Joining!
Exclusive breastfeeding. Mag one month pa lang ang baby ko. So far, so good. Hindi pa sya masyadong iyakin. I will be going back to work after 2 mos.ML (so 1 mo.na lang) kaya when he turned 3 weeks, practice ko na sya bottle feeding kasi I've heard and read stories na ayaw na mag feed sa bottle ng baby. Pero si baby buti naman, at first lang umayaw sa bottle siguro nanibago sa nips, pero after ilang tries dumede na rin naman and so far, wala pa kami problem. Dumedede sa bottle, dumedede din sakin. Kaya lang, after dede sa bottle, kahit busog na hanap niya pa rin dede ko to suck. Kahapon nag mall kami, nagdala ako ng expressed milk, kahit tapos na sya dede iyak pa rin kaya pina suck ko na lang sakin. After 10 secs tulog. Parang nawalan din ng saysay ang pagdala ko ng expressed milk. haha.
Tapos lately, minsan iritang irita sya sa pagdede, di mo naman tinatanggal yung dede iiyak. siguro yun yung pag busog na sya then gusto niya lang mag suck tapos may lumalabas na gatas, magagalit sya inaaway niya yung dede. haha parang yung sa isang sis lang dito nabasa ko sa isang thread.
Tanong ko lang, how would you know kung abundant/kulang yung milk na napa-pump? mag 1 mo.baby ko, and pag mag pump ako at least 4 oz per pumping session for both breasts. minsan mas madami 5 oz o 6 oz. kanina 6 oz. Okay na kaya yun. I'm using manual pump pa lang, yung farlin. Planning to buy cimilre m1 sa august bago bumalik sa work.
Medyo nakakalungkot kasi mom ko pinipilit ako mag mix feeding with formula kasi daw baka hindi na dumede sa bote kasi ganun daw ako dati, hindi dedede pag sa bote kahit anong gutom, baka mahirapan daw ako pagbalik sa work. I think hindi sya aware na pwede mag pump. Nung ininform ko sya about pumping, dini discourage niya ako kasi ngayon lang daw abundant at enough supply ko kasi newborn pa si baby. Pag lumaki laki na lalakas daw dumede at di na magiging enough ang gatas ko. Hays kaya nga mag pump diba. At kung mag mix ako edi lalong mag decrease supply ko. Tapos dini discourage niya din ako sa electric pump kasi mahal daw, gastos lang, eh kailangan ko yun. alangan naman mag work ubusin ko oras ko mag pump (kasi diba mas matagal pag manual tapos isa isa breast), ang gastos sa pump (7800 for cimilre m1 - one time gastos lang), i compare mo naman sa gastos sa formula, (i think kulang pa ang 5k a month) ang laking tipid ko na. at eto pa, nakaka cancer daw ang electric pump. wow. sorry rant na to, nakaka inis lang kasi, of all people, sya pa ang mag discourage sakin parang hindi niya alam benefits ng breastfeeding samantalang ako dati ebf din kaya super healthy talaga ko, never ako na admit sa hospital (maliban nung nanganak ako), magkasakit man, minor lang like lagnat, ubo, sipon at pa minsan lang. Yung mga relatives ko din, pinipilit nako na mag bottle feed kasi daw baka mahirapan ako pag babalik na ng work kasi yung pinsan ko ayaw na din magdede sa bottle. Pero sila naman, aware na pwedeng expressed milk ko pa din. Eh nung time na yun 2 weeks pa lang si baby. nabasa ko somewhere na dapat ma establish muna yung direct feeding bago i introduce sa bottle kasi baka magka nipple confusion at i prefer na lang ang bottle at i refuse ang direct. Buti na lang, bukod kami sa lahat ng family. Parents ko is nasa malayong province at ibang relatives nasa province pero malapit lang kaya hindi nila mapipilit ang gusto nila.
Buti na lang determinado talaga ko mag breastfeed kasi una, lahat ng nutrients na kailangan ni baby nasa breastmilk ko na hindi kayang ibigay ng anumang formula. Mas magiging healthy sya at protected sa sakit. Pangalawa, napakamahal ng formula. I don't want to spend so much on formula when I have supply naman diba. Better na, libre pa. Pangatlo, I really love the bond we create through breastfeeding. I love looking at him when he feeds. Kakaiba ang feeling. todo research talaga ko bago manganak. Nagbasa ako ng mga forums at blogs para armed ako with knowledge. Kaya ngayon, hindi nabawasan ang determination ko para mag breastfeed.
Sana walang mommies na formula feeding ang ma offend sa post ko. Tutal breastfeed thread naman to, ipaglalaban ko kasi talaga ang breastfeeding. Hehe. Btw, I did not attend any bf classes, wala din lactation massage or anything. Purely research lang talaga. super helpful ng GT for me. Although it would've been helpful din sana if I was able to attend classes, kaya lang no time for me busy sa work. Pero okay naman ako so far, sana tuloy tuloy lang.