watch now

Author Topic: Dealing with iiwan si baby for work abroad..  (Read 20856 times)

Girltalker2

  • Guest
Re: Dealing with iiwan si baby for work abroad..
« Reply #80 on: October 20, 2016, 09:18:41 pm »
^ sis, who takes care of your SIL's sons? Hindi na puede ask Sil if you can share her maid tapos add nalang ng konti. Another alternative is if you can hire a part time na punta sa house mo everyday, daytime lang. have one come mwf, then t th sat yung isa.

I think lahat ng prob may solusyon.

Baka better for you to give birth sa pinas. Then maternity leave ka ng 1-2 months, extend ubusin mo leaves mo. Baka maka 3 months ka na. Then bring your Mom for a month or 2 abroad with you to take care of your baby while you're at work, then Cousin, then Sister etc. By then mag one yr old na baby mo :)) mabilis lang Panahon. Adjust ka lang ng konti at Gawan mo ng paraan, doable iyan.

Medyo na-sad lang ako how your hubby can just say na iwan pinas. Does that mean hands off sya? He needs to grow up, maging mas mature and since magiging tatay na sya, sana  matuto sya magtaguyod ng pamilya without relying too much on your SIL, at magkaron ng maayos na Plano for your whole family. Talk and communicate as often as possible to your husband. You will need his support all throughout.

Ako nga nag iisa lang nag abroad. Pinilit ko dalhin 2 kids ko. At wala akong katuwang sa lagay na iyan (Long story but my hubby then now ex ay may sariling mundo/mistress sa pinas), pero eventually naayos naman lahat samin dito abroad me and my 2 kids - teens na sila now. Pray Karin and ask for God's guidance. Have a firm plan as early as now. If nagawa ko at ng ibang moms, kaya mo rin iyan.
« Last Edit: October 20, 2016, 09:40:15 pm by Girltalker2 »

mamey

  • Guest
Re: Dealing with iiwan si baby for work abroad..n
« Reply #81 on: October 20, 2016, 10:04:41 pm »
Thanks Sis sa reply and encouragement.. yun nga ang lagi kong sinasabi na kakayanin ko kahit ano wag lang mapahiwalay sakin si Baby..
Yung parents in law ko nag aalaga sa sons ng SIL ko. Yung husband kasi nya ayaw maghire ng katulong to take care of them. Hindi sha tiwala. Actually early this year lang sila nag start mag alaga ng apo kasi before hindi nag work SIL ko.. Early this year pinapunta ng SIL ko parents nila dito to take care of the apo then ngayon dahil both working SIL ko and her husband inuwi ng parents in law ko sa pinas yung dalawa bata kasi social visit lang din parents in law ko dito. Pero sa december babalik na ulit sila dito. Kaso nagsabi na agad yung mother in law ko na need nya umuwi ng pinas by January. That time manganganak nako.. kaya ko naman mag alaga mag isa.. ang ini isip ko lang is when i go back to work na.. Okay naman si hubby ini insist din naman nya na kakausapin nya parents nya na bumalik dito para tulungan kami mag alaga.. nahihiya lang talaga ko kasi before nga sakin nag rereklamo mother in law ko pag napapagod na sha mag alaga sa 2 apo tapos idagdag ko pa si baby.. At yun pa si mom ko mahirap din papuntahin dito kasi walang kumikilos sa bahay namin kundi sha lang asa lang lahat saknya saka may gradeschool pakong kapatid. Haay yes sis lagi kasama sa prayers ko na malalampasan namin tong darating na problem namin.. Siguro din kelangan kong matutunan na tumanggap ng help ako kasi yung tao na takot magka utang na loob at takot akong masabihan ng masama ng iba.. pero siguro para na din kay Baby i need to change..

lovemeagain30

  • Guest
Re: Dealing with iiwan si baby for work abroad..
« Reply #82 on: October 23, 2016, 02:52:48 pm »
sis nasa ibang bansa ka? May tinatawag na babysitter or daycare. iiwan mo yung bata sakanila tapos sunduin lang pagkagaling work. hanap ka nalang ng ganun. madaming ganun sa mga kalahi natin. andaming filipino family kaya magsurvive sa ganung arrangement,

nakakahiya din kasi ipa alaga sa inlaws ang mga bata lalo nat kung matatanda na sila. imagine nag alaga ka na ng anak pati apo sayo narin?  ::) magrereklamo talaga mga yun. usually ang ibang retirees they just want to enjoy life  lalo na kung madami na silang anak na inalagan, eto na yung panahon magpapahinga na sila at wala ng iniisip.

mamey

  • Guest
Re: Dealing with iiwan si baby for work abroad..
« Reply #83 on: October 24, 2016, 11:04:36 am »
^Yes sis yun din ang option namin atleast at the end of the day kasama parin namin sha here.
True sis regarding grand parents taking care of their apos. Ofcourse they love their apos and wants to take care of them pero not in a sense na hindi lahat iasa sakanila. Anyways, Pray lang talaga maka survive namin to.. thanks mga sisies! :)

lovemeagain30

  • Guest
Re: Dealing with iiwan si baby for work abroad..
« Reply #84 on: October 24, 2016, 06:21:04 pm »
OO naman kaya niyo yan. mind over matter. Kami nga ganyan ngayon, after kunin si eldest, may 2 years old pakong toddler ngayon. no yaya at all. iwan lang si bunso sa babysitter pag may pasok kami.

ang technique diyan maghanap ka na ngayon palang habang hindi ka pa nanganganak. magtanong tanong ka na sa mga kakilala mong may mga anak din na maliliit na nakatira sa bansa kung nasan kayo. madami yan for sure. mga nag aalaga ng ibang anak na iniiwan. para lam mo kung magkano at magkaron karin ng feedback sa mga kakilala mo. tapos pag usapan niyo mag asawa. 

yn061515

  • Guest
Re: Dealing with iiwan si baby for work abroad..n
« Reply #85 on: October 26, 2016, 03:02:40 pm »
Thanks Sis sa reply and encouragement.. yun nga ang lagi kong sinasabi na kakayanin ko kahit ano wag lang mapahiwalay sakin si Baby..
Yung parents in law ko nag aalaga sa sons ng SIL ko. Yung husband kasi nya ayaw maghire ng katulong to take care of them. Hindi sha tiwala. Actually early this year lang sila nag start mag alaga ng apo kasi before hindi nag work SIL ko.. Early this year pinapunta ng SIL ko parents nila dito to take care of the apo then ngayon dahil both working SIL ko and her husband inuwi ng parents in law ko sa pinas yung dalawa bata kasi social visit lang din parents in law ko dito. Pero sa december babalik na ulit sila dito. Kaso nagsabi na agad yung mother in law ko na need nya umuwi ng pinas by January. That time manganganak nako.. kaya ko naman mag alaga mag isa.. ang ini isip ko lang is when i go back to work na.. Okay naman si hubby ini insist din naman nya na kakausapin nya parents nya na bumalik dito para tulungan kami mag alaga.. nahihiya lang talaga ko kasi before nga sakin nag rereklamo mother in law ko pag napapagod na sha mag alaga sa 2 apo tapos idagdag ko pa si baby.. At yun pa si mom ko mahirap din papuntahin dito kasi walang kumikilos sa bahay namin kundi sha lang asa lang lahat saknya saka may gradeschool pakong kapatid. Haay yes sis lagi kasama sa prayers ko na malalampasan namin tong darating na problem namin.. Siguro din kelangan kong matutunan na tumanggap ng help ako kasi yung tao na takot magka utang na loob at takot akong masabihan ng masama ng iba.. pero siguro para na din kay Baby i need to change..

in our case naman, nag-aagawan ang parents namin sa apo nila. Haha! Gusto nila sana sa Pilipinas na lang ang bata kasi 1st baby namin yun at 1st apo both sides. Sa parents ko ang baby ko mula 2 months (nung umalis ako) hanggang bago mag 1 year old kaya mahal na mahal talaga nila. Andito si baby with us na, iniiwan sa daycare pag nasa work kami mag-asawa. Medyo magastos at mahal, I mean mas magastos at mas mahal pag andito sya pero wala naman kasing tatalo sa kompletong pamilya at sa ngiti, akap at halik ng bata sa magulang. Although minsan, pikit mata na lang talaga sa gastos. Siguro pag mag school na si baby, ibalik namin ulit sya sa Pilipinas kasi mas praktikal. Or sana sapat na ipon namin that time. Only God knows... pero atleast for us open yung option to leave her with our parents sa Pilipinas.

mamey

  • Guest
Re: Dealing with iiwan si baby for work abroad..
« Reply #86 on: October 28, 2016, 11:04:32 am »
^True sis. Pinipilit din ako ng mom ko na iwan nalang sa kanila si baby pero ayoko talaga. Ayokong pag sisihan yung moments na mawawala samin. hindi na yun maibabalik unlike pera, pwede pa naman yan kitain ulit diba. Time and memories is more important. Diko maisip na sa magiging milestones ng 1st baby ko wala ako sa tabi nya. Alam kong pag sisisihan ko yun balang araw pag iniwan ko sha sa pinas.

lyrahs

  • Guest
Re: Dealing with iiwan si baby for work abroad..
« Reply #87 on: February 08, 2018, 04:19:56 pm »
iniwan ko baby ko nung 5mos sya. Nag-settle lang ako dito sa SG then after 3weeks sumunod na sya. Nag-alternate sa pagpunta dito ang partner, mama at papa ko para alagaan baby ko. After 2mos, inuwi ko na din sa pinas kasi napakamahal talaga ng mga gamit ng bata dito at yung formula milk nya, hindi available dito.  After 4mos umuwi ako kasi natapos na project na ginagawa ko. Nakasama ko sya nung 1st bday nya at nung December holidays. Kaso nitong katapusan ng January, pinabalik ako dito sa SG. Plano kong dalhin sya ulit dito after 6mos, bubwelo lang ako. May mga milestones sya na namimiss ko lalo ngayon na naglalakad na sya. Gusto din ng parents ko na sila na lang daw ang mag-alaga pero ayaw ko din kasi baka magtagal pa ako dito this time, mas marami akong mamimiss sa anak ko tsaka baka hindi na ako makilala. Nito nga lang pag nagvivideocall kami, di na ako pinapansin. Pakiramdam ko galit sa akin kasi iniwan ko sya. :(

Girltalker2

  • Guest
Re: Dealing with iiwan si baby for work abroad..
« Reply #88 on: February 09, 2018, 09:10:45 am »
^ sis lapit lang naman Sg :)

Ask your parents to stay there with your baby, alternately. Dami Budget fares din. Feeling ko may paraan naman if you really want to see your baby growing up. On formula milk, puede ka naman mag hoard from pinas Di ba? 😄 I mean tuwing may punta Sg, padala ka

lyrahs

  • Guest
Re: Dealing with iiwan si baby for work abroad..
« Reply #89 on: February 09, 2018, 03:58:42 pm »
^ganyan ang ginawa namin sa milk nya dati sis. Kada palit ng magbabantay kay baby, may dalang milk nya. Buti nga ngayon regular formula milk na sya, meron na dito sa SG.
Ganon nga ang gagawin ko sis pag andito na baby ko, mag-alternate ulit ng punta ang parents at partner ko dito para sa baby namin. Namimiss ko tuloy ngayon.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close