^ sis outandaboutph not to offend you ah pero bakit mo tinotolerate ang pagiging
batugan (excuse for the word) ng asawa mo?? pati na rin panghuhuthot ng pamilya niya sainyo?
panget ka ba na babae? at siya lang nagtiyaga sayo?

hindi sa minamaliit kita ah. hindi yun ang intention ko. pero gusto lang sana kita bigyan ng realization kasi para kasing napaka under mo naman sa mister mo at naawa ako sa kalagayan mo sa totoo lang (lalo na't buntis ka pa).
hindi naman tama yun na wala na nga siyang trabaho, ikaw na gumagastos, pati ba naman sa gawaing bahay hindi mo pa maasahan.

dapat nga masipag siya sa bahay niyo at may libreng masahe ka pa dapat everyday kasi buntis ka.
tama ka din wag kang kumuha ng yaya pagka panganak mo,,andiyan naman asawa mo, siya mag alaga kamo!abay ikaw na nagpapasok ng pera sa pamilya, pasarap ka naman kamo kung hindi mo alagaan anak mo sa bahay. sabihin natin may business siya ngayon (though feel mo ay hindi naman para sainyo mag ina ang kikitain nun),, hawak niya parin ang oras niya dun. kung gusto magkatulong or mag yaya, siya kamo bahala magpa sahod.share nalang niya ng expense since ikaw naman gagastos ng panganganak mo.
ako talaga walang amor sa mga lalake na halos walang maitulong sa asawa nila eh ginawa pang sugar mommy. may kilala din akong ganyan babae na sobrang nagtiis sa asawang lalaki. siya na nga ang provider, binubugbog pa siya. ayun nung namatay ang lalake sa sakit ng highblood, parang nabunutan yung pamilya niya ng tinik.

wag mong payagan ganyanin ka ng asawa mo sis pati na ng pamilya niya. the more pinagbibigyan mo ang mga yan, the more nasa isip nila hawak ka nila sa leeg. bat hindi sa sarili mong pamilya ka gumastos? para sakin mas better ang feeling na dun ako nagbibigay sa mismong nanay at tatay ko kesa gagastos ako sa pamilya ng mister ko,, baka kamo lasunin ko pa sila eh!

-don't get me wrong ah, walang masamang magbigay and thank goodness my inlaws are very good with us. ang sinasabi ko lang eh kung sa situation mo eh obviously pineperahan ka nila at kakuntsaba nila ay mister mismo, abay ibang usapan na yun!
kaya ang unsolicited advice ko lang, wag mo sanayin ang asawa mo sa ganyang treatment niya sayo para hindi siya gayahin in-laws mo.
by the way, good luck to your pregnancy.
