My mom was the breadwinner of the family until 3++ years ago, since may part time si ate during her latter years of studying college (tutorial services), alam kong nanghihingi si mama kay ate that time. And 2 years ago, nagstart na rin ako magbigay since nakahanap ako agad ng work, so nakatulong na yon.
Before maging breadwinner ang mom namin, ang sperm donor namin talaga ang nagtatrabaho. Navy sya so laging wala sya sa bahay. Malaki ang sahod nya nun, and si mama, sa bahay lang. Kahit gusto nya magtrabaho, ayaw naman ni sperm donor. Gumagawa sya ng paraan para mapatigil ang mom ko. So para wala ng gulo, nagstay na lang sya sa bahay. Until matanggal sa trabaho si sperm donor due to mental illness (Bipolar disorder daw).
Since then, yearly kami nagkakaron ng problema sa kanya. Nag-eeskandalo sya sa kung saan-saan at sobrang paranoid nya, saying na may lalaki ang mom ko, etc. Elementary school teacher ang mom ko, at isang maling galaw nya lang, kakalat agad sa kanila yan, na pwedeng ikatanggal nya sa trabaho. At sobrang baba ng temper nya konting mali mo lang, mananakit sya. Di na nga sya nagtatrabaho, napakasama pa ng ugali. Pero sa ming magkakapatid, ako ang laging nasasaktan. Why? Kasi laging wala ang ate ko sa bahay. Ang age gap ko sa sumunod sa kin, 10 years. At ako ang nag-alaga sa kanila. I will never let that fvcktard lay a hand on my younger sibs.
His issues stopped 3 years ago, until this year, nag-umpisa na naman sya. Which resulted to my mom now about to lose her job. Ang bumubuhay sa kanya, mawawala na. Ang tagal na namin sinabi sa mom ko na hiwalayan nya na, itapon nya pabalik sa Bicol ang sperm donor, pero ayaw nya. Ngayon, pati ata ang mga younger sibs ko (elementary and junior high school students) papatigilin pa sa pag-aaral.
Sorry kung napahaba, pero I just had to let this out. Sobrang bigat sa feeling.
But to stay in line with the topic, ayos lang na maging breadwinner ang mga wives, as long as nagtutulungan kayong mag-asawa. Kung siguro, naging mabait ang sperm donor namin, hindi ko sya babastusin at sasagutin. Para sa kin, valid naman ang pagsagot ko sa kanya. Dahil lahat ng yon, laging ang taas ng tingin nya sa sarili nya so ok lang na manakit sya at magsabi ng di magagandang salita. Please, husbands, if hindi kayo magtatrabaho, gumalaw kayo sa bahay. Do house chores, alagaan ang mga kids, hindi kayo magkakaproblema kung magcocooperate kayong dalawa sa isa't isa.