Don't get me wrong, they love their spouse/child/parents/siblings very much, pero over time, you get used to your life being "alone". Marami ang nahihirapang bumalik for so many reasons such as (1) having the money and financial ability to do things, buy things, etc. is so addictive (2) they're not used to the daily life/routine/relationships that their families adapt to and develop while they're away (3) getting used to the conveniences/easy life abroad (imagine clean taxis, excellent healthcare, no pollution, etc etc etc)... ang mas masakit, kadalasan yung naiwang family sa Pilipinas are not used to having you around either, and they might not adapt so easily once you're back for good (at of course, wala na yung stable source of money & padala for them).
Agree na agree ako dito, sis! OFW si hubby before pa kame ikasal. 2007 sya nagpunta ng UAE, we got married 2010 at sumunod kame ni baby ng 2012. Totoo ang mga points mo dito, may times na umuuwi si hubby pero hindi na ko sanay na nasa Pinas sya. sanay syang mag isa. minsan nagkakahiyaan na kame. kasi we're used to living separate lives. totoo to, kahit mag asawa na kayo, iba ang magkasama physically. buti nalang nga we worked things out, kasi mahirap ang LDR. 2012, plano namin na ako lang ang susunod, kasi di pa kaya na dalawa kame ni baby, but, thank God andyan ang nanay kong very supportive, she gave us enough money para dalawa na kame ni baby sumunod kay hubby and promised us na she'll support us hangga't wala pa kong work na nakukuha.
Si hubby, ayaw na nyan magstay ng matagal sa Pinas, kasi nga naman, medyo okay naman sya dito sa UAE. nabibili lahat ng gusto, hindi katulad nung nasa Pinas pa.
Hiwalay din kame ng nanay ko, kasi based sya sa Japan where she married my stepdad na din. once a year lang umuwi si mama, kaya hindi nya pinangarap na maging ganun din ang set up namin ng anak ko. mahirap naman talagang malayo sa magulang, iba pa rin pag kasama mo sila. hindi ako close sa nanay ko nung bata pa ko, pero narealized ko na she did what she had to do, or else, sobrang hirap ng buhay namin. thankful din ako sa napangasawa nya, coz tinitreat nya ako na parang tunay na anak talaga.
tulad ng isang sis natin dito, ang sahod namin ni hubby at sapat lang din, wala kameng ipon pa sa ngayon, pero okay na din, masaya pa rin ako kasi hindi ko iniwan si baby.
etong bakasyon nga namin, dapat sabay si baby at hubby pabalik dito sa UAE, pero di ko kaya, kaya dali dali ko syang pinarebook, kahit parang nagbayad ako ng another ticket, okay lang basta kasama ko sya.
ngayon mag aaral na din ang anak namin, mas mahirap kasi ang mahal ng schools dito sa UAE. my mom promised to help us wag lang iuwi si baby.
para kay TS, hindi din balakid na hindi nakapagtapos ang asawa mo, sis. ako nga, hindi din naman ako degree holder, pero nakahanap din ako ng maayos na trabaho dito sa UAE. i think dito sa ME, hindi naman sila mahigpit pagdating sa ganyan. madami akong kilala dito na okay ang work kahit hindi nakapagtapos ng kolehiyo.