watch now

Author Topic: ABS-CBN: The Legal Wife  (Read 73549 times)

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #180 on: March 10, 2014, 12:03:58 pm »
^eh sya lang naman ang nagiisip nun.
bakit naman si jasper naiintindihan..

lol.
affected ako masyado.. :D

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #181 on: March 10, 2014, 01:44:54 pm »
^ako rin. gustong gusto ko ang serye na ito...

kawchpatatas

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #182 on: March 11, 2014, 05:45:53 am »
grabe! nag pa palpitate talaga ako kanina while watching this series. kase malapet na mangyare yung inevitable, yung Nicole and Adrian. Sobra!
pero May concern ako sa teleserye na to, huh Baka di magtagal. di nagbayad ng taxi si Monica ah 😁😁😁. diretso sya agad sa arms ni Adrian. Baka I demanda ng taxi company hahahahha

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #183 on: March 11, 2014, 09:50:16 am »
waaaaaah! hindi ko ito napanood last night. pwede po paki share naman yung nangyari. thank you!

eternalpink

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #184 on: March 11, 2014, 09:52:10 am »
I think ito ang magiging simula nang pag drift apart ni Adrian & Monica...

Kase ayaw ni Adrian na tanggapin ni Monica yung position sa Vita pero mukhang tatanggapin niya pa rin 'to & then magiging super busy siya sa work (plus may ad agency pa siya) so mauubos time niya dun tapos feeling ko matutuloy pa din ang shares ni Max sa Vita so eventually Max & Monica will work closely together.

Si Adrian naman, feeling neglected, mashi-shift ang attention niya kay Nicole dahil hindi pa din mabenta ang lupa at may communication pa din sila dahil sa pagbebenta ng farm.

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #185 on: March 11, 2014, 10:40:35 am »
^i think so too sis..
nakakarelate ako dito.
lalo na sa part na ayaw ni adrian na bumalik s vita si monica..

kakainis naman kung ganun nga mangyayari.
means adrian doesn't love monica enough..

eternalpink

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #186 on: March 11, 2014, 10:52:17 am »
Si Adrian talagang strong ang feelings niya against Monica's family kase yung "binebenta" si Monica & yung iba pa saka feeling ko feeling ni Adrian sobrang galing ni Monica and hindi siya pinahahalagahan ng pamilya niya tapos ngayon kung kailan pabagsak na and Vita, saka lang siya tatawagin.

Baka naiisip niya, oh ngayon na naghihirap saka ka tatawagin pero dati wala lang. Tapos diba yung scene sa oven tinanong ni Monica something like ano ba talaga problema, sagot ni Adrian, "Pamilya mo"... :-\

So talagang mahal naman ni Adrian si Monica na he knows kung gano ka-talented si Monica, pero yun nga, dahil siguro eventually papasok siya ng Vita magiging super busy na siya.

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #187 on: March 11, 2014, 11:13:01 am »
gosh. ang ganda pala ng mga scenes kagabi, based sa mga kwento niyo, ka-abang abang talaga ang mga susunod na episodes.

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #188 on: March 11, 2014, 11:30:41 am »
sana naging masaya naman si adrian malaman na nagkasundo na sina monica at papa nya after all these years, kasi matagal ding hinintay ni monica na magkabati at tanggapin ulit sya ng papa nya.

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #189 on: March 11, 2014, 11:33:24 am »
^^^ yeah agreed..
(nakakaloka hindi pa nga nangyayari nag oover analyze ako..)

sakin kasi importante talaga ang family...
matagal na panahon na yun 'binenta' si monica ng tatay nya..
pwede naman magpatawad.
and ganun naman ang personality ni monica..

now.. it would have been different.
kung after tanggapin ni monica ang vita..
eh api apihin pa rin ni javier si adrian..
though di ko pa rin maiintindihan bakit kelangan ma fall kay nicole just because of that..

grabe affected ako masyado
lol...

^ tama ka dyan sis geeboy....
sana move on move on din.. :D

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #190 on: March 11, 2014, 11:47:35 am »
ang taas kase ng pride ni nicole eh. alam na niyang hinahanap siya ni monica pero wala lang. deadma lang.

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #191 on: March 11, 2014, 11:55:03 am »
^isa pa yan si nicole..
pero galing nun nagkita sila..
galing ni maja yun pinipigilan nya yun iyak nya..
but eventually bumigay din..

pero... wala din... pride pa rin ang umiral..
yun kay max maintindihan ko pa.. nakamove on na sya eh.. wag na sya guluhin..
pero yun kay nicole.. sana alamin din nya bakit di macontact si monica.
magbestfriend sila.. she should know pag di nagreply.. ibig sabihin may nangyayari..
:D

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #192 on: March 11, 2014, 12:21:20 pm »
eto na, sis ysa....

after magyakap at iyakan ng magkaibigan, nag-usap sila
monica: anong nangyari sa yo nung mga taong wala ka dito?
nicole: kung ano-ano. lumipat ako ng australia. sinubukan kong mabuhay don.
monica: buti na lang, bumalik ka na
nicole: babalik din ako don.
monica: nicole, mapoapatawad mo ba 'ko?
nicole: ilang taon na rin yon, monica. kaya nga 'ko lumayo para... para makalimot. pero sayang. kasi ang alam ko, ang kaibigan, dapat laging nandyan. pero hindi na yon mahalaga sa 'kin ngayon.
nag-paalam na si nicole at umalis.

sa bahay, nag-iimpake na si nicole, kausap nya si manang sylvia.
nicole: manang sylvia, pag dumating yung broker dito, sabihin mo sa kanya, bumalik na ko ng australia. sabihin mo sa kanya, sa internet na lang kami mag-uusap. dun nya ko a-update tungkol sa farm.
sylvia: aalis kayo, agad-agad?
nicole: oo, kasi maling-mali eh... maling-mali. sabi ko na eh. una si dante ramos, tapos si max at ngayon si monica. akala ko, ready na ko na... ready na ko pag nakita ko sya ulit pero hindi pa pala.... nakakainis. lahat ng taong ayaw kong makita, nagpapakita. lahat sila dumadating ulit sa buhay ko. pag di ako umalis, baka mamaya pati si gramps magpakita na sa 'kin. (nagpapatawa ka ba, nicole  ;D )
sylvia: hindi ho ba parang pabigla-bigla naman ang desisyon nyo?
nicole: gusto kong umalis.
sylvia: ma'am, relax lang po kayo. kasi baka mamaya makagawa kayo ng desisyon na pagsisisihan nyo.
nicole: tapos na ko sa pagsisisi, manang sylvia. matagal na.

pinapatulog ni monica si bunjoy, pumalit si trish sa kanya. nagliligpit na ng mga gamit sina monica, aling sandra at andrew. tinanong ni aling sandra si monica kung nagtatrabaho na sya sa vita. sabi ni monica na hindi pa kasi mag-uusap pa sila ni adrian pagdating ni adrian the next day. sabi ni aling sandra, siguraduhin daw, wag na daw patagalin kasi baka pagmulan pa ng away nilang mag-asawa.

samantala, may kausap na lalaki si adrian at may pinirmahan siya. then tinawagan nya si monica. tinanong nya kung sa townhouse na daw sya didiretso. papunta na daw sya. at may sorpresa daw sya. ano naman daw kaya ang surprise na yon. sabi ni adrian, clue daw, malaki at umiinit. ito siguro yung may pinirmahan sya kanina. anyway, bilisan na daw nya ang pag-uwi dahil excited na daw ang misis nya.

so yun na nga, nagkita na sila dun sa townhouse. alam nyo na mga susunod na pangyayari.

samantala, dumalaw sina gwen at thirdy sa bahay nina javier. hindi kasama si javy. sabi ni gwen, may lakad daw. sabi ni javier, sigurado daw sya, iniiwasan sya ni javy. nagkwentuhan ang mag-lolo. kinausap ni eloisa si gwen separately.

nasa sugalan naman sina javy at max.
max: mahilig ka rin pala sa sugal.
javy: nagsusugal lang ako pag alam 'kong mananalo 'ko.
max: hindi sugal tawag don. alam mo kung anong exciting gawin? benta mo yung shares mo sa vita. tapos i-invest mo sa casino business.
javy: bakit hindi ikaw ang mag-invest sa casino? bakit mo ba pinag-iinteresan ang vita?
max: eh ayokong mag-play safe. gusto ko challenge. ngayon kung gusto mo, ibenta mo yung shares mo sa vita, tapos ibebenta ko yung shares ko sa yo sa casino. ano sa tingin mo? good deal, di ba?

after nila "binyagan" yung bahay, kumain ang dalawa. madaming dalang pagkain si monica na napansin ni adrian. sabi ni monica, alam daw kasi nyang mapapagod sila kasi mag-aayos sila ng bagong bahay kaya kailangan nila ng energy. humihirit pa ng round 2 si adrian.

nasa tabi ng swimming pool si nicole, dumating si rowena. nagtaka pa sya kung pa'no sya nahanap ni rowena. sabi ni rowena, itinex daw nya sa kanya kung nasa'n sya bago nya patayin ang phone nya. biglaan naman daw yata ang getaway nya. kung sa kanya daw yung farm ni nicole, eh hindi na sya mag-aabala. bakit daw pumunta pa sya don. sabi ni nicole, gusto daw nyang lumayo sa mga taong nagpapaalala sa kanya kung sino sya dati.
rowena: parang mas okay naman yata yung nicole noon. medyo lost ako sa nicole ngayon eh.
nicole: lost na kung lost, rowena. pero baka ito na yung gusto ko, yung hindi ako matagpuan.

habang kumakain, sabi ni adrian, na-close na daw nila yung deal sa cebu. malaki-laki daw ang commission nya doon. makakabili na sila ng dalawang computer para sa editing. plus makakapagdagdag na rin sila ng tao dahil kulang sila.
monica: thank you, mahal ha.
adrian: inspirasyon kita eh. isipin mo yon, kapag natuloy na yung plano natin, nasa idea factory na ko at hindi na ko magre-real estate. wala nang mangha-harass sa 'kin.
natawa si adrian, pero obvious na may gustong sabihin si monica. tinanong nya kung okay ang asawa at kung may problema daw. kilala daw nya ang asawa nya, kapag may hindi sya masabi sa kanya, pinagluluto nya sya ng mga paborito nyang pagkain. at hindi daw sya makasagot kapag kinakausap nya sya. ano daw ang problema.
monica: naalala mo ba yung kinukwento ko sa 'yong bestfriend ko? (tumango si adrian) nagkita na kami. akala ko, na babalik kami sa dati. pero hindi eh.
adrian: yun lang?

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #193 on: March 11, 2014, 12:52:50 pm »
adrian: yun lang ang problema? ( hindi pa makasagot si monica ) mmm? okay. eh di kung nagkita na kayo, at least maganda yon, di ba? yun nga yung importante don eh. eh di ba sabi mo rin sa 'kin dati, hindi mo sya mahagilap.
monica: oo di ba nga umalis sya ng bansa nung namatay nga yung lolo nya. alam mo, nagi-guilty talaga 'ko don kasi wala 'ko non sa tabi nya. kaya siguro sya umalis para maka-move on... para makalimot... kahit pati sa 'kin.
adrian: wag mong masyadong intindihin yon. at least nung nagkita kayong dalawa, one big step yon. pasasaan ba't magiging maayos din kayo. kung magkaibigan at mag-best friend talaga kayo, magkakaunawaan kayo.
then small talks na lang.

balikan natin sina rowena at nicole. pinipigilan ni nicole si rowena kasi nilalagyan ni rowena ng alak yung iinumin nya. pampaklaro daw ng mind.
nicole: ay naku, ang alak na yan sinira nyan ang buhay ko dati.
rowena: uy, wag mong sisihin ang alcohol. nasira ang buhay mo dati dahil sa yo.
may lalaking lumapit kay nicole, may i have this dance daw. sorry no, ang sagot ni nicole. sabi ni rowena, pogi daw yon ba't tinanggihan nya.
nicole: ano ka ba, rowena, hindi na ko ganon ngayon.
may lalaki na namang lumapit.
max: ako rin kaya, tanggihan ni nicole, tingin mo?

nag-aayos na ng mga gamit ang mag-asawa. napapansin pa rin ni adrian na tahimik si monica. sabi nya na bukas na lang daw yan (yung mga ginagawa nila). sabi ni monica, hindi daw, kailangan nilang tapusin para makalipat sila kaagad. tama na daw yan, sabi ni adrian. lumapit sya at niyakap ang asawa. eto na, eto na...
adrian: parang ang isip mo, nasa ibang lugar eh. tama na yan, bukas na yan.
monica: mahal, may kailangan kang malaman eh.
adrian: alam ko. alam ko namang may gusto kang sabihin sa 'kin eh.
monica: si papa kasi eh, gusto nyang magtrabaho ako sa vita.
nag-iba ang tsura ni adrian.

nicole: anong ginagawa mo dito?
max: tinrace kita. well, actually, tinrace ko yung phone ko na naiwan ko sa 'yo.
nagkatinginan sina nicole at rowena. na kay rowena pala yung phone, binalik na nya kay max. matapos magpasalamat...
max: may i have this dance?
iniwanan sya ni nicole.

adrian: uhmm...
monica: si kuya jasper, nag-resign. si kuya javy, sinusukuan nya agad yung kumpanya. gusto nga nyang ibenta eh. alam mo, di ko ine-expect na bibigyan ako ng offer. pero sa 'ming magkakapatid, ako na lang yung inaasahan ni papa eh. alam mo, sobrang in bad shape talaga yung vita at alam kong mahalaga ito kay papa kaya gusto ko sanang tulugan sya eh. pumunta na nga 'ko don para magbigay ng suggestions, ideas, nagpresent ako ng... ng...
adrian: present? (lumayo sya at nag-busy-busy-han) so nagsimula ka na pala?
monica: hindi. tumutulong lang naman, mahal. syempre, hinihintay pa kita para mapag-usapan natin.
adrian: so ngayon, kailangan ka na nila.
monica: oo. si papa yung nag-request.
adrian: pa'no yung idea factory?
monica: hindi ko naman papabayaan eh. (lumapit si monica sa asawa) what do you think?
napabuntung-hininga si adrian bago sumagot.
adrian: wala sa plano natin yan eh. di ba may plano tayo?
monica: eh itutuloy pa rin naman natin yung mga plano natin eh. sa ngayon, gusto ko lang talagang gawin 'to para sa pamilya ko.
adrian: madaling sabihin yan ngayon. eh pag nagkagulo vita, pa'no na, pa'no tayo. magugulo rin tayo?
o-em-geee!

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #194 on: March 11, 2014, 01:27:00 pm »
lipat-bahay na, kasama sina aling sandra, andrew at bradley. may itinanong si aling sandra kay monica, sabi ni monica, itanong kay adrian. nung tanungin ni aling sandra ang anak, sabi, itanong kay monica. napansin ni aling sandra na may tension sa dalawa.
sandra: monica, nag-usap na kayo?
monica: oho
sandra: pumayag?
monica: wala naman hong sinasabing ayaw, pero parang hindi ho eh.

sinundan ni max si nicole
max: gusto mong mag-coffee or tea? kwentuhan muna tayo. ano lang, ah, pasasalamat dahil itinabi mo celfon ko. kung ayaw mong magsalita, di kwentuhan na lang kita. (sipain ko kapreskuhan nito eh  ;D )
nicole: max, celfon mo lang yung kailangan mo, di ba? wala tayong kailangan sa isa't-isa so please just leave me alone.
max: gano'n, so affected ka pa rin sa 'kin?
nicole: hindi na. max, wala 'kong oras sa pakikipaglaro, sa pakikipag-usap o pakikipag-flirt. kung hindi pa malinaw sa 'yo, lilinawin ko. nagkita lang tayo, yun lang. matagal ka nang tapos sa buhay ko.
tuluyan na syang iniwan ni nicole at rowena.

sandra: monica, anak, sigurado ka bang kaya mo na dito?
monica: oho ma
sandra: alam mo, kung ako sa 'yo, kakausapin ko ulit si adrian. maiintindihan naman nun na gusto mo talagang gusto mong magtrabaho para sa kumpanya ninyo.
monica: tingin mo, ma?
sandra: oo naman, mahal ka nun no. tingnan mo naman ang bahay nyo, ang ganda-ganda! pinaghirapan nya 'to. pinaghirapan nyo! kaya yung pagtatrabaho mo para sa pamilya mo, para din sa pagkaka-ayos-ayos ninyo, sa palagay ko naman, papayag din naman si adrian. kausapin mo, anak. at sana naman next time, maglagay ka naman ng picture dyan na naka-wedding gown ka, yung puti, di ba.
monica: alam mo, ma, hanggang ngayon, pangarap pa rin namin ni adrian yon eh. na makasal kami sa simbahan. pero sana kapag nangyari yon, sana may blessing na ng pamilya ko no.
sandra: hayaan mo, darating din yon. ikaw naman, wag mo nang pansinin yang si adrian. wala yan. lambingan lang yan. away ng mag-asawa yan. natural lang yon ano. kayo talaga. ako nga, naka-tatlong asawa eh. kaya sanay na ko dyan.
pumasok ang tatlong lalaki, buhat-buhat ang dineliver na oven. ito yung surprise ni adrian na malaki at umiinit. tuwang-tuwa si aling sandra, makakapag-bake na daw si monica. pero di pa alam ni monica, kaya sabi nya, wala daw syang in-order na oven. san daw yon nanggaling. tuwa din sina bradley at andrew, sabi ni bradley, surprise daw yon ni adrian. si adrian, nakatingin lang.

sila na lang sa bahay. naayos na ni adrian ang oven.
adrian: o, okay na to. subukan mo na.
monica: mahal ko, may warranty ba yan?
adrian: (nagpupunas-punas) oo naman.
monica: eh kasi, mahal kasi yung nabili mo eh.
adrian: ano?
monica: baka kasi nakahiwalay pa yung warranty nyan.
adrian: hindi mo ba nagustuhan na bumili ako ng oven? sorpresa ko sa 'yo yan eh.
monica: gusto, kaya lang... wala lang kasi sa budget natin...
adrian: bumili lang ako nyan dahil alam ko na gusto mong nagbibi-bake, di ba. eh ano ngayon kung mahal. kala ko magugustuhan mo.
monica: masaya naman ako eh ( ows, it doesn't show eh  ;D ) masaya ko na kasama ka, kasama yung anak natin. ( monica, yung oven ang pinaguusapan )  ikaw yung nagpapasaya sa 'kin, hindi naman yung oven eh.
adrian: yan bang oven na yan, hindi mo talaga gusto?
monica: hindi naman yang oven na yan yung pinagtatalunan natin dito, di ba? ( monica, yung oven ang pinagtatalunan ninyo, ikaw ang nagsimula )  ano ba talaga'ng problema?
adrian: pamilya mo.
the end.


ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #195 on: March 11, 2014, 01:50:22 pm »
yan yung episode nung monday? nagkita na ang magkaibigan? ngek! may namiss din ako last friday ata.

pero anyways,,,, super thank you sis geeboy! the best ka talaga!

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #196 on: March 11, 2014, 05:34:15 pm »
You're welcome, sis ysa  :) yup episode kagabi yan.

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #197 on: March 12, 2014, 09:11:02 am »
super thank you talaga sis!

twix

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #198 on: March 12, 2014, 10:57:29 am »
ganda ng episode kagabi,  :)

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #199 on: March 12, 2014, 10:59:24 am »
ganda ng episode kagabi,  :)


waaaaahh di ko napanood.. wala cable kagabi so ala signal tv namin.. :(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close