watch now

Author Topic: ABS-CBN: The Legal Wife  (Read 73469 times)

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #140 on: February 28, 2014, 06:10:43 pm »
walang anuman, mga sis  ;)

di ko nagets kung ilang taon yung timejump nila, ipagpalagay na lang nating 5 yrs at mukhang 5 taon or more na rin yung bata. so si monica ngayon eh 30 na.

eto namang si adrian, hinayaan pang himas-himasin sya nung babae, naka-dalawang beses pa, di naman kumalas kaagad,  nung huli na lang. baka konting himas pa eh bibigay din yan.

at mukhang may attraction na sa kanila ni nicole ha.

crazy_krizsa

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #141 on: February 28, 2014, 10:57:00 pm »
Pano kaya yumaman si Max dito? Di kaya sya connected kay Dante? Hmmm....

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #142 on: March 01, 2014, 09:11:49 am »
^yes sis. yung episode last night parang may utang si max kay dante kaya ginagawa niya yun.

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #143 on: March 01, 2014, 11:34:04 am »
^ oo nga, naloka 'ko, bigla na lang, "o ano, bayad na ba 'ko?", ang sabi ni max. so may utang. ano kaya?

maganda na nga at nagkabati na ulit ang mag-ama. nakakatuwa din nung napapa-smile si javier sa bata, di nya lang pinapahalata. tapos bigla na lang, sugod si max. at ayon dun sa isang empleyadong babae na kausap ni monica, mula daw ng maging CEO si javy, bumagsak na ang vita. hmmm.... pabagsak na kaya talaga or may ginagawang kalokohan si javy.

thebratinella

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #144 on: March 01, 2014, 11:37:02 am »
grabe! sobrang naiyak ako sa eksena ni christopher de leon and angel. ang galing nila.

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #145 on: March 01, 2014, 11:52:36 am »
^^baka may ginagawa si javy kase diba out of the blue, gusto na niyang ibenta yung vita. eh di galit nanaman lalo si monica kay max kase ito ang bumibili ng vita.
 
wala kayang balak sabihin ni adrian kay nicole na si monica ang asawa niya. napaka-cold ng dating ni nicole kagabi.

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #146 on: March 01, 2014, 08:28:50 pm »
grabe! sobrang naiyak ako sa eksena ni christopher de leon and angel. ang galing nila.

True sis...
Napaiyak din talaka ako sa scene na to..

j_in_tokyo

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #147 on: March 03, 2014, 11:06:46 am »
MUkhang si dante pa ata ang magiging kontrabida dito ah?
At si javier na  yung magiging ka-awa awa..
Di ba last time na nagkita sila ni eloisa pinagtabuyan sya?

j_in_tokyo

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #148 on: March 03, 2014, 11:09:01 am »
Medyo di ko gusto yung biglang after 5 years yung eksena.
Hindi naestablished kung ano nangyari kila Dante, Nicole sa mga panahong yun.
Di man lang ba nag-attemp na sulatan, tawagan man lang  ni Monica si Nicole sa panahong yun?
Di na ba nagkita sina Dante at Monica?

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #149 on: March 03, 2014, 11:26:30 am »
^baka sis yung 5 years na jump eh pang back story nalang nila. andami naten siguradong mga tanong sa nangyari sa 5 years na nawawala.

dun nga lang sa paano yumaman si dante at pano nagkautang si max sa kanya.

ask ko lang din mga sis, di ba halos magkasing edad si monica at nicole? paano kaya nagkilala ni dante yung mom ni nicole eh di ba kasama niya yung mom ni monica noon pa? as in di ba inlove si dante kay eloisa?? kaya paano kaya napasok sa eksena si mommy ni nicole

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #150 on: March 03, 2014, 11:30:17 am »
^^watching this teleserye.. pansin ko mahlig sila sa flashback...
baka in time isisingit nila yan nangyari nun nag time jump sila...

^was thinking naman sis..
diba iniwan ni eloisa si dante.. para sumama kay javier..
one year old pa lang naman si Ikay nun umalis si eloisa kay javier..
and ilang taon na si javy nun.

so malamang nakasama ni dante yun mommy ni nicole by that time..
« Last Edit: March 03, 2014, 11:32:35 am by junepets »

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #151 on: March 03, 2014, 01:36:07 pm »
^ so sis baka pwede rin kaya na nung nagpakasal si eloisa kay javier eh lumayo si dante at nakakita ng iba after ilang years? kaya magkasing edad sina monica and nicole? excited ako sa kwento na ito...

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #152 on: March 03, 2014, 01:49:18 pm »
^pwede sis..
nagulat nga rin ako.. may anak na si monica at adrian..

2 days ko syang di napanood parang ang dami kong na miss..
thanks to sis geeboy for the updates.. ;-)

etong si adrian medyo naiinis na rin ako eh..
yayain pakasal si monica tapus natutukso pa rin pala sa iba.
amps..
(affected masyado..) :D

ToughEmpress

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #153 on: March 03, 2014, 02:28:27 pm »
I want to watch this sana dahil gandang-ganda ako kay Angel kaya lang nagpa-pulpitate talaga ako pag meron ng hints ng scenes na may attraction na between Jericho and Maja. I am newly married and expecting my husband to be loyal and faithful sa akin and to our future kid/s but with stories like this na parang fairytale, just can't imagine na despite the husband being happy with the wife eh nagkakaron pa rin ng other woman. Heartbreaking. Also, it's a negative feeling before matulog. Just my opinion.

jm23

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #154 on: March 03, 2014, 04:06:06 pm »
gandang ganda din ako ni Angel at gusto ko mga suot nya dito.

^inaabangan ko naman sis dito kung bakit naging unfaithful si Adrian to think na mahal na mahal nya si Monica. Yung tipong di mo inakala na magagawa nya yun.
Ayoko talaga yung thought na magkakarelasyon sila ni Maja dito at ayokong isipin na ma-attract sya ni maja, haha... gusto ko pa rin yung thought na na-love at first sight si Adrian kay Monica at na-attract sya agad kay Monica nung nakita nya. Nakita na rin naman nya si Maja nun (dart scene) at wala naman syang attraction nun and even in the second time (selling of property) na nagkita sila, eh wala naming hint na na-aattract si Adrian.

Hay, ayoko pa rin isipin na magtaksil si Adrian kay Monica... :(

ToughEmpress

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #155 on: March 03, 2014, 05:57:47 pm »
Dito na lang ako maki update kung anong nangyari at nakuhang mag cheat ni Adrian kay Monica :p

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #156 on: March 04, 2014, 12:09:11 pm »
masayang kinukwento ni monica kay sandra ang nangyari nung party, na kahit di sinasabi ng papa nya, natuwa sya nung makita sila ni bunjoy (bunjoy pala, kala ko bujoy). sabi ni sandra, dapat lang no. kahit sino naman daw matutuwa dun sa bata. masaya daw ba sya? sbai ni monica, oo daw, at pakiramdam nya, malapit na magkaayos sila ng papa nya. sabi ni sandra, dapat lang daw. iba daw talaga kapag may apo, lumalambot daw ang puso ng kahit sinong magulang. sinabi ni monica na may problema ang vita at umaasa lang sya na maayos ng kuya javy nya ang lahat.

lumabas ng kwarto si nicole. nakita nya si adrian, na kausap naman sa fon si monica.

javy: pa, pinatawag mo daw ako.
javier: yes, kailangan ipaliwanag mo sa kin ang ginawa mo.
javy: pa, simula po nung black propaganda laban sa vita, pahina ng pahina na po ang kumpanya. pa. ginawa ko na po ang lahat ng paraan para hindi tayo bumagsak. sinubukan ko po 'tong sabihin sa inyo. di po kasi kayo nakikinig sa 'kin.
javier: binalak mong ibenta ang kumpanya nang hindi mo sinasabi sa 'kin? son,  i --- reason to think na sinasabotahe mo 'ko at ang kumpanya.
eloisa: javier...
javy: pa, how could you accuse me of such a thing?
dumating si jasper.

tinanong ni nicole yung katulong kung bakit pinatuloy si adrian doon. naawa daw kasi sya. nung buhay pa daw kasi ang lolo nya, welcome daw ang lahat doon. tsaka kaibigan naman daw ni nicole si adrian. sabi ni nicole, hindi daw nya kaibigan, ni hindi nga daw nya bisita. dumating si adrian. meron lang silang inaayos na negosyo. lumapit si adrian. nag-sorry sya dahil nakituloy sya don. sa labas na lang daw sya matutulog, makikipark na lang daw sya kung okay lang, kasi wala na daw syang matutuloy ng gabing yon. hindi sumagot si nicole.

javier: so what do you think i would say? ininsulto mo 'ko. yun ang ginawa mo.
javy: pa, nagkaron lang naman ako ng talks with mr gonazales. sabi nya interesado sya sa vita. kahit pabagsak na tayo, --- yun po ang totoo!
javier: kelan mo ipapaalam sa kin ang lahat ng 'to? nakapagdesisyon na kayo kung magkano nyo ibebenta ang kumpanya na pinaghirapan ng lolo mo at pinaghirapan ko, ganun ba?!
javy: sasabihin ko naman po sa inyo, naunahan lang ako ni mr gonzales.
javier: jasper, alam mo ba ang tungkol dito?
jasper: hindi po, pa.
javier: sumasang-ayon ka sa kapatid mo?
jasper: would it matter, pa, if i do? pa, pare-parehas nating alam na hindi na makakaahon ang kumpanya.
javy: problema kasi, pa, wala naman po kayo nun eh. hindi nyo po alam ang hirap na ginagawa namin para lang maiayos ang kumpanya.
javier: we are not selling vita! not now, not ever! aayusin natin to! do you understand? .... do you understand?!
javy: alam nyo, pa, kahit kailan, hindi ko gustong saktan ka. never.
eloisa: javy, sige na, umuwi ka na, magpahinga ka na.
umalis na ang magkapatid.

samantala, nasa kotse si adrian, halatang nilalamok. nakatingin si nicole sa kanya. nakita sya adrian. umalis si nicole.

umiinom si javy, umiiyak. dumating si jasper.
jasper: kuya...
javy: jasper, bakit ba pag nagkamali ako, ayaw na nyang makinig. bata pa lang ako, ganyan na sya. konting mali, hindi nya makalimutan. pero yung years ko sa vita... yung years ko sa vita, na-appreciate nya ba? wala syang naa-appreciate na kahit ano. wala syang naa-appreciate na kahit ano. bakit ako(? di ko ma-gets) lang ang sinasaktan ni papa? (may sinabi pa sya na di ko na-gets)

javier: eloisa... tama ba ang mga anak mo o pinipilit ko lang ang lahat ng ito?
eloisa: alam ko, mahalaga sa 'yo ang vita. mahalaga sa yo ang pangalan mo... ang reputasyon mo. kaya susuportahan kita sa gusto mo.
javier: alam mo noon.... laging sinasabi ng papa, wala syang tiwala sa 'kin. hindi ko kayang itaguyod ang vita. pinatunayan ko sa kanya na kaya ko. bago sya mamatay non, sinasabi nya sa 'kin, di ko kaya. hindi kaya ni javier. after all these years, he cannot be right. he shouldn't be right.
niyakap ni eloisa ang asawa.

umaga na. binati ni adrian ng good morning si ms esquivel. didiretso na daw sya ng munisipyo para icheck yung mga papeles nung lote para sigurado ang lahat. sop na daw sa kanila yon blah blah blah. nagpaalam na sya.

sinundo ni aling sandra sa school si bunjoy. kinausap sya ng isang teacher, nagsuka na naman daw si bunjoy at latang-lata. nasa clinic daw. nasa ofis na monica at masaya ang kwentuhan nila ni kelly. tinawagan sya ni aling sandra.

may mga tinitingnan na blueprint si nicole. may dumating na dalawang lalaki. sabi nung mas mababang lalaki, wag daw ibenta ang farm. hintayin daw ang tatay nila. nadestino lang daw sa ilocos norte pero luluwas din sya. bago daw kasi namatay ang lolo ni nicole, nag-usap daw sila ng tatay nila na sa kanila ipagkakatiwala ang lupa kung may mangyari sa kanya. sabi ni nicole, tingnan daw nila kasi sa kanya naman pinamana ni gramps yung farm. mag-usap daw sila nung tatay, medyo may diin ang pagkakasabi nung lalaki ha. eto na mga makakapal ang mukha. sinabi na lang ni nicole na mas mabuti kung makakapag-usap sila ng tatay nila.

dumalaw si eloisa kina monica. nagdala si aling sandra ng turon with langka para meryenda nila. nakakatuwa makita ang mag-balae na 'to. sabi ni eloisa, pumasok na daw si monica, sila na ni sandra ang magaalaga kay bunjoy. binigyan nya ng pera si monica, para kay bunjoy daw. sabi ni monica, di na daw kailangan. basta magsabi lang daw sya pag kailangan nya.

kumakain na si javier nung dumating si eloisa. sinabi naman ni eloisa na kina monica sya galing dahil may sakit si bunjoy. kinumusta ni javier si bunjoy. okay na daw at makulit na ulit.

nakita ni aling sandra si monica sa tindahan, nagbabasa ng dyaryo. naka-headline kasi don na pabagsak na ang vita. sabi ni monica, di daw nya maiwasang isipin, ano daw kaya kung sumama na lang sya kay miguel, baka di daw nangyari yon sa kumpanya nila. sabi ni aling sandra, hindi naman daw talaga nila malalaman kung anong nangyari. pero kung hindi daw nya pinakasalan ang anak nya, wala daw bunjoy. at kung pinakasalan nya daw ang lalaking pinipilit sa kanya ng tatay nya at hindi yung lalaking mahal nya, magiging napakalaking kasalanan daw yon sa sarili nya.

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #157 on: March 04, 2014, 12:40:23 pm »
tulog na si bunjoy kaya bumabawi si monica sa work nya. pinagpapahinga na sya ni aling sandra. tumawag si adrian.

pinuntahan ni jasper sa bahay si monica
jasper: nagkamali si kuya. hindi nya dapat kinausap ang max gonzales na yon hangga't hindi kinakausap si papa at ang board. pero sabi naman nya, exploratory lang naman. ewan ko nga sa max na yon at bigla na lang nanggulo sa party ni papa. gusto lang atang gumawa ng eksena eh.
monica: pero... parang may kasunod kasi na "pero" yung sinasabi mo
jasper: pero masisisi mo ba si kuya. monica, alam naman natin na ginagawa nya ang lahat ng ito para sa kapakanan ng pamilya natin. monica, ginawa namin ang lahat these past few years pero hindi na makakabawi ang vita. malamang, naisip ni kuya, we better quit while we are ahead.
monica: naaawa kasi 'ko kay papa eh.
jasper: sino bang hindi. palpak ang mga anak na inaasahan nya sa kumpanya eh.
monica: hindi ka palpak. hindi kayo palpak.
jasper: honestly, monica, hindi ko alam kung ... hindi ko alam kung may magagawa pa kami.
nakichika na si jasper sa pamangkin nya.

sa ofis, nakita ni kelly na tinitingnan ni monica ang picture ni max. sinabi ni monica na sya yung max gonzales na sumugod sa vita. "never heard. bagong yaman?", sabi ni kelly. sabi ni monica, nakilala nya sya, from years ago pa. sya yung lalaking kinababaliwan ng best friend nya. sabi ni kelly, kahit sya daw, mababaliw din, imagine daw, pogi, bata, sariwa at sobrang yaman. sabi ni monica, di daw sya mayaman noon. struggling photographer daw yon noon. pwera na lang daw kung manggagamit sya, ginamit ang best friend nya. sabi ni kelly, then all of the sudden daw, gusto nang bilhin ang vita. kung ginamit daw non si nicole noon, meron daw yong ginagamit ngayon. nakita na daw ba ni monica ang online account non. sabi ni monica, wala daw online account. sabi ni kelly, kahina-hinala daw. yung mga taong walang online account ngayon, yun yung mga taong may lihim na nakaraan. may pinagtataguan.

magkausap sa fon ang mag-asawang adrian at nicole.

pinapatulog na nina trish at monica si bunjoy habang naglilinis sina aling sandra at andrew. ayaw matulog ni bunjoy dahil hinihintay ang tatay nya. sabi ni monica na bukas pa daw ang dating ng papa nya.

kausap ni jasper ang kaibigan nya. plano na nyang mag-resign sa vita. start his own business, have his own life. sabi ng friend, lagi naman daw nyang sinasabi yon pero di nya ginagawa. sabi ni jasper, di daw nya kayang talikuran ang pamilya nya. sabi ng friend, hindi naman daw ibig sabihin, tinatalikuran na nya ang pamilya nya. sya na rin daw mismo nagsabi na display lang sya don. kung nakikinig daw si javy sa mga sinasabi nya, na-prevent daw sana ang mga pangyayari. besides, ginawa na daw ni jasper ang lahat para isave ang vita, pero may nangyari ba. sabi ni jasper, sasabihin na nya sa kuya nya na magreresign na sya, itutuloy daw nya yon. maiintindihan naman daw siguro ng papa nya.

nagsabi na si jasper sa kuya nya. pero sabi ni javy, aaprubahan daw nya kung sya lang, pero kailangan daw kausapin ni jasper ang papa nila at sigurado syang hindi yun papayag.
jasper: ayoko sanang gawin 'to pero pakiramdam ko, wala na rin akong maitutulong. hindi na ko masaya, kuya.
narinig ni javier ang lahat.

nagharap ang tatlo.
javier: i respect your decision, jasper. pero gusto ko sana, bago ka umalis eh, magkaron ka ng kapalit dito sa kumpanya.
jasper: pa, bakit hindi na lang po si... monica
javy: ano?
jasper: kuya, maraming beses na rin naman may napatunayan si monica na kaya nya eh. at isa pa, magaling sya. in fact, sa ating tatlong magkakapatid, sya lang naman nagkaron ng sariling negosyo di ba. monica is capable. magagamit natin sya sa vita, pa.
javy: kalokohan yan, jasper! (tumayo) anong alam nya sa business natin?!
javier: (tumayo din) why not? why not monica? meron pa ba tayong ibang aasahan? gusto ko si monica.
napa-smile si jasper. inis naman si javy.

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #158 on: March 04, 2014, 02:01:04 pm »
^nice sis geeboy
thanks! :)

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #159 on: March 04, 2014, 02:15:35 pm »
thank you sis geeboy sa transcript!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close