahah :D ito talaga ang blessings sa amin ni God :D

nakaka excite naman sis Adam1025  :D diba dapat carry mo na lagi ang hospital bag mo just incase?

Adam1025

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #373 on: November 25, 2014, 08:29:37 pm »
Sis abbmg napanood ko din yung video na yun, parang ok nga kasi di madudulas si baby. But I think most likely nga sa una naka-higa sa table si baby pag paliguan kasi lahat ng pamangkin ko ganun ang way nakita ko paliguan ng mother ko pag medyo malaki na sa bath tub. About sa sizes ng damit, nahirapan din ako kasi parang minsan malaki tingin ko sa 3-6mos tapos yung 0-3mos parang ang liit haha ang gulo tapos di pa sure if ganu ba kalaki si baby pag-labas. So ginawa ko meron 0-3mos and 3-6mos, baka naman kasi mukang hip-hopper si baby kung lahat 3-6mos hehe.

Sis darcey_bebe sa bahay lang kasi ako kaya di ko na kelangan dalhin yung bag except na lang if lalabas kami :) nakakatuwa mag-ayos ng hospital bag feeling ko tuloy as if full term na ako at manganganak na hehe 😉 four years din pala kayo sis, grabe siguro happiness nyu nung nalaman nyu na soon to be parent na din kayo finally :)

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #374 on: November 25, 2014, 09:21:58 pm »
mga sis, yung pagpapaligo na nasa table lang si baby they call that sponge bath. ginagawa siya habang hindi pa nawawala yung umbilical stump ni baby. usually nagfa-fall off yung umbilical stump a week to 3 weeks after birth. kapag wala na yung stump then pwede na yung nasa bath tub si baby. marami rin techniques how to do a bath sa tub. majority hubad na agad si baby. may iba parang nakabalot sa towel si baby bago ilagay sa water. i hope my baby will love the water kasi love na love ko ang mag-swim (hindi competitive swimming, yung babad lang sa pool or sa beach).

sis adam1025, if lagi ka lang naman na sa house ok na yang naka-ready lang siya. o kaya naka-abang sa car if may mga lakad kayo. i'm planning to arrange our bags na rin, well ako lang ang mag-ready ng ilalagay si hubby ang magpa-pack kasi sila naman ang kukuha ng things from the bag so dapat alam niya where exactly in the bag that thing is. ako nga, iniisip ko if magbibigay ba ako ng food for the nurses while ongoing yung labor ko sa hospital or after the labor na. siyempre, i want to be extra nice sa mga nurses para extra nice din sila sa akin.

it have taken hubby and i 7 months naman bago maka-buo ng baby. last october pa lang kami nagdecide na pwede na kami di magcontraceptive. i know others years ang hinintay but may times din na nawalan rin kami ng pag-asa na magkakababy rin kami. before october last year, very regular ang menstruation ko. tapos by november biglang humaba yung cycle ko. as in from a 29-30 day cycle, umabot ng 40 days. kala ko nga preggy na ako but laging negative naman ang mga PTs ko. when we start praying for a baby, in just a month ayun preggy na ako so blessing talaga from God si baby.

for sure, nakita nyo rin ako sa pics sa page ng SP sa fb. hahaha... andun din ako. i'm at the 2nd table . the one in stripes na sweatshirt and naka-leggings. i'm quite lucky din pala sa event kasi kahit di ako nanalo sa games, may consolation prize naman na baby hygiene products from tupperware. i got baby lotion, baby powder, and a cream. tapos i won sa raffle, the one day pass nga sa i go beyond yoga.

about sa heartbeat naman, mas malakas daw talaga ang heartbeat natin mga buntis kasi we are pumping more blood sabi ng OB ko. npansin ko din yan na parang ang lakas ng heartbeat ko. basta hindi ka hinihingal ok lang na marinig ang heartbeat.

God bless to everyone!


preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #375 on: November 25, 2014, 09:32:38 pm »
@Adam1025: hehe naku dati sabi ko dapat pag30 ko nakapop out na ako ng 2 kids haha! Kaso hindi meant to be :-P turning 29 na din ako at asawa ko naman 31 na.

@abbmg: mga binibili ko...konting NB, konting 0-3, medyo madaming 3-6 tapos madami dami na 6M na. Madami nagsasabi sakin na wag na daw bumili ng below 3mo...pero gusto ko sana kung lalabas ng bahay di naman hip-hop baby namin haha!

@darcey_bebe: hehe yes sis! :-) tinatry talaga! Buti talaga alarm clock ko ang anak ko sa tyan at sipa siya ng sipa sa umaga para magising ako or pagkagising ko. Nagkamiscarriage din kami last October 2013 kaya ang saya saya talaga na this time matutuloy na :-)

Happy and safe pregnancies mommies! Nakakaaliw talaga ang SP baby shower...buti nabanggit ni sis tiggerlily na may fb page..hehe tumingin ako at may nakita din akong nameet ko na dati at isang  schoolmate ko nung college :-)

LGV

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #376 on: November 25, 2014, 10:23:06 pm »
Sis Adam, yes sis CS na ako ayaw ko na magtry magvbac kasi emergency CS ako sa unang baby ko with 34 hrs labor ininduce naman ako talagang ayaw nya lang lumabas sa pag-ire ko. So dahil sa trauma ayoko na subukan baka pag nagkataon hindi na ako maganak ulit. Pray hard for normal delivery para hindi ka madala hehe!

ehlabart

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #377 on: November 26, 2014, 12:34:07 am »
Hi mga sis, I was able to attend din SPBabyshower, super saya kasi halos nahakot ko yata prize wala lang ako sa raffle kasi parang hindi yata nailagay nung nagparegister ako pero i was really happy sobrang sarap sa pakiramdam na andami ko nameet.. i was seating beside gelli yung host natin on table number 3.. sayang sana pala nagpicture2 tayo dito mga g talker hehe.. sumali ako sa eq baby diaper tapos nanalo din ako sa promama yes i can :) sobrang worth it and sarap ng feeling ng yoga, totoo pala [textspeak!] pampagoodvibes Ng yoga noh? kaso after that kahapon medyo masakit yung ano ko down tere nastretch yata, i am on my 29th week na.. sobrang excited na ko!! sana yung mga sis natin na may problem sa pregnancy ngayon may god be with you!

Adam1025

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #378 on: November 26, 2014, 10:03:12 am »
Whaaa 34hrs sis LGV? Grabe can't imagine the pain tapos ending CS pa din, buti nakaya mo sis kaya pala parang nagka-phobia ka na hehe. Kaya good luck satin mga sis sana makayanan natin ang labor lakasan ng loob and matinding prayers din :)

Wow ang galing naman sis ehlabart dami napalunan prizes! Parang ang saya nga ng SP baby shower, gusto ko din i-try prenatal yoga but I think di ko na keri ngayon 34W ang laki laki ko na haha.

Mga sis kelan adviseable maglakad lakad ng malayo and squat exercise in preparation for delivery na? Feeling ko kasi ang taas ng bump ko although 3 more weeks before full term ayoko na sana kasi abutin pa ng due date ko sana atleast 38weeks makita na namin si baby. Kung 36weeks kaya ako mag-start safe na kaya yun takot kasi ako ngayon 34W pa lang baka naman ma-preterm ako

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #379 on: November 26, 2014, 10:42:35 am »
^sis better ask your OB about it. Case to case basis yata pag ganyan. But so far wala ka naman yatang indications ng pre-term labor so okay yung normal lakad lang like in a day 15 mins na continuous walk para di ka naman mabigla na mahabang lakaran agad. I suggest you do kegel exercise para mastrengthen yung muscles mo that we'll need sa pushing out our baby.

Napapaisip nga ako sa walking part na yan. Kasi everytime i go to work, i get to walk for 20-30 minutes straight. Same din pag-pauwi na. Iba pa yung walk that i do to transfer from one classroom to another. I still take the stairs sometimes especially kapag sasakay ng lrt. During weekends, walkathon din kami ni hubby kapag gumagala. So paano pag my OB advises me to do walking, ano 1 to 3 hours straight na lakad ba kailangan ko gawin?!

Gusto ko na makita yung pag gumagalaw si baby eh parang portruding na yung mga siko nya or feet. hehe... baka too early for 30 weeks...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close