eto na, sis ysa....
after magyakap at iyakan ng magkaibigan, nag-usap sila
monica: anong nangyari sa yo nung mga taong wala ka dito?
nicole: kung ano-ano. lumipat ako ng australia. sinubukan kong mabuhay don.
monica: buti na lang, bumalik ka na
nicole: babalik din ako don.
monica: nicole, mapoapatawad mo ba 'ko?
nicole: ilang taon na rin yon, monica. kaya nga 'ko lumayo para... para makalimot. pero sayang. kasi ang alam ko, ang kaibigan, dapat laging nandyan. pero hindi na yon mahalaga sa 'kin ngayon.
nag-paalam na si nicole at umalis.
sa bahay, nag-iimpake na si nicole, kausap nya si manang sylvia.
nicole: manang sylvia, pag dumating yung broker dito, sabihin mo sa kanya, bumalik na ko ng australia. sabihin mo sa kanya, sa internet na lang kami mag-uusap. dun nya ko a-update tungkol sa farm.
sylvia: aalis kayo, agad-agad?
nicole: oo, kasi maling-mali eh... maling-mali. sabi ko na eh. una si dante ramos, tapos si max at ngayon si monica. akala ko, ready na ko na... ready na ko pag nakita ko sya ulit pero hindi pa pala.... nakakainis. lahat ng taong ayaw kong makita, nagpapakita. lahat sila dumadating ulit sa buhay ko. pag di ako umalis, baka mamaya pati si gramps magpakita na sa 'kin. (nagpapatawa ka ba, nicole

)
sylvia: hindi ho ba parang pabigla-bigla naman ang desisyon nyo?
nicole: gusto kong umalis.
sylvia: ma'am, relax lang po kayo. kasi baka mamaya makagawa kayo ng desisyon na pagsisisihan nyo.
nicole: tapos na ko sa pagsisisi, manang sylvia. matagal na.
pinapatulog ni monica si bunjoy, pumalit si trish sa kanya. nagliligpit na ng mga gamit sina monica, aling sandra at andrew. tinanong ni aling sandra si monica kung nagtatrabaho na sya sa vita. sabi ni monica na hindi pa kasi mag-uusap pa sila ni adrian pagdating ni adrian the next day. sabi ni aling sandra, siguraduhin daw, wag na daw patagalin kasi baka pagmulan pa ng away nilang mag-asawa.
samantala, may kausap na lalaki si adrian at may pinirmahan siya. then tinawagan nya si monica. tinanong nya kung sa townhouse na daw sya didiretso. papunta na daw sya. at may sorpresa daw sya. ano naman daw kaya ang surprise na yon. sabi ni adrian, clue daw, malaki at umiinit. ito siguro yung may pinirmahan sya kanina. anyway, bilisan na daw nya ang pag-uwi dahil excited na daw ang misis nya.
so yun na nga, nagkita na sila dun sa townhouse. alam nyo na mga susunod na pangyayari.
samantala, dumalaw sina gwen at thirdy sa bahay nina javier. hindi kasama si javy. sabi ni gwen, may lakad daw. sabi ni javier, sigurado daw sya, iniiwasan sya ni javy. nagkwentuhan ang mag-lolo. kinausap ni eloisa si gwen separately.
nasa sugalan naman sina javy at max.
max: mahilig ka rin pala sa sugal.
javy: nagsusugal lang ako pag alam 'kong mananalo 'ko.
max: hindi sugal tawag don. alam mo kung anong exciting gawin? benta mo yung shares mo sa vita. tapos i-invest mo sa casino business.
javy: bakit hindi ikaw ang mag-invest sa casino? bakit mo ba pinag-iinteresan ang vita?
max: eh ayokong mag-play safe. gusto ko challenge. ngayon kung gusto mo, ibenta mo yung shares mo sa vita, tapos ibebenta ko yung shares ko sa yo sa casino. ano sa tingin mo? good deal, di ba?
after nila "binyagan" yung bahay, kumain ang dalawa. madaming dalang pagkain si monica na napansin ni adrian. sabi ni monica, alam daw kasi nyang mapapagod sila kasi mag-aayos sila ng bagong bahay kaya kailangan nila ng energy. humihirit pa ng round 2 si adrian.
nasa tabi ng swimming pool si nicole, dumating si rowena. nagtaka pa sya kung pa'no sya nahanap ni rowena. sabi ni rowena, itinex daw nya sa kanya kung nasa'n sya bago nya patayin ang phone nya. biglaan naman daw yata ang getaway nya. kung sa kanya daw yung farm ni nicole, eh hindi na sya mag-aabala. bakit daw pumunta pa sya don. sabi ni nicole, gusto daw nyang lumayo sa mga taong nagpapaalala sa kanya kung sino sya dati.
rowena: parang mas okay naman yata yung nicole noon. medyo lost ako sa nicole ngayon eh.
nicole: lost na kung lost, rowena. pero baka ito na yung gusto ko, yung hindi ako matagpuan.
habang kumakain, sabi ni adrian, na-close na daw nila yung deal sa cebu. malaki-laki daw ang commission nya doon. makakabili na sila ng dalawang computer para sa editing. plus makakapagdagdag na rin sila ng tao dahil kulang sila.
monica: thank you, mahal ha.
adrian: inspirasyon kita eh. isipin mo yon, kapag natuloy na yung plano natin, nasa idea factory na ko at hindi na ko magre-real estate. wala nang mangha-harass sa 'kin.
natawa si adrian, pero obvious na may gustong sabihin si monica. tinanong nya kung okay ang asawa at kung may problema daw. kilala daw nya ang asawa nya, kapag may hindi sya masabi sa kanya, pinagluluto nya sya ng mga paborito nyang pagkain. at hindi daw sya makasagot kapag kinakausap nya sya. ano daw ang problema.
monica: naalala mo ba yung kinukwento ko sa 'yong bestfriend ko? (tumango si adrian) nagkita na kami. akala ko, na babalik kami sa dati. pero hindi eh.
adrian: yun lang?