watch now

Author Topic: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant  (Read 13526 times)

chloebaby

  • Guest
BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« on: September 01, 2014, 12:25:24 pm »
Hi guys, gusto ko lang ilabas sama ng loob ko sa nangyare sakin.

11years kame ng ex ko. HS sweethearts ekek. Since day 1 ayaw sakin ng mom niya kasi physically di daw ako bagay sa anak niya. Only child si ex, menopausal baby, his father died when he was 4yo. Technically, dalawa lang sila ng nanay niya until the day we became a couple nung 34d yr HS.

Cut the story short, after 11 years, nagbuntis ako at samin siya nakatira although umuuwi pa rin siya sa kanila to check his mom. Never ako nakatungtong sa bahay nila sa buong relasyon namen pwera nalang kapag out of town mom niya.

Noong kame pa nun at di pa ko buntis, inom inom kame, tambay sa bahy ng friends, kain dito kain dyan, yosi yosi. Kaso siyempre nagbago lahat yun noong nalaman kong preggy ako. Nawala ako sa sirkulasyon. Mga barkada namen bihira ko na makasama. Siya din medyo nadamay sa paglayo ko. Napagaawayan namen yung mga inom inom nila kasi lagi ko siya hinahanap noong buntis ako which is total opposite dahil di ako mahigpit sa kanya before.

May mga nadagdag na new friends sa circle of friends namen. I didnt get the chance to meet those new friends kasi nga I was always home. Si ex lang ako nakakasama nila. I know the names and the faces kasi sa fb posts ekek. Nagstart yung paglabas labas nila mga April May this year.

Noong 9 months pregnant ako, June 1 yun, iniwan niya ko bigla. Nasa Baler, Aurora sila noon. Sabi niya sorry di na ko masaya. Di na daw niya kayang tiisin pagiging mahigpit ko at kung nanay nga daw niya di niya sinusunod e ako pa daw kaya. Sabi ko bakit niya ko iiwan e manganganak nako. He said alam naman niya na papalakihin ko ng maayos ang anak namen. So kampante na siya.

Akala ko na-burnt out lang, fed up. Nagmamakaawa pa ko noon sa opisina niya luhod dito luhod dyan. Wala. Kinakamutan lang ako ng ulo.

Nanganak ako July. Nabalitaan ko may kalive in daw. Di na ko nag imbestiga, di na nagtanong. May anak na ko at wala na ko oras makichismis.

August, dumating sa bahay namen. Pinapasok ko. Engot ako e. Dun pa natulog for one week. Sobrang engot ko e. Nakikipagusap na ayusin daw namen yung mga buhay namen para sa anak namen. Parang awa ko na daw. Nag SM pa kame blabla. Bonding bonding. Sabi ko sa kanya mahirap yung gusto niyang mangyare pero sige subukan.

Huling gabi niya samen, sabe niya uuwi muna siya sa mama niya at kakausapin niya daw yung kalive in niya. Sasabihin daw niya yung desisyon niya na kame ng anak ko lang pinipili niya. Babalik daw siya sa bahay namen kinabukasan to start anew.

Paaaak. Hindi bumalik. Ako tuloy ang sumugod sa bahay nila that night. Mag isa lang ako. Sobrang badtrip ko kasi di ko alam bakit di niya tinupad yung sinabi niyang babalikan niya kame ng anak namen.

Pagparada ko, inuman sa garahe nila ang inabutan ko. Yung barkada namen at yung 2 "new' friends na babae. Apparently, yung isa pala dun ang kinakasama ng ex ko.

Si ex, mama niya, kalive in niya at mga barkada niya ang inabutan ko doon. Nagsisigaw ako at ang sinabi ng ex ko e "Ang bobo bobo mo. Sa opisina ang galing galing mo, pagdating sa buhay t**** ka. Pinaikot lang kita sa palad ko para makasama ko anak ko. Umuwi ka na sainyo." At eto ang pinakasamaakit niyang sinabi sakin, "Sa eskandalong dinulot mo ngayon, kung namatay ang nanay ko, kahit mamatay kayo ng anak ko hindi niyo mapapantayan nanay ko."

Noong narinig ko yun, umalis na ko. Sira sira damit ko, hilong hilo ako sa pagumpog ni ex sakin sa oto ko. Yung paa ko may mga bubog ng bote ng beer. Hinang hina ako.

Sabi ng nanay ko sakin, napakatapang ko daw pero sana ilulugar ko ang tapang ko. Mali ako sa pagsugod ko doon.

Now eto ako mag 1 month palang since nangyare yung gulo na yun pero nagpapasalamat ako kay God na dahil sa pagsugod ko na yon e na-reveal sakin lahat lahat all at the same time.

Hindi na niya makikita ulet anak ko. Tsaka nalang kapag healed na ko sa lahat ng sakit na pinaramdam nila sakin.

Alam ko kaya ko lahat ito.

Diba? :)

Sorry sa long post :)

traxxex21

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #1 on: September 01, 2014, 12:43:01 pm »
Hi Sis,

Sorry I cannot message you pa. but I think I heard your story last last week pa somewhere in QC area.
To be honest.. nalungkot ako nung narinig ko yung nangyari.
Kalimutan mo na si guy nakatira sa saya ng nanay nya yun kaya ganun. :(

fastlove

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #2 on: September 01, 2014, 12:51:17 pm »
Solohin mo nayan  problema mo ..  yan  best  advice na   makukuha mo..
wag mo na  dagdagan.   goodluck.


killbill

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #3 on: September 01, 2014, 01:18:29 pm »
I am very sorry to hear that sis. I am a single mom too kaya ramdam kita.  Wag na wag mo nang pababalikin sa buhay niyong mag ina yang lalake na yan. Bakit kaya napaka daming salbaheng lalake sa mundo ngayon noh?

One thing for sure eh may katapat na karma yan. Believe me. Yung tatay ng anak ko after ilang years eh nabalitaan ko na lang na patapon na at nalululong na sa drugs, so maigi na din yun at hindi kami nagkatuluyan.

Hayaan mo na lang na yung ka live in niya ang sumakit ang ulo.

Yung baby mo, blessing yan. Hindi birong magpalaki ng bata lalo pa pag mag isa ka lang, literal na dugo, pawis at luha at napaka daming sakripisyo ang pagdadaanan mo basta stay strong at wag ka makakalimot mag pray palagi.

God bless.

chiqmom

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #4 on: September 01, 2014, 01:39:51 pm »
I feel you, I am a single mom too.

I'm just glad that you've finally made up your mind about your ex. Like you, when my ex started acting weird I was in complete denial because he was good when we were starting our relationship and I could not understand what made him changed. But later I realized that people changed because they want to, and not because I made them do it.

Don't worry about what you did, we all have our crazy episodes in life. What is important is that we move forward to become better.  ;)

I want to share a line from Paulo Coelho, it helped me during my dark times. :)

Before a new chapter is begun, the old one has to be finished: tell yourself that what has passed will never come back.

Remember that there was a time when you could live without that thing or that person – nothing is irreplaceable, a habit is not a need.

This may sound so obvious, it may even be difficult, but it is very important.

Closing cycles. Not because of pride, incapacity or arrogance, but simply because that no longer fits your life.

Shut the door, change the record, clean the house, shake off the dust.

Stop being who you were, and change into who you are.



ladylucille

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #5 on: September 01, 2014, 01:57:32 pm »
Well said sis @chiqmom

sis @chloebaby I remember a friend who once said, kukmuha ka ng sobrang bait na boyfriend para pag naging asawa mo na mabait pa din. Kasi mababawasan talaga ang bait nyan once magsama na kayo.

Anyway, you deserve better.  Keep praying. 

yoshina

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #6 on: September 01, 2014, 02:36:13 pm »
nakakaiyak naman ang story ng buhay mo sis ....iniisip ko ano kaya kung sa akin nangyari yan ganun sitwasyon ganyan din kaya gagawin ko ? ang hirap sa mga guys hinde talaga mapirmi sa isang babae ...di bale may karma lahat yan pray lang sis iiyak mo lahat kay Lord yan ,mag focus ka muna sa baby mo .

sum.mer

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #7 on: September 02, 2014, 12:44:41 am »
Naiyak ako sa post mo. I know hindi ko maiintindihan fully what you're going through but I wanna say na you're right kaya mo yan because you chose to be strong. Comment ko lang din kaya madaming guys ngayon ang assholes,sadly,because of the wrong mentality din ng parents..most of the time,ng mothers nila. I had an ex na ganyan din at tinuturo ng nanay nya sa kanya na ang babae madaling palitan etc etc at nanay lang ang babaeng dapat maging loyal ang isang guy. Pati panglalait sa babae & judging based on looks,status,etc,tinuturo ng nanay nya. How very f***ed up.

Godbless sis & take care of yourself & your baby.

chedz.03

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #8 on: September 02, 2014, 02:26:52 am »
Hay naku sis, if there's one thing na pwede mo ipagpasalamat sa ex mo ay yung dahil sa kanya may baby ka ngayon. Yun lang! Kakagulo ng dugo mga ganyang lalake. Kung ganyan naman ang boyfriend or asawa eh mas pipiliin ko nalang maging single.

alice_alice

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #9 on: September 02, 2014, 05:22:42 am »
You don't deserve what happened to you but it is also something to be thankful for, buti di ka kasal sa lalaki na yan nanakit pala siya tapos manginginom pa.

Grabe ang ginawa niya sayo to threaten you and your child like that, lumayo ka na sa lalaking yan. Walang maidudulot na maganda sa buhay mo yan. I can't imagine how heartbreaking that is to be left ng kabuwanan mo na, yung manganak ng magisa tapos maayos ka na nga bigla ka pang pinaasa tapos sinaktan ka pa physically, verbally at emotionally that's too much.

Blessing pa rin si baby kahit na jerk yang ex mo, turuan at palakihin mo siyang tama. Yang ex mo mahal nga nanay niya pero nalimutan naman siya turuan paano rumespeto ng babae.

God bless you sis. Sana okay ka na.

vain_mom

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #10 on: September 02, 2014, 08:02:11 am »
Hello sis! I am a single mom din. Tama yung ginawa mo at tuloy focus ka na lang muna kay baby. Slowly, makakapg move-on ka din. Talk to your family, sila ang iyong magiging healing ground. I've been through a lot too. 7mos pregnant naman ako nung niloko. Just like you, I chose to be freed from negativity. Alsa balutan ako, I have 2 handsome boys. Iniwanan ko yung tatay nila kasi may babae sa opisina namin. Kaya natin to! Pamilya ang importante, hindi nila tayo iiwanan :) Happy tuesday GTs!

aquacharly

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #11 on: September 02, 2014, 08:21:32 am »
My heart goes out to you, CHLOEBABY.   

What's there to say but:  ganyan tayong mga babae, kahit genius tayo, pag na in love -- puedeng puede maging  tatang@ tang@.  You are not alone, we make mistakes, what's done is done.  Learn!  Kasi History repeats itself until The Lesson is learned.

O sige  ha, naubos mo na quota mo of  not valuing yourself as you deserve to be valued, and loved.   
Find consolation in the thought that you gave it your all,  given the circumstances.
ENOUGH.  Reclaim yourself, gather your strength. 

You had a narrow escape.  Thank God.  Que horror if minalas ka at asawa mo ganyan.
This exBF of yours is not worth having in your life, as well as his child's life.  He is irresponsible & immature.
Do not underestimate yourself, you can give yourself & your child a beautiful life without this guy. Actually, you WILL have a beautiful life kasi he isn't in it.   Really, peksman.  A life with him, eh sigurado parang living rosary of sorrowful events yan. 

Count your blessings. 1 of which is, you now realize this exBF is a no-backbone lying SOB.   





jojo2978

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #12 on: September 02, 2014, 10:52:41 pm »
After reading your post, wala akong maisip na appropriate words except "ANG TIGAS NG MUKHA NIYA!".

I am willing to do a pro bono for you if gusto mo siya ipakulong or gusto mong siya naman magmakaawa sa iyo.

chirochan

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #13 on: September 03, 2014, 12:22:34 am »
Hi sis chloe kaya mo yan naniniwala ako na all moms aresuperheroes may times  na nasasaktan din tayo pero kakayanin for baby. Siguro blessing na yun natauhan ka sis just imagine kung natali ka sa ganyan tao. God is always there isipin man nila na nakapanglamang sila eh Diyos na ang bahala sakanila.
But if i were you idedemanda ko yan lalake na yan at magfile ng restraining order ng hindi na makalapit yan. Kung ganyan din siya di bale ng walang tatay

sugardrop

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #14 on: September 03, 2014, 12:28:18 am »
You're better off without him. You're strong, having already survived thay abuse you just experienced. You gotta give yourself credit for that. And none of your barkada even attempted to keep that from happening? Some barkadas, huh.

Anyway, I'm sure that your baby will give you all the happiness and joy in life that that soab who isn't even man enough (mas lalake pa mga bading kesa sa kanya!!!) has taken from you.

God bless. :)

gab54

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #15 on: September 03, 2014, 12:31:35 am »
Although nakakalungkot at nakakainis ang kwento mo. Gusto kong isipin na dapat tayo magsaya. Mabuti nalang ex mo na ang animal na yan! Mas masahol pa siya sa hayop. Mabuti nalang hindi na kayo! Best revenge is to live a happy fulfilling life without him!

beach_n_sunsets

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #16 on: September 04, 2014, 01:14:06 pm »
Nag-init ang ulo ko habang binabasa ang story mo, Chloebaby. Good thing nalaman mo na ang totoong kulay niya. Although may point naman ang mom mo na dapat ilagay mo ang tapang mo sa tama, at least nakita ng sariling mong mga mata ang kahayupan ng ex mo, though naging masakit siya physically and emotionally.

I strongly believe in karma, and I know that it will bite your ex in the arse really, really hard. You, on the other hand, have been blessed with a beautiful baby. Like what our other sisses said, focus na lang your energy sa kanya. I know it's hard to stay strong and I can't even imagine what you went through, pero I know kaya mo 'yan :) Bilib nga ako sa 'yo dahil in-acknowledge mo ang ka-gag*han mo and you're on your way to healing.

Best of luck, sis. Stay strong. God bless :)

P.S. Na-hihighblood pa rin ako sa ginawa ng ex mo. Grr.

piatos

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #17 on: September 05, 2014, 09:28:31 pm »
Ala mo sis wag kang papayag na walang ibbigay na sustento ang magaling mong ex.. Siya pasarap kaw naghihirap... Pahirapan mo din ang immature mong ex. Hindi pa nakuntento sa mga sinabi niya at inuumpog ka pa.. Ipabugbog mo dali sis hahaha! Ang inis ko hanggang leeg  >:(
« Last Edit: September 05, 2014, 09:54:54 pm by piatos »

redhead69

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #18 on: September 11, 2014, 05:05:50 pm »
To TS,
Dapat sis nung day na nabugbog ka nagpa-Medicolegal ka na. Im sorry sis sa mga naexperience mo. You dont deserve that. Just think na this will be a new start na maging mas careful especially for you and your baby. Grabe mga sinabi sayo ng ex mo. Di ba aware yung bago niyang ka-live in na ganyan ugali ng ex mo, i mean kung nakita niya na ganon ginawa sayo di ba siya magrereact na baka pagnagsawa na sakanya ex mo ganon din gawin sa kanya. Mama's boy na nga ex mo, Napaka-squatter pa ng ugali. Dapat sa ganyan di tinatanggap sa langit e. Sorry sa rants pero i really feel bad sa nangyari sayo. Siguro sa ngayon IF EVER kinontak ka ulit ng ex mong yan. NEVER ANSWER HIS CALLS/TEXT. or kahit magantay siya sa tapat ng bahay niyo magdamag wag mo siya tatanggapin. Kahit kasuhan ka pa niya na nilalayo mo anak niya ipaglaban mo. Basta sis, I wish you all the best. I hope maging okay ka na in time.

margauxkhloe

  • Guest
Re: BF of 11yrs left me when I was 9 months pregnant
« Reply #19 on: September 11, 2014, 05:49:52 pm »
Sorry to hear what happened but Hey cheer up! :)  Everything will be fine soon! And don't worry you got an angel now!  ;) Si baby ang magpupuno lahat ng pagkukulang ng daddy niya. Karma is always around. Bahala na si Lord sa lalaking gumawa niyan sayo. Sis, just to ask. Yan lang ba ang bisyo niya? Ang maginom? Is he taking drugs? Kasi it's very unusual na masabi niya na" kahit mamatay kayo ng anak ko hindi niyo mapapantayan nanay ko." Anak niya na yung sinabihan niya ng ganun. Napakasama ng sinabi niya and I  know masakit yun. Ang kapal ng muka. Bakit ba ang daming lalaking ganyan sa panahon ngayon?  But you know what time will heal, just make sure na wag ka na ulit papayag na lokohin ka niya. Pag lumapit ulit, iwasan mo. Hindi na dapat pagkatiwalaan ang mga ganyang klase ng lalaki. Pakatatag ka for your baby. 


 

Latest Stories

Load More Stories
Close