Author Topic: Wives Who Are the Breadwinners  (Read 31501 times)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #160 on: August 10, 2016, 01:07:58 pm »
Ang hirap bigkasin ng salitang tatay since di naman nagpakatatay. Mas bagay sperm donor. Sa totoo lang nung naghiwalay kami nasaktan din naman ako pero sobrang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan at gumaan pasanin ko sa buhay. Mahirap din kasi na may anak ka ng intindihin pasaway pa ang partner

patriciaheart

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #161 on: August 10, 2016, 01:10:53 pm »
^tama sis may value ang tawaging tatay ang isang lalake... nanood pala ako ng Kardashians, naisip ko lang ka kawawa si Khloe sya pala lahat gumagastos milyon milyon nadun sa ex nya tapos addict parin. oh well. yun nalang buti hinde addict sa drugs asawa ko sana hinde rin sainyo siguro mas malaking pasan sa buhay yun.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #162 on: August 10, 2016, 01:20:20 pm »
Di ko rin maintindihan minsan reasons ng mga babae na nakakatagal makisama sa addict at susustento pa sa bisyo ng guy. Nakakatakot, I mean kapag high siya sa drugs pwede siyang makapanakit or makapatay and ang scary part is yung mga anak pa mismo ang maging victim. Kahit ipa-rehab pa alam ko nagrerelapse yan e, hahanap-hanapin pa din ng katawan ang droga.

patriciaheart

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #163 on: August 10, 2016, 02:02:32 pm »
^may classmate at ka office mate ako na ganyan MMK buhay, yung nanay nila martyr for a time,, yung sa classmate ko iniwan nila yung tatay nila kasi ewan ko nag sira na ulo paranoid lagi. Yung sa officemate ko naman martry parin yung nanay nila. Ang kinakatakot ko lang, nag share kasi ng story yung officemate ko noon iba, nag addict yung asawa nya dahil sa nawalan ng trabaho na depress ayun masama man sabihin pero buti nalang nag patiwakal na yung lalake kasi iniwan nila dahil naging violent sya at tumahimik na buhay ng officemate ko. pero ayun, ang root cause is yung nawalan ng work or nag work pero mababa sahod na tamaan ego. Iba rin kasi yung walang work for a long time sa lalake na hinde man lang nagttry. HAY.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #164 on: August 10, 2016, 02:47:30 pm »
Mahihina ata ang loob ng guys sa generation na ito. Gagawa ng problema tapos basta na lang tatakbuhan or tatakasan. Maski sa balita karamihan ang nagpapakamatay yung mga lalake na di makahanap ng trabaho or iniwan ng babae. Sobrang depression siguro. Tapos ang iba naman nag-adik na lang. Yung mga makakapal na mukha naman na iba papalit-palit na lang ng partner kapag nagkaproblema sila ng gf/asawa nila. Imbes hanapan ng solusyon e hahanap ng scapegoat.

janachen

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #165 on: August 10, 2016, 02:59:31 pm »
My tita was a breadwinner din.  62 years old silla nung naghiwalay, last year lang. Imagine sobrang tagal ng kanyang pagtitiis. Nambabae, nabugbog pa yung tita ko. Sobra sobrang pagtitiis.

Gusto pakong molestyahin ng asawa nya,  napakawalanghiya. I did not tell to my aunt until now walang nakakaalam. Lately ko nalaman, even my mom gustong gapangin noong dalaga pa. Ganun kaahas.

Noong nagpunta sa States kasi napetisyonan ng anak, nambabae pa rin tapos sumama sa babae nya. Sobrang nasiyahan kami kasi finally nawala na siya sa pamilya namin.

Lately, inaadd kaming lahat at bali balita na gustong bumalik sa states. May sakit na daw.  Deadma, lang ang mga anak. SInabihan na papahunting pagka tumapak sa aming bayan. Iniisip ko panu nakatiis yung tita namin sa mahabang panahon, kung ako sya matagal ko ng pinalayas. 40 years old na ang panganay nila, so 40 years na nagtiis.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #166 on: August 11, 2016, 01:31:53 am »
^Saklap lang kasi ang tagal nagtiis ng tita mo tapos sa hiwalayan din sila nauwi. Professional help na ang kailangan ng uncle mo, sobrang kati niya grabe maski kamag-anak papatusin

abalon95

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #167 on: January 04, 2019, 06:20:36 pm »
My mom was the breadwinner of the family until 3++ years ago, since may part time si ate during her latter years of studying college (tutorial services), alam kong nanghihingi si mama kay ate that time. And 2 years ago, nagstart na rin ako magbigay since nakahanap ako agad ng work, so nakatulong na yon.

Before maging breadwinner ang mom namin, ang sperm donor namin talaga ang nagtatrabaho. Navy sya so laging wala sya sa bahay. Malaki ang sahod nya nun, and si mama, sa bahay lang. Kahit gusto nya magtrabaho, ayaw naman ni sperm donor. Gumagawa sya ng paraan para mapatigil ang mom ko. So para wala ng gulo, nagstay na lang sya sa bahay. Until matanggal sa trabaho si sperm donor due to mental illness (Bipolar disorder daw).

Since then, yearly kami nagkakaron ng problema sa kanya. Nag-eeskandalo sya sa kung saan-saan at sobrang paranoid nya, saying na may lalaki ang mom ko, etc. Elementary school teacher ang mom ko, at isang maling galaw nya lang, kakalat agad sa kanila yan, na pwedeng ikatanggal nya sa trabaho. At sobrang baba ng temper nya konting mali mo lang, mananakit sya. Di na nga sya nagtatrabaho, napakasama pa ng ugali. Pero sa ming magkakapatid, ako ang laging nasasaktan. Why? Kasi laging wala ang ate ko sa bahay. Ang age gap ko sa sumunod sa kin, 10 years. At ako ang nag-alaga sa kanila. I will never let that fvcktard lay a hand on my younger sibs.

His issues stopped 3 years ago, until this year, nag-umpisa na naman sya. Which resulted to my mom now about to lose her job. Ang bumubuhay sa kanya, mawawala na. Ang tagal na namin sinabi sa mom ko na hiwalayan nya na, itapon nya pabalik sa Bicol ang sperm donor, pero ayaw nya. Ngayon, pati ata ang mga younger sibs ko (elementary and junior high school students) papatigilin pa sa pag-aaral.


Sorry kung napahaba, pero I just had to let this out. Sobrang bigat sa feeling.


But to stay in line with the topic, ayos lang na maging breadwinner ang mga wives, as long as nagtutulungan kayong mag-asawa. Kung siguro, naging mabait ang sperm donor namin, hindi ko sya babastusin at sasagutin. Para sa kin, valid naman ang pagsagot ko sa kanya. Dahil lahat ng yon, laging ang taas ng tingin nya sa sarili nya so ok lang na manakit sya at magsabi ng di magagandang salita. Please, husbands, if hindi kayo magtatrabaho, gumalaw kayo sa bahay. Do house chores, alagaan ang mga kids, hindi kayo magkakaproblema kung magcocooperate kayong dalawa sa isa't isa.

janachen

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #168 on: January 04, 2019, 09:40:31 pm »
Naku kung ganyan naman ang tatay at asawa ko, hiwalayan na.

Wala na ngang work tapos mananakit pa. Tsk!

glamorosa_09

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #169 on: January 04, 2019, 10:15:05 pm »
^^hirap talaga sis pag mental illness na ang pinag-uusapan... Baka nga hindi lang bipolar yan, may other comorbid mental illness pa like personality disorders...

When one family member is dysfunctional (especially PD), all the other members are the ones adjusting and suffering. Ang hirap ng kalagayan niyo, hindi lang emotional abusive, pathologically paranoid at physically violent pa.

Kung lalayasan niyo, eh yung sa hindi kayo maaabot. But of course, hindi naman ganun kadaling i-uproot ang buong family niyo. Buhay nga naman.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Wives Who Are the Breadwinners
« Reply #170 on: January 05, 2019, 12:22:58 am »
Sis abalon95, yung Tatay ko alcoholic and short-tempered. Hindi din maiwan ng Nanay ko.  :'( Sobrang awang awa ako sa Nanay ko. Pero sabi niya hayaan nalang niya. Kaya as a daughter I feel you. Simula bata ako grabe na ang prayers ko na magbago Tatay ko.

Dumadami na talaga ang mga wives na breadwinners pero okay lang yun basta ang house husband matino naman. Dami kong friends na ganito na ang set up eh.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close