watch now

Author Topic: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V  (Read 266973 times)

nettiebelle

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #440 on: December 09, 2017, 08:50:13 am »
After 10 days ng kerabond ko, unti unting nagiging wavy buhok ko sa sides which i love hehe ayoko nang mashadong straight na straight yung malapit sa pisngi ko. Mukhang natural lang plus bagsak and hindi na frizzy buhok ko. Siguro after one year paparekerabond ulit ako. 2K pala binayad ko, super sulit saka gumanda talaga buhok ko  :D

hermione28

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #441 on: December 19, 2017, 06:21:30 pm »
Anyone tried DIY or At home hair rebonding or relaxing? Does it work?

ficklemind

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #442 on: December 20, 2017, 04:55:08 pm »
^ natry ko na dati bumili ako ng pang rebond at nag DIY ako  palpak plantsa ko.
Walang effect lol. Hinde lang siguro dahil sa plantsa dahil na din sa gamot kong binili.

hermione28

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #443 on: December 20, 2017, 08:20:39 pm »
That's true sis, depende sa plantsa and depende sa gamot. May I ask kung anong gamot? And is that available sa drugstore/grocery? Nakakita kasi ako ng ganon eh. Ang alam ko di talaga effective yun since available sya sa mass, mahinang klase yung gamot para di makasira ng hair.

And ask ko din kung bakit palpak yung pagka plantsa mo sis?

Just B

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #444 on: January 06, 2018, 08:26:31 am »
Sa mga naghahanap ng sulit na rebond, try rocky and spike along congressional avenue. Sobrang galing pti color and highlights. Mabait pa si ms rocky. Kht medyo sira ang hair kaya nya. Sa color nagmmix pa sya kung ano bagay. Ang tagal pa ng effect. Ang dami ko na narefer sa kanya kasi siya lang nakaayos sa hair ko na tinanggihan ng t&j

itlogspambot

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #445 on: January 06, 2018, 10:23:14 am »
Sa mga naghahanap ng sulit na rebond, try rocky and spike along congressional avenue. Sobrang galing pti color and highlights. Mabait pa si ms rocky. Kht medyo sira ang hair kaya nya. Sa color nagmmix pa sya kung ano bagay. Ang tagal pa ng effect. Ang dami ko na narefer sa kanya kasi siya lang nakaayos sa hair ko na tinanggihan ng t&j

Sis how much rebond? And how much hair color?

Miss Taken

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #446 on: January 08, 2018, 01:42:11 pm »
Nagpa German keratin with hair color and cellophane ako three days ago at ang ganda talaga ng effect sa hair especially now na nabasa at nakapag conditioner na ako. It looks healthy at hind yung parang dry na walang buhay :)

Will go back later sa salon for the free hair spa.

Right after the german keratin: https://i.imgur.com/vV3hRTe.jpg
After three days (just today lol): https://i.imgur.com/8d4Igdi.jpg

Hair color looks greyish green now.

gorgeousdiva

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #447 on: January 11, 2018, 11:40:37 am »
san ka nag pa german keratin and how much sis @miss taken

caramelli

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #448 on: January 15, 2018, 02:33:39 pm »
Gaya ng iba sa inyo, nabiktima rin ako sa FB reviews. 12 yrs na ako nagpaparebond pero ngayon ko lang naexperience yung maluto ang buhok. Kaloooka! Sa cut & fix salon tayuman pritil branch ako nagpunta kasi yun ang malapit sa amin. Natry ko naman na before sa bench fix kaso hindi ako happy sa outcome, at feeling ko mas hiyang pa hair ko sa mga salons sa tabi tabi. Pero eto na nga, nangyari ang hindi ko inakala, grrr!

Pagdating ko doon, nirecommend agad ang brazilian. Feeling ko tinatamad mag plantsa ng buhok ang bading kaya ganon sabay tinaasan ang presyo compared dun sa nakalagay sa tarp nila. Sa akin naman ok lang kahit dagdagan nya presyo basta maganda kalabasan kaya gumora ako. Nung pinaupo nya na ako, meron palang isa pang customer na nauna sa akin, shinampoo na sya. Ang pinagawa ko ay egyptian rebond + hair color. Unang nilagay ang color. Mega kwento yung bading kahit sa ibang mga nagpapa pedicure dun na kesyo dati sya nagwowork sa may city of dreams, etc etc. Ako naman sa isip ko, "wow mukhang magaling nga ito. ayos tong napuntahan ko" Nasa salon ako ng 11:30am. Inapply agad yung hair color kasi kakaligo ko lang naman at di ako nag conditioner. After mga 2 hours, binanlawan na yung buhok ko. Ok naman ako sa color kasi pantay kahit hindi naman sakto outcome sa pinili kong color. Sige ok lang, mabait naman ako. Pero nagtaka ako bakit inuna yung color, sa mga previous color rebonds ko nauna yung rebonding cream. Hindi ako nagsalita kasi ayaw ko mag marunong. I was hoping iba ang technique nya. Si bading palipat lipat sa aming dalawa nung isa pang customer. Mga 3pm na nung nilagyan ako ng gamot pang rebond tapos after 45 mins binanlawan na. Eto na binoblower na ng assistant yung buhok ko. Napansin ko yung isang section na bandang babang part sobrang dry tapos kinky! Nagmukhang wig ng santo yung buhok ko. Sabi ko bakit ganon, ang tagal ko na kako nagpapa rebond pero never naging ganon buhok ko. Meron ako rebond before na hindi pulido ang gawa but still maayos pa rin naman. Sabi ni bakla may second round pa ng gamot. Tinuloy pa yung pag blower at OMG talaga, for the first time gusto ko manakit ng kapwa! ;D Yung buhok ko parang walis! Sobrang taas na ng boses ko, sabi ko "bakit ganyan?!! ano to, kukulutin nyo muna bago nyo unatin?!!" Sagot nya, "maam ganyan din yung kanya (habang nakaturo sa isang customer)" Sabi ko "eh hindi ba ganyan na talaga yung buhok nya?!". Kitang kita ko sa mga mukha ng mga bakla dun na pumalpak sila. Sabi ko sige tignan natin ha kung makukuha ng second na gamot to! Tinext ko asawa ko, pinapunta ko doon para may back up ako kung sakaling magkagulo, LOL! Kasi wala silang salamin sa likod so hindi ko makita yung sa likod ko kung ano na itsura. Pagdating ng asawa ko sinigawan sila. Bakit daw nagkanon buhok ko, natural straight naman hair ko, medyo makapal lang saka buhaghag pero hindi dry. Sumagot yung parang OIC nila ng "sir, may pangalawang gamot pa po kasi". Eh sinagot sya ng asawa ko ng "Hwag nyo ko gawing t@ng@! Alam ko itsura ng maayos sa hindi". Sagot pa rin yung bading na "eh sir hindi naman kayo stylist". Pilit nilang sinasabi na maaayos ng pangalawang gamot na tawag nila "R2" pero inabot na kami ng past 9pm sa salon, pinlantsa na nila pero alam ko sira na talaga buhok ko. Pag hinawakan mo pababa, maiipit yung daliri mo sa kunat nya. Sabi ko kay bading, pag binanlawan ko to after 3 days dapat hindi to ganito ha. Aba, nagmatapang ang bruha. Sinagot ako ng "gusto mo maam dito natin banlawan" Eh palaban ako, sabi ko "sige!". Friday daw sabi nya kasi rest day nya Thursday (Monday ako nagpa rebond) edi OK naman ako. Humirit pa, anong oras daw ako pwede ng Friday.. aba syempre sabi ko "buong araw pwede ako!"

Bumalik ako ng Friday kasi sa kasamaang palad, hindi talaga umayos ang buhok ko. Sa tagal ko nagpaparebond, this one is the WORST! Binanlawan ni bading yung hair ko tapos sabi nya itreatment nalang daw nya. Tinanong ko anong treatment ang gagawin pero hindi clear ang sagot nya, sabi lang nya hindi ko naman daw babayaran. Sige, kalmado pa rin ako kahit inis na ako. Pero feeling ko brazilian ginawa nya kasi masakit sa mata yung gamot at panay blower sya, di sya nakuntento pinlantsa nya uli buhok ko. Syempre paglabas ng salon maganda pero paggising ko sa umaga, eto na ang reality. :(

« Last Edit: January 15, 2018, 02:39:17 pm by caramelli »

Gum Ball

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #449 on: January 15, 2018, 07:46:46 pm »
^Sorry to hear what happened. Wow ang tigas ng mukha ng gumawa ng hair mo sis ha. Ireklamo mo s amanger nya yan or sa may ari mismo ng salon para di na makabiktima. nahilo siguro sya sa dami ng customer nya pero kahit na importante yung bantayan nya ng maigi ang process. sorry to say sis pero once na "fried" ng rebond yan di na mababalik sa dati or aayos. the only way is to chop it. ngyari yan sa friend ko at kahit anong pa brazillian at keratin nya wala talaga.  di naman kasi sya yung typical na dry hair lang it's chemically damaged.

caramelli

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #450 on: January 16, 2018, 12:47:55 pm »
^Sinabi mo pa sis. Sarap lang manakit talaga. Hinahanap nga ng husband ko yung manager nila pero wala dun. Yung acting manager lang nila na pinagtakpan lang din yung isa. Hinahanap ko kung meron silang fb page or site para magrereklamo talaga ako. Yes, wala na solution pag naluto ang hair. :( Sabi ko nga sa bading gupitin nalang yung ilalim kasi dun talaga yung super damaged part. Hindi ako sanay na pag hinawakan ko buhok ko, naiiwan yung daliri ko dahil sa kunat nya.

Miss Taken

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #451 on: January 16, 2018, 02:10:05 pm »
^ Awwww sis caramelli sorry about what that stylist did to your hair. Sobrang importante pa naman sateng mga girls ang ating hair cause it's our crowning glory. Medyo umayos naman ba ngayon or talagang nasira na nila?

Nung nasa Pinas pa ako meron kaming pinupuntahan ng mom ko na salon na sobrang affordable pero maganda pa din talaga ang outcome kaya pati mga churchmates ko dun na rin nagpapa ayos ng buhok :)

san ka nag pa german keratin and how much sis @miss taken
Hi sis. I'm based here in abroad eh and the price is 450aed. Super ok yung service nila dito then may kasama pang 1 tub ng hair spa at every time na pupunta ako sa salon na yun free service na. Tip na lang ang iisipin ko lol

geminimd

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #452 on: January 21, 2018, 12:09:55 pm »
I have thick (actual strands not just buhaghag) and wavy (the ugly wavy type) hair. I've had my hair rebonded maybe twice a year since I was 12 (im now 24). Not all were successful until 2013. Ive tried different salons already and sometimes or most of the time they fail. My hair once have been like "overcooked" forcing me to have it cut short. But now I only go to one salon twice a year because the results were always great. No post rebond frizzy hair, no super flat hair, and my hair is fine unless the roots (unrebonded natural hair)  are long already. Plus they won't force or keep on telling you get this and that treatment (annoys me the most in some hair salons). It also wont cost you that much, maybe 2000 to 4000? Depending on the length of your hair.

James Salon is where I go to, it's at E.  rodriguez Culmat Bldg near tomas morato. Sharing this because theyve been doing a great job for my hair for years already. Btw, I live in pasig, another proof that it's really worth having my hair done there ❤️

Tumblrista

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #453 on: March 02, 2018, 04:27:17 pm »
I don't know if this is off-topic but I'm just really curious to know: For those who are beach lovers and always travel to the beach/sea, what is your go-to hair treatment in the salon?

marssie

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #454 on: April 19, 2018, 11:36:28 am »
Recently had permanent blowout at Design Studio, so far so good but compared sa first mas soft and maganda bagsak nung una.

May alam ba kayong magandang salon sa Sta. Rosa area?

greys03

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #455 on: April 24, 2018, 02:31:39 pm »
hi sis marssie, how was your hair? I also bought voucher for permanent blowout with design studio, im planning to use it on May12. thanks.

i_miss_sleep

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #456 on: April 25, 2018, 01:26:57 am »
Anyone experienced going to the beach/pool after a hair treatment? Did the salty/chlorine water ruin your hair?

marssie

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #457 on: April 25, 2018, 08:23:48 pm »
hi sis marssie, how was your hair? I also bought voucher for permanent blowout with design studio, im planning to use it on May12. thanks.

Like what i have mentioned earlier sis, not so satisfied as the first one. May wave kasi ngayon and nagdry ang hair ko, nung una sobrang lambot at shiny, hindi siya flat, may slight wave pero mukha lang siyang natural at nagblend sa bagsak ng hair ko, this time nakaumbok sa likod ang hair ko dahil sa wave plus nagdry nga feeling ko malapit ng mag kinky kasi one morning nagising ako nag kinky siya but after ko maligo nawala naman pero dry pa rin. Babalik pa ako for them to check, balitaan kita after.

To be fair, maganda ang first experience ko, and im still hoping na maging okay pa rin at maayos nila. 6 years ago, lagi ako kay Wheng ng Affascinante Salon and happy ako sa kanya, ang ayaw ko lang ang tagal nila kasi gumawa as in! At malayo nga kasi puntahan,then i discovered DS last year and okay nga siya kaya sabi ko nakahanap na yata ako ng ipapalit kay Wheng ;D  But we'll see :)
« Last Edit: April 25, 2018, 08:25:53 pm by marssie »

ireneeey

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #458 on: April 25, 2018, 11:55:20 pm »
Hi guys. ASk ko lang. Matagal nakong nagpaparebond. Nag-start ako when I was in 3rd yr high school. So every year new rebond. Ang problem ko is after a few months, nagkakaroon ng bulge or umbok don sa malapit sa crown. So ang pangit tignan sa likod tuloy. :( Siguro dahil sa bagong tubo na buhok yon. Nag-try akong magpa-brazilian keratin a few days ago. Ang ganda sa first day parang bagong rebond. Pero nung napaliguan ayon nandon na ulit yung umbok. Lol. So narealize ko pangtanggal lang talaga ng frizz yung keratin.

So pano matatanggal yung parang umbok sa taas? balak ko ng patubuin yung natural hair ko and hindi na ako magpaparebond. Puro brazilian nalang balak ko. Okay na kaya yon? Or once na nagparebond ka na, dapat ba every year ng magpaparebond?

sassy_gal18

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #459 on: April 26, 2018, 11:00:52 am »
For me ha, yung permanent blow out di sya as good as steambond na rebond. Hindi ako fan ng rebonding pero nung natry ko both,i prefer yung steambond kesa permanent blowout especially kung di na virgin hair.

Maganda sa umpisa yung PB pero pag humuhulas na yung effect tumitigas na yung hair so the next time pagawa mo sya di na talaga maganda effect.

Unlike yung sa SB pag humahaba na yung hair malambot yung bagong tubo nag bblend lang din sa treated part kahit ilipat lipat mo yung hair ng hair hindi sya awkward (di tulad sa PB hindi na pwede ilipat yung hati ng hair ko kahit may regrowth na kasi matigas yung buhok)

My hair type is medyo straight, frizzy lang talaga sya and thin strands.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close