We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
Naawa din ako sa anak namin kasi super love nya yung daddy nya, di natutulog ng hindi sya katabi kaya nakukunsensya ako pag iniisip ko palayasin sya. Hay hirap talaga pag may batang involve nahahati yung utak.
pareho kaming may trabaho ng mister ko, pero pakiramdam ko ako ang breadwinner kasi ako nagbabayad ng lahat tubig, kuryente, yaya, katulong, tuition, school service, kumon, internet. pamalengke at grocery lang sagot ng mister ko. ang nakakasama ng loob, yung suweldo ko, tax niya lang. nung nagpaayos kami ng bahay last year, nagalit siya sa akin kasi wala daw akong tinulong sa gastos ,siya daw gumastos lahat. sagot ko na nga lahat ng bills, kaya nung pinaayos niya yung bahay namin, hindi na ako tumulong. minasama niya pala yun, mga sis. kaya nung nagpaextend kami ng bahay this year, kailangan ko rin maglabas ng pera. mid-year na pero halos wala akong nasave itong 2016. hindi naman sa pinagdadamot ko pera ko, pero yung kita niya ginagastos niya sa sarili niya, sa luho niya. 2 nga kami nagtatrabaho, pero ang gastos ko parang single parent ako.