watch now

Author Topic: ABS-CBN: The Legal Wife  (Read 73611 times)

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #120 on: February 25, 2014, 11:50:10 am »
sis ysa, eto mga excerpts lang...

miguel: buong pamilya nyo, babagsak. babagsak kayong lahat!!!
monica: eh ano kung bumagsak kami? babangon kami. babangon ulit ang pamilya ko. at kung ikaw lang yung makakasama ko, mas gugustuhin ko pang magdildil kami ng asin, kesa maging asawa mo 'ko! (sabay talikod kay miguel pabalik sa kotse. sa mga guards) peram ng susi!
miguel: monica! monica! (lumingon si monica) hindi mo ba nakikita?! buksan mo mata mo! binenta ka ng tatay mo!

sinugod sa ospital ang gramps ni nicole. tawag sya ng tawa kay monica pero naiwan ni monica sa loob ng kotse ang celfon nya.

miguel: san ka pupunta ngayon?! kay adrian?! adrian de villa?! anong mabibigay nya sa 'yo?!

habang nire-revive ang gramps ni nicole, tuloy pa rin sya sa pagtawag kay monica.

tuluyan nang umalis si monica.
miguel: sa'n ka pupunta, ha?! monica! monica! saan ka pupunta, kay adrian?! wala syang mabibigay sa yo! monica!

samantala, namatay na ang gramps ni nicole.



geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #121 on: February 25, 2014, 12:17:41 pm »
tinawagan ni miguel si javier.
miguel: hello, tito. hindi matutuloy ang merger. ako na mismo nagsasabi sa inyo. hindi kayo ang pinili ng anak nyo.
so umalis na yung mga abugadong ka-meeting ni javier.

sa opisina, kausap naman ni sir bob si adrian at sinabihan sya na wag na syang ipapahiya. nagpasalamat naman si adrian. kaya lang, tumawag si monica, nakitawag sa isang tindahan. kailangan daw nya si adrian. sabi ni adrian, nasaan daw sya. pupuntahan daw nya sya. so nagpaalam si adrian kay sir bob. kaso parating na daw ang kliyente. kailangan daw sya ni monica. sabi ni sir bob, kapag umalis sya, don't bother coming back. pero inulit lang ni adrian na sorry, kailangan sya ni monica. then nanakbo na.

pagdating ni javy sa opisina ng ama, sabi ni javier, "katapusan na natin 'to, javy."

nagkita na sina adrian at monica. yakapan syempre.
monica: adrian, ilayo mo na ko dito. ilayo mo na ko dito. ayoko na, ayoko na. ilayo mo na ko dito....
adrian: okay na. tahan na, nandito na ko. tahan na.... tahan na.

ayaw na daw umuwi ni monica. saan daw nya gustong pumunta. hindi daw nya alam, basta malayo sa papa nya. hindi daw nya alam kung paano sya (yung papa nya) haharapin dun sa ginawa nya. ayaw daw nyang mawala yung respeto nya sa kanya.

tinawagan na rin nila si eloisa. pupuntahan daw ni eloisa si monica. tinanong ni jasper kung ano na balita kay monica.
eloisa: yang papa mo talaga, kahit kelan. papa'no nya to nagawa kay monica? papa'no nya nagawang ibenta ang sarili nyang anak kay miguel zapanta?
umalis na si eloisa.

nagkita na sina eloisa at monica. nagyakap din. iniwan muna sila ni adrian para makapagusap.
monica: my, sorry kung hindi muna ko uuwi ha.
eloisa: naiintindihan kita, anak. at yung ginawa ng papa mo, maling-mali.
monica: hindi ko ho talaga kayang mahalin si miguel.
eloisa: at hindi mo naman obligasyon na isalba ang pamilya natin. makinig ka sa 'kin. balang araw, mawawala din kami ng papa mo. yung mga kapatid mo, magkakaron din ng mga sarili nilang buhay. sa dulo ng lahat ng ito, ikaw lang ang maiiwan. kaya sundin mo kung ano makakapagpasaya sa 'yo. mahalin mo ang mga totoong mahal mo. ako na muna'ng bahala sa papa mo. kakastiguhin ko yon. (pinapatawa si monica) makakatikim talaga sa kin yon. pero anak, wag mong gayahin ang ginawa ko. pangit man pakinggan pero, pero wag mong gagawin ang mga pagkakamali ko.
nagyakap ulit sila.

samantala, sina javier and javy
javier: your lolo would always tell me, wala akong kwentang anak. for years, pinaniwalaan ko lahat ng mga sinabi nya. then i became a father... naniwala naman ako that i became the best father i can be. minahal ko kayo sa paraan na alam ko. binigay ko sa inyo ang lahat ng mga bagay na... sa tingin ko makakapagpaligaya sa inyo. pero kahit, kahit ginawa ko na ang lahat ng ito, pakiramdam ko... pakiramdam ko, wala pa rin akong ginagawang tama, javy. i just wanted the best for her. i just wanted the best for... for everyone.
iyak din si javier.

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #122 on: February 25, 2014, 12:49:14 pm »
hindi pa rin makontak ni nicole si monica.

may pinuntahan sina adrian, bahay daw ng uncle ni bradley. na-meet ni adrian ang naka-barong na si uncle tony. pero sabi ni uncle tony, uncle judge na lang daw, kasi yun ang tawag sa kanya ni bradley. pinakilala nya si monica. ipinahanda na daw ni uncle judge ang kwarto nila. sinabihan daw nya si bradley na sumama na sa kanila, pero sabi daw ni bradley, honeymoon daw nila. nagulat si monica. hindi daw. sabi ni uncle, alam na daw nya, kinwento na daw sa kanya. at niyaya na nya ang dalawa sa loob ng bahay. pasensya na rin daw kasi meron syang ikakasal. gustong-gusto daw kasi nung mga taga-roon ang garden nya.

nakaburol na ang gramps ni nicole, katulong nya sina anton at rowena.

nakauwing lasing sina javier at javy. sinabihan ni jasper si javy na dun na muna dahil lasing nga. baka pagalitan daw sya ni gwen. sabi ni eloisa, baka yun daw ang kailangan para matauhan. then sabi ni javier kay eloisa, "mawawala ka na rin ba sa 'kin?"

dumating ni max sa burol.
max: i'm sorry for gramps. nakikiramay ako. gusto ko na ring humingi ng sorry sa yo, nicole, sa lahat ng mga nasabi ko sa yo, sa lahat ng mga nagawa ko. alam ko, matagal ko na 'to....
pakkk!
sinampal sya ni nicole. nagulat sin anton at rowena.
nicole: para yan sa lahat ng kaga**han ko sa 'yo. lumayas ka na.
tumalikod na paalis si max.
nicole: ah, max... (humarap ulit si max) may nakalimutan lang ako.
isa pang mas malakas na pakkkk!
nicole: para yan sa lahat ng sampal na dapat dati ko pang ginawa sa 'yo.
umalis na si nicole.

rowena: ms nicole, kung gusto nyo, magpahinga na muna kayo. kami na muna'ng bahala dito. pag dumating po si ms monica, tatawagan ko po kayo.
nicole: okay lang naman ako, rowena. wag mo na hahanapin yung mga wala naman.

magkausap sa celfon sina adrian at bradley. nagpasalamat sya sa kaibigan. pinanood ni adrian yung ikinakasal.

bumalik sa kwarto nila si adrian, parang excited.
adrian: monica
monica: o... okay ka lang.
adrian: monica, may gusto kong... gusto kong maramdaman mo na kakampi mo ko palagi. gusto ko na kahit nasa'n ka, nandun ako. at kahit talikuran tayo ng buong mundo, hindi na ako makakaramdam ng lungkot kasi kasama kita. gusto kong maging kasama ka sa buhay. maging katuwang. gusto kong maging tagapagtanggol mo. gusto kong maging security guard mo. maging doktor mo kapag may sakit ka. gusto ko maging, maging chef mo kapag may gusto kang kainin. gusto ko maging masahista mo pag masakit ang katawan mo.  gusto kong maging kahit ano, sa yo. lahat ako. habambuhay. magagawa ko lang yon kapag mag-asawa na tayo. (lumuhod si adrian) monica, will you marry me? (nautal si monica) will you marry me?
monica: yes! yes!
nagyakap sila.
adrian: o ngayon na
monica: ngayon na?
adrian: seryoso 'ko, monica. ngayon na. tara. game ka?
monica: okay, game, game!
yakap ulit.

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #123 on: February 25, 2014, 01:14:54 pm »
^ayan naman..
mishoooooh sis geeboy.. :D

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #124 on: February 25, 2014, 01:45:36 pm »
the best ka talaga sis geeboy

thank you!  ;D ;D ;D

ginny_potter

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #125 on: February 25, 2014, 03:02:13 pm »
ikaw na talaga geeboy ang reyna ng recaps!  ;D

para na rin akong nakapanood ng episode kagabi.

looks like umpisa na ng alitan nina monica at nicole na kung tutuusin eh napaka-trivial lang. pero sa current state ni nicole, hindi natin siya masisisi kasi all along yung lolo lang niya at si monica yung kinu-consider niyang family.

kawchpatatas

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #126 on: February 25, 2014, 05:04:22 pm »
sis geeboy! ikaw na 😄😄

Naku puyatan na naman to.  can't wait tonight's episode.
curious ako Kung paano maagaw Ni Nicole si Adrian from Monica!

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #127 on: February 25, 2014, 05:34:00 pm »
walang anuman, mga sis  ;)  dinapuan ng kasipagan  ;D

kaloka talaga ang pag-iisip ni javier na sasabihin nyang, "i just wanted the best for her" kay monica eh the best ba yung ibenta nya ang anak nya sa taong alam nyang masama ang ugali  >:( >:( >:(  talaga

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #128 on: February 27, 2014, 01:22:56 pm »
hello! may idea po ba nung kwento last night? thanks.

junepets

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #129 on: February 27, 2014, 01:33:08 pm »
di ko rin napanood last night... (may basketball kasi.. di ako makasingit sa TV).. :D

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #130 on: February 27, 2014, 01:44:15 pm »
^ako sis ilang days ng di nakakapanood ng the legal wife and got to believe. busy kase eh.

ginny_potter

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #131 on: February 27, 2014, 03:44:20 pm »
question lang since i haven't been able to watch this lately --- alam ba ni nicole na si adrian yung boyfriend (and now husband) ni monica?

j_in_tokyo

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #132 on: February 27, 2014, 04:41:36 pm »
^^ wala pang alam si nicole about adrian being the bf then husband ni monica.
nakwento nya lang to pero di pa nya napakilala..
nameet narin ni nicole sa adrian sa isang bar..pero di sila nagkuhanan ng name..

Nung time na kelangan ni nicole si monica kasi namatay lolo nya di nya makontak si monica kasi
may problema din syang pinagdadaanan at yung CP nya kinuha ng mga bodyguards..
Nung time naman na kinokontak na ni monica si nicole, natanggal na ni nicole sa CP nya un sim card dahil sa siguro sa sama ng loob at feeling na alone sya..hanggang sa nagdecide sya magpunta ng australia.

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #133 on: February 28, 2014, 02:59:07 am »
may anak na sina monica at adrian. mukhang maganda ang relasyon ni monica sa inlaws nya. may karinderia na rin si aling sandra at nakatakda nang lumipat ng bahay sina monica. si eloisa, nagkikita na lang sila ni monica sa labas. papalapit na ang 55th bday ni javier at pinapapunta ni eloisa si monica. marami daw binabago ang panahon. baka pag magkita daw silang mag-ama ay maging maayos ang lahat. si javy naman, sinasabihan si jasper kung masaya pa daw ba sya sa vita, hopeless na daw kasi, at humanap na daw sya ng opportunity sa labas. ayaw ni jasper kasi legacy daw ng pamilya nila yon. sabi ni javy, naniniwala pa daw ba si jasper sa papa nila. si monica pala eh may sarili ng ad agency, ang idea factory na 2 yrs na. si nicole, bumalik na para ibenta yung farm nila.

eto naman sa episode ngayon, feb 27

may event na aatenan si monica, kaya lang, hinimatay si bujoy. kaya isinugod sa ospital.

may ipapakilala yung brod ni javy, younger daw sa kanila at bilyonaryo. sigurado daw ba sya sa gagawin nya. sabi ni javy, ito na daw ang best option. ang ibenta ang vita. alam na daw ba ng tatay nya. sabi ni javy, madali na lang daw yon, basta may option syang ilalatag sa kanya. dumating yung ipapakilala. nakupo, si max!

parang nasa real estate na si adrian. may kasama syang babae (diane medina) habang pinapakita ang property na ibebenta. nagulat sya nung bigla syang haplos-haplusin nung babae. buti na lang tumawag si monica para ibalita na dinala sa ospital ang anak nila. may nakain lang daw. sabi ni aling sandra, pupunta pa daw si monica sa awards night, umalis na daw sya at sila na lang ang bahala kay bujoy. eh nakiusap yung bata na wag syang iwan. so sabi ni monica kay adrian, ia-update na lang nya sya.

kausap na ni javy si max. kung sakali daw mabili ang kumpanya nya, ano daw ba ang plano don. sabi ni max, eh di tulad daw kung paano nya binili ang iba nyang kumpanya, "what i do, tore it to pieces. dyan kasi ako kumikita, kapag pinira-piraso ko ang pagbili sa mga yan." yun daw kasi ang itinuro sa kanya ng tatay nya. tapos tinanong nya si javy kung kelan nya makakausap si javier. sabi ni javy, paguusapan pa daw nila. ayaw daw nya ng nag-aantay, sabi ni max.

binalikan ni adrian yung babae. kung ayaw daw nya nung lugar, meron pa daw syang pwedeng ipakitang iba. sabi ng babae, hindi nga daw yon magugustuhan nung senator eleazar at sinabi nya rin na other woman sya nung senator. pero pahimas-himas pa rin kay adrian. sa mga tulad daw nilang mistresses, nababaliw ang mga lalaki. nagpo-propose pa kay adrian, no strings attached daw. nasa likod lang nung babae si bradley. sabi ni adrian, sayang, may asawa na ko. and i love my wife. tatawagan na lang daw nya sya. then iniwan na sya ni adrian. binibiro pa ni bradley si adrian, di na daw sya tulad ng dating adrian na madaming chicks. sabi ni adrian, iba na daw sya, may asawa na daw sya, may mrs monica de villa.

geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #134 on: February 28, 2014, 03:24:13 am »
galit na galit si javier sa nangyayari sa kumpanya. ang ibig sabihin daw, hindi nila ginagawa ang trabaho nila.
javy: pa, wala na tayong pera. the campaign failed. baka kailangan na nating isiping ibenta ang Vita!
javier: no! don't say that... i don't want to hear that. this is our family's only legacy. hindi tayo titiklop without giving our --- fight.
umalis si javier. sabi ni javy, wala daw syang kwentang CEO dahil hanggang ngayon, sya (papa) pa rin ang nasusunod.

nasa bahay na sina monica at anak nya. kinakantahan nya ito nung mapansin nya si sandra sa pinto.
sandra: hindi ko kasi inakala na magiging mabuti kang ina sa apo ko. syempre, anak mayaman ka. akala ko, spoiled brat ka. hindi lang pala sa kaseksihan pareho tayo... kundi pati pala sa pagtaguyod ng pamilya, pareho rin tayo.
lumapit si sandra at nagyakapan sila at si bujoy.

tinanong ni rowena si nicole kung nagkita na daw sila ni monica. hindi pa daw, mula nung umalis sya. wag na lang daw nilang pagusapan.

tumawag si kelly kay monica, nasan na daw sya. pinaliwanag na lang ni monica na nagkasakit si bujoy. sayang daw kasi meron silang pwedeng maging kliyente sa idea factory. nanghihinayang daw sya, shining moment pa naman daw sana ni monica.

tuwang-tuwang ipinakita ni jasper sa ina yung dyaryo na naka-headline sa business page si monica bilang young advertising agency leader of the year. proud na proud ang mag-ina. pero nung sinabi ni jasper kay javier na kunin na daw nila si monica para sa Vita, dedma lang ang javier. dedma rin lang nung ipapakita ni eloisa ang dyaryo sa asawa. samantala, tinitingnan din ni gwen ang dyaryo. sigurado daw kung nagtrabaho sya, kagaya na rin daw nya si monica ngayon. sabi ni javy, sigurado daw sya, wala 'tong (si monica) panahon sa asawa't anak nya. hindi ba kuntento naman daw si gwen sa bahay. sabi ni gwen, what if lang naman. sabi ni javy, tigilan daw yung kakaisip ng what if, what if. makuntento daw sya kung anong meron sya.

sa karinderia ni aling sandra, tuwa sya kasi may bagong tinatayong building sa kanto nila. lahat daw ng mga trabahador, dun nananghalian. malaki daw siguro ang benta nya ngayon. sabi ni monica, baka daw mag-expand pa sila, at maging restaurant na.
sandra: alam mo, anak, sa idad kong 'to, di na siguro ko mag-aambisyon ng mataas. sapat na sa 'kin 'tong karinderyang 'to. ang makitang may magandang buhay ang mga anak ko. tulad nyo ni adrian, may sarili na kayong pamilya. okay na okay na ko.
monica: alam mo, ma, pag nakalipat na talaga kami ng bahay ni adrian, sobrang mami-miss kita. ang laki kaya ng pasasalamat ko sa 'yo, ma. nung mga panahon na... nawalan ako ng pamilya, nakahanap ako ng pamilya sa inyo. salamat ma, ha. i love you.
nagyakap ang dalawa.

dumalaw si nicole sa puntod ng nanay at lolo nya.


geeboy

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #135 on: February 28, 2014, 03:40:06 am »
pinuntahan ni eloisa si monica sa opisina. sinisigurado nya na pupunta sina monica sa party ng papa nya. eh out of town pa si adrian. at kalalabas lang ng ospital ni bujoy. sabi ni eloisa, alam naman daw nya na natatakot lang si monica na baka itaboy na naman sya ng papa nya. pero malay daw nila, baka nagbago na ang isip nya ngayong taong 'to.

tinawagan ni monica si adrian. sabi ni adrian, tuwing pupunta naman daw sya don, gulo lang ang nangyayari. ok, bahala daw sya. kung gusto nyang pumunta, okay lang naman daw sa kanya. ang kanya lang, ayaw nya na napapahiya si monica.

may kinatok na pinto si adrian. si nicole ang nagbukas.

sabi ni aling sandra, parang di daw kilala ni monica ang asawa nya. pag sinabi daw ni adrian na bahala ka, ibig sabihin, ayaw nya. sabi ni monica, baka daw kasi ito na ang way para makipag-reconcile sila sa papa nya. ewan daw nya, sabi ni aling sandra, lahat naman daw nagawa na ni monica. kung yung tatay daw nya gustong makipagreconcile, sya naman daw ang gumawa ng paraan. baka maya daw nyan, pagsimulan pa yon ng away nilang mag-asawa.

inihahanda na ni monica ang anak nya at papunta sila sa party ng papa nya.

sabi ni monica nicole kay adrian, gusto daw nyang ibenta yung farmhouse at yung farm na ipinamana sa kanya. sana mabilis daw nyang maibenta. sabi ni adrian, don't worry daw, kahit ano, kaya nyang ibenta. sabi ni nicole, babalik daw kasi sya agad ng australia kaya mas mabilis daw nyang maibenta, mas mabuti. pinagmamasdan naman ni adrian si nicole, na nauuna sa kanyang maglakad. nung huminto na sila, sabi ni adrian, "ms esquivel (lumingon si nicole), nagkita na ba tayo dati?"

* ooopsss, sorry, ngayon ko lang napansin na mali pala  :)
« Last Edit: February 28, 2014, 12:21:42 pm by geeboy »

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #136 on: February 28, 2014, 09:21:39 am »
i so loooooove you sis geeboy!!!!  ;D ;D ;D

mapapanood ko na sana kagabi kaya lang dami ko pa gagawin. super thank you sis!

ginny_potter

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #137 on: February 28, 2014, 09:29:45 am »
super duper thanks, sis geeboy! wow... may timejump na pala, huh?

si javy talaga, kahit kelan bitter pa rin ang attitude towards his sister. paano kaya magkakaayos noh?

eternalpink

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #138 on: February 28, 2014, 09:42:32 am »
Thank you sis, geeboy! Nakatulog kase ako kagabi hehe hindi ko napanuod yung last part.

Not sure kung matagal na akong hindi nakakapanuod ng mga teleserye pero kakaiba ang approach nila dito; may timejump effect na hehe! Nagulat din ako nung biglang, ay may anak na, ang laki na din! ;D

Oo nga, never na-introduce ni Monica si Adrian kay Nicole kaya no idea siya sa identity ni Adrian. Nakwento ni Monica si Adrian before kay Nicole pero madami namang Adrian diba kaya malamang hindi niya maiisip na siya yun.

In fairness kay Adrian, matino naman pala siyang asawa (at first?) kase diba may lumanding girl effect eh dineadma lang niya. So ano ang magiging connection/chemistry nila ni Nicole at magagawa ni Adrian pag taksilan si Monica..

Pa-juicy na nang pa-juicy! At nagbalik na si Max hehe!

ysa.belle

  • Guest
Re: ABS-CBN: The Legal Wife
« Reply #139 on: February 28, 2014, 09:46:57 am »
ang aabangan ko niyan (if mapapanood ko) eh if paano nagkita sina max and monica at paano nainlove si max kay monica (lalo na alam ni monica na baliw na baliw si nicole sa guy)

hmmm... hindi kaya gumaganti lang si nicole kay monica nung inakit (assuming inakit) niya si adrian??? tapos nainlove nalang siya???

dami ko ng tanong... hehe

 

Latest Stories

Load More Stories
Close