Tawagin nalang nating "BOY" ang lalaking pinaguusapan natin.
I made this thread back in Sept last year.. Di na ko naka reply ulet kasi magulo pa ang lahat noon.
Simula last week ng September hanggang November, every week niya ako pinupuntahan sa bahay. Nakakapasok parin siya sa bahay namen kasi hindi kaya ng pamilya ko ang mambastos dahil kahit papano e 11 na taon nilang nakasama din naman ang ex ko. At tatay siya ng anak ko kaya parang nagkalimutan sa nangyare noong September.
Naglalaro sila ng anak ko, nagbibigay siya ng pang gatas kumbaga nakikitungo naman ng maayos.
Hanggang sa bininyagan na ang anak namen nung December, nagulat ako may dalang mga damit, sapatos ekek itong si Boy.. Lumuhod, humingi ng tawad at isa pang pagkakataong ituwid daw ang mga kamalian niya sa buhay. Hindi niya daw kayang mabuhay ng malayo sa akin at sa anak namen. Yung problema daw namen sa nanay niya aayusin niya pati narin ang babaeng ka-live in niya e papaalisin na daw niya sa bahay nila. Ang dami nyang pinagakong gagawin para unti unti maayos ang pamilya namen.
Dahil nga abot langit ang galit sakin ng nanay ni Boy (kahit wala naman talaga akong ginawa sa kanya. She even threw my food on my face the first time she saw me at CircleC Mall back in 2003) - she hates me because im panget daw at gwapo ang anak niya, pinaniwaalan kong aayusin niya lahat..dahil ano, dahil t**** ako.
Pinapadala ko parin ang anak ko sa nanay niya para naman baka sakaling gumaan ang pakiramdam at magkaayos kahit papano.. Hindi ako sumasama sa kanila ng anak ko nakiki balita nalang ako sa viber haha.
Yung babaeng ka-live-in galet na galet sa nangyareng pagbalik sakin ng lalaking ito. Marami siyang mga text messages na puro pangongonsensya na bakit nangyare sa kanya ito lahat. Meron pa siyang text kay lalaki na "And Yes I Want To F*ck You Senseless, Walang Feelings"
Tuwing uuwi si Boy sa mama niya tuwing thursday after work namen, napapraning na ko nyan. Di na ko mapakali kasi alam kong pwedeng magkita sila ng babae na yun at matulog ulet sa bahay nila na andun din ang mama niya. Pero inisip ko, sinisira ko lang ulo ko sa kakaisip ng ganon e baka wala naman talaga. Pero hindi nawawala sa utak ko yun. Babalik si Boy sameng ng Biyernes ng hapon.
Sabi ni Boy sakin, tinapos na niya lahat ng koneksyon nila at nung babae noong december pa. Ako nangangapa kasi ayoko naman maniwala na totoo lahat yun. Hanggang sa siguro naging kampante ako nung mga March this year. Ayun, hindi na ko gaano nagdududa, hindi na ko gaano nagiisip na baka andun sa bahay yung babae..
June 11 - Thursday - araw ng uwi niya sa mama niya.. nag Viber si Boy na nasa bahay na daw siya at miss na daw niya kame agad ng anak namen.. mga 10pm yun e nakatulog na ko.. bandang 3am nagising ako at nag viber siya ulet ng picture niya na nasa bed siya at malungkot ang mukha dahil di daw siya makatulog mag isa at sana daw katabi niya kame ng anak namen..
June 12 Friday, Holiday, umaga.. sabi ko nasan kaya itong si Boy bakit parang wala sa opisina kasi dapat nag text na yun na papasok na siya.. tinext ko ang boss niya, wala daw si Boy sa work at nag call-in absent daw..
I kept on ringing his phone pero out of 10 calls, mga twice niya lang sinagot at mabilis lang ang usap kasi nanonood daw siya ng NBA Finals.. Text text pa nga sakin ng updates.. Normal, normal.. Akala ko normal day..
Dumating ang 4PM - uwian ko na.. Sinundo niya ang anak namen sa bahay (carseat) at sinundo nila ako sa office.. Wow, happy family diba

Maya maya.. Nag ring ang mobile phone ko, tiyahin ko..
Tita: Uy, nakita namen kayo ni Boy kanina sa loob ng kotse, hindi mo manlang kame pinansin.
Ako: Ako po? Nasa office ako, kaka-out ko lang po.
Tita: Biro lang, alam ko naman hindi ikaw yun nasa passengers seat e. Si Girl (name) yun. Diba nakita ko na photos nun sa phone mo.
Ako: WASAK
Nagwala ako, kinuha ko anak ko at nag taxi pauwi. Sinundan niya ako sa bahay at nagpapaliwanag.
In short, nahuli siyang iniuuwi niya parin pala sa bahay nila ang dati niyang kalive in. Kasama ang nanay niya. Ang saya saya diba. Ang saya saya.
Pinagtatawanan pa ko ng babaeng yan sa text dahil kawawa naman daw ako at wala daw siyang panahon sakin. She told me "Keep the harassment coming and Ill see you in court"
Higit isang buwan ko nang pinapaalis sa bahay namen ang lalaking ito. Ayaw. Maawa daw ako sa kanya kapag nawalay siya sa anak niya.
INireport ko na rin sa DSWD-Central Office ang kabitch dahil doon siya nagtratrabaho. Inattach ko lahat ng ebidensya ko kanya. Sinend ko pa nga sa Secretary ng DSWD na si Dinky Soliman haha
Kaso - tinabla nila ako dahil personal issue daw iyon at hindi daw pwede mangialam ang DSWD kahit empleyado nila ang kabitch.
Si Boy, nasamen paren. Kahit daw ano mangyare hindi siya aalis kasi mahal niya daw kameng pamilya niya. Ang nanay niya, text ng text ng "anak, kinakamusta ka ni kabitch tawagan mo daw siya at hintay ka niya".. "Anak, kain tayo sa labas at ayain mo si (name ni kabitch) at nang mas masaya tayo anak".
Juskolord..