Hi guys, gusto ko lang ilabas sama ng loob ko sa nangyare sakin.
11years kame ng ex ko. HS sweethearts ekek. Since day 1 ayaw sakin ng mom niya kasi physically di daw ako bagay sa anak niya. Only child si ex, menopausal baby, his father died when he was 4yo. Technically, dalawa lang sila ng nanay niya until the day we became a couple nung 34d yr HS.
Cut the story short, after 11 years, nagbuntis ako at samin siya nakatira although umuuwi pa rin siya sa kanila to check his mom. Never ako nakatungtong sa bahay nila sa buong relasyon namen pwera nalang kapag out of town mom niya.
Noong kame pa nun at di pa ko buntis, inom inom kame, tambay sa bahy ng friends, kain dito kain dyan, yosi yosi. Kaso siyempre nagbago lahat yun noong nalaman kong preggy ako. Nawala ako sa sirkulasyon. Mga barkada namen bihira ko na makasama. Siya din medyo nadamay sa paglayo ko. Napagaawayan namen yung mga inom inom nila kasi lagi ko siya hinahanap noong buntis ako which is total opposite dahil di ako mahigpit sa kanya before.
May mga nadagdag na new friends sa circle of friends namen. I didnt get the chance to meet those new friends kasi nga I was always home. Si ex lang ako nakakasama nila. I know the names and the faces kasi sa fb posts ekek. Nagstart yung paglabas labas nila mga April May this year.
Noong 9 months pregnant ako, June 1 yun, iniwan niya ko bigla. Nasa Baler, Aurora sila noon. Sabi niya sorry di na ko masaya. Di na daw niya kayang tiisin pagiging mahigpit ko at kung nanay nga daw niya di niya sinusunod e ako pa daw kaya. Sabi ko bakit niya ko iiwan e manganganak nako. He said alam naman niya na papalakihin ko ng maayos ang anak namen. So kampante na siya.
Akala ko na-burnt out lang, fed up. Nagmamakaawa pa ko noon sa opisina niya luhod dito luhod dyan. Wala. Kinakamutan lang ako ng ulo.
Nanganak ako July. Nabalitaan ko may kalive in daw. Di na ko nag imbestiga, di na nagtanong. May anak na ko at wala na ko oras makichismis.
August, dumating sa bahay namen. Pinapasok ko. Engot ako e. Dun pa natulog for one week. Sobrang engot ko e. Nakikipagusap na ayusin daw namen yung mga buhay namen para sa anak namen. Parang awa ko na daw. Nag SM pa kame blabla. Bonding bonding. Sabi ko sa kanya mahirap yung gusto niyang mangyare pero sige subukan.
Huling gabi niya samen, sabe niya uuwi muna siya sa mama niya at kakausapin niya daw yung kalive in niya. Sasabihin daw niya yung desisyon niya na kame ng anak ko lang pinipili niya. Babalik daw siya sa bahay namen kinabukasan to start anew.
Paaaak. Hindi bumalik. Ako tuloy ang sumugod sa bahay nila that night. Mag isa lang ako. Sobrang badtrip ko kasi di ko alam bakit di niya tinupad yung sinabi niyang babalikan niya kame ng anak namen.
Pagparada ko, inuman sa garahe nila ang inabutan ko. Yung barkada namen at yung 2 "new' friends na babae. Apparently, yung isa pala dun ang kinakasama ng ex ko.
Si ex, mama niya, kalive in niya at mga barkada niya ang inabutan ko doon. Nagsisigaw ako at ang sinabi ng ex ko e "Ang bobo bobo mo. Sa opisina ang galing galing mo, pagdating sa buhay t**** ka. Pinaikot lang kita sa palad ko para makasama ko anak ko. Umuwi ka na sainyo." At eto ang pinakasamaakit niyang sinabi sakin, "Sa eskandalong dinulot mo ngayon, kung namatay ang nanay ko, kahit mamatay kayo ng anak ko hindi niyo mapapantayan nanay ko."
Noong narinig ko yun, umalis na ko. Sira sira damit ko, hilong hilo ako sa pagumpog ni ex sakin sa oto ko. Yung paa ko may mga bubog ng bote ng beer. Hinang hina ako.
Sabi ng nanay ko sakin, napakatapang ko daw pero sana ilulugar ko ang tapang ko. Mali ako sa pagsugod ko doon.
Now eto ako mag 1 month palang since nangyare yung gulo na yun pero nagpapasalamat ako kay God na dahil sa pagsugod ko na yon e na-reveal sakin lahat lahat all at the same time.
Hindi na niya makikita ulet anak ko. Tsaka nalang kapag healed na ko sa lahat ng sakit na pinaramdam nila sakin.
Alam ko kaya ko lahat ito.
Diba?

Sorry sa long post
