watch now

Author Topic: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V  (Read 266936 times)

sofiameredith

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #460 on: April 26, 2018, 11:36:54 am »
^san ka nagpa steambond sis? same lang ba ng rebond yung process and yung after care is bawal muna basain ng 3 days etc?...

sassy_gal18

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #461 on: April 26, 2018, 01:35:54 pm »
Hi sis. Thru voucher din ako ng deal grocer sa Regine?s salon. Same ng process and down time sis ang steambond at rebond plantsa lang pinagkaiba. And i think loreal yung gamit na gamot.

Been staying away from that rebond thingy pero nung natry ko yug steam bond nag sisi ako kung bat nag switch pa ko sa permanent blowout na thru deal grocer din. :) Pero baka results varies din sis.

sofiameredith

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #462 on: April 26, 2018, 01:49:07 pm »
^thanks sis ah...ma try nga yang steambond...ang tagal ko na din kasi di nagpaparebond since nauso yang permanent blowout and yun nga parang ngayon di na din ako satisfied sa permanent blowout

marssie

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #463 on: April 27, 2018, 09:35:03 am »
Just to share my latest and definitely will be may last experience with PB.  I was so disappointed. This is my honest feeling and personal experience, you can still try para maexperience nyo ang PB kasi sabi ko nga sobrang satisfied ako nung una ko naranasan ang PB to the extent na prinomote ko pa siya sa lahat ng friends ko.  I also met the owner that time and she was so nice and accommodating kaya siguro ang nasasad lang ako na ganito ang nangyari.  Just to share what happened:

I came back to do 'the treatment', to make it clear I've been told by the hairstylist (guy) to come back after 10days for the treatment. Habang ginagawa ang PB ilang beses ko tinanong yung isang girl kung treatment na ba ang ginagawa niya, she said yes, then another treatment daw after ten days tulad ng sinabi nung guy. So naisip ko parang tulad din pala ng dati pababalikin nanaman ako for another treatment, dahil nung first PB ko, bumalik din ako for another treatment and I assumed ganon ulit yun, since gusto kong idelay ang pagpapakulay kasi mga white hairs ko naman talaga ang gusto kong matakpan kung gagawin ko siya early,pag alis ko nakalitaw na ulit ang white hairs ko, sabi ko next time nalang ako magpapakulay pagbalik ko since may treatment pa naman na gagawin ulit isasabay ko nalang.  So eto nga after ilang days after ng PB at ng mawash ko na hair ko hindi ko talaga gusto ang result, nagdry ang dulo, may wave sa ilalim na inaangat ang likod ko, at medyo mag-kinky na yung strands ng hair ko. Nag message ako sa kanila at sinabi na pwede nila ayusin/i-retouch pagbalik ko. So nung pagbalik ko sinabi ko sa hairstylist (different guy) based on my assessment hindi maganda ang pagkakagawa at papunta na ng kinky ang hair ko at nag dry, he checked my hair and he agreed na tama ang assessment ko, so kung uulitin ang PB makikinky na ng tuluyan. He suggested na itreatment muna, then i-delay ko muna ang pagpapacolor dahil sa condition ng hair ko hindi siya makakabuti, was so disappointed na kasi nga need ko na magpacolor dahil paalis na kami next week at mas cheaper kasi dito sa Pinas kaya kasama sa schedule ko talaga ang PB at Hair Color kasi sobrang dami ko ng white hair. Pero dahil nga ayaw ko ng mainis, sabi ko yung treatment nalang ang gagawin ko. Then the other lady asked me kung dala ko raw ba yung 30% off card na binigay last time, i said yes and why, sabi niya para daw madiscount ang treatment.  Dito na ata umusok ang ilong ko sa inis! Unang una wala silang sinabi na may bayad yun, i assumed na free kasi nga last time na bumalik ako free naman siya. Then sabi nila kaya daw pala free kasi nung unang PB ko may kasamang color, ang package kasi PB at color may treatment. So naisip ko oo nga naman tama sila dun, pero nung una akong nag pa PB walang nag explain sa akin na kaya may extra treatment ako dahil dalawa ang nasa package ko. Then eto ngang latest na PB ko, ang linaw ng pagkakasabi sa akin balik ako after ten days for another treatment and even the girl na nag assist last time, pinatotohanan niya na ganon nga ang sinabi nung guy sa akin kaya lahat sila nag apologize dahil daw sa misunderstanding ,maybe wrong choice of words  at dahil nga hindi rin clear yung dati, inisip ko na agad na pareho lang din. Honestly, i find it very inconvenient na pabalik balik pa for another treatment pero dahil nga magpapakulay din ako at sabi ko sayang dahil kasama sa package (na wala naman na pala) bumalik ako. I don't mind paying for the treatment, pero ang price niya is konti nalang may color na hair ko at may free ng treatment, so why don't i just color my hair nalang, but since hindi nga ako pwede magpacolor dahil damaged ang hair ko. So ending, wala! sabi ko itrim nalang para mawala dry (as suggested by the hairstylist (new guy), aba sinisingil pa ako ng haircut 700+! So sabi ko wag nalang, Bago ako umalis, binalik ko sa kanila yung coupon nila

This is just me, hindi na ako babalik sa salon nila,  i was so satisfied sa first PB experience ko kaya kahit outside Metro Manila pa ako nakatira sinadya ko talaga sila.  Siguro kaya sobra ang disappointment ko dahil akala ko nakahanap na ako ng new home to take care of my hair, but this time, they failed.  What irritates me most - damage na nga ang hair ko hindi pa pwedeng makulayan at wala na akong choice kung hindi magpacolor nalang pagbalik ko abroad, and how they handled the situation--to be fair apologetic sila, pero yung alam na nga nilang di ka satisfied,ang layo pa ng pinangalingan ko, wala man lang silang nagawa to ease my dissapointment. I guess masyado akong napabilib sa mga review ng bloggers about PB, mas dapat pala sa Girltalk ako nagbabad ng review :D

After a year pagbalik ko, hanap na ako ng bagong salon ulit or balik nalang ako ulit kay Weng.

greys03

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #464 on: April 27, 2018, 10:07:55 am »
hi sis marssie, kalungkot naman [textspeak!] experience mo, parang ayoko na tuloy gamitin [textspeak!] voucher ko kaya lang sayang nman :-(..pero after ng initial PB pababalikin ka talaga for treatment? thanks.

sassy_gal18

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #465 on: April 27, 2018, 04:10:47 pm »
Sis i highly suggest na pag isipan mo mabuti bago ka mag undergo sa PB kasi promise yung state ng hair mo habang tumatagal mas pumapangit parang lalo namamatay and matigas.

Nag sisisi talaga ko nagpadala ako sa rave from blogs, Saka dun sa idea na hindi naman sya kamurahan kay siguro ok sya.

Yung idea pa lang na itetest nila yung hair mo before the treatment kung kakayanin is red flag na. Ibig sabihin harsh talaga yung gamot na gamit.

marssie

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #466 on: April 27, 2018, 09:24:51 pm »
^ i agree sis, dahil nga medyo pricey siya inakala kong mas okay. Plus nag search naman kasi ako at maganda ang review ng mga bloggers 😄 and nung trinay ko nga maganda naman last year ang result. Eto lang second ang failed which is enough reason na for me para wag ng umulit.

^^Sis greys03- nope, the reason daw kung bakit ako pinabalik dati dahil yung inavail kung package dalawa yung kasamang treatment, na hindi ko talaga maalala kung sinabi ba sa akin dati. Anyway nagkamali nga siguro ako na hindi ko naintindihan or maalala yung dati pero ang issue ko now is etong second PB ko sinabi ng hairstylist na babalik ako after 10days for the treatment na dahil nga bumalik ako nung una inakala ko na ganon talaga ang procedure at dahil nga hindi ako satisfied at hindi talaga maganda ang result ng second PB ko inisip ko baka after ng second  treatment magkaroon ng improvement plus ireretouch naman daw, kaso nung chineck hindi pala pwede iretouch kasi mas lalong madadamage na, then the worst part is hindi na pala kasama sa package yung treatment na binalikan ko may bayad na, so option ko nalang sana para makakuha ng treatment is magpacolor kasi kasama sa package ang treatment since yun talaga plan ko BUT AGAIN dahil damaged ang hair ko hindi pa raw pwede ang color, so lastly sabi ko trim nalang kasi sabi ng hairstylist para daw mabawasan ang dry sa dulo, again si ako na sobrang naiirita na At ayaw ko na mag assume tinanong ko about haircut sabay sabing need ko magbayad pa, sana man lang sana complimentary nalang nila yun! Di ko na ininsist kasi baka pag hindi ko magustuhan ang gupit ay kasalanan ko nanaman dahil pinilit kong maging free yung haircut :D

Nasa sayo din naman sis, maganda naman unang PB ko kaya nga ako umulit kaso nga lang dahil sa nangyari ngayon hindi na talaga ako babalik dun.
« Last Edit: April 27, 2018, 10:41:37 pm by marssie »

marssie

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #467 on: April 27, 2018, 09:42:16 pm »
Sis sassy san ka pala nag pa PB dati?

sassy_gal18

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #468 on: April 27, 2018, 10:32:33 pm »
Hi sis Design Studio sa may makati.

hushush

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #469 on: April 27, 2018, 11:56:29 pm »
First time ko lang magparebond . takot ako dati kasi baka maglagas ang hair ko. Kaya lagi na lang nakapony tail kasi di kering ilugay.. Frizzy kasi masyado. but lately nagugustuhan ko na maglugay kaya nagparebond na ako. Marami ako pinuntahang salon to check yung quality ng service nila. Then i ended up in a salon na may kasamang cellophane at keratin treatment ang rebonding package. Sa dami kasi ng pinuntahan ko sya lang yung nag-explain sakin bakit need ng cello at keratin. Cello daw para malambot at shiny ang hair ko after ng rebond. Then keratin to protect my hair dahil may color na ang hair prior to rebond kaya prone sa damage. Masaya naman ako sa result. Di ko na need magplantsa lagi ng hair. Kaya kahit maalinsangan keri lang maglugay. 😁

marssie

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #470 on: April 28, 2018, 12:36:01 pm »
^ ang hair cellophane ba treatment na may color?

hushush

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #471 on: April 28, 2018, 03:41:20 pm »
^yes sis merong colored na cello at merong colorless. Pero red lang daw ang color na pagpipilian. Nakatry na ako nung colored nung dalaga pa ako at maganda naman sya. This time kasi nagpakulay ako sa ibang salon bago ako nagdecide parebond :)

marssie

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #472 on: April 28, 2018, 08:52:04 pm »
^ thanks for the info sis.

Nagsearch ako about steam bond! Naiiyak ako, sana pala eto nalang pinagawa ko.  Need to wait for another year para magawa to.

ireneeey

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #473 on: April 28, 2018, 10:58:39 pm »
^ sis, kapag ba rebonded na yung hair kailangan ipa rebond mo na talaga for the rest of your life? Lol. Yung umbok kasi talaga problema ko dahil sa bagong tubo e. Plan ko sana is patubuin na yung natural hair then kapag mahaba na, ipapacut ko na yung rebonded. Mag pag-asa kayang bumalik sa natural yung hair ko?

And how is steambond different from the ordinary rebonding pala? Parang hindi naman kasi lahat ng salon may steambond.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #474 on: April 29, 2018, 03:08:14 am »
May idea ba kayo mga sis if kelan pwede magpacellophane after marebond ang hair? Red color ng hair ko now, iniisip ko if ok ba na pakulayan ko ng red uli once na magdiedown na ang present color or magpacellophane nalang.

hushush

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #475 on: April 29, 2018, 07:36:56 am »
^alam ko sis pede na yan sa cello after ng rebond. Kasi yun sakin ang sequence ganito. Rebond - cello - keratin
Ipa-keratin mo na lang sis after ng cello para di masyado madamage ang hair mo.. Super lambot ng hair ko after ng cello at keratin.. Feel na feel ko iwagayway.. Lol
Sulit yun php1500 ko eh. Babalik ako sa salon na yun. Dito lang yun sa para?aque. Akala ko nga bagong tayo lang yun salon pero 3yrs na daw yun. Maalaga yun owner. 😊

mysterioza_me

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #476 on: April 29, 2018, 07:47:10 am »
^Thanks sis. Siguro pa-cello/keratin ko na nga, sana ma-keep yung red hair ko (brunette/burgundy. Ganda pala ng red hair nakakabright ng skin lalo. Rebond+Brazillian+Color+Treatment (na di ko matandaan) pinagawa ko recently lang. Coconut Hair mask from Human nature ginagamit ko na everyday conditioner, di ko type ang amoy. Ano kayang maging keratin treatment ang pwede gamitin as conditioner?

hushush

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #477 on: April 29, 2018, 01:44:49 pm »
Nag-brazillian ka pala sis. mahal yun a hehe. .. Ako cream silk lang so far ang ginagamit ko yun keratin saka vitamin treatment kasi 3mins lang sya prior to rinsing. Meron din ako yung sa watson na argan keratin cream. Super lambot at smooth sya pero 40mins naman ang babad sa hair..pero ambango nun ha.. 😊
Minsan naman yun mane and tail na hot oil cream pero need kasi ng heating sa hair nun kaya once ko lang ginawa kasi indi maganda ang result pag walang hair warmer.. Mas oks ako sa kerating cream ng watson. Mura pa. :)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #478 on: April 29, 2018, 02:46:35 pm »
^Thanks sis. Sabi kasi ng stylist maganda daw gamitin na conditioner yung mga pang keratin treatment.

marssie

  • Guest
Re: Hair Rebonding/Relaxing/Straightening Thread V
« Reply #479 on: April 29, 2018, 03:46:42 pm »
^ sis, kapag ba rebonded na yung hair kailangan ipa rebond mo na talaga for the rest of your life? Lol. Yung umbok kasi talaga problema ko dahil sa bagong tubo e. Plan ko sana is patubuin na yung natural hair then kapag mahaba na, ipapacut ko na yung rebonded. Mag pag-asa kayang bumalik sa natural yung hair ko?

And how is steambond different from the ordinary rebonding pala? Parang hindi naman kasi lahat ng salon may steambond.

Hindi naman forever :) pag nawala na yung rebonded hair bumabalik naman ang natural hair, problem lang talaga pag lumalabas ang regrowth ng nandyan pa yung rebonded hair masyadong obvious ang pagkakaiba nila kaya minsan hindi magandang tignan. Nung nanganak ako at nag pa BF,halos three years akong hindi nagparebond and gustong gusto ko natural wave ng hair ko, ewan ko ba bat ako nagpa rebond ulit.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close