watch now

Author Topic: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant  (Read 13542 times)

zelda

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #40 on: November 19, 2014, 10:12:21 am »
Aww this story made me sad. TS posted last September pa. I hope you feel better now.

Honestly, pwede mong kasuhan yun guy. Sana nagpa-medico legal ka. I have a friend na naganyan din ng bf nya, and she was pregnant when that dumb*** hit her. Ayun, after manganak nakasuhan pa nya at napakulong pa ng ilang months.

Just focus on your baby.  ;) Mas kelangan ka ng baby mo.

TomHansen

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #41 on: November 20, 2014, 03:06:02 am »
I'm glad you're trying to move on na and clear na sa utak mo kung anung klaseng lalake talaga si ex mo. No communication na sana forever, never mo nang papapasukin sa buhay mo dahil for sure hindi lang ang buhay mo kung hindi life ng anak mo.. Goodluck! :)

stronger

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #42 on: December 03, 2014, 02:29:20 pm »
sis i'm a single mom too.though wala naman physical pain na nangyari samin ng ex ko.but he broke up with me.masakit pero ganun talaga eh, we cant force somebody to stay with us.so what we can do is to let go. mahirap satin dahil may baby na involve ang lalayo ka sa daddy ng baby mo is extra painful dahil nakikita mong lalaki baby mo na di makikilala daddy nya, but where just protecting them.
anyway kaya mo yan sis.i salute you.your so brave.madami pang madadaanan na challenges dahil di madali maging single parent but with the help of God, makakayanan mo yan... ;)

twix01

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #43 on: December 03, 2014, 06:23:19 pm »
his lost sis not yours!! grabe naman X mo.. be strong!

quennna

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #44 on: December 04, 2014, 12:14:42 am »
you did your best, sis.. dapat no turning back na...
dont worry, makaka raos at makakasurvive ka rin..
ingatan mo si bebe mo..

chloebaby

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #45 on: July 23, 2015, 11:33:40 am »
Sis gusto kong i-update kayong lahat. Teka compose ko lang buong storya ng update ko.


momentum

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #46 on: July 23, 2015, 12:07:16 pm »
^ wow exciting sis..sana magandang update yan  :D
kamusta ka na sis and your baby? I hope you are both doing fine
« Last Edit: July 23, 2015, 12:26:41 pm by momentum »

chloebaby

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #47 on: July 23, 2015, 01:49:07 pm »
Tawagin nalang nating "BOY" ang lalaking pinaguusapan natin.

I made this thread back in Sept last year.. Di na ko naka reply ulet kasi magulo pa ang lahat noon.

Simula last week ng September hanggang November, every week niya ako pinupuntahan sa bahay. Nakakapasok parin siya sa bahay namen kasi hindi kaya ng pamilya ko ang mambastos dahil kahit papano e 11 na taon nilang nakasama din naman ang ex ko. At tatay siya ng anak ko kaya parang nagkalimutan sa nangyare noong September.
Naglalaro sila ng anak ko, nagbibigay siya ng pang gatas kumbaga nakikitungo naman ng maayos.

Hanggang sa bininyagan na ang anak namen nung December, nagulat ako may dalang mga damit, sapatos ekek itong si Boy.. Lumuhod, humingi ng tawad at isa pang pagkakataong ituwid daw ang mga kamalian niya sa buhay. Hindi niya daw kayang mabuhay ng malayo sa akin at sa anak namen. Yung problema daw namen sa nanay niya aayusin niya pati narin ang babaeng ka-live in niya e papaalisin na daw niya sa bahay nila. Ang dami nyang pinagakong gagawin para unti unti maayos ang pamilya namen.

Dahil nga abot langit ang galit sakin ng nanay ni Boy (kahit wala naman talaga akong ginawa sa kanya. She even threw my food on my face the first time she saw me at CircleC Mall back in 2003) - she hates me because im panget daw at gwapo ang anak niya, pinaniwaalan kong aayusin niya lahat..dahil ano, dahil t**** ako. 

Pinapadala ko parin ang anak ko sa nanay niya para naman baka sakaling gumaan ang pakiramdam at magkaayos kahit papano.. Hindi ako sumasama sa kanila ng anak ko nakiki balita nalang ako sa viber haha.

Yung babaeng ka-live-in galet na galet sa nangyareng pagbalik sakin ng lalaking ito. Marami siyang mga text messages na puro pangongonsensya na bakit nangyare sa kanya ito lahat. Meron pa siyang text kay lalaki na "And Yes I Want To F*ck You Senseless, Walang Feelings"

Tuwing uuwi si Boy sa mama niya tuwing thursday after work namen, napapraning na ko nyan. Di na ko mapakali kasi alam kong pwedeng magkita sila ng babae na yun at matulog ulet sa bahay nila na andun din ang mama niya. Pero inisip ko, sinisira ko lang ulo ko sa kakaisip ng ganon e baka wala naman talaga. Pero hindi nawawala sa utak ko yun. Babalik si Boy sameng ng Biyernes ng hapon.

Sabi ni Boy sakin, tinapos na niya lahat ng koneksyon nila at nung babae noong december pa. Ako nangangapa kasi ayoko naman maniwala na totoo lahat yun. Hanggang sa siguro naging kampante ako nung mga March this year. Ayun, hindi na ko gaano nagdududa, hindi na ko gaano nagiisip na baka andun sa bahay yung babae..

June 11 - Thursday - araw ng uwi niya sa mama niya.. nag Viber si Boy na nasa bahay na daw siya at miss na daw niya kame agad ng anak namen.. mga 10pm yun e nakatulog na ko.. bandang 3am nagising ako at nag viber siya ulet ng picture niya na nasa bed siya at malungkot ang mukha dahil di daw siya makatulog mag isa at sana daw katabi niya kame ng anak namen..

June 12 Friday, Holiday, umaga.. sabi ko nasan kaya itong si Boy bakit parang wala sa opisina kasi dapat nag text na yun na papasok na siya.. tinext ko ang boss niya, wala daw si Boy sa work at nag call-in absent daw..

I kept on ringing his phone pero out of 10 calls, mga twice niya lang sinagot at mabilis lang ang usap kasi nanonood daw siya ng NBA Finals.. Text text pa nga sakin ng updates.. Normal, normal.. Akala ko normal day..

Dumating ang 4PM - uwian ko na.. Sinundo niya ang anak namen sa bahay (carseat) at sinundo nila ako sa office.. Wow, happy family diba :) Maya maya.. Nag ring ang mobile phone ko, tiyahin ko..

Tita: Uy, nakita namen kayo ni Boy kanina sa loob ng kotse, hindi mo manlang kame pinansin.
Ako: Ako po? Nasa office ako, kaka-out ko lang po.
Tita: Biro lang, alam ko naman hindi ikaw yun nasa passengers seat e. Si Girl (name) yun. Diba nakita ko na photos nun sa phone mo.
Ako: WASAK

Nagwala ako, kinuha ko anak ko at nag taxi pauwi. Sinundan niya ako sa bahay at nagpapaliwanag.

In short, nahuli siyang iniuuwi niya parin pala sa bahay nila ang dati niyang kalive in. Kasama ang nanay niya. Ang saya saya diba. Ang saya saya.

Pinagtatawanan pa ko ng babaeng yan sa text dahil kawawa naman daw ako at wala daw siyang panahon sakin. She told me "Keep the harassment coming and Ill see you in court"

Higit isang buwan ko nang pinapaalis sa bahay namen ang lalaking ito. Ayaw. Maawa daw ako sa kanya kapag nawalay siya sa anak niya.

INireport ko na rin sa DSWD-Central Office ang kabitch dahil doon siya nagtratrabaho. Inattach ko lahat ng ebidensya ko kanya. Sinend ko pa nga sa Secretary ng DSWD na si Dinky Soliman haha

Kaso - tinabla nila ako dahil personal issue daw iyon at hindi daw pwede mangialam ang DSWD kahit empleyado nila ang kabitch.

Si Boy, nasamen paren. Kahit daw ano mangyare hindi siya aalis kasi mahal niya daw kameng pamilya niya. Ang nanay niya, text ng text ng "anak, kinakamusta ka ni kabitch tawagan mo daw siya at hintay ka niya".. "Anak, kain tayo sa labas at ayain mo si (name ni kabitch) at nang mas masaya tayo anak".

Juskolord..
« Last Edit: July 23, 2015, 01:55:48 pm by chloebaby »

momentum

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #48 on: July 23, 2015, 02:51:43 pm »
^ wow, akala ko good news na..parang mas lalong naging magulo buhay mo now sis kesa last year  :'(

sis, hindi ko alam bakit tanggap parin siya ng mama mo sa pamamahay ninyo.
doesn't she know what's going on now? kasi kung alam niya yun for sure hindi siya papayag na labas pasok parin yang lalakeng yan sa pamamahay ninyo.

next, hindi ko gets masyado kwento mo sis, do you mean live-in na ba kayo ni bf and umuuwi lang siya sa mother niya tuwing Thursday? then goes home to you Friday onwards? yan kasi pagka intindi ko sa sinabi mo.

if you really want this guy out of your life pero nahihirapan ka dahil sinasabi niyang ayaw niya umalis sa bahay ninyo, then go to the baranggay and get a protection order. hindi na siya makakalapit pa sayo. he can borrow your kid but if ayaw mo narin makita ng anak mo itong lalakeng ito then puwede isama sa protection order ang bata. kapag gusto may paraan, pag ayaw maraming dahilan.

which brings me to this question, do you still want him in your life ba sis?
kasi parang gusto mo parin eh. sagabal lang talaga yung kabitch
based on your kwento sis, this guy is just using you. kita mo naman eh, he cannot let go of the kabitch. he can always use his mom's persuasiveness na magkita sila parati ng kabitch para may excuse sya to still see her. and sis, how sure are you na yung nagmemessage sa kanya is really his mom? wala lang, naisip ko lang na baka mamaya dummy text siya from the kabitch

how evil naman the mom. walang pinag-aralan.

sis, ang toxic ng relationship nito, at mag-ina na ito. better get away from them na.
wala kang magiging peace of mind. he is a serial cheater, and itong mom naman is kunsintidora. tapos nagkataon pa na yung kabitch ay yung kind na matapang at proud sa kacheapan niya. you have all the reasons to let him go na sis. life is complicated na as it is. don't make it even more complicated with this kind of set-up he wants you to swallow and accept. if he really is serious about your relationship and to build your family, then dapat kumuha na siya ng titirahin ninyo, kahit rent lang, at malayo sa nanay niya, at duon kayo magsisimula ng panibagong buhay, na walang sabit na kabitch. he will be faithful to you and your kid. he will not give you any reason to doubt his intentions anymore.

oo 11 years kayo. pero if you keep forcing this kind of relationship to work, then you will suffer another 11 years or more. I don't believe panget ka. tama na sis, mauntog ka na sana. huwag mo na pahabain kalbaryo mo. maawa ka rin sa anak mo, baka naguguluhan narin yan sa set-up, at nakikita pa niya father niya na may ibang babae na kasama (like you mentioned na nasa car sila).

bata ka pa, may makikilala ka pang iba who is way better than him. sis, isang taon na since nakalipas yung time na he first promised to you na gusto niya buohin pamilya ninyo. isang taon na, and yet here you are in the same position as last year, hindi parin niya nafulfill promise niya, and he still played you, tricking you that he will make things right. ginagawa ka lang niyang t****.
ipamigay mo na yan sa kabitch niya at sa nanay niya. you don't deserve all of them.

Shadow Angel

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #49 on: July 23, 2015, 08:03:10 pm »
Tama si sis momentum nanghihinayang ka ba sa 11 years na pinagsamahan pero hindi ka ba mas manghihinayang sa maraming panahon pa na itatagal mo sa kanya na baka more in toxic relationship naman sabagay mahirap talaga magdecide for now kasi mahal mo at dahil sa anak nyo pero sis hanggang kelan ka magtitiis kung hindi ka gusto ng nanay nya parang hindi na darating ang time na magugutuhan ka nya. Wala kang peace of mind dyan kay boy kung magbibilang ka ano bang mas lamang yun time na masaya ka o yun stress ka dahil kay boy yun sayang nafeel mo habang masaya ka bawing bawi ba nya sa lahat ng sakit na ginawa nya sayo. Kung sa akin ginawa ang ganyan iniumpog ako naku ipapablotter ko sya at never sya makakapasok sa bahay at sa buhay ko.

sugardrop

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #50 on: July 23, 2015, 09:43:39 pm »
The first thing you need to do is make up your mind. Then the rest will follow.

If it were up to me, I'd get him out of your life. Yung ginawa nya last year sayo na pamamahiya and pananakit - eto na lang isipin mo. Hindi ka pinalaki at pinag-aral ng magulang mo para lang g@guhin at tratuhin ng ganon. Lamok nga lang siguro nung bata ka ayaw ipadapo sayo eh.
« Last Edit: July 23, 2015, 09:45:31 pm by sugardrop »

evilwoman

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #51 on: July 24, 2015, 06:53:07 am »
Dear i'm going to be very blunt hoping na mapaisip ka naman so here it goes:

Iha, yung nagulpi ka at nasabihan pa na kahit mamatay ka at ang bata, di pa sapat kapag napano ang nanay nya, aba walang kapatawaran yun.kung ikaw lang binanggit siguro 15% chance acceptable pa pero dinawit pa ang bata. Hindi lang simpleng burning bridges yan.para kang pinahagis sa kabilang galaxy.walang balikan na talaga yet here you are tinanggap ng buo ang kumag na yan at harapan nagpapaloko.aba mahiya hiya ka naman sa magulang at anak mo.bigyan mo ng kaunting kahihiyan.ganyang klase bang "buong" pamilya ang nararapat sa bata? I don't think so. Alam mo hindi lang yung byenan mong hilaw dapat magpacheck ng utak, sumama ka na din.baliw.

I'm sorry dear pero gumising ka naman.

megamabushii

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #52 on: July 24, 2015, 07:24:23 am »
Sis chloe, itaboy mo na lang kaya ang "Boy" na iyan. Obobs siya, eh. Desperadong mabalik ka sa buhay niya. Sa totoo lang, maghanap ka ng lalaking magmamahal sa'yo ng lubusan. I suggest you outgrow being a martyr to the boy.

Being in a toxic relationship is not worth keeping for.
« Last Edit: July 24, 2015, 07:58:54 am by megamabushii »

donyadine

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #53 on: July 24, 2015, 09:22:17 am »
Girl, masokista ka ba? Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan. Kung gusto mo talaga mawala na siya sa inyo, sigurado ako may way. Pero andiyan ka pa rin e bakit kaya?

beach_n_sunsets

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #54 on: July 24, 2015, 11:26:33 am »
I have a friend na galing sa broken family - mabait, mahinhin, matalino at maganda ang trabaho ngayon. Sabi niya, mas okay sa kanilang magkakapatid na hiwalay ang parents kesa nung magkasama pa na lagi naman nagaaway. You're doing this para "buo ang pamilya" mo para sa anak mo? Pag-isipan mo ulit, gurl.

Gusto mo 'yata reverse psychology? Habang pinagsasabihan ka na ng mga tao na lumayo na kay Boy at hiwalayan na siya, aba sige ka pa rin. Sige na nga gurl! Push mo 'yan! Good for the heart, body and soul 'yang ginagawa mo. Hindi bibilis ang pagtanda mo, hindi maapektuhan ang trabaho mo, hindi maapektuhan social life mo, hindi rin maapektuhan ang anak niyo habang magkasama kayo ni Boy  ::)

sugardrop

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #55 on: July 24, 2015, 11:32:57 am »
Bakit si girl nagawan mo ng paraan to get her out of his life (kahit na fail yung report sa dswd) pero si boy hindi mo magawaan ng paraan para mapaalis? Because you want him there. Plain and simple as that. Kaya hindi nya binibitawan si other girl kasi tinatanggap mo pa din sya. Hindi na ako kay boy and his minions lang naiinis. Mas naiinis ako sa yo because you're letting him treat you like trash. I felt bad for you when you first shared your story but now, I don't. Because you let it happen to yourself. You still accept the arsehole who did such horrible things to you. Anak mo na lang sana isipin mo.

And I don't think kahit sinong magulang (unless bangag) will accept and welcome the person hurting their child so bad in their homes and not do anything about it.

sakura30

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #56 on: July 24, 2015, 11:47:05 am »
Sis chloebaby, naaawa ako sayo sa unang post mo. Pero yung second post, katulad nga ng sinabi ng maraming GT's here: Tama na! Paalisin mo na yan si Boy sa buhay nyong mag-ina.

Eto mga reasons bakit dapat mong tapusin na yan:

1. Mama's boy si Boy (walang sariling desisyon)
2. My other woman (Gusto mo ba to?)
3. Walang direksyon ang buhay (Kung meron yan, nakapagdecide na siya na ayusin family nyo)
4. Sinaktan ka verbally at physically (Pwedeng maulit to)
5. Walang hiya (Kapal ng mukha nya na makitira sa inyo ah)
6. Hindi ka nya mahal (Sorry Sis ah, pero I don't think love ka niya. Kase kung mahal ka niya, pinakasalan ka na niya sana noong nabuntis ka)
7. Evil ang nanay nya (Mahirap kalabanan ang evil woman)
8. Toxic siya sa buhay mo (Wala naman siyang nadadagdag na maganda sayo, so why stay?)
9. Sabi din ng mga GT Ladies here

Lurker lang ako usually sa mga ganitong stories pero gusto kong makidagdag sa mga nagsasabi na tapusin mo na yang relasyon niyo ni Boy. Kaya ka pangit kase nasa toxic kang relationship. Try mong umalis, magbobloom ka.


prettydefined

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #57 on: July 24, 2015, 12:42:38 pm »
You have to make up your mind sis. Ans you need to be firm na hindi na pwede ang lalaking yan sa buhay nyong mag-ina unless sis you still have feelings for him.

Sobra ang ginawa nya. Napaka walang hiya nya. Sobra din ang ginawa ng nanay nya. Literal sis tinapon food nya sa mukha mo? Sis wake up! Hindi mo deserve yan mga bagay na yan. Hindi deserving ang lalaking yan para sayo na wala ng ginawa kundi lokohin at gaguhin ka. Magsama sila ng nanay nya at ng babae nya. Hindi mo kailangan ang ganyang klaseng tao sa buhay mo sis. Hugs.

zelda

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #58 on: July 24, 2015, 12:56:57 pm »
TS, like the other girls here said: Please wake up.

Na-sad lang ako sa update mo. I actually think na mas lalong lumala.
 If gusto, maraming dahilan. May nagawa kang action dun sa other girl, pero di mo mapaalis si Boy? May emotinal hold pa rin sa yo, obviously.

You're just giving yourself stress. Tapusin mo na sana coz it's really not helping you. That monster-in-law is also not a promising future, chos!

megamabushii

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #59 on: July 24, 2015, 02:45:35 pm »
I guess the other sisses are right. He will simply be a worthless husband. Like gurl, you need to be self-reliant instead.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close