may anak na sina monica at adrian. mukhang maganda ang relasyon ni monica sa inlaws nya. may karinderia na rin si aling sandra at nakatakda nang lumipat ng bahay sina monica. si eloisa, nagkikita na lang sila ni monica sa labas. papalapit na ang 55th bday ni javier at pinapapunta ni eloisa si monica. marami daw binabago ang panahon. baka pag magkita daw silang mag-ama ay maging maayos ang lahat. si javy naman, sinasabihan si jasper kung masaya pa daw ba sya sa vita, hopeless na daw kasi, at humanap na daw sya ng opportunity sa labas. ayaw ni jasper kasi legacy daw ng pamilya nila yon. sabi ni javy, naniniwala pa daw ba si jasper sa papa nila. si monica pala eh may sarili ng ad agency, ang idea factory na 2 yrs na. si nicole, bumalik na para ibenta yung farm nila.
eto naman sa episode ngayon, feb 27
may event na aatenan si monica, kaya lang, hinimatay si bujoy. kaya isinugod sa ospital.
may ipapakilala yung brod ni javy, younger daw sa kanila at bilyonaryo. sigurado daw ba sya sa gagawin nya. sabi ni javy, ito na daw ang best option. ang ibenta ang vita. alam na daw ba ng tatay nya. sabi ni javy, madali na lang daw yon, basta may option syang ilalatag sa kanya. dumating yung ipapakilala. nakupo, si max!
parang nasa real estate na si adrian. may kasama syang babae (diane medina) habang pinapakita ang property na ibebenta. nagulat sya nung bigla syang haplos-haplusin nung babae. buti na lang tumawag si monica para ibalita na dinala sa ospital ang anak nila. may nakain lang daw. sabi ni aling sandra, pupunta pa daw si monica sa awards night, umalis na daw sya at sila na lang ang bahala kay bujoy. eh nakiusap yung bata na wag syang iwan. so sabi ni monica kay adrian, ia-update na lang nya sya.
kausap na ni javy si max. kung sakali daw mabili ang kumpanya nya, ano daw ba ang plano don. sabi ni max, eh di tulad daw kung paano nya binili ang iba nyang kumpanya, "what i do, tore it to pieces. dyan kasi ako kumikita, kapag pinira-piraso ko ang pagbili sa mga yan." yun daw kasi ang itinuro sa kanya ng tatay nya. tapos tinanong nya si javy kung kelan nya makakausap si javier. sabi ni javy, paguusapan pa daw nila. ayaw daw nya ng nag-aantay, sabi ni max.
binalikan ni adrian yung babae. kung ayaw daw nya nung lugar, meron pa daw syang pwedeng ipakitang iba. sabi ng babae, hindi nga daw yon magugustuhan nung senator eleazar at sinabi nya rin na other woman sya nung senator. pero pahimas-himas pa rin kay adrian. sa mga tulad daw nilang mistresses, nababaliw ang mga lalaki. nagpo-propose pa kay adrian, no strings attached daw. nasa likod lang nung babae si bradley. sabi ni adrian, sayang, may asawa na ko. and i love my wife. tatawagan na lang daw nya sya. then iniwan na sya ni adrian. binibiro pa ni bradley si adrian, di na daw sya tulad ng dating adrian na madaming chicks. sabi ni adrian, iba na daw sya, may asawa na daw sya, may mrs monica de villa.