nanghihina ako, im a breastfeeding advocate, as much as possible if i have a friend na gusto talaga mag breastfeed, ipupush ko talaga, yun yung tipong very vocal sya to do that ha. like i have a friend sabi ko magpadede sya, oo daw, pero simula pa lang me mamahaling bottle na sya binili yung parang bakal, so alam mo na she wont really breastfeed exclusively. yung ganun, hindi naman ako tipong magpupush kasi ayoko maging nagger at pakelamera. so i have this friend who gave birth the other day, next day nagtext kami one side pa lang daw ng breast nya naka dede anak niya. pinabili daw sila ng FM at pinaiinom yung baby ng 1oz. sabi ko wag, etc. kasi i know my friend really likes to breastfeed. kaso she's not strong enough na she'd push na she'd breastfeed, siguro kung andun ako hindi ko sila papayagan. haha. anyway sabi ko na lang sige hayaan mo, wala magagawa kasi hindi advocate yung ospital, pero paglabas niyo, wag mo na painumin. so nakalabas na sila, kinakamusta ko, nahihirapan pa daw mag latch, given naman kasi 4 days pa lang si baby today. napapainom pa daw ng FM, sabi ko wag na painumin, lahat na sinabi ko, tapos she mentioned na gusto na daw niya dumami milk niya na parang sasabog (ganun kasi sakin eh, 19 months na BFing pa din kami ng baby ko) sabi ko hindi dadami yan kung papaformula mo pa rin anak mo kasi mabubusog sya agad, etcetc.. ilatch mo sya ng ilatch kasi crucial itong stage na ito nagsisimula pa lang kayo, important to blabla. wala ang tagal nag reply, i dont want to sound nagger or what pero she wants that she needs to be pushed diba? para san pa na umattend kami ng mga breastfeeding seminar. tapos i told her na uminon ng life oil, 2 times a day for a week, buti naman yung next reply nya after she doesnt reply eh how much at san nabibili. sana alisin na niya yung FM, nirereason niya kasi na nagwawala baby nya kaya binibigay yung FM e. yung anak ko naman nagwawala din pero push ko talaga yuung bfing. sana maging strong sya sa gusto niya mangyari.